Brief Discussion
Masikip sa kalsada. Maraming mga bakla/chicks na nagkalat dahil sa kasiyahang magaganap.
Marami ang may kariton ng hayop. Mga kinulayang sisiw.
Green, maroon, pink, at dilaw. Di ko alam kung bakit dilaw pa ang ikukulay nila sa sisiw na dilaw na din ang kulay.
Baka daw hindi mabili dahil sasabihin eh sisiw lang yun at hindi sisiw na kinulayan.
Maraming tinda-tinda sa labas. Parang isang malaking ukay-ukay ang paligid. Buti na lamang at hindi na nila isinabay ang paguukay-ukay ng NAWASA sa gilid ng kalsada.
Tinapos na nila ito nung nakaraang buwan.
Hindi pinayagan ni Rev. Father Msgr. ang pagtitinda sa tapat at labas ng simbahan.
Sacrilege.
Sacre bleu?
SA-CRI-LEGE!!!
Ito daw ang ikinagalit ni Cristo noong nagpunta siya sa simbahan at nakita niya ang iba't-ibang klase ng business deals tulad ng Gain/Lose weight, PLDT myDSL, at Lydia's Lechon.
Iba na din ang piyesta ngayon tulad ng dati. Yung dating mga nagtitinda sa bangketa, sa isang bulwagan na lang inilagay.
Ang galing talaga ni Mayor Mon Ilagan. Bawas nga naman ang trapik kahit papaano dahil sa bangketa naglalakad ang mga tao.
Marami daw tinda sabi ng nanay ko. Ang mumura. At ang pinaka-naging interesado akong tinda eh yung sinabi ng nanay ko:
Sampung piso lang ang brief.
Putangina. This is amazing. This is unbelievable. Too good to be true. So be it. Wowowee.
Eat BULAGA.
Ito na ata ang pinakamagandang nangyare sa piyesta namin. Ito ang matagal ko nang pinakahihintay na dumating sa buhay ko. Ang magkaroon ng brief na tig-sampung piso lamang.
"Sure ba kayo? Baka naman po used brieves na yan at puro nanigas na sa may crotch area dahil sa mga natuyong semen?"
Hindi naman daw. Talagang mura lang. Yung iba kasi ay may sira na din kaya't mura lang. Talagang tyambahan ang pagpili ng magandang kaledad sa murang halaga. At heto nga yung isa. Meron ngang butas sa may puwitan. Maliit lang naman at kayang sulsihan.
Sa wakas, madadagdagan na ang bilang ng brief ko. Sa totoo lang, umiikot lang sa apat ang underwear na isinusuot ko.
Boxers pa ang mga ito at hindi brief sapagkat ang mga brief na meron ako ay talagang kinalakhan ko na. Hindi naman sa bacon na ang garter pero talagang maliit na sila.
At hindi din ako nagyayabang. Talagang masikip na ang mga brieves ko sapagkat small ang kanilang size at sadyang di na napigilan ng Panginoon ang tuluyan kong pagtaba.
Isama mo pa ang mga brieves na bigay ng boypren ng ate ko.
Hindi daw kasya sa kanya. Ako naman si ungas, naniwala akong magkakasya sa akin yun dahil six footer naman siya at may kalakihan ang katawan kaya't malamang na saktuhan lang sakin ang sukat ng brief na ibinigay niya. Bago pa naman at di pa nabubuksan. Mabango pa. Amoy kahon.
Nabigo naman ako nang lubusan. Siguro kaya nasabi ng boyps ng ate ko na di kasya sa kanya eh dahil sa tuhod pa lang niya ito napapaabot eh mapupunit na ito.
Na-manage ko namang maisuot pero para akong pornstar. Di ako sexy pero putanginang yan, pwede akong mag-audition sa North Pole dahil sa sobrang micro-mini ng brief ko.
Pero ang talagang isyu dun eh hindi sya komportable.
Kailangan ko ng brief na maluwag at hindi nakakasakal ng singit. Yung makakapagbigay ng ginhawa sa araw-araw na lakad ko. Hindi niya ako narerestrict sa mga galaw ko at malaya akong gawin ang gusto kong gawin. Mas mainam ko din siyang maiibuka sa tuwing nanonood ako ng paborito kong porn na dalawang taon ko nang pinanonood. Yun ang tunay na essence sa pagpili ng brief at hindi ang tatak. Aanhin ko ba ang 200 to 300 peso brief?
Bakit, maglalakad ba ako ng nakabrief at ipakikita kong branded ito? Mag-iistyle Superman ba ako at isusuot ito sa labas ng pantalon?
Walang kwenta ang mamahaling brief. Di naman garantisadong hindi ito magbe-bacon mode at hindi ka makakabuntis dahil may natural sperm killers ito. I don't see the point of wearing an expensive and branded underwear. Tatanggalin din naman kasi ito kapag nagkakagulo na sa ilalim ng kumot.
Walang mga tatak ang brief na itinitinda dito sa piyesta bazaar. Hindi Carter, hindi Hanford, hindi Dickies, at hindi Jonel's.
Simpleng bikini brief lang pero komportable talaga. Ito ang hinahanap ko ngayong pasko.
Maraming salamat sayo Mon Ilagan. Maraming salamat sa pagiimbita mo ng tindero ng mumurahing brief. Hindi na muling magiging monotonous ang brief-wearing life ko sa araw-araw. Meron na akong 12 - LABINDALAWA - ISANG DOSENA - piraso ng brief. Lampas pa para sa isang linggong pasok.
Sapat para sa dalawang linggo. Isama mo na ang apat na boxers. Labing-anim na araw akong hindi maguulit ng underwear.
Di na ako magtitiis sa masikip na brief at sumasabit na perenium hairs.
Hindi na ako magpapakahirap.
Ito na ang panahon ng kaginhawahan at pagbabago. Nanamnamin ko ito ng buong puso. Nanamnamin din ito ng aking genitalia of course.
Mabuhay ang sampung-pisong brief. Mabuhay ang piyesta.
Mabuhay ang tindero. Mabuhay ang Divisoria. Mabuhay ang China.
Kapag brokenhearted ka palagi kang magsusuot ng underwear. Sapat na ang nanlalamig na puso. Di mo na kailangan pang dagdagan ng nanlalamig na betlog o kipay...
Meron nga palang regalo sa akin ang mga kaibigan ko mula sa Bench (or Penshoppe). T-Back ito.
Totoong T-BACK at hindi yung short for TITE AT THE BACK.
Di ko siya maisuot-suot. Ang kati sa pwet nung una kong try. Di ko alam kung dahil lang ba bago siya kaya makati o di kaya eh talagang di sanay sa pagkain ang aking gluteus maximus.
Ah basta, dito na lang ako sa sampung piso. Ambango nila. Amoy karton.
2 Winners:
haha. congrats kuya at may labing anim na piraso ka ng brip. ;]
Maraming thank you sayo Noime! Baka sa pasko eh madagdagan pa ito. Bibili ako ng tig-limang piso lang! Ahehe!
Post a Comment