December 14, 2007

Isang Oras

Alas kwatro na ng umaga. Nasa harapan ako ng PC. Nakikipagtagisan ng puyat.

Gising pa ako, samantalang may pasok ako ng alas nuwebe ng umaga sa bayan ng Makati. Alas sais ang oras na dapat gigising ako.

Hindi na ako matutulog. Kaya't heto, gumawa na lamang ako ng entry. Pero di tulad ng ibang naisulat ko, walang patutunguhan ang entry na ito. Walang saysay na pagkukwento at mga spontaneous na ideya.

Mga walang-kabuluhang bagay na lumulutang sa espasyo ng aking ulirat. Oras ito ng pagputok ng kaisipan. Nasa primyadong estado ang pag-iisip ko ngayon, pero pinili kong magsulat ng walang saysay na mga bagay imbes na mag-aral ng dapat aralin.

Doon magaling si Mariano the Loser - sa mga walang katuturang mga bagay.

Gaya nga nang nabanggit ng aming direktor/boss sa opisina, mayroon lamang partikular na oras sa isang araw na kung saan magagamit mo ng husto ang isipan mo. Isang time path na kung saan hitik ang isip sa enerhiya at nutrisyon. At kapag naroon ka sa panahon na iyon, wag ka nang mag-atubili pang gamitin ito. Gamitin ng husto ang isipan. Magbasa, mag-aral, mangalap ng makabuluhang impormasyon. Wag magsayang ng panahon.

At gayon naman ang ginagawa ko ngayon. Nagsusulat at pinakikinabangan ang ganado kong utak. Pero hindi nga lang kapaki-pakinabang.

Balak ko sanang manood ng porn. Pero nang tumingin ako sa relo ng computer, nakita kong alas kwatro na. Pasado na sa oras na kung saan ligtas pa ang magnood ng porn at sabayan ng pagjajakol. Pasado na sa oras kung saan nagkakaroon ng wetdreams ang mga pamangkin ko, at nasa REM stage naman ang mga matatanda. Pasado na sa oras kung saan malakas pa ang paghihilik ng nanay ko sa likuran ko.

Malapit na silang magising lahat. Lalo na si nanay.

Tiyak sa isang iglap, maaaring makita niya ang kamunduhan ng kanyang anak. Pero hindi naman din siguro. Malabo naman ang mata ni nanay, at tiyak na mayroon pa akong ilang minuto para bumangon at magtanggal ng kaantukan. Pero sa malapitan lang yata malabo ang mata niya. Kapag nasipat siya sa malayo eh parang normal na imahe lang ang makikita niya at malinaw na malinaw ang aking ginagawa sa kanyang paningin.

Mabuting ilagay ko na lang sa taskbar option ang Windows Media Player para nasa pinakamaliit na screen ito. Sa sulok ng monitor ng computer at ako lang ang makakakita.

Tamang oras na din ito para magising ang mga tao sa bahay, lalo na ang mga katulong. Naririnig ko nang nagbubukas sila ng ilaw at nag-aayos ng mga lulutuin.

Nasa salas ang PC ko. Malapit sa pintuan na dinadaanan papuntang CR. Kahit madilim ang paligid, di nito maikukubli ang pagyugyog ng aking katawan dala ng ginagawang "self-popoy".

Hindi ko na pinili pang manuod ng porn at sabayan ito ng makamundong gawain. Mabibitin lamang ako at baka mabugnot na ako buong araw. Masakit daw sa puson sabi ng iba. Ako, masakit para sa kalibugan ko ang maudlot na lang nang ganun-ganun.

Maya-maya rin naman ay tutunog na ang alarm para gisingin ang mga batang papasok sa eskwelahan. Mahirap nang makita ako sa ginagawa ko't baka mabahiran pa ng kabulastugan ang mga mura nilang isipan.

Nilampasan na ako ng aking pagkaantok. Kani-kanina lamang ay kausap ko si dyosang XienahGirl at si Aleli. Ako ay tumayo muna saglit sa aking kinauupuan upang uminom ng tubig at magtimpla ng kape. Nakalipas na ang kaantukan.

Nawala na ang aking antok. Pagpatak ng alas kwatro y medya, tuluyan nang nasupil ang aking kaantukan. Mainam nga. Ako ang mauunang makaligo.

Lagi na lang kasi ang ako ang nahuhuli sa pagligo. Hindi naman sa masama ang pagligo ng huli. Marami naman ang sabon. Sagana din ang shampoo. Hindi sila mauubos basta-basta. Marami din ang tubig sa tangke.

Ang masama eh yung ikaw ang sisisihin kapag na-late. Ikaw pa ang pagmamadaliin sa oras ng pagligo mo sapagkat ikaw na lamang ang iniintay ng byahe. Ikaw ang nagpapatagal sa pag-alis ng pamilya. Ikaw ang humahadlang sa maagang pagdating ng mga bata sa eskwelahan.

Bawal nang ma-late ang mga bata. Mahigit sa limang beses na silang nahuhuli sa klase. Isa pa at malilintikan na sila sa school nila. Kasama sa patakaran ng eskwelahan ang punctuality. Bawal labagin. May penalty.

Ako ang sinisisi sa oras na ma-late ang mga bata. Matagal daw akong maligo. Mabagal daw akong kumilos. Kung ano-ano pa daw ang ginagawa ko. At dahil nga sa huli ako, ako ang pinagmamadali.

Hindi mo ako masisisi. Mahirap magmadali sa pagligo. Walang kwenta ang pagligo mo ng mabilis sapagkat papawisan ka agad at hihingalin kapag naligo ka ng mabilis. Katatapos mo lang maligo, pawis ka na agad. Ang pagsasabon ay hindi tulad ng panggugulat na binibigla. Dahan-dahan ang proseso nito. Una ang leeg, pababa sa katawan, sa torso, sa pubic area, sa singit-singit at sa paa.

Sagrado ang pagligo. Nasa Bibliya ito. Kung saan sa Bibilya? Ikaw na ang bahalang maghanap. Baka umusok ang kamay ko at malusaw ako kapag binasahan ako ng verse sa Bibliya.

Kaya't ang pagsasabon ay hindi minamadali sapagkat kawalang-galang ito sa Bibliya. Hindi ka maaaring magsabon ng pabalang at walang habas. Sinusuot ang bawat sulok at anek-anek ng iyong katawan.

Naglalaba din pala ako ng sarili kong brief. Sapat na ang damit, pantalon, shorts, at mga panyo para sa mga tagapaglaba. Ako na ang bahala sa brief ko. Ako na ang bahalang kumitil sa buhay ng mga bacteria na nakatira dito. Sa mga mutated sperm cells. Sa mga bacteria, good man or bad.

Nagsha-shampoo din ako kaya't matagal. Kulang-kulang 20 minutes ang inaabot ng ritwal ko sa umaga. Malaking bagay para sa nagmamadali. Pero mahirap para sa minamadali.

Unti-unti nang nagising ang mga tao. Muli namang bumalik ang antok na kanina'y pumanaw na. Narito na siya sa aking tabi. Nagyayaya at pinamumukha sa akin ang magandang pagkakaayos ng tulugan ko.

Alas singko na ng umaga. Paniguradong malambot ang kama. Gusto kong damahin ng kalambutan ng kanyang kutson, at ang kaginhawahang dulot ng kanyang mga unan, at ang ligaya na mabalot sa kanyang kumot.

Alas sais ng umaga ang gising ko. Goodmorning.

5 Winners:

Anonymous said...

sinasabi ko na nga ba
may ginagawa kang kabulastugan
nung kachat ka namin
garabe ka
hahaha

Anonymous said...

Hindi ko na nga naituloy eh! Ahaha! Anong oras na din kasi! Ang aga-aga na nun!

FerBert said...

SEL-POPOY?! haha

aleli said...

ahaha.. kaya pala biglang nawawala!! naku, may milagro palang ginagawa...

Mariano said...

Fer Bert, SELF-POPOY yun! Yun ang tawag dun!

Aleli, ahaha, hindi naman milagro yun eh! Nagtitimpla lang ako ng kape nun!