Matapos ang limang taon ng pag-aaral ay nakatapos din ako at nagsimula nang sumubok sa Corporate World. Bilang unang trabaho ko, nais kong magbahagi sa mga tao ng aking munting mga karanasan sa bagay na tinatawag nilang pagtatrabaho.
===================================
Alas nuwebe daw ng umaga ang napagkasunduang magiging pasok naming mga trainees sa opisina.
Ako naman si excited, maaga din akong gumising para hindi na ako mahuli at maging paespesyal na trabahador na kaylangan pang intayin ng mga kasama. Model Employee ang target kong posisyon sa opisina.
Kahit na maaga akong nakapagprepare eh di din naman ako nakaalis agad dahil minabuti ko na lang na sumabay sa ate kong may sasakyan pagpasok. Ayos, tipid sa pamasahe at mabilis ang byahe at komportable. Maluwang at walang mga pasaherong nang-aagaw ng aircon at sinasandalan ka pag nakakatulog na. Ang normal na 40 pesos, nagiging 15 pesos na lang. Super tipid. Para kang kumain sa Italianni's sa halagang turo-turo lang.
Smart casual daw ang attire sa unang araw ng pasukan. Best foot forward ika nga. Okay na sa kumpanya ang magbihis lakwatsa ka sa ibang araw, wag lang sa unang araw. Nakasuot naman ako ng de-kwelyong damit noon na nabili ko sa halagang 300 pesos sa Robinson's Galleria. Kung mayroon lamang nagmamasid sa akin sa mga panahon na kaylangan ng Smart Casual na attire, makikilala nila ako dahil sa yun lagi ang suot ko. Nag-iisa lang kasi ito sa matitino at maipagmamalaki kong damit. Sinubukan kong mag-conyo mode sa pamamatigan ng pagtataas ko ng kwelyo ko na parang si Dracula subalit masyado na itong malambot para tumaas. Himasin ko man ng ilang beses ay ayaw na niyang tumindig kaya't hinayaan ko na lang siyang malambot. Gwapo pa din naman siguro ako kahit nakababa ang kwelyo ko. Wag lang sana silang titingin sa sapatos kong naaagnas na sa kalumaan dahil dinekwat ko lang to sa kasama namin noon sa apartment.
Pagdating ko sa lobby ng building, saktong andun sa lobby ng building si Jerome. Oh yeah. Si Jerome nga. Matikas ang porma ni Jerome. Parang gigimik lang. Hindi smart casual yun, Party casual ang suot pero pormal naman ang dating para sa akin. Hindi ko na din maalala ang suot niya basta ang alam ko eh maganda siya nung araw na yun. Oh lala. My precious.
Pagdating namin sa opisina, mayroon na palang mas nauna sa amin. Dalawa sa kasamahan namin. Mga pormal masyado ang suot. Nagmukha lalo tuloy luma ang suot kong polo shirt. Ang isa sa mga nauna naming kasama ay tulog na tulog at tila ginawang sariling pag-aari ang sofa sa may lobby. Di kame makaupo ni Jerome. Parang lasing pagkakahiga niya at mula sa malayo ay tila ba nakasandal pa ang ulo niya sa katabi niyang kasama din namin sa trainee.
Pumasok kame sa kabilang kwarto. Sayang at dalawa ang silya. Balak ko pa man ding magpakandong na lang kay Jerome o kaya e vice-versa. Ayos na din, at least komportable siya kesa sa kandungin ko siya at maramdaman niya ang matigas kong mga... hita na puro buto.
Maya-maya naman eh dumating na din ang isa sa kakilala ko. Pormal din ang suot niya. Daig nanaman ako. Pero di naman ako nainggit. Maayos naman ang itsura ko at presentable. Bagay kame ni Jerome. Uuuuy...
Una kaming pinapasok sa maliit na silid. Medyo may kaliitan ang silid na yun. Nagdatingan na din ang iba naming kasama. Merong nagkukwentuhan sa isang sulok. Magkakilala na din sila gaya namin ng dalawa ko pang kasama. Mukhang mga primyado ang dating. Mga henyo siguro sila. Sa unang tingin ko, sila na ata ang magiging boss ko.
Matapos ayusin ang training room na siyang magiging classroom namin para sa buong period ng training sessions ay pinapasok na din kame dun. Ang ganda ng kwarto. Parang professional ang dating. Maliit pero sapat na para tawagin kang "sir" ng mga papasok dito kada makikita kang nakaupo sa isa sa mga silya.
Nagsama-sama na kaming tatlo sa isang lamesa. Maya-maya pa dumating na din si Supreme Java Master at umupo sa mesa namin. Syempre sa upuan siya umupo at hindi talaga sa mesa. Normal na first day, parang sa school lang. Kwento-kwento, chika-chika. Sana lang pwede ding beso-beso kay Jerome.
Dumating na din si Ma'am Head of Traning and Development. Nagkwento ng kaunti, sinigurado niyang kumportable kame, at nagkwento pa. Lahat ng mga nabanggit niyang salita ay puro ingles at talaga namang nakakabaliw ang accent. Feeling mo nasa Inglatera ka na. Ako naman eh pinipilit tunawin ang lahat ng kanyang binibigkas na salita kahit pa alam kong niloloko ko lang ang sarili ko sa pakikinig at pag-intindi ng english words.
Maya-maya ay binigyan na din kame ng instructions. Para kameng mga estudyante sa unang araw. Ang unang activity na ginawa namen ay yung pagpili ng partner mo sa isa sa mga kasama mong "nakauto sa kumpanya".
Kasama namen sa mesa si Jerome, ang isa pa naming kakilala, at ang isa sa kaopisina namen na tatawagin kong Supreme Java Master.
Ang instructions sa amin noon ay kumuha ng kapartner na hindi mo talaga kakilala. Dahil sa ang activity ay "getting to know each other" (a little to weeeell...), pinapipili kame ng partner namin na hindi namin kilala.
Eh anong magagawa ko, kame-kame lang ang magkakasama sa lamesa. Hindi naman ako yung tipo ng bibo kid na lalapit ng kusa sa mga tao para makipagkilala at wala akong balak simulang maging bibo kid sa mga oras na yun.
*Ehem*, kasama ko naman si Jerome sa mesa. Pero ang utos nga kasi ni Ma'am Head of Traning and Development eh wag ang kakilala niyo na ang piliin. Ang swerte ko naman. Hindi ko kilala si Jerome. Kahit naman magkausap kame at naging magkaklase eh hindi ko lubusang kilala si Jerome. Hindi ko alam ang paborito niyang palabas, pagkain, tugtugin at mga size ng damit niya. Hindi ko alam kung ano ang tipo niya sa lalake, ang gusto niyang paraan ng pagmamahal sa kanya, at kung ano ang gusto niyang mararamdaman sa piling ng minamahal niyang lalake. Hindi ko alam kung paano sya matulog - kung nakahiga o nakadapa, kung may suot o naka-nighties lang, at kung napapanaginipan ba niya ang mga ulap. Hindi ko din alam kung papaano siya maligo - kung inuuna ba niya ang shampoo, o sabon, o nagsasabon ba siya bago magbuhos ng tubig, o kinukuskos ba niyang maigi ang kanyang katawan, o kung gumagamit ba siya ng moisturizer para sa makinis niyang balat.
Samakatuwid, hindi ko kilala si Jerome. Ayos ito, hindi ko nilalabag ang utos ni Ma'am Head of Training and Development. Salamat naman kay Supreme Java Master at pinili niya ang isa sa kakilala ko na kasama namin sa lamesa kaya't wala na talagang natitira pang kapartner kung hindi si Jerome.
Ayos ang activity na ito. Madami akong natutunan at nalaman kay Jerome. Nalaman kong gusto niya din palang magpunta ng Europe kagaya ko. Nais niyang magpunta sa Paris para makita ang Eiffel Tower, kagaya ko. Biniro ko siya at sinabing sabay na lang kame magpunta dun at sabay naming aakyatin ang Eiffel Tower. Gusto ko sanang sabihin na sabay na din naming buuin ang mga pangarap namin doon sa Paris, pero baka masampal niya lang ako at sabihan ng "tangina mo ah!!!".
Mayroong nakalaan sa aming mga notebook. Libre sa kumpanya para magamit namin sa pagtatala ng mga chismis at mga lesson ng trainers. Ito naman ang ginamit ko para mailista ang mga impormasyon tungkol kay Jerome. Ipepresent kasi ito sa harap ng grupo.
Ito ang ilan sa mga nalaman kong impormasyon:
1. Age: 22
2. Favorite Movie: Serendipity, The Notebook
3. Favorite Restaurant: CPK
Ako: "Anong CPK?"
Jerome: "California Pizza Kitchen yun tanga."
Ako: "aaah. Sorry ah, di ako sosyalin eh, hehe."
4. Place you'd like to go to: Europe, Paris, Italy.
Ayan, yan ang ilan sa mga "essential" na info para mapasaakin siya. Bibili ako ng The Notebook at Serendipity na DVD para panoorin namin ng sabay habang magkayakap. Sa CPK naman ang unang date namin at magsusubuan kame ng isa't-isa.. este ng pizza. Sa Europe naman kame magtataguyod ng aming mga kinabukasan at iisa-isahin namin ang magagandang lugar na pwedeng tuluyan sa malalamig na gabi.
Pero tama na siguro ang daydream dahil may boyps naman itong si Jerome at wala akong panama sa kanya kahit maghubad pa ako at maglumuhod sa kanya at magpakaalipin na parang aso. Sapat na ako sa patagong paghanga at pagnanasa.
===================================
Nagsimula na kami sa aming activity. Kame ni Jerome ang huling nagpresent. Maayos naman ang aming presentation at napatawa naman ang lahat sa ginawa kong pagpapakilala sa kanya.
Sabi kasi eh idaan ang lahat ng pagpapakilala sa drawing, kaya't nagdrawing ako ng isang hubad na babae. Pero joke lang yun. Syempre mga drawing ng Eiffel Tower ang idrinowing ko at mga drowing ng pizza at notebook.
Nakilala ko din ang ilan sa aking mga kasamahan sa trabaho.
Bukod sa aming tatlo ay mayroon pang limang taga-parehong iskwelahan na pinanggalingan namin, kaso lamang ay doon sa kabilang branch sila galing. Kame ay yung mga taga-main branch lang.
Dalawa sa kasama namin ay may pamilya na din ngunit halos lahat sa amin ay magkakaedad lamang at nasa same age bracket.
Ang isa sa pamilyadong kaopisina namin ay may tatlo nang anak at nagtapos siya sa La Salle ng BS Math yata. Pero ang pinasok niyang trabaho ngayon (galing siya sa bangko dati), ay may kinalaman sa software development.
Ang isa naman ay may edad na 21, 10 years ago. Dati na din siya sa kumpanya ngunit sa ibang department. Mahilig daw siya sa basketball kaya't ngayon ay buntis ang kanyang asawa.
Mayroon din kameng isang babaeng kasama subalit si Jerome lang ang kinikilala kong babaeng kasama. Di naman sa hindi mukhang babae ang kaopisina naming ito, pero kasi si Jerome lang ang nakikita kong babae sa opisina kaya ganun.
Apat sa mga kasama namin ay galing na din sa kabilang department ng kumpanya at nagbalak magpalit ng career mula sa multimedia papunta sa software development na talaga namang umaani ng limpak-limpak na salapi para sa kumpanya.
Ganun din siguro ang panimula para sa lahat ng kumpanya. Training ng dalawang araw tungkol sa company policies, kaperahan, absent at late, chorva, eklat, at iba pang hindi ko na matandaang policies. Pero may nangibabaw na policy na talagang ang tumatak sa isipan ko. Ito ang SEXUAL HARASSMENT.
===================================
Mahaba ang diskusyon tungkol sa sexual harassment, sa dami ng paraan na pwede kang makundena sa sexual harassment eh minarapat kong patayin muna lahat ng kalibugan ko sa katawan ko hangga't nagsisimula pa lamang ako dito sa kumpanyang ito. Siguro kapag nagtagal na ako ay makikita din nila ang katotohanan na gusto pala talaga nilang magpa-harass sa akin.
Ito ang ilan sa mga natandaan ko na talagang dapat tandaan at iwasan kapag nagkakaroon na ng kaso ng sexual harassment sa opisina. Oo nga pala, sarili kong interpretasyon ito.
1. Bawal magpadala ng e-mail na may kabastusan tulad ng Boy Bastos, link ng YouPorn, at mga e-mail ng hubad na tao.
2. Bawal ang mga kalandian sa kaopisina.
3. Bawal ang kumandong sa boss.
4. Bawal ang magpakandong ng sekretarya.
5. Bawal ang magsuot ng damit na kaaya-aya sa paningin ng mga lalake pero magiging sanhi naman ng pagmumura ng mga madre.
6. Bawal ang manghipo.
7. Bawal magpahipo.
8. Bawal makipagkiskisan ng katawan.
9. Bawal makipaglaplapan sa kaopisina.
10. Bawal magregalo sa kaopisina na may kapalit na malisyosong pabor.
11. Bawal magtinginan ng malagkit, lalo ka kung pareho kayong lalake.
12. Bawal magpabayad sa kaopisina.
13. Bawal ang santong paspasan para sa ikatatahimik ng tawag ng laman.
14. Bawal ang magsuhol sa kaopisina kapalit ng kaunting kaligayahan ng katawan.
15. Bawal ang "talking dirty" tulad ng "you dirty bitch", "you flirtatious whore", "you hot momma", "ang sarap mo", "patikim ng pinya", "patusok ng talong", "pabomba ng poso", "pakurot sa utong", at "sex tayo".
Naniniwala naman akong ang lahat ng batas ay mayroong loophole kaya't hangga't pwede ang intimate na pagpapakita ng pagnanasa eh magagawan ng paraan ang lahat ng batas na yan.
===================================
Matapos ng nasabing orientation ay dito na nagsimula ang activity ng puspusang pagpapanggap at punung-puno ng procrastination na tinatawag na "TRABAHO".
Ito ang una kong trabaho kaya't nais kong maging malaking parte ito ng araw-araw kong alaala. Magtagal man ako dito o hindi, mananatili itong isang matinding experience para sa akin.
Marami pa akong kwento kaya sana maalala kong lahat nang mga yun.