December 19, 2007

Pulis Pangkalawakan

Nakaka-engganyo.


Ako'y namangha sa misteryo na bumabalot sa telebisyon na tinatawag na Zaido. Ako'y nagmanman sa Internet upang maghanap ng mga impormasyon sa kanila subalit kagaya ng laging nangyayare ay inatake nanaman ako ng paborito kong sakit na katamaran.

Pero meron naman akong nakuhang impormasyon sa mga nilalang na tinatawag na Zaido bago ako abutan ng procrastinating monster.

Sino nga ba ang mga Zaido? San sila nagmula? Ganun ba talaga ang itsura nila?

Ito ang ilan sa natagpuan kong impormasyon:

-Sila ang mga pulis pangkalawakan galing sa angkan ni Shaider
-Sila ang nagmana ng posisyon ni Shaider bilang mga Space Rangers
-Tatlo silang lalake(?)
-Binubuo sila ng basic colors na RGB.
-Maaaring sila ang anak nina Annie at Shaider
-Mayroon silang mga litrato ng pakikipaglaban ni Annie (na posibleng nanay nila) na gaya nito:


-Sila ay nagti-threesome sa loob ng banyo ng spaceship nila
-Umiinom sila ng grasa
-Nagpapapak sila ng baterya
-Ilaw lang ng flashlight ang lumalabas sa baril nila
-Emo talaga sila at hindi tulad ng pagkakaalam natin na Metal na pulis hero
-Sadyang pinalalamanan nila ang mga betlog nila para dun tumitig ang mga kalaban at manalo sila

Talaga nga namang mahuhusay ang mga Zaido sa larangan ng pagliligtas ng sangkamunduhan (teka, ampangit ng tunog), SANGKALAWAKAN.

Kaya nga ba't minarapat kong kumuha ng isang pagsusulit na natagpuan ko sa Internet upang malaman ko kung anong kulay ko ba sa mga Zaidong ito. Nais kong matuklasan ang katauhan ko bilang isang Zaido.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
i-click sa larawan para makapunta sa website

Maaaring down ang server na yan dahil sa maraming nagpupunta sa site nila para kumuha ng pagsusulit. Clogged na ang system.

Napakaswerte ko at nakapasok ako sa website na iyan. Kaya naman minarapat ko nang kuhanin ang mga tanong na nakita ko sa site para naman kung gustuhin nyong sumagot eh makakapagsagot kayo.

Narito ang mga tanong:

1. Ilan ang paa at kamay ni Fuuma/Kuuma Le-ar?

a. Isa
b. Isa't kalahati
c. Tatlo
d. Sampu

2. Babae ba talaga si (Babaylan) Ida?

a. Oo
b. Hindi
c. Pwede siyang magpalit ng kasarian base sa mood ni Drigo

3. Ano ang tatak ng lipstick ni Drigo?

a. Maybelline
b. Avon
c. Chin Wang Dong
d. Atsuete
f. Katas ng pusit

4. Sino sa mga amazona ang virgin pa?

a. Amazonang Rosas
b. Amazonang Itim
c. Amazonang Kahel
d. Amazonang Lila
e. Amazonang Puti
f. Wala. Lahat sila tinira na ni Fuuma Le-ar at ng kanyang ga-Vavilos na sandata

5. Nagpapalit ba ng kulay ng panty si Annie?

a. Oo
b. Hindi
c. Hindi panty ang suot niya. Piraso lang ito ng tela na naka-masking tape sa bewang para easy-access si Alexis

6. Saan gawa ang Vavilos?

a. Sa Bakal
b. Sa Karton
c. Sa China
d. Sa Recto/Divisoria

7. Malakas bang tumama ang Shaider Punch?

a. Oo
b. Hindi
c. Mas malakas pa ding tumama ang Ginebra San Miguel na may Red Horse Beer

8. Kapag nagbato-bato pick si Zaido Blue, Zaido Red, at Zaido Green, sino ang mananalo?

a. Red Zaido
b. Blue Zaido
c. Green Zaido
d. Wala. Ibang bato ang titirahin nilang tatlo

9. Sino ang pinakamagaling magmaneho ng sasakyan?

a. Shaider
b. Zaido Red
c. Zaido Blue
d. Zaido Green
e. Mask Rider Black

10. Lupa lang ba ang kayang i-penetrate ng Battle Tank?

a. Oo
b. Hindi
c. Kaya din nitong i-penetrate ang puri ni Annie, ni Ida, at ng mga Amazona

11. Saan nagmula ang mga Zaido?

a. Sa angkan ni Shaider
b. Sa kalawakan
c. Sa Talent Center ng GMA
d. Sa Starstruck
e. Sa Panty(tela) ni Annie

12. Kamukha ba ni M. Bison(o Vega sa Japanese) ng Street Fighter si Commander Zion?

a. Oo
b. Hindi
c. Kamukha niya si Christopher De Leon. Minsan si Nora Aunor

13. Ano ba ang kayang putulin ng Shaider Cutter?

a. Mga Kalaban
b. Si Fuuma/Kuuma Le-ar
c. Etits ni Ida
d. Pagmamahalan

14. Ano ang isinisigaw ni Zaido Blue kapag magpapalit na siya ng anyo bilang Zaido Blue?

a. Codename: Zaido Blue: Alagad ng Kapayapaan
b. Codename: Zaido Blue: Sugo ng Kabutihan
c. Codename: Zaido Blue: Bantay ng Kalayaan
d. Codename: Zaido Blue: Bakat ng Sangkamunduhan

15. San ka dadalhin ng mga katagang "Time Space Warp, Ngayon Din!!!"?

a. Sa Mundo nila Le-ar
b. Sa Locker ni Davy Jones
c. Sa Boracay
d. Sa Kwarto ni Ida.Nakatali ka na. May latigo si Ida at maraming-maraming kandila. Tapos meron din yung nanginginig na batuta

16. Ano ang suot ni Drigo sa ulo niya?

a. Helmet
b. Teflon na kaldero
c. Illustration board na binilog
d. Basurahan na may shell ng alimasag

17. Ano ang nagagawa ng tungkod ni Ida?

a. Wala. Props lang
b. Nagpapalabas ng "Time Space Warp, Ngayon Din"
c. Panungkit ng mangga
d. Pampaligaya sa malalamig na gabi at kapag nasa misyon si Drigo

18. Bakit malalaki ang mga mata ng Miraclers (mga foot soldiers na laging tumatalsik sa bawat labanan at taga-kidnap ng kahit na sino sa istorya)?

a. Hindi
b. Oo
c. Dahil sa pagko-costume change ng mga Amazona sa harapan nila

19. Totoo bang ang mga Amazona na ang bagong Sex Bomb Dancers?

a. Oo
b. Hindi
c. Sila ang bagong cast ng Daisy Siete

20. Sa paanong paraan matatapos ang palabas na Zaido?

a. Mauubusan ng budget ang GMA
b. Tataba ang mga Amazona
c. Mawawalan na ng appeal ang bakat ni Zaido Blue
d. Tatalunin sila ni Lastikman
e. Aksidente silang magagamitan ng "Time Space Warp, Ngayon Din" at di na sila makakabalik sa Pilipinas


At narito na nga ang mga katanungan para sa pagsusulit.

Natapos ko ang exam at ito ang resulta niya.

Aba! Talagang mahusay! Hindi na ako ganoon ka-loser nito! Nakakatuwa naman at ang ganda ng resulta ng pagsusulit ko.

Ako daw pala ay si BLUE ZAIDO!!! Hindi ko naman pwedeng ipagkait yan dahil yan ang resulta ng pagsusulit. Wala naman akong dinadaya dyan.

Pwede mo ding sagutan ang exam na yan kapag aktibo na ang server nila. Sa ngayon, pwede mo munang sagutan ang mga tanong mula sa blog entry na ito.

*Tip lang, maaaring ang tamang sagot para makuha ang Blue Zaido na resulta eh yung pinakahuling sagot.*

Sa tingin mo, sinong Zaido ka?

10 Winners:

» nhoii said...

pucha kuya, tawa ako ng tawa habang binabasa ko 'to lalo na nung pinindot ko yung picture na may test. haha. bayag-ng-mga-zaido. HAHAHA! ayun.

ni minsan hindi ko pa napapanuod ang zaido na yahn. dahil tfc kami dto. naririnig ko lang yan sa mga bata sa school na may orbit. hehe. (:


ps. haha. comment ko? hehehe.

XienahGirL said...

hindi ko maintindihan
kung bakit kailangan
laging mahaba ang entry mo?
ahaha

ako si zaida
diyosa ng blogsophere
hahaha
:)

ignoramus said...

entertainment blog of the year ka na sa 2008 dahil sa post na to.. wahahaha... lupit mariano.. sadyang malupit

Mariano said...

Noime - Ahahaha, aba aba aba, talagang sikat din pala diyan ang Zaido. Kung ako sayo, manonood na ako sa Youtube para makita mo ang kapangyarihan nila! Noime, wait lang sa comment ko ha? Papaulanan kita! Ahaha!

XienahGirl - mahaba talaga magsulat ang mga madadaldal na tao! Saka mukha lang mahaba dahil sa layout! Sus ka!

Zaida? Short for Zoraida? Ahaha! Dyosa ng sangkablogosperyohan

Ignoramus - Wahahaha! Salamat salamat sir Ignoramus!!! Pero hindi yan, katuwaan lang yan. Next post, walang kwenta na,haha.

Billycoy said...

ikaw si zaido blue?! humada... este humanda ka kay ida. momolestiyahin ka nun! always wear a protection. :p

FerBert said...

Zaido Pink ako..
Malibog..
Mahalay..
Bastos..
Sasalero.. at
Kantutero..

talo ang RGB zaido sa bakat na burat ko..

Mariano said...

Billycoy, haha. ewan ko, yun ang lumabas eh! Siguro naman kayang-kaya ko na si Ida! Madami naman akong panlaban sa kanya kagaya ng pawis ni Drigo.

Ferbert! Zaido pink ka pala, mukhang matindi ang kaalaman mo sa mga Zaido.

Kahit nga siguro pagsama-samahin ang mga bakat nila, di mo sila matatalo! Ahaha!

ohmski said...

dko mapuntahan yung site nung test.

viagra online said...

Kaya nga ba't minarapat kong kumuha ng isang pagsusulit na natagpuan ko sa Internet upang malaman ko kung anong kulay ko ba sa mga Zaidong ito. Nais kong matuklasan ang katauhan ko bilang isang Zaido.

Anonymous said...

buy xanax is it illegal to buy xanax online - xanax anxiety medication side effects