Tag 01 from Friendster
Well, hindi naman sa lahat ng oras pero parang feeling ko lang na wala nang nagawang maganda ang mga pwersa ng mundo sa akin.
Alam ko naman na nagsisimula pa lang ako dito sa pagpapalaganap ng sinasabi kong "blog" at wala pang nakakakilala sa akin masyado.
Kaya nga ba't salamat sa mga nakilala ko na nagparamdam at nagkomento na sila Meryll, Abad, Macky, at KingDaddyRich.
Mga nakadaldalan na pinangunahan ng diyosa na si XienahGirl tapos sina Noime, at Fer Bert.
At dahil nga wala pa akong kilala dahil loser at weakling ako eh walang magta-tag sa akin.
Ano ba tong TAG na to?
Wala lang naman. Mga Internet MEME lang naman ito na lumalaganap sa mga tao sa internet, kadalasan sa blog.
Kaya nga nainggit ako eh. Masaya din siyang sagutan. Parang mga tanong sa slum/slam book.
Kaya naman napagpasyahan ko na lang na kumuha ng random items sa internet para masagutan at maipamasak sa blog kong walang saysay.
Salamat Friendster sa iyong random items
Medyo may kahabaan pero pasensya ka na.
1. who's the latest person in ur inbox?
phone: Si "bea"
friendster: Si Zie
2. sport you last played?
- Pingpong sa may opisina. Libre ito at talagang nakakapawis lalo na't matindi ang hatawan. Mas nakakapagod manood ng mga magagaling maghatawan na parang mga members ng frat na may paddle. Di ako marunong kaya nakakahiyang makipaglaro.
3. last person you hang out with?
- Si "maja" at ang iba pa naming friends.
4. what do people first notice when they meet you?
- Kung kasali daw ba ako sa banda dahil ng rakista/adik look ko.
5. do you like peanut-butter?
- Masarap siya. Sa katotohanan, matagal na akong hindi nakakatikim ng Santiago's Peanut Butter dito na talagang the best dito sa aming lugar. Hindi ko naman alam kung namatay na ba ang ninunong Santiago kaya't di na makapagpatuloy sa produksyon. Pero gusto ko talaga ang Santiago's Peanut Butter.
6. Do you read comics?
- Oo, minsan din. Pugad Baboy, sa Explosm.net, sa komiks ng Libre.
7. Do you have a crush? How many?
- Panghighschool na tanong. Crush? Mga girls ng FHM ang karamihan. Halos lahat sila crush ko. Lalo na si Asia. I like to taste her Philippine body, and her African boobs, and her Japanese Sushi.
8. do you like earthquakes?
- Nung last na lumindol, hindi ko gaanong nagustuhan. Nahilo kasi ako at medyo natakot ng saglit. Kung sa flat land ako naka-experience, baka matuwa pa ako. Or kung earthquake sa ilalim ng kumot, matutuwa talaga ako ng husto.
9. worst nightmare?
- Wala pa naman akong makapigil-hininga at makatindig-balahibong nightmare. Ang natatandaan ko lang eh yung parang nahuhulog ako at may mga halimaw sa kung saan-saan. Ewan ko ba, natakot din ako nun.
10. favorite coffee place?
- Sa kusina. O kaya naman sa tabi ng PC sa opisina. O sa tabi ni Diana Zubiri habang nagpapahiran kame ng whipped cream sa katawan.
11. wanna be happy?
- Sino bang may ayaw nun. Si Will Smith nga nag-pursuit pa ng happyness, ako pa kayang normal na tao lang.
12 . your current close friends?
- What about them? Tinatanong mo kung sino? Ah, sa tingin ko yung mga kasama ko ngayon sa samahan namen saka yung mga nakakachat ko at nakukwentuhan ng talipandas kong buhay na walang kapana-panalo.
13. most people would describe you as:
- Gago, maingay, sira-ulo, kwela, makulit, at stunt man.
14. thing/s you hate about yourself?
- I have very little perseverance.
- I have very little patience
- I am a very very undecisive person.
15. vegetable you hate?
- Labanos. Ewan ko kung anong ayaw ko rito. Kinakain ko naman halos lahat ng gulay gaya ng talong, ampalaya, bitswelas, sitsaro, upo, at patola. Gulay ang pinag-uusapan dito at hindi kung ano.
16 . do you like to go out on a shopping trip?
- Kapag meron akong bajillions of Dollars, di ko aatrasan yan. O kahit shopping trip sa DV pwede na.
17. favorite cartoon character?
- Ang mga The Simpsons, saka ang Griffins. Si He-Man at She-Ra. Si BraveStarr, saka ang Justice League.
18. can you sing?
- Ehem ehem, depende sa dami ng nainom.
19. favorite past time?
- Manood ng pelikula. Mag-bloghop. Mag-surf ng kung ano-ano. Makipagdaldalan. Matulog. Kumain.
20. are you happy?
- Mahirap sabihin yan eh.
22. have a diagnosis?
- Sa ngayon, wala pa naman. Wala pa naman akong napapagpacheck up-an na doktor kaya walang makakapagsabi ng diagnosis ko.
23. first thing you do when you wake up?
- Bumangon.
24. where are you right now?
- Sa harap ng PC ko sa salas sa bahay.
25. what are the things you like to do alone?
- Manuod ng pornograpiya, magpantasya sa pornograpiya, suriin ang pornograpiya (at kung maaari maging star sa pornograpiya), magpatugtog ng ubod ng lakas, at magtatambling sa palibot ng bahay.
26. are you ok now?
- Sa palagay ko eh maayos naman ako sa ngayon.
27. how many drinks before you get really drunk?
- Depende kung inaantok na. Siguro mga 10-12 bote ng beer. Tapos mga 3-5 na bote ng Red Horse Grande.
28. are u attached 2 some1 ryt now?
- Hmmm... mahirap mabanggit eh. Wala naman siguro sa ngayon. Friendly-friends lang.
29. what is a perfect love to you?
- Aba, at ganito na pala ang mga uri ng tanong ngayon. Akala ko noon eh 'what is love' lang ang mga tanong. Sa tingin ko ang perpektong pag-ibig ay yung walang halong pagaalinlangan at pagdududa, puro malisya lang.
30. are u missing someone?
- Hindi someone pero something.
I miss my childhood.
I miss my childhood, kung saan wala kang aalalahanin, wala kang pag-iisipan ng matindi, wala kang aasikasuhin, magkakaroon ka ng kagalit pero magiging kabati mo din sa katapusan ng araw.
Masusugatan ka at marami ang magaalaga sayo.
Magkakasakit ka at makakatikim ka ng pinakamasasarap na pagkain.
Makakabili ka ng mga bagay na simple lang pero gustong-gusto mo na.
Makakaligo ka sa ulan nang nakahubo't hubad.
Makakabili ka sa tindahan ng hubad at nakabrip lang.
Makakatanggap ka ng maraming regalo at limos... aginaldo sa mga ninong at ninang mo.
Wala kang responsibilidad kundi ang pasayahin ang mga magulang mo, ang sundin ang simple nilang mga utos na tila ba ang hirap-hirap.
Mapalo paminsan-minsan para malaman mo ang kamalian ng ginawa mo.
Nakakamiss ang kabataan ko, mabait at walang hadlang sa kasiyahang nadarama.
Nakakatuwa ang mga bagay na pinagsasaluhan natin, at ang mga tampuhang walang kwenta.
Ang mga matatamis na katagang tunay na tunay at walang pag-aalinlangan.
Ang mga pinagsamahan sa hirap at ginhawa.
Sa panahon na malungkot ang bawat isa sa problema ng pamilya.
Nakakamiss ang walang puknat na telebabad.
Pinaglalabanan ang kaantukan para lamang makakwentuhan ng mga bagay na pagkukwentuhan pa din sa umaga.
Nakakamiss ang mga bagay na pinagsasaluhan, tulad ng pulburon at yema.
Nakakamiss ang mga paglalambing, ang katamisan ng pagsasama.
Nakakamiss ang unang panahon na mahal na mahal pa natin ang isa't-isa.
5 Winners:
unang ginagwa mo
kapag gumising ka--
bumangon?
ako kasi dumidilat muna e
wahaha
haynako
ayan ba ang tula
na dulot ng ulap?
wahaha
Einuhkahbah pareeee. Hindi mo pwedeng sabihin na unang ginagawa mo kapag gumising ka eh dumilat dahil the moment na gising ka na, dun ka pa lang didilat. Hindi counted yun. Para mo na ding sinabi na gising ka na nang nakapikit ka.
magpapansin ka lang sa ibang blog at dadami din ang tao dito.
Oo nga Abad, salamat sayo! :D Ganun nga ang sinisimulan kong gawin, hehe. Maraming salamat! :D
I have read a scarcely any of the articles on your website trendy, and I really like your tastefulness of blogging. I added it to my favorites entanglement page list and resolve be checking back soon. Please check out of order my site as highly and vindicate me conscious what you think. Thanks.
Post a Comment