December 4, 2007

Tanks For The Memories

As of December 3, 2007...



BACK TO BUSINESS NA DAW PO ANG MANILA PENINSULA, ang primyadong hotel sa may Ayala na ginawang panandaliang kuta nila Trillanes habang pinagmimitingan ang sunod na hakbang sa kanilang plano ng "New Government".

Ang nasabing hotel ay inararo ng tangke ng mga militar sa panig ni Pangulong Gloria Arroyo sa kagustuhang mapalabas sila Trillanes.

10 milyong piso ang halaga ng nawasak na ari-arian nang gawing garahe ng isang APC ang lobby ng Manila Peninsula sa isang effort na tuluyan nang mapalabas sila Trillanes sa loob. Nag-aral pa daw sa Iraq ang drayber ng nasabing APC tank at sanay na daw ito sa santong paspasan kaya't di na siya nag-atubili pang ipasok ang kanyang tangke sa masikip na puwang ng Manila Pen upang mapalabas si Trillanes. Kung naglabas-pasok man ang tangke upang lalo pang mapalabas si Trillanes ay hindi ko na alam. Bahala na ang imahinasyon nyo.

Hindi daw umepekto ang mga tear gas sapagkat sanay na sanay na daw sila Trillanes dito sapagkat ito ang kanilang early morning Vicks Inhaler at gayun din ng Magdalo.

Hindi na din daw tinanggal ang nasabing tangke sa lobby para magsibling tourist attraction at mabawi ang nawalang kita ng Manila Peninsula.
Bay, dito po ba yung parking?

Para sa Manila Peninsula, alay ko ang kanta ng Radioactive Sago Project.

Wasak na Wasak
by Radioactive Sago Project


Hey hey hey

Wasak na naman sa pag-ibig
Wasak na wasak
Wasak na naman sa alak
Wasak na wasak
Wasak na naman sa gutom
Wasak na wasak
Wasak na naman, teka, namatay

Chorus:
Wasak na wasak na wasak na naman (4x)

Wasak na naman sa asawa
Wasak na wasak
Wasak na naman sa sugal
Wasak na wasak
Wasak na naman sa bahay
Wasak na wasak
Wasak na naman kaya namatay

[repeat chorus]

Wasak na naman sa gobyerno
Wasak na wasak
Wasak na naman sa dasal
Wasak na wasak
Wasak na naman sa buhay
Wasak na wasak
Wasak na naman kaya namatay

[repeat chorus]



3 Winners:

XienahGirL said...

33 times nabanggit ang wasak
sa kanta na yun
:D
wahaha

yung tangke
pinalipat ko sa bahay namin
ang laki kasi
ng parking lot namin
masyadong bare
haha

Mariano said...

Ikaw, mahilig kang magbilang. Parang mga HI at HELLO lang.

Baka mademanda ka niyan! Kinuha mo ang historical artifact na nakadisplay sa Manila Pen.

Taniman mo na lang ng togue yung parking lot nyo, haha.

Macky said...

haha... sana dun na rin si trillanes kasama ng tangke. lagay sa kulungan sa lobby parang unggoy... hahahaha