December 12, 2007

Tag 02 from Noime


At maraming salamat naman kay Noime sa pagpapaunlak na makuha ang meme na ito sa kanyang blog.

Sapagkat sasapit na ang kapaskuhan ang at ang buwan ng mga Pamaskong Hiling, narito ang ilan sa mga hiling na nais kong maatim ngayong kapaskuhan.

Ikauna - Makaabot sa quota ng kumpanyang ito. Pero bago yun ay nais kong magkaroon ako ng superb drive para mag-aral sa mga nalalabing oras ko. Sayang ang kumpanyang ito. Maluwag sa damit, may donut at tinapay sa umaga, at nandito si Jerome na sana'y kasabay ko ding makapasa.

Ikalawa - Nawa'y umayos ang kalagayang pangkalusugan ng lahat ng tao sa aking angkan, mga kaibigan, mga kaibigan over the Internet, at mga may galit sa akin.

Ikatlo - Maayos na ang sigalot sa pag-ibig, maging matiwasay ang kalooban at damdaming emosyonal, at maging winner na sa laban ng buhay.

Ikaapat - World Peace. Pero Philippine Peace muna ang unahin at sana'y gumanda na din ang ekonomiya natin upang hindi na mangibang-bansa ang mga tao. Nakakalungkot ang mga nakukulong at minamaltrato sa ibang bansa, ang mga nawalay sa mahal sa buhay, ang mga naghihirap para sa ikabubuti ng kinabukasan ng pamilya, ang mga nakaka-miss ng minamahal, at ang mga nilalamig na kama sa gabing nag-iisa, dahil lang sa pangingibang-bansa para sa trabaho.

At syempre, mawawala ba naman ang aking MATERYAL na kahilingan ngayong Pasko? Materyal lamang ang katawan ko, kaya't naghahangad din ito ng tikas at gara mula sa iba pang materyal na mga bagay.

One - Jacket na cotton, yung pamorma. Kaylangang humabol sa kalamigan ng panahon at makapagsuot man lang ng fashionistang jacket na may hood para magmukhang gangsta at mabaril na din sa lansangan.

Two - PSP. Ang sinasabing kasalukuyang status symbol sa mga kabataan, ang Portable Play Station (tanga, PSP, hindi PPS) ang magbibigay galak sa mga trapik na byahe, mga boring na pari, mga family gatherings na ubod ng boring, mga chick flick na hindi mo gusto pero gusto ng gelpren mo, mga gabing dapat ay nag-aaral ka, at mga boring na propesor sa eskwela. Ito ang ultimate na boredom-liberating device!!!

Three - T-shirt na may hood. Ewan ko ba kung ano ang meron sa mga hood na ikinagusto ko. Ako ata ang reincarnation ni Robin Hood kaya naman ganito na lang ang pagkahilig ko sa mga may hood na kasuotan. O baka naman kaya ganun ay dahil sa nauubos na ang aking buhok at giniginaw na ang aking ulo.

Four - Sapatos. Yung sneakers na kahit mumurahin lang at pwedeng ipang-araw-araw. Mas mainam kung tatlong pares sapagkat ang paglalakad ko ay parang katam ng sapatos na wala pang tatlong linggo ang lifespan ng swelas. Pati ang mismong kabuuan ng sapatos ay talaga namang mabilis masira sa aking mga paa. Para bang mayroong sumpa ang aking paa na mabilis makasira ng mga sneakers. Sabagay, madali lang naman talaga silang masira.

Fifth - Digital Camera na mayroong 10megapixel na resolution. Hindi naman ako si scandalero kaya't ligtas sa akin ang magkaroon ng digital camera. Mahilig lang akong kumuha ng larawan ng mga tulog na tao at mga chicks sa jeepney at bus (na nagsisignify ng appreciation ko sa beauty). Mas napupuna pa ata ang pagiging paparazzi mode mo kung celphone ang gamit mo. Lugi ka pa sa resolution kaya't mas maganda ang digicam. At tiyak na masasatisfy nito ang aking pagka-camwhore-ness lalo na't 2GB ang memory na meron ito, with matching 10x zoom na kita pati ang ugat ng kuto sa ulo ko.


Siguro'y ito na lamang muna sa ngayon ang aking kahiligan para sa darating na kapaskuhan. Ang mas mahalaga naman talaga ay pag-ibig(asuuuus, oh come on.) ngayong paskong ito kaya't kahit ano na lamang (sa mga nabanggit ko) ay pwede ninyong ibigay sa akin.

Happy Christmas sa lahat ng mga bisita ko!

4 Winners:

FerBert said...

baket lahat ng material na bagay na nais mo eh meron na ako?
(pwera lang yung 10Mega Pixel na digicam)

Pero kahit na meron ng mga bagay na nais mo hindi pa rin ako masaya? kase hindi ka mapapaligaya ng mga material na bagay... Kung sex siguro baka sumaya pa ko.. yung hot steamy sex.. ung ubod at sobra ng sarap, tagal ko na kaseng tigang... 2weeks na. (PUTA! PERVERT TALAGA AKO). haha

May isa akong shirt na may hood na di ko na ginagamit kaso malaking tao ako baka magmukha kang hiphopper pag binigay ko yun..

Mariano said...

Talagang pinagpapala (blessed) ka pareng Fer Bert at ang mga gusto ng iba, wala ka. Ngayon kung sex ang tunay na makapagpapaligay sayo, merong nabanggit si Jerome na meron daw sa may EDSA, 3 for 50 pesos. Putangina, parang apple.

Ayos sana kung maipapamigay mo na lang yung shirt mong may hood sakin. Di naman ako mapili, at marunong namang manahi ang nanay ko, ehehe.

aleli said...

naku ang dami naman nun.. nawindang ako sa wishlist mo... talagang pangkalahatan (World Peace/ Philippine Peace)...

dalwa ng PSP ang hingin mo.. ihingi mo na rin ako..wehehe...

Mariano said...

Haha, tao lang ako Aleli, madami akong gusto sa mundong ito.

Kung pwede nga lang ba eh tig-dalawa pa tayo ng PSP para kapag wala kang kalaro, kalaruin mo ang sarili mo.

Go for Philippine Peace!