December 1, 2007

Sorry

Sa paanong paraan ka ba makakabawi sa pagkakamali mo?

Magsorry? Gasgas na. Wala nang katas. Wala nang lasa. Parang nginuyang bubble gum na malapit nang malusaw sa bibig mo. Parang utot na walang amoy. Wala nang essence. Ito na yata ang pinaka-overused na salita sa mundo ng pakikipagrelasyon.

Sorry ka nang sorry. Do you ever mean what you say?

Sa una lang siguro. Kapag kasi nakaulit ka na ng kasalanan, madalas nagiging kampante ka na. Lalo na't mabait ang ginagawan mo ng kasalanan. Nagpapalampas lang. Isang sambit lang ng sorry, nakakalimutan na ang kasalanan. Natatakpan nang panandalian ang butas. Nakakapag-pretend kang okay na lahat kasi nagsorry ka na. Tuloy ang kasiyahan.

Sorry na.
Patawarin mo na ako.
Pagpasensyahan mo na ako sa nagawa ko.
HINDI NA MAUULIT.



Pero may limitasyon ang lahat.

Ang butas na tinakluban nang panandalian, maaaring masira dahil sa pressure.

Consider this - Isang butas sa ilalim ng tangke ng tubig. Napupuno ang tangke. Kapag dumadami ang tubig, tumitindi ang pressure. Ang panakip-butas mong mga sorry, di na uubra sa naipong pressure ng tubig.

Eventually, ito ay mawawalan ng bisa at aagos ang lahat ng tubig mula sa tangke.

Patuloy itong aagos at hindi na muli pang matatapalan pa.

I. Am. Sorry. With matching puppy dog googly eyes.

Hanggang dito ka na lang.

Kung hindi ka pwedeng makipag-usap ng matino, wag ka nang magsambit ng sorry. Walang saysay ang usapan. Walang patutunguhan ang conversation.

Nakakasawa na. Kung ako ngang nagso-sorry, sawang-sawa na sa sarili kong sorry, yung pinagsasabihan pa kaya.


Sa pagkasira ng tangke ng tubig, mahihirapan ka nang tapalan ang napakalaking sira na idinulot ng malakas na pressure ng tubig.

Wasak pa ang tangke sa dahil sa tindi ng pressure. Hindi na ito pwedeng tapalan pa ng kahit na ano.

Ano ang gagawin mo?

Magpupumilit na buuin ang tangke? Mahirap. Madaming piraso ang nawala. Hindi ito natapalan ng sorry mong walang kwenta. Wag mo nang buuin ito gamit ang welding machine mong gawa sa mga kasinungalingan. Maghanap ka na lang ng ibang tangke na sisirain mo.

Hindi Diyos ang kasama mo para pakinggan at tanggapin ang ubod ng dami mong paliwanag na wala namang katotohanan. Ang Diyos di nagsasawang makinig.

Mortal lang ang mga tao. Natatapos ang lahat.

Sana lang sa susunod na magsabi ka ng sorry at pasensya,hindi na mauulit. Maging sapat sana ang katauhan mo sa puso mo para baguhin ang sarili para mabawasan na ang pagsasabi ng sorry. Gampanan mo ang sinasabi mo at wag gumamit ng sorry na parang paghinga lang.

Magsorry ka dahil nagkamali ka at ipaalam mong maaayos mo ang lahat.

Hindi exit path ang salitang sorry.
Isinasapuso ang pagsasabi nito.
Sana hindi na maulit.


Kung di mo kayang isapuso ang pagso-sorry, pekein mo na lang.
Pekein mo na lang din ang sarili mong emosyon.
Pekein mo na din ang respeto mo sa sarili mo.


Ang tunay nag pagsosorry, ipinakikita.

Hindi ito ipinaririnig.

3 Winners:

Anonymous said...

kahit gaano kadaming sorry pa
ang sabihin mo
hindi na niyan maibabalik
ang ano mang nawala
WALA NA

hindi ibig sabihin ng SORRY
na hindi ka na gagawa
ng kasalanan
sa totoo lang
ang sorry--
can break or make something

touch move.

Mariano said...

Kapag nagso-sorry ka ba, umiiyak ka or nakatawa? Haha, wala lang.

Ewan ko, depende sa pinagsorihan mo. Kung si Pope John Paul, mataas ang tyansya mong mapatawad.

Kapag sa teacher ko nung elementary ka nagsori, walang guarantee ang kapatawaran.

Ngayon, kung magsosorry ka ba, sure ka bang di ka na uulit? Ano? Deal or No Deal?

Anonymous said...

sorry naman..