December 23, 2007

Pamaskong Panulat

Ano ba ang tunay na simbolo ng Pasko? Regalo? Kris Kringle? Party? Girls Gone Wild, Christmas Edition?

Ah, hindi ko din alam. Wala naman akong heart-warming na experience ngayong pasko. Marami pa nga akong nababalitaang mga kalungkot-lungkot na bagay ngayong pasko kesa sa mga kwento ng kaligayahan. Yung pamilya ng kaibigan ko, nasunugan. Yung mga kamag-anak ng iba ko pang kaibigan, nasa ospital at naka-ICU.

Masaya man na malaman na marami ang tumutulong manalangin sa mga kaibigan ko, nakakalungkot pa ding isipin ang mga ganoong klase ng mga pagsubok sa buhay.

Pero siguro sadyang ganun ang buhay. Pinapanatili niya tayong makatotohanan sa lahat ng oras, sa anumang pagkakataon. Hindi sa lahat ng pagkakataon maligaya ang pasko. Merong mga bagay na magaganap na hindi natin inaakala.

Ito na marahil ang pagsasabi ng pasko sa atin na maging matibay tayo sa hamon(challenge at hindi ang ulam) ng buhay. Sa panahon ng pasko, dapat magtalaga tayo ng kahit kaunting tapang at katatagan ng kalooban. Samahan na din natin ng init ng damdamin at buong-pusong pasasalamat sa Maykapal sa lahat ng bagay sa ating buhay.

Pagmamahal, pagpapatawad, pakikisama ang ilan sa tunay na diwa ng pasko. Hindi ang kung ano man sa karamihan ng materyal na bagay. Mas makabubuti sa katauhan mo ang mga bagay na ito. Ilan ito sa makapagpapatibok ng puso mong nagdamdam buong taon.

Kaya nga ba't mas mainam ang mga bagay na hindi materyal. Hindi yung mga bagay na gaya ng bag, medyas, make-up kit, damit, at mga lingerie.

Mas mainam ang tunay na regalo ngayong pasko. Ang pagmamahal, pagpapatawad at pag-unawa, at maging ang mga mumunting bagay na hindi engrande ay nakapagdudulot ng paskong kaligayahan sa puso ng bawat isa.

Ang ilan sa mga halimbawa nito ay:

Regla - bukod sa nababagay ang kulay nito ngayong pasko, wala nang tatalo pa sa pagkatanggap ng balita na 'meron' ang gelpren mo. Tunay ngang lubos ang pagdiriwang mo ngayong pasko at makakapagparty ka pa ng lubos at walang iniisip na paghahanda sa kinabukasan ng anak mo.

Yakap at halik - tunay ngang masaya ang makatanggap ng yakap at halik ng minamahal mo sa buhay. Nakakapagbigay ng init ang yakap sa malamig na gabi at nakapagsisimula ng init sa ilalim ng kumot ang mga halik, lalo na't may kasama itong laway na lasang hamon at keso de bola. Mas mainam kung makakapagbigay ng yakap, halik, at kaunting kurot ang mga sikat na artista tulad ni Angel Locsin, Katrina Halili, at Cytherea. Wag lang sana akong yayakapin ni Santa Claus lalo na't buong araw na siyang nakasuot ng kanyang balot na balot na damit at hahalikan ng kanyang mala-talahiban na balbas. Baka ma-allergy ang sensitibo kong skin.

Simpleng disguise kit - ito ang tiyak na makapagpapaligaya sa mga ninong at ninang na ubod ng dami ang inaanak. Maiiwasan ang mga ambush pamamasko ng mga inaanak nila kung makakapagsuot sila ng simpleng disguise tulad ng uniporme ng katulong, mumurahing wig, pekeng peklat, at ang salamin-bigote-malaking ilong na nabibili sa kalsada

Organ - hindi ito ang organ na tinutugtog ng mga piyanista. Ito ang organ na nakakalikha ng isa pang nilalang kapag nagsama ang isa pang organ ng salungat na kasarian. Ito ay makapagbibigay ligaya sa mga misis na iniwan ng kanilang mga mister sa kalamigan ng pasko.

Awiting pamasko - kahit naman alam natin na nakakairita ang mga carolers tuwing pasko, gaya ng nabanggit ni Aleli, eh hindi din naman natin maiaalis sa puso natin na minsan gusto din nating makarinig nga mga cute na boses galing sa mga cute na cute na mga bata na nagiging mga cute na halimaw sa oras na maging kuripot ka sa kanila. Mas masaya siguro kung bibigyan ako nila Avy Scott at Keeley Hazell ng pamaskong awitin gamit ang aking microphone.

Christmas greeting - isa itong magandang regalo lalo na sa mga kamag-anak mong malayo sa piling mo, gaya nung anak nyo ng diniborsyo mong asawa, yung magulang mong sampung taon nang hindi mo binabati dahil nagkagalit kayo, o kaya naman eh yung mga kaaway mong gusto mo nang mamatay. Hindi basta-basta ang ganitong klase ng pabati dahil kaylangan mo ng sapat na tibay ng loob at determinasyon para ito maisagawa. Okay lang yan, pasko naman.

Tagay mula sa kung kahit na sino - ito na marahil ang naenjoy ko sa panahon ng kapaskuhan at gugustuhin ko ng maganap sa buhay ko hangga't may pasko. Lalo na sa probisya namin na talagang malalasing ka na bago ka pa makarating sa talagang lugar ng inuman. Dahil nga halos lahat ng tao magkakakilala, ayos na ayos lang na makitagay ka lang sa kung kahit kanino at kahit saan. Wag ka lang sana yakapin at halikan ng mga lasing.



Yan lamang ang ilan sa mga simple at hindi materyal na bagay na naisip kong makapagpapasaya ng mga tao ngayong pasko. Tandaan natin na hindi pera, materyal na bagay, at pornograpiya lamang ang nakapagpapasaya sa mga tao sa pasko.

Marapatin nating isapuso ang bawat isa sa ating mga mahal sa buhay, iwaksi ang ating mga pagkakasala, at punuuin ng kabutihan at pagmamahal ang bawat anek-anek ng ating heart ngayong panahon ng pasko.

Maraming salamat sa mga kaibigan ko dito sa Blogosphere. Pinasaya nyo ang pasko ko.

Lalo na sa mga madadalas kong kadaldalan na sila

Xienah
Aleli
Noime
Fer Bert
Ignoramus

Maligayang Pasko sa inyong lahat mga friendly friends.

5 Winners:

Anonymous said...

sampalin kita diyan e
emotero
tsk tsk
haha
:)

maligayang pasko
ipapadala ko na lang si cythera

squirters squirters

Anonymous said...

Wow! tensai ka talaga... Daig mo pa si april boy sa pagiging IDOL!

Salamat sa pagbati. Maligayang Pasko din sayo. Harinawa'y madaming pumunta diyan na mangangaroling at makakapagrequest ka ng mga kantang pamasko gaya ng kantang - "Di kita malilimutan"

» nhoii said...

Haha. Alayan daw ba ng kantang di kita malilimutan. Tsktsk. :P

Ayun. Emo-mode ka ngayon ah. Hehe. Merry Christmas rin Kuya. Kahit marami ka nang utang sa akin na comment. Haha. Ayos lang yun. Masaya na ako na nagkaruon ako ng maraming kaibigan sa mundo natin dito sa internet. haha. :)

aleli said...

Meri Xmas...

Nakaxtra pala pangalan ko rito...wehehe...Thanks

Nakakaaliw ka namang kadaldalan...wehehe...

Mariano said...

Xienah, di naman dumating si Cytherea. Naghanda pa man din ako ng kapote para sa squirts niya.

Ignoramus, hehe, salamat salamat. Nagpakalayo na ako sa liblib na lugar kung saan walang mga karolers at mga mang-aawit. Di naman nanakawan ang bahay namen.

Noime!!! Makakapagbayad ako ng comments, do not worry, hehe. Meri krismas! :D Masaya talaga ang pagkakaibigan natin dito, hehe.

Aleli, ang daldal mo! Ahaha! Meri Krismas! Special mention ka, swerte mo! Ahaha!