Office Chronicles : Jerome, Maginaw...
Grabe talaga it's cold really so lamig.
Parang sa Alaska inaangkat ang lamig. Naka-rekta ang tubo ng aircon sa bayan ni Santa Claus.
So North Pole.
Gusto kong gumawa ng bonfire gamit ang mga lecture notes namen na hindi ko man lang binabasa para man lang magkaroon sila ng silbi sa buhay ko at hindi lang pampabigat ng bag. Gusto kong gawing pampainit ang kalahating page nito, at yung kalahati, hihithitin ko yung abo para naman tumalino ako.
Ang ginaw-ginaw talaga.
Nung una akong pumasok dito sa opisina, I thought the people are all so conyo. You know, like they are all wearing long-sleeved shirts like Lee and Penshoppe and ilan of them are wearing jackets na suot ng mga hiphop dancers.
I was like, oh so grabe the conyoness of the lugar.
Lahat nakaganun halos ang damit.
Maluwag sa dress code ang opisina namen. Wag lang nakasandals at nakachinelas.
Syempre bawal ang nakahubad, sus.
T-shirt, jeans, shoes, at mga accessories tulad ng gabundok na kwintas eh pwede mong isuot.
Nung nagsisimula na ako, narealize ko na kung bakit long-sleeved ang damit nila. Kaya't naghanap na din ako ng ganung tipo ng damit sa mall.
Ang lamig pala dito. So fucking cold. Well at least malamig na para sa akin.
Di kaya ng t-shirt lang at makapal kong balat ang lamig. Nanunuot sa melanin ang kalamigan. Kahit kiskisin mo ng ilang beses ang braso mo, di basta nawawala. Kahit ilang ulit mong pagkiskisin ang palad mo at hingahan mo ito, hindi gagana. Kahit ba parang Dragon katol na ang hininga mo, manlalamig ka pa din.
Di naglaon nagdala na din ako ng sarili kong jacket. Di ako bumili nung long-sleeved na t-shirt sa mall kasi magmumukha akong tricycle driver. Nagdala na lang ako ng isa sa mga jacket kong naukay-ukay ko pa sa Baguio. 200 pesos lang.
Meron nga kaming kasama dito, fashionista ang dating. Meron pang fur ang kwelyo ng jacket niya. Parang yung jacket ng South Border sa video nila ng Rainbow. Siguro kasi malamigin din ang batok niya kaya kaylangan niya ng extra thermal conductor para sa batok. Kaya yun ang pinili niyang jacket.
Malamig talaga dito kaya laging ubos ang mga libreng kape. Imbes na normal lang ang porsyento ng consumption ng kape, tumataas dahil sa lamig.
Napansin ko pa ngang tinitigasan ako ng madalas.
Pero di dahil sa lamig. Dahil sa kaopisina kong si "Jerome".
Gago, code name niya lang yan. Baka kasi nagliliwaliw din sa internet si Jerome kaya't itinago ko siya sa pangalang yan.
Ang sexy at ang ganda ni Jerome. Kaklase ko siya nung college. Ka-batch ko din. Madaming nachichismis na issue tungkol sa kanya pero di naman ako chismoso kaya wala akong pakialam kahit may kumalat pang picture sa mga celphones ng mga estudyante na sinasabing pag-aari daw ni Jerome.
Nakita ko ang boobs sa celphone ngunit dahil sa kakulangan ng ebidensya, hindi ko na ipinagpatuloy ang aking haka-haka.
"Hindi yan si Jerome", sabi ko sa sarili ko. Malaki at malusog ang kinabukasan niya pero alam kong hindi siya yun. Nararamdaman ko ang manyak na lalaki sa loob ko na sinasabing "Pagjackolan mo na yan! Kahit di yan si Jerome!".
Naging isa din siya sa mga kaklase ko mga major classes. Matalino si Jerome. Siya ang nagpapakopya sa akin sa mga quizzes. Ang galing-galing niya. At ang tali-talino pa. Kahit ngayon sa trabaho, nangongopya pa din ako sa kanya. Sa quizzes at sa exercises. Ang galing at ang talino ni Jerome.
Mahilig din mag-make up si Jerome. Madalas siyang may mascara. Madalas siyang naka-foundation. Sa pusta ko, nadadagdagan ng five pounds si Jerome dahil sa kapal ng make-up niya. Pero ayos lang, maganda naman siya. Maganda kahit wala o merong make-up.
One of the boys si Jerome. Tropa-tropa ang dating. Wala kang kahihiyan na matatamo kung magbanggit ka man ng mga salitang lalaki lang ang nagbabanggit. Pwede kayong mag-usap tungkol sa sex, sa bulitas, sa pilikmata ng kambing, sa mga sex rings, at sa mga inuman sessions. Pero syempre, andun pa din ang respeto. Walang bastusan. Bawal ang mga pasimpleng akbay, mga "uuuuy, ito naman [sabay kurot]", at mga pisikal na pasimpleng manyak. Sapat na para sa akin ang makasalamuha siya, makayosihan, at makakwentuhan tungkol sa mga bagay na hindi maintindihan ng mga babae.
Minsan nga eh nag-uusap kame. Natapik niya ang braso ng kasamahan namin at nahalata niyang malambot ito.
Jerome: "Hawakan mo tong braso niya oh! Parang boobs! Ang lambot!"
Ako: *Hawak sa braso*. "Hmmm. Malambot nga ang braso niya. Pero wala kaming pagkukumparahan para malaman namin na kasinglambot nga siya ng boobs"
Jerome:"Gagu!"
Wala namang physical comparison na naganap (sayang!) pero nakakatuwa ang kanyang hirit.
Mas malutong pa siya magmura kaysa sa aming mga lalake. Matinis ang boses niya sa pagmumura at tipong mga manang sa apartment at palengke lang ang nakakalikha ng ganoong klase ng boses na may kasamang "tangina mo ah!".
Hindi basta-basta si Jerome at mild-mannered. Di siya papayag na basta na lang sya aapak-apakan ng mga kasama niya sa MRT. Minumura niya ang sinomang nakatapak sa kanyang paa. Kung sa hagdanan naman at naapakan mo ang paa niya, itutulak ka niya at sasabihan ka niya ng "ARAY KO NAMAN!".
Bayolente man at boyish itong si Jerome, babae pa din siya. Malambot din ang puso at natitinag.
Isang araw nakita ko siyang umiiyak. May 30 minutos siyang umiiyak. EMO-MODE siya. Tanga na lang talaga ako nung humirit akong bakit ang aga-aga eh ang EMO-EMO niya. Buti di niya ako binato ng monitor.
Malakas din siyang manira ng buhay nang may buhay. Nung isang beses na umuwi kame ng sabay eh sinabi niya sa akin na yung isang kaopisina daw namen na macho-macho ang dating eh nasipat niya daw na isang fafa-hunter.
Mula nung nabanggit niya yun, nag-iba na ang turing ko sa kasama namen na yun. Hindi ko na siya malapitan ng basta-basta at madalas pinakikiramdaman ko ang kilos niya.
Bakit nga ba naman kasi ganun ang paraan ng pagpaalam ni fafa-hunter, may tapik pa sa balikat habang nakahawak sa kamay mo na parang... basta ganun na yun! Mula nun nagbago na din ang tingin ko kay fafa-hunter officemate.
Madalas ding sumabat si Jerome sa kaopisina nameng nakikipagusap sa celphone. At ang kausap nila eh yung mga pinopormahan nilang babae at mga gelpren nila.
Ang paboritong linya ni Jerome eh :
1."Baby, sino yang kausap mo baby?"
2."Baby, nagseselos na ako dyan ha"
3."Baby, tara kain tayo baby"
4. Any combination of the three
Minsang kausap ni officemate one ang pinopormahan niyang girlalu eh ganito ang naging hirit ni Jerome. Ayun, nakwestyon si officemate one nung girlalu na pinopormahan niya.
"Sino yung babaeng yun?"
"Ah, office mate ko lang yun! Hehe... hello? Hello? Andyan ka pa? Hello?"
Mukhang naputol ang linya. Pero nung tumawag ulit si officemate one sa girlalu, at busy na ito. Mukhang ibinaba na.
Ganun din ang kaso kay officemate two sa girlfriend niya. Pero kasi mautak itong si officemate two dahil tinatakbuhan niya si Jerome sa oras na may tawag siya. Kaya nga ba't minsan eh parang nagtatayaan si officemate one at si Jerome nung naghabulan sila sa loob ng opisina habang kausap ni officemate one si girlalu.
Dahil sa kanya, napadalas ang pagyoyosi ko. Hindi naman talaga ako palayosing tao. Minsan sapat na ang isa. Pero ngayon dahil madalas siyang magyaya, napapasama na ako.
Pero okay lang. Fuck you lung cancer na ang motto ko ngayon. Mamatay na kung mamatay, basta makayosihan ko lang si Jerome at ang kanyang fantastic na porma, itsura at hubog ng katawan.
Sana'y di na magwakas ang matamis na panaginip ito. Iindahin ko na ang lamig ng aircon, makasama lang kita dito sa opis, dahil alam ko sa isang tingin ko pa lang sayo mawawala na ang ginaw sa buto at kalamnan ko.
4 Winners:
haha. nagulat ako nung nabasa ko yung jerome. buti na lang sinundan mo agad ng "Gago, code name niya lang yan." natawa pa tuloy ako. hehehe.
goodluck na lang sa inyo ni jerome. baka sabay kayong mamatay nang dahil sa lung cancer. mygolly. hehehehe.
Haha, Noime salamat. Isasabay ko na kay Fer Bert ang pagbabalita na nasa ospital ako.
Long live Emphysema!!!
fuck you lung cancer
wahaha
akalain mo yun
sikat na si jerome.
pero pare
selos ako.
love,
joseph
wahaha
Haha, yeah pare. Don't worry, ikaw priority ko pareng Joseph.
Fuck lung cancer!
Post a Comment