December 10, 2007

Ang Buco

Ang Buco
by Mariano

Naglalakihan at mabibigat
Mga buco sa gitna ng dilim
Kaliwa't kanan ang pagkalog
Lumilitaw sa takip-silim

Mga bucong may pasas
Minsan naman ay ubas
Mga bucong nagkakalugan
Sa loob ng lalagyan

Mula sa kung saang probinsya
Ang pinagmulan ng mga buco
Mga naghahangad ng kaginhawahan
Sa buhay nilang ito

Ang buco ang puhunan
Sa pagpapalabas sa entablado
Ang mga tubong nagniningning
Ang pinagkikiskisan ng mga buco

Iba't-iba ang laki
Ng mga bucong ito
May marikit at dambuhala
May katamtaman at tamang-tama

Mayroong tabingi
Mayroong marangya
Pinapahiran ng foundation
At chin chun su at saka lotion

Kung kikilatisin mo
Ang may bitbit ng mga buco
Makikinis na maria
Fresh na fresh at batang-bata

Ngunit hindi lahat ng buco
Na makikita mo
Ay Maria ang may-ari
At wasto sa panlasa mo

Sapagkat minsan sa gabi
Ang mga may-ari ng buco
Ay yung mga kargador ng refrigerator
Doon sa may kanto

Kaya't kilatisin mong maigi
Ang hitsura ng buco
Kung ito ba ay ay totoo
O tinubigang lobo

6 Winners:

Anonymous said...

makabagdamdamin, katotong mariano.

Ganon pala ang kalakaran ng mga buco.

Ang tanong ko lamang ay ganito...

-Nahanap mo na ba ang isang pares ng buco na pipiliin mong ariin
sa buong buhay mo?

Mariano said...

Ang mga buco na gusto kong makapiling sa buhay ko ay hindi ko pa nakikita. Pero mas maganda siguro kung papaya na lang ang makita ko.

aleli said...

ang ganda ng buco salad poem na ito..nakakatuwa, makikitang inspired ang gumawa.. pero totoo.. henyo!!

nalink na pala ako rito..link din kita...thanks!!!

» nhoii said...

haha. langyang buco yahn.

Anonymous said...

anakngpitumputpitongputingtupa

kakatingin sa fhm babes yan
naku.
wahaha.
ayaw ni jerome niyan.
wahaha

Anonymous said...

natakam naman ako dun... puta! gusto ko ng buco!