December 17, 2007

Marunong Ka Ba?

Haaay, mahirap talaga kapag tamad ang tao. Walang prodaktibidad sa isang araw. Maghapong nakatanga, nag-aabsorb ng lamig ang balat, nagdadagdag ng dead skins sa paligid, at nagkakalat ng buhok sa katabi. Bakit ba naman kasi yung pag-aaral pa ang iniatas sa akin. Hindi naman sa ayaw ko nun, pero hindi ako pala-aral na tao, at lalong hindi ako mahilig magbasa.



Mabuti na lamang at walang mababangis na asong nanlalapa ng tamad at mga berdugong nanlalatigo dito sa kumpanya kapag nakikita kang gumagawa ng kabulastugan. Alam na natin siguro na baka nalumpo na ako at nagkaroon nang maraming teethmarks sa aking katawan kung ganoon nga ang kondisyon.


Pero hindi naman ganoon ang kundisyon. Maluwag ang kumpanya at galante. Binabayaran ako sa pagba-blog ko. Dito lang ako kadalasang nakakapagsulat ng entries. Ang swerte ko sa kumpanyang ito. Pero mas swerte sila sa akin. Sa anong dahilan? Nasa kanila si Mariano, ang hari ng mga loser.

Pero sana lang hindi sila nagkabit ng mga hidden camera dito sa paligid ko. Mahirap na ang madiskober, baka hindi ko kayanin ang kasikatan. Takot ako dun eh, ayoko nang napapansin kapag nagtatambling ako sa harapan nila at kapag nagjo-joke ako na talagang kita ang kaluluwa nila pag tumatawa. Ayoko ng atensyon.

Nakatulala nanaman ako dito sa upuan ko, nakabukas ang PDF format ng librong dapat aralin. Hindi ko siya inaaral. O sige, ipagpalagay na natin na inaral ko siya, pero within one or two minutes lang ang maximum na itinatagal ko. Nagmimistula lamang dekorasyon ang PDF file na ito sa monitor ko. Hindi nga lang dekorasyon kundi pati na din DECOY para sa mga dumadaang bisor at manager.



Baka naman kasi sawa na silang makakita ng games at mga windows ng makukulay na blog sa monitor ko, kaya ito, nagpalit muna ako ng environment sa PC. Naka-zoom pa ang page para naman makita agad ng mga nagdadaang bisor na nag-aaral talaga ako at hindi ako nagtatayp lang ng kung anu-ano.

Wala talaga eh, wala akong magawa para sa sarili ko. Nagbibilang lang ako ng mga bintana sa buildings. Nag-aabang ng mga trabahador na pwedeng malaglag mula sa 20th floor ng katapat na gusali. Nag-iisip ng masarap na meryenda. Nagkakamot ng ulo. Nagteteks. Gumagawa ng walang kwentang bagay.

Natural, kung walang kwenta ang ginagawa ko, walang kwenta din ang lalabas sa isipan ko.

Kagaya na lang ng mga salitang ito, basta na lang sila lumitaw. Eh kesa sa masayang, isusulat ko na lang.

Marunong Ka Ba?
by Mariano

Marunong ka bang manahi?
Marunong ka bang maglaba?
Marunong ka bang mamalantsa,
Pagkatapos mong maglaba

Marunong ka ba ng science?
Marunong ka ba ng math?
Marunong ka bang tumikim
Ng putaheng maaalat?

Marunong ka bang maglakad
Kapag trapik sa lansangan?
Marunong ka bang mag-ipon
Ng budget mo kada buwan?

Marunong ka bang mag-gitara?
Marunong ka bang magtambol?
Ang haba ng buhok mo
Member ka ba ng banda?

Marunong ka bang makipaglandian
Sa babae sa lansangan?
Marunong ka bang makipagpresyuhan
Kapag tapos ka nang makipaglandian?

Marunong ka bang magsuot
Ng proteksyon sa labanan?
Dahil kung di ka marunong
Malulusaw ang iyong talong

Marunong ka bang magmahal
Ng lubos sa inaasahan?
Konting hinay lang kaibigan
Mahirap kapag nasasaktan

Marunong ka bang magpatawad
Sa gumawa sayo ng kasalanan?
Kumalma ka lang kaibigan
Baka umabot pa sa saksakan

Marunong ka bang magbalanse
Ng prayoridad sa yong buhay?
O di kaya naman ay
Kumain ng sinabawang gulay

Marunong ka man sa buhay
At sa lahat ng labanan
Subalit kapag libog ang kumatok
Ay wag mo itong iiwasan

Matuto kang magbukas
Ng pinto ng kalibugan
Dahil wag ka nang matuto sa lahat
Basta't marunong ka sa kantutan

9 Winners:

Anonymous said...

haha. parehas tayo. tamad mag-aral. pero ginagawa ko na lahat para mawala katamaran ko. tsk.

ayun. daan ka den sa blog ko. dami mo ng hindi nakkomentuhan. hehe. ;]

ingat sa mga hidden cams. hehe.

Mariano said...

Oo nga eh, ang hirap talaga pag tinatamad ka na Noime! Haha.

Dumadaan naman ako sa blog mo! Haha, pero di lang ako nakaka-comment maige.

Minamanmanan ko na nga ang mga hidden cams eh.

aleli said...

dapat marunong ka rin maglock ng pinto ng kalibugan..weehehe...

Anonymous said...

asan yung window
ng yahoo messenger?
yung window ko?
hahaha
wala ka pare
i hate you na
hahaha

tamad
bahala ka
mahuhuli ka ng manager niyo
tsk tsk

Yas Jayson said...

hampotang tula yan kuya!
napaka malayang pagpapahayag...wahehehe erotiko na parang kengkoy.

ahahaha peace out!

Anonymous said...

Pareng Joseph, pasensya ka naman. Tulog ka pa ata nung ginagawa ko yan, tignan mo naman yung oras oh, alas dos pa lang, hehe. Wag ka na mag-hate diyan.

Bahala na si manager samen, basta ako nag-aaral sa paningin niya, haha. Wag lang silang magtatanong!

Aleli! Ahahaha! Mukhang sa palagay ko, ang pinto ng kalibugan ang nag-iisang pintuan na pananatilihin kong bukas sa buong buhay ko!

Pareng elayas!!! Salamat, maraming salamat sa pagpansin! Hehe, medyo lumabas na lang silang mga sulat, kaya ayun, sinulat ko na kesa sa masayang! :D

Anonymous said...

masarap ang maging tamad..


www.taratsilipin.wordpress.com

FerBert said...

marunong ako tol! pero mas marunong akong umiwas sa tukso kayatigang pa rin haggang ngayon.. nakampucha! hhaha

Anonymous said...

Pareng Fer Bert, dapat siguro alamin mo na ang prayoridad mo sa buhay, haha. Mas mainam naman na maging bobo sa pag-iwas sa tukso, kesa sa maging kaong na ang sperm cell mo.