January 5, 2012

Tumblr Ask of the Day: Is it possible na virgin pa ang girl kahit di dumugo kapag pinasok?

It’s really hard to tell since I don’t have a vagina of my own to answer your question with (if I had one, I’m sure it’s not going to be a virgin one anymore), and I think it’s unfair to ask someone to perform an actual test of this ‘phenomenon’ for the sake of answering your question.

Bago ko sagutin ang tanong mo, itinanong ko na din ito sa ilan sa mga kasamahan ko sa opisina.

Ang sabi nila, pwede na ding mawasak ang hymen - ang manipis na membrane na nakabungad sa kepyas - sa ilang physical activities tulad ng gymnastics, pagbibisikleta, pag-bukaka on a daily basis, at aksidenteng pagkaka-upo sa titi ng kung sino mang hubad na lalaki.

Tapos, I consulted Kumpareng Google and asked him about “Will a vagina always bleed on its first penetration?”

Here’s what I found out, so far:

From this copy-pasted Cosmopolitan article -

Many people believe that bleeding after intercourse is a sign of virginity because it proves that the hymen — a thin, fleshy membrane that partially covers the vaginal opening — “broke.” But not all women bleed the first time they have sex. Not only can hymen tissue simply stretch during penetration, rather than tear and bleed, but it is also very common for the hymen to rip before a woman ever has sex. Physical exercise, like riding a bike or doing gymnastics, injury to the genital area, or inserting a tampon, finger, or sex toy into the vagina can all cause the hymen to split. Sometimes there will be discomfort and blood when the hymen tears, or there may be no blood or pain at all. In fact, you may not even know when your hymen breaks.

Base sa article na ‘yan at sa sagot ng mga kaopisina ko, may mga physical activities na maaaring makapunit ng hymen ng isang babae, at ang siya ring magiging dahilan ng hindi niya pagdurugo sa unang tagpo at virgin pa siya.

Sabi din dito sa Gynecology article

… the hymen is a poor indicator of whether a woman has actually engaged in sexual intercourse because a normal hymen does not completely block the vaginal opening.

So kung maliit naman ang titi ng unang naka-sex nung babae eh pwede pa din niyang i-declare na virgin siya kasi hindi naman na-damage ang kanyang hymen.

At samakatuwid, kung hindi pa napapasukan ng sandata ang hiyas ng isang babae at hindi naman ito nagdugo, virgin pa din siya dahil maraming nabibiling virginity soap at ugat-ugat sa Quiapo na makapagpapabalik ng virginity ng isang pekpek.

Bakit, may issue ba kung virgin pa o hindi ang isang babae?

Elongate...

December 30, 2011

Nung isang araw eh nag-shopping ng boxers si Aling Maring at Mang Lucio

Nung una, nagpunta daw sila sa 50-peso boxers. Tapos sumunod naman, sa 20-peso each pero mga low quality daw ang dating.

Tapos ang good buy daw nila eh dun sa 3 for 100 na boxers.

Umabot sila ng 500 pesos worth of boxers. Kung wrestler ang mga boxers, Boxermania nang matatawag ang event na yun.

Tapos yung suot kong boxer ngayon, hindi pa nalalabhan.

Iniisip ko ngayon kung gaano na karaming kamay ang humawak sa boxers na ‘to at ilan dun ang:

* Chicks - which is malabong mangyare, unless nautusan silang bumili ng magulang nila or buying it for teh boypren
* Nanay - sana man lang MILF
* Lola - sana LILF
* May galis ang kamay
Dapat na siguro akong kabahan kapag nakakita ako ng rashes sa singit ko, tapos papakuluan ko na yung iba pang boxers na isusuot ko sa mga darating na araw.

Elongate...

December 16, 2011

What if

Nagpalit ng pwesto si Papa Jack at ang isa sa mga Tulfo Brothers?

Papa Jack on a show tungkol sa pang-aabuso ng kapitbahay: “EH AYAN KASI ANG TANGA-TANGA MO! BAKIT KA KASI NAGPAPAABUSO? DON’T YOU KNOW IT’S AGAINST THE LAW ITONG MGA GINAGAWA NG NEIGHBORS MO? YOU SHOULD NOT BE ABUSED LIKE THIS! WAG KANG TATANGA-TANGA PAGDATING SA MGA GANYANG BAGAY! IT'S YOUR RIGHT TO BE VALUED AS A HUMAN BEING! DO NOT LET YOUR RIGHT BE TRAMPLED UPON AND LAMBASTED BY ABUSIVE PEOPLE AROUND YOU! GAWAN MO NG AKSIYON OKAY?!"

Tulfo Brother on a love show for a radio station: “EH ANO BANG GUSTONG MANGYARI NG PUTANGINANG BOYFRIEND MO NA YAN? YANG DEMONYONG YAN ANG NAGPAPAHIRAP NG PUTANGINANG BUHAY NIYO EH DAPAT DIYAN BINUBULOK SA KALUNGKUTAN AT BINIBIGYAN NG KAUUKULANG AKSYON! HARASSMENT YAN ALAM MO BA? MYRNA PAKISAMAHAN NGA ITO SA DSWD!”

And so on, and so forth.

Elongate...

December 7, 2011

SAY HELLO TO MY LITTLE FRIEND!!!


It’s not really my friend, since it’s totally disgusting and it’ll definitely be a source of cringe-fest for all the women in the office.


It appears that I have bad blood (which is not related to being a bad-ass), and this is the second boil that I got this year.

If you do not want to get one of these, you better stay healthy. Eat more vegetables and be more hygienic, exercise regularly, and lessen the amount of masturbations you do each day. I think that’s the main source of this boil.

Come to think of it - this may not actually be a boil, but a product of my mismanaged sperm squirt. Could it be that I have suddenly inseminated my own arm?

I do not wish to know if a child suddenly springs out of my hand, thus I am extracting this with the help of Kath’s medicine from Dubai.

Good side: This will produce a nasty scar, which will be a good reason for a tattoo.

Elongate...

December 6, 2011

Mariano Juancho's Bad Buys

There are a lot of things that a person can buy with 35 pesos: A 2-liter bottle of Mountain Dew is already worth 35 pesos in the grocery. A complete meal, a burger, a sundae, 4 pieces of siomai, a hotdog sandwich, 2 waffles, a small bowl of Hong Kong fried noodles, and plenty of isaws.

Apart from the 35-peso worth of half pack cigarettes that I bought last month (which is totally justifiable since it is highly needed by my dying lungs), I also bought this a while ago.

image


I was under the impression that all Lotte products tastes excellent. But of course, that judgement is based on Milkis (another Lotte product) alone.

Now, don’t get me wrong. I can understand Korean writing. This one right here says: “A useless liquid shit in a can that is made up 72% water extract from peach skin.” It’s like the whole factory of this shit is flavored by a single fruit of peach.

So I hope this is the last item of this series because I do not wish to get poor due to totally unimportant things that I impulsively buy.

Elongate...

November 30, 2011

Yung Mitchie eh buntis, at hindi siya talaga ganyan mag-isip


Bale may nasagap pa akong balita.

Nagkaroon daw ng matinding misunderstanding sa relasyon ni Piolo at KC.

Nung minsan daw na magkakaroon sila ng sexy time eh pumwesto na daw si KC at tumuwad.

Naghihintay na siyang pasukin ni Piolo nung maisip niya na masyado yatang matagal.

Patay ang ilaw nung mga oras na yun kaya naman pumunta si KC sa switch at binuksan niya ang ilaw.

Kaya naman pala matagal si Piolo dahil parehas pala silang nakatuwad ni KC.

*Yung joke ng parehong nakatuwad eh nakuha ko lang sa joke ng bakla sa comedy bar at hindi talaga orihinal ang mga ideya ko*

Elongate...

November 29, 2011

Work is shit, but it provides the means to buy things that I need

So here's how I interpret things that's listed on my payslip:

The Money I Earn:

Overtime pay - The total hours of work that I have been ordered to complete due to other's incompetence which is also good since it gives me extra time to earn money and slack off simultaneously.

Basic pay - The amount of money which I am very much unsatisfied with and is also the amount of money that I have agreed to be paid in place of my services but keep up with it since it is easier to stay than look for another job.

Night differential - The payment that I receive for not receiving pleasurable sleep and could also be the compensation for the amount of brain and blood cells that I lose each night.

Other premiums - The payment that I receive to let me believe how intellectually adept I am to handle this kind of job and will be used to equate the deductions that will eat up most of my salary.

Total Deductions A.K.A. The Total Destructions Of My Dreams:

HDMF Premium (Pag-ibig) - Deductions for my future house and lot, not entirely significant due to the amount deducted every cut-off.

Philhealth Premium - Deductions that will pay for my hospital bills for eating and drinking too much or basically living my life and abusing my normal bodily functions and is usable at the age of 50 and above.

SSS Premium - Deductions which will make me feel secure at the chance that my kids will abandon me at my senile years and will be the money that I will use to pay for Internet subscription when I am old and useless.

Withholding tax - The punk-ass bitch that I think is not necessary since the government does not give me what I want which is the entirety of my salary and things that I apparently use everyday but does not improve in spite of the fact that I work my ass to pay for these so-called government plans.

HMO Deduction - The payment I provide for the security of my beneficiaries and I wish the withholding tax would just be transferred under this category.

Additional allowances:

Rice subsidy - The peak of all the allowances which provides sustenance to my daily hunger and does not equate to the amount of rice that we buy each month and the money that I most probably have spent on cigarettes and alcohol.

Meal allowance - The insignificant amount of money that I get since I don't buy meals at the office and should be renamed into "cigarettes and alcohol" allowance.

Laundry allowance - The amount of money that I should be paying my mother for the laundry that she does for me.

Uniform and clothing allowance - The amount of money that I should be using to replace all my daily-worn Artwork shirts and is also the amount of money that I should be spending to look more like a working professional/human being rather than a mindless hobo.

Elongate...

November 26, 2011

Yung supervisor ko, nakakatanggap ng mga pagkain galing sa kanyang Secret Santa

Nung isang beses, hindi namin naabutan nung kasama ko sa shift yung naglagay ng chocolate mallows sa lamesa nung bisor ko.

Gusto na sana naming lantakan habang wala pa yung bisor namen.

"Arvin, enjoy your shift!", ang nakasulat dun sa lalagyan.

Napaisip na din kame kung kakainin na ba namin.

Okay pa kung sa babae nanggaling. Ang pinakalalang pwede lang naman nung gawin eh ipunas sa maselang bahagi ng katawan niya yung mallows, bago niya iregalo.

Kaso, KASO! Meron ding mga baklang nagkakagusto sa bisor ko.

Tapos kanina, pinaghati-hatian na naming lahat yung chocolate mallows.

Bahala na kung basta na lang magkaron ng appeal sa akin ang kunsinomang bakla dito sa opisina.

Elongate...

November 22, 2011

Kasalanan din ng driver minsan kahit late akong umaalis ng bahay

Alam ko naman na dapat akong umalis ng maaga para hindi ako nahuhuli sa trabaho. Pero masarap tumambay sa bahay, kahit mas mabilis ang internet connection sa opisina.

Bale nung nakaraang linggo, tatlong beses akong saktong-sakto lang sa pagdating sa opisina.

Tumatakbo pa ako nun.

Mula sa "Dito lang po ang babaan/sakayan" part, hanggang sa marating ko ang istasyon ko sa opisina eh tumatakbo ako.

Bale ba eh 3 minuto ko lang dapat takbuhin yung mula 1st floor papuntang 4th floor (na may elevator naman) na layo para umabot ako sa pinakasaktong oras na dapat kong abutan.

Pero nung isang araw, hindi na ako umabot.

Paano ba naman kase eh yung FX na nasakyan ko eh kasama yung pamilya niya sa sasakyan.

Bukod sa focused na focused siya sa paglalambing sa anak niya, bawat tao na makita niyang nag-aabang eh ina-assume niyang sasakay. Nagpapasikat siguro dun sa asawa na masipag siyang mag-trabaho at hindi sila mauubusan ng chicharon sa araw-araw.

Tapos nung bumaba na yung mag-ina, inantay niya pang makatawid sa kabilang side, habang inihahatid niya ng tingin yung dalawa.

Hindi naman siguro mapapaano yung mag-ina mo no? Pwedeng umalis na tayo para miski man lang isang minuto bago ako mag-login eh umabot ako?

Kaso, hindi. Inintay niya munang mawala sa paningin niya yung mag-ina bago tuluyang umandar.

Tapos, isinakto pang may lalaking gumamit ng elevator para lang umakyat mula sa 2nd floor, papunta sa 3rd floor.

Hehe. Facepalm all over the place na lang eh.

Elongate...

November 13, 2011

Earth

Nung una, hindi ko alam kung bakit takot na takot si ate sa bulate Yung bulate na Earthworm lang naman na madalas niyang nakikita sa banyo.

As in kung makatili siya eh tila nasa 8th Octave na at may balak pang makipagkumpetensya kay Mariah Carey, tuwing may bulate sa banyo.

Sa hindi ko rin malamang dahilan eh napapadalas ang paglitaw ng mga bulate sa banyo. Parang may semi-infestation yata sa ilalim ng tiles namin or mula sa drainage na umaakyat papunta sa banyo.

Tapos madalas, nakikita ko sila sa ilalim ng balde, or sa pader na paakyat na.

Pero hindi ito sapat para ikatakot ko, saka hindi naman talaga ako takot sa Earthworm in the first place. Budburan mo lang ng asin yan, magdidisco dance na yan hanggang mamatay.

Until...

Nung isang araw na nagbukas ako ng toilet, eh may nakita akong napakatabang Earthworm sa bowl. Malinis at malinaw yung tubig so kitang kita mo siyang nag-squiggle pataas ng bowl.

Miski ako muntik nang mapatili nung makita ko yun.

Ano bang malay mo na habang nakaupo ka sa bowl at umiire ng pagtae eh sumalisi siya papasok sa pwet ko? Hindi ko na yun mararamdaman siyempre dahil ano ba naman ang pakiramdam ng malambot na katawan nun sa magaspang kong tae.

Hindi ko akalain na ganun na lang ang mental torture na kayang ibigay ng isang Earthworm. Mas malala pa sa ipis.

Tapos hindi ko alam na meron na pala akong bulate sa tiyan, at kasalukuyan siyang nagbi-breed at nangingitlog sa loob ng aking bituka. Minsan isang araw, ako ay magiging isang empty shell na naglalakad sa gitna ng daan na bulate na lang ang pumipiloto sa utak ko, at sa katanghaliang tapat eh bigla na lang akong sasabog at magtitilamsikan ang bulate mula sa katawan ko.

Malay ko ba kung bulate na lang ang nagsusulat nitong post na 'to at hindi talaga ako?

Elongate...

October 24, 2011

Binata, Dalaga, Tricycle Driver

Hindi na niya pinairal ang kanyang kunsensiya. Nagparaya siya sa tawag ng laman — at ng dugo. Wala nang kung ano mang makapipigil sa kanyang kahayukan.

Nang makita niya ang dalaga na bumababa ng traysikel, kaagad niya itong hinawakan sa braso. Mahigpit. Higpit na makakapatid na ng ugat.

“Aray ko! Bitawan mo ako! Masakit!”, hiyaw ng dalaga.

“Pare, ano bang ginagawa mo?! May problema ba?”, pasigaw na tanong ng traysikel drayber.

Hinila niya ang dalaga papunta sa bangketa at kaagad na sinikmuraan. Namilipit ito sa sakit at napahiga sa may semento.

Hindi nakakilos sa gulat ang drayber. Habang tinitignan niya ang dalaga’y napansin niyang nasa likod niya na ang binata.

Naramdam siya ng kakaibang sakit sa kanyang likuran. Maya-maya’y nakita niyang may mga daliring sumibol mula sa kanyang kaliwang tadyang. Darili na mabilis na nabuo bilang braso. Ang braso ay punum-puno ng litid, piraso ng laman, at binalot ng dugo.

Nakaramdam siya ng panghihina ng katawan at paninikip ng hininga. Pinilit niyang intindihin ang mga pangyayare, ngunit huli na ang lahat. Nawala ang braso sa kanyang tagiliran at nagdilim na ang kanyang paningin.

Dinukot ng binata ang kanyang bimpo at kaagad pinunasan ang dugo’t mga piraso ng laman sa kanyang braso.

Bumaling siya sa dalaga.

“Kamusta ka na Maria?”

Elongate...

July 20, 2010

Difficult

Difficult. Fucking difficult. Nawala na ang lahat ng kagustuhan kong makapagbahagi ng pang araw-araw kong karanasan sa pagtahak ng mapait at matamis na landas ng buhay.

Naubos na ang bala. Natuyot na ang lalamunan. Nakalbo na ang bumbunan.
Wala na yata talaga akong pag-asang makapagbahagi ng saloobin ko tulad ng dati ko nang ginagawa.

Maaaring dahil ng trabaho. Sa tipo ng trabahong meron ako ngayon, hindi na kasingkulay ng nakaraan kong gawain ang meron ako sa kasalukuyan. Paulit-ulit-ulit ang nangyayare. Hindi na spontaneous ang daloy ng kaisipan. Nakasadlak na lang sa iisang klase ng kapaligiran.

Nakakalungkot din para sa blog ko. Kawawa naman siya. Dati, andami-daming dumadalaw at bumibisita. Pero ngayon, iilan na lang. Kaya nagpapasalamat naman ako sa mga dati nang bisita at mga bagong pangalan na nagkokomento. Hindi ko maiipangakong makakapagbahagi akong muli ng makulay (at mabantot) na karanasan sa hinaharap, pero hindi ko naman hahayaang mawala ang bisyo ko ng pagbabahagi sa pamamagitan ng pampublikong pahina.

Sadyang di na kasing makatas ang isipan ko ngayon. At wala na ako sa link list ng Sosyalera.net eh. Yun lang naman talaga yun. Nalungkot ako dahil hindi na aktibo ang blog na ito para magkaroon ng karapatang mapalagay sa pamosong blog.

K, back to regular programming.


Elongate...

May 20, 2010

Wala lang ito, hindi lang kasi talaga ako makapag-update

Testingin natin ang 24-hour Customer Support ng Unionbank.

Tatawagan ko na sila matapos ang isang linggo kong paghihintay.

Hindi ko alam kung nagwalis ng kamalasan nung araw na yun at sa basurahan ko pa itinambak.

Nag-withdraw ako ng pera, na-debit pero walang na-dispense.

Pumapalakpak pa ang tenga ko nun at kumikinang ang mga mata ko habang nag-aabang ng perang iluluwa ng ATM Machine (redundant) na maaari kong ipampaligaya ng malungkot kong bulsa.

“Your transaction has been cancelled. Please try again later.”

Fuck. Ano ‘to?

Nag-check ako ng balance. P68.95.

Pu. Tang. Ina. Ang malas ko. Minsan hindi din maganda yung gahaman ka’t wi-withdraw-hin mo lahat ng laman eh. Dapat kung magkano lang yung kailangan mo sa araw na yun ang kunin mo.

So 30 minutos akong nagpapaikot-ikot sa makinang yun nang walang laman ang isipan.

Bumalik sa machine, umaligid ng konti. Nag-abang ng ibang taong gagamit at baka nga naman kasi biglang sangkaterbang lilibuhin ang lumabas sa na-withdraw nilang P500 pesos. Oo, sinilip ko talaga kung magkano ang na-withdraw nung manong.

Pagkatapos, nagtanong ako sa guard kung san pwedeng mag-report. Eh san pa nga ba, eh di diretso sa bangko. Kinuha ko agad yung number ni ATM.

Mainam naman at walking distance lang ang bangko na may-ari ng ATM. Starts with a letter M, and ends with the letters etrobank.

Nai-report ko naman agad with a heavy heart at umaasang ipagwi-withdraw na lang ako nung magandang aleng mukhang masungit dun sa kaha-de-yero nilang dambuhala at ipa-pamper niya ako with all the apologies and “sorry for the inconvenience”. Sinampal lang ako ng katotohanan ng mga katagang “5 to 7 days bago ma-confirm.”

“Paki-report mo na din sa bank mo.” Ugh, okay. First time ko ‘to eh.

Lakad ako sa Unionbank para mag-report. Tawag ako sa may hawak ng account number ko para ma-check. Nailaglag ko pa yung telepono nila sa sobrang aborido ko. Reason number 1 para ma-delay ang transaksyon.

“Ah, okay na. Na-debit nga. Na-check na namin. So paki-abangan na lang kung papasok na sa account mo yung pera.”

Gaano katagal?

“Mga one week. Kasi ibang machine eh. Pag Unionbank din yung machine, 3 days lang.”

Okay, fair enough.

Paglabas ko, tinulak ko pa yung pinto at pinuwersang buksan mag-isa. Ruling nga pala ng bangko na palaging naka-lock at gwardya ang magbubukas. Reason number 2 para ma-delay ang transaksyon.

Lumipas ang mga araw. Pulubi mode. Ikinunsidera ko pa na 5 to 7 business days yun kasi walang office sa weekends.

So eto na, lampas na ng 7 business days.

Handa na akong magpaulan ng sama ng loob at reklamo, at luha, at hinanakit, at kawalan ng tiwala sa sistema, at sa pagpaasa na isang linggo lang ang itatagal.

Parang babae ang Unionbank.

Pinatawag ko sila ermats at erpats. Ayaw. Espesyal daw ako at ako lang ang pwede nilang makausap. Pricks. Okay, naintindihan ko.

Good luck to me.

*Dialing 841-8600*

Elongate...

May 9, 2010

I'm Lost

Nakapag-update na ako. So...

What now?

Help?

Hindi ko alam kung paano na ako dapat magkwento. Sa dinami-dami nang nalampasan kong kaganapan sa buhay ko mula nung last sharing ko eh hindi ko na alam kung paano ko ba dapat ilahad ang mga bagay na ito.


Hmmm, ano bang magandang ikwento? Mag-suggest ka nga.
1. Kung paanong proseso ang paghahanap ko ng trabaho.
2. Namatay na yung grandest momma na sari-sari store owner dito sa village namen.
3. Pulitiko at eleksyon.
4. Pagtatae.
5. Pag-ibig
6. Kasalukuyang trabaho.


Elongate...

May 4, 2010

Pwersado

Haaay, ang hirap simulan ang minsan nang nakalimutan. Mahirap balikan ang minsan nang naiwanan.

At mahirap pag-aralan ang math. Pati programming.

Gusto ko ang magsulat. Pero higit pa doon, gusto ko ang pinapansin at nagpapapansin sa mga chicks. Tao, tao ang ibig kong sabihin. Pero tao din naman ang mga chickazoids.

Ewan. Madami akong alam. Madaming laman ang utak kong puro palaman lang naman sa gusto ko talagang sabihin. Which is wala.

That's the point of this post. Dahil nga pwersado siya, at masabi lang na kailangan kong magsulat, alang-alang sa pangako ko sa sarili kong dapat na akong magbalik sa tunay na ugali ko bilang taga-bahagi ng latak ng buhay ko.


Nilamon ako ng Tumblr. Nakakilala ako ng maraming tao at maraming mga batang babaeng gustong-gusto kong kantutin isa-isa pero hindi ko naman magawa dahil:

1. Hindi ko ugali yun.
2. Hindi ko sila kayang pagsabay-sabayin kapag pumayag sila.
3. Hindi ako selfish. Ayaw kong i-hoard ang mga batang yun para sa aking sarili.
4. May gelpren na ako.

Maliban sa ika-apat na item, ang isa pang "nakakagulat" na bagay na pwede kong maibahagi sa inyo eh yung may trabaho na ako.

Yehehes bichez, I iz a workin' fool.

Saka na yung office chronicles natin. Mahirap magsulat sa tipo ng trabahong napasukan ko ngayon eh. Masyadong maraming "ginagawa", tulad ng nakaraan kong trabaho eh ayaw kong gawin.

So, yun lang. Salamat sa pag-aaksaya ng oras. Tatapusin ko muna ito dahil meron pa akong "trabahong" dapat ayusin.

Oo nga pala. Kada yata magla-login na ako dito sa Blogspot na ito eh kailangan kong mag-rekober ng password. Kailangan ko na yata ng sekretarya.

Elongate...

April 11, 2010

Account Recovery

Okay, so hindi ko na maalala ang account details ko sa pussy-ass bitch na blog ko na 'to.


Anyway, gusto ko na ulit mag-blog. Marami akong mahahabang post at naboboringan na ako sa Tumblr kaya naman dapat na akong magbalik-loob sa tunay na nagbigay sa akin ng pansin. Drama fuck.

Ge, see you this coming May, dear Blogspot.

Elongate...

July 14, 2009

Pssssssst Hoy, May Bago!

Nakakapanot daw ang magpuyat.

Hindi nga? Holy fuck, wala akong pakialam. Kahit buong buhay akong matulog, hindi na kakapal ang buhok ko. Mukha ko na lang ang kumakapal, at walang magandang dulot ito sa personalidad ko bilang isang anak ng Diyos.

Maganda nga itong puyat ako at naguumapaw ang isip ko sa mga bagay na dapat kong ipinagdadadakdak dito. Isa pa eh ngayon lang talaga nababakante ang mga PC dito sa bahay. Naka-HP Mini ako ngayon. OHA OHA! FUCK YOU ALL! BWAHAHAHAHAHA! Kasi nasira ko nanaman yung laptop ni ate. Kaya eto, sinisira ko naman ito ngayong kay ate panganay ngayon.

"Ano ba? Ayawan na ba? Bakit hindi ka naga-update?" Sabi saken ng blog ko.
Pero dahil inanimate ang blog at wala siyang kapasidad para makapag-express ng thoughts, aaminin ko na lang na ako lang din ang nagsabi niyan. Sa sarili ko. Ng walang suot na brip.

Ano, may nagbago ba? Ganun pa din ako. Wala pa din akong brip.

At para saan naman ang impormasyon na yon? Wala. Kung gusto mo lang magbilang ng blogger na hindi nagbibrip tuwing nagsusulat, pwes plus one na ako don.

Kamusta na ba si Mariano Juancho? Ano na ang pinagkakaabalahan niya sa buhay? San na siya nagtatrabaho ngayon? Nagtatae pa din ba siya tuwing umaga habang nasa biyahe papasok ng opisina?

Wag na akong maraming tanong. Masyado nang lumang pakana na sisingitan mo ng tanong ang sulatin mo para magkaron ng paguusapan. Pero sige na nga, nagtatanong lang naman eh.

1. Okay lang ako. Namayat daw ako sabi ng ilan. Ganun talaga ang buhay ng tao. Mabuti pa nga ang mga pulubi sa tulay ng Quiapo, kapag naabutan ko silang tumatae sa bangketa, ang lalaki ng tae nila. Para silang naka-buffet gabi-gabi. Naiinggit ako sa tae nila hindi dahil malaki ito pero dahil alam kong marami silang nakakain araw-araw. Di tulad ko. Agahan ko taho. Tanghalian ko, taho na nilusaw ng bituka ko. Hapunan ko eh medyo disente naman, wag kang mangamba.

Pero bakit ba ako naiinggit sa ga-brasong tae ng mga pulubi? Wala silang bahay. Nakatira sa bangketa at natutulog sa karton. Malay ko ba kung isang linggo nilang hindi itinae yung tae nila para lang hindi sila magutom. Pilit nila itong iniuurong sa pamamagitan ng pwersa ng pwet pabalik sa tiyan nila para lusawin ulit at hithitin ang nutrients para sila mabuhay. Gumagamit sila ng kahoy para maitulak pabalik ang tae sa tiyan nila.

"Tay, nagugutom na po ako. Hindi ko na kayang pigilan ang tae ko."
"Anak! Kaya mo yan! Wala pang laman ang basurahan! Heto ang magic wood naten, ipasak mo yan sa pwet mo at isuksok mo hanggang kung saan aabot! Makakatulong yan sa gutom!"

Malungkot diba. Di tulad nila, maginhawa pa din ang buhay ko kahit hindi ako nakakakain ng kumpleto sa isang araw. Pero syempre drama ko lang yun. Sinungaling ako eh. Hindi lang talaga ako kumakain ng normal sa araw-araw kasi nahihiya naman ako sa mga pamangkin ko. Yung baon nila ng isang linggo, nilalantakan ko na, tapos pati ba naman agahan at tanghalian sasaluhan ko pa? Di na siguro masama kung iinom na lang ako ng tubig sa tanghali.

Pero joke lang yun. Nagpapaawa lang ako. Kumakain naman ako, pero hindi lang marami kasi gusto kong magka-abs ako. Alam mo yun diba, abs, yung bukol sa tiyan.

Mali, cyst yung naiisip mo. Abs, yung gawa sa matigas na laman ng katawan na nakakapagpalaway sa mga chicks kapag nakita nila ito.

Tite? Abs nga eh.

Oo, gusto ko nun. Ng tite? Ahaaaaaaaaay.

Putangina, kung tite ni Johnny Depp yan, sino bang aayaw dyan?

Kahit yung karpintero abs lang pwede na. Beggars can't be choosy ika nga ni Ayzprincess. Kaya para maatim ko ang piraso ng matigas na laman na yun sa aking tiyan, kailangan ko munang magpapayat. Thus, di ako kumakain.

2. Ang haba no? Kamusta lang ang tinanong, nagbanggit na ng tae ng pulubi. Ano ang pinagkakaabalahan ko? Wala naman. Plurk lang saka tunganga.

3. O, sobrang ikli naman ng sagot ngayon. Gago talaga neto. Tsk. Oo nga pala, may plurk account ako na huwantso ang username. Kapag gusto mong sumali sa plurk, punta ka sa page ko at dun ka mag-sign up para magka-star naman ako. May trabaho na ba ako? Utin ng unggoy. Si Mariano magtatrabaho? HAH!

Oo naman syempre. Lahat tayo, dun ang punta ng buhay. Sa totoo niyan, ang bait ng boss ko ngayon. Maganda ang benepisyo. Ayos naman ang sahod, sakto lang sa gimik ko. Magaan ang trabaho, wala masyadong tasks di tulad ng sa nakaraang trabaho ko. At maasikaso pa ang boss! Pinaglalaba ka ng pantalon kapag may lakad ka. Pinaglalatag ka ng higaan kapag ayaw mong magpuyat. Binibigyan ka ng baon kapag may gimik ka. Pinagluluto ka ng hapunan para hindi ka gutumin.

O diba! Ang bait ng boss Aling Maring ko! Tutunganga ka lang at magpapaka-katuga eh buhay ka na! Salamat Aling Maring, you're the best boss in the world!

Pero seryoso, gusto ko nang magkaroon ng totoong trabaho, hindi yung make-believe.

Yung kapag napagalitan ka ng boss mo eh hindi mo mapapahupa ang galit niya sa pamamagitan ng pagpupog mo ng halik na malaway sa kanyang pisngi ko kapag pinagloload mo siya ng 25 pesos sa tindahan tapos ikaw ang magreregister ng 20 para sa unlitxt o aabutan mo ng isang basong tubig kapag pinagpapawisan. Yung totoong boss na ngangaratin ka hanggang sa malusaw ang buo mong pagkatao at isuka mo lahat ng kaalaman na natutunan mo since preschool. Pero wag mong isusuka yun sa harap niya, baka lalo siyang magalit at malaman niyang alam mo ang Open The Basket game o di kaya eh mas magandang pamato si Mighty Thor kesa sa pamato niyang si Hulk sa tatsing.

4. May dalawang linggo na yata akong nagtatae. Hindi ko alam ang rason at hindi ko alam ang paraan para tumigil siya. Stress siguro. WTF? Stress? Saan ako kukuha ng stress diba? Haha. Ewan ko sa inyo kung san kayo kumukuha ng stress pero ako, nagtatae ako nang hindi ko alam ang dahilan. Dalawang linggo na. Dinadaan ko na lang sa panalangin na sana wag bumulwak kapag bagong palit ako ng boxers dahil pihadong pagagalitan nanaman ako ng boss ko.

Akshuli ang punto naman ng sulatin ko eh ang pagpapasalamat. Salamat sa pagtangkilik sa blog na ito at marami pa ding bagong mga napapadpad kahit wala na siyang activity for the past 5 months or so. May mga napapadpad at nagkokomento. May mga bumabalik-balik para sa update. Pwes eto na yon. Matuwa kayo mga lintek! Puyat na puyat na ako nagsulat pa ako para sa iyo! Tse! Manlibre naman kayo dyan!

Joke. Nagjakol ako... nagsulat ako para sa sarili ko kaya sana na-enjoy niyo din kahit papaano.

Sa mga bagong nagsisimula pa lang dyan na may balak na umagaw ng trono ng pagkaloser mula saken, pwes, PUTANGINA NIYO! WAHAHAHAHA! Wag na kayong magbalak.

Unless kaya niyong panindigan ang matanggihan sa job application ng mahigit sampung beses eh kahit na, ako pa din ang nag-iisang loser dito, bichez!!!

Sinasabi ko sayo, kung nagbabalak kang maging loser, hindi kita hahayaan dahil pota naman pare! Magsumikap ka okay? Hindi habambuhay na mabibigyan ka ng nanay mo ng pamasahe kapag gusto mong gumimik! Hindi sa lahat ng oras hindi ka magbabayad ng bills sa bahay dahil wala kang trabaho. Hindi sa lahat ng oras mabaho ang pantalon mo dahil hindi na 'to nalabhan ng mahigit kalahating taon.

Sa mga nagbabalak na maging loser at tularan ako, this I tell you. Para kayong bumangga sa pader ng tinapay na may amag tapos may ketsap kayo sa mukha.

Pointless. Dahil hindi ito ang buhay na gusto niyo, kei? Yung araw-araw kayong gigising para lang isipin na mali ka sa ginawa mo na sana ganito, sana ganyan, sana kinantot ko si Maria Ozawa nung may pagkakataon ako at sana eh ipinutok na lang ako ng tatay ko sa labas para walang problema. At sana naging anak sa labas na lang ako dahil don.

Wag ganun! Hindi ganun ang buhay! Lumaban ka at magsikap!

Think positive! Wag kang aayaw! May liwanag ang buhay! Ilabas ang kulit! Di lang pampamilya, pang-sports pa! Panalo sa presyo, panalo pag BEAM! Lamowk seygooreydong teypowk!

Yun lang. Again, salamat sa lahat ng napadpad. Isang down-to-earth at sincere na pasasalamat sa lahat ng online/real-life friends ko, ka-plurk, make-up artists, at sa iyo na naligaw dito, salamat.

At sa isa pang sayo. Umasa ka, babawiin kita - M

Putangina. As usual, kadiri to death ang haba. Fuck this shit.

Makakaasa nanaman ako ng "nice post" dito na komento.

Elongate...