Ala-Ala ng Ale
Pero hindi naman talaga siya matanda noon. Pero nakapagtataka kasi unang panahon pa yun pero matanda na siya.
So ibig sabihin mas una pa sa unang panahon ang panahon na kung saan bata pa siya.
Eh di ayun nga, nung una pa sa unang panahon na kung saan bata pa siya, mahilig ang matandang babae (na bata pa talaga kasi nasa una pa sa unang panahon ang setting) na magwalis sa bakuran niya. Araw-araw, tuwing umaga, kinukuha niya ang kanyang walis ting-ting na nagmula pa sa Europa, upang ipangwalis ng kung ano man ang nasa bakuran niya. Mga tansan ng beer, mga dahong natuyo na, mga sanga at ipot ng manok, mga langgam, mga prutas na bulok, at mga alikabok. Meron din siyang dust pan na gawa sa lata ng Rebisco Mixed Biscuit na nahingi niya sa kamag-anak ng namatay niyang kapitbahay. Malaki ito at kayang dumakot ng isang punso ng langgam, o kaya eh isa't-kalahating balat ng buko, o kaya naman eh mahigit sa dalawandaang piraso ng tuyong dahon ng puno ng Caimito.
Sa bawat umagang pagwawalis ng ale, mapapansin mo ang kanyang taglay na kagandahan. Mayumi ang kanyang damit. Balingkinitan ang kanyang kilay. Mapusyaw ang kanyang buhok. Maitim ang kanyang pusa. Mahaba ang kanyang saya, matambok ang kanyang pulso, at makipot ang kanyang mga titig.
Paiba-iba ang paraan niya ng pagwawalis. May patalikod, merong patagilid, at meron ding 360 degrees, behind the back, under the leg, tomahawk jam na pagwawalis.
Ganito ang sitwasyon sa bawat umaga sa bakuran ng ale. Kukuhanin ang walis at dust pan, magwawalis, at pagkatapos magwalis, papasok sa loob ng bahay para magpatugtog ng mga bagong album ng alternatives at RnB at Hiphop.
Mahusay ang pagwawalis ng ale. Makikita mong walang bahid ng anumang kalat sa bakuran niya matapos niyang magwalis. Mahihiya kang pumasok sa bakuran ng ale sa tuwing matatapos siya sa pagwawalis. Iispin mong isang mortal na pagkakasala ang katumbas ng pagtapak mo sa bakuran niya pagkatapos ng ritwal sa umaga.
Ngunit isang araw, ako'y naglakas-loob upang lapitan at bahagyang makahuntahan ang aleng walisera. Sa proseso ng kanyang pagwawalis, tila ba siya, ang lupa, ang walis, ang mga kalat, at ang dust pan lamang ang mahalaga. Alam kong malaking kahibangan ang lapitan siya sa mga sandaling yun subalit alam kong mas malaking kawalan sa katauhan ko kapag hindi ko siya nakausap.
Nilapitan ko ang ale ng dahan-dahan habang winawalis niya ang tumpok ng dahon. Napuna naman niya ang paglapit ko at itinigil niya ang kanyang ginagawa. Tinignan niya ako at ngumiti siya.
Kumapit ako sa bakod ng kanyang bahay at ngumiti din. Binati niya ako.
"Wassup dawg?" Bati ng ale.
Ako ay nagulat at nasorpresa sa ginawa niyang pagbati. Mula sa pagbati niya at napag-alaman ko ang parte ng katauhan ng ale na pala-kaibigan.
"Everything's cool y'all. What you be trippin'?"
"Heto, maayos naman. Madaming kaylangang walisin. Makalat nanaman ang bakuran. Ano ba ang pwede kong maitulong sa iyo hijo?"
Napatingin ako ng bahagya sa lupa na winawalis niya at sa walis niyang may kakaibang yari. Ibubuka ko pa lang ang kissable lips ko para magtanong pero naunahan na ako ng sagot.
"Nasa akin na ang walis na ito mula pa nung limang taong gulang na ako. Regalo ito sa akin ng namayapa kong lolo. Kung mapapansin mo ang tatak, nakalagay na gawa ito ni Louis Vuitton sa Italya. Isa ito sa unang klase ng ganitong produkto."
Namangha ako sa kanyang kagamitan. At mas lalo pang pinatindi ng sagot niya ang pagkamangha ko. Ganun pala talaga ang itsura ng walis. Sa labing-walong taon ng pananatili ko sa mundong ito at pagmamasid sa mga bagay na di kaylangang masdan, ngayon ko lang nakita ng malapitan ang walis ng ale.
Naririnig ko lang kasi ang tungkol dito sa iba pang kapit-bahay. Napagmasdan ko ito ng husto. Gusto ko itong mahawakan pero nung aktong hahawakan ko na, inilayo ito ng ale. Napakunot ang kanyang noo at kulang na lang eh fuck you-hin niya ako.
"Pagpasensyahan mo na hijo, alam kong tanga ang dahilan pero hindi mo ito pwedeng hawakan dahil mayroon itong sentimental value sa akin. Walang iba pang tao ang nakakahawak nito maliban sa aking lolo. Wag ka nang dumagdag please, you mother fucker."
Hindi ko na inusisa pa ang dahilan dahil alam kong di ko din naman maiintindihan. Baka sa french niya pa ipaliwanag ang dahilan, mabugnot lang ako. Sapat na ang murahin ako ng ale para malaman kong hindi ito dapat hawakan ng ibang tao.
Nagpatuloy sa pagwawalis ang ale. Pinanood ko siya. Pinanood ko ang kanyang pagwawalis. Pinagmasdan ko ang tikwas ng kanyang mga palad, ang pilantik ng kanyang mga daliri, ang pagpatak ng pawis mula sa kanyang mga noo. Alam ko, sa mga panahong iyon, masaya siya kahit misteryoso ang kanyang buhay.
Lumakad ako papalayo dala ang pag-asa na isang araw, magkakaron ng anak ang aleng yun at maliligawan ko. Grabe kasi yung ale, ang hot as in putanginang ang ganda at ang sexy. Sobrang nakakatakam. Parang sa unang tingin pa lang, mapapa-oh lala ka na sa sobrang kasabikan mo at gugustuhin mo nang manggahasa ng camel na may dalawang humps.
Natapos na ang pagwawalis. Pumasok na ang ale sa loob ng kanyang bahay.
Naiwan lamang ang malinis na bakuran. Ang tahimik na pagwagiswis ng mga dahon puno, at ang ala-ala ng aming pag-uusap na dadalhin ko sa aking pagtanda.
5 Winners:
MILF? pati matandang ale nung unang panahon na mas nauna pa sa unang panahon ay gusto mong anakan... ahaha
Wag ka nang dumagdag please, you mother fucker.
natatawa talaga ako sa salitang yan.
kamel na may dalawang humps? haha. naalala ko yung pinagusapan kagabi. LOL.
haha. buhay pa ba yang ale na yan?
naku po.. pati matandang kapitbahay hot na para saiyo.. tindi mo!!! weheeh.. ingat lang at baka pati sa poste na nakapalda magnasa ka..wehehe...
basta may humps talaga gusto mo?
amputsa
pati ba naman
matandang nagwawalis?
amp
Fer Bert, bata pa siya nung panahon na yun, yun yung una pa sa unang panahon eh, haha.
Ahaha, masaya ang camel na dalawa ang humps noime! :D Yung ale? Ayun, nagwawalis pa din. Balita ko eh dinalaw siya nung anak niya, hehe.
Aleli naman, hindi naman siya ganun ka-hot. Tamang hot lang. Ahaha, poste ba? Sus, palda lang yun eh. Kung may kasamang bra, baka pwede pa.
Oy Xienah, astig kaya yung nagwawalis, sabak sa eksersays yun, flexible na din!
Post a Comment