Pamawi
May hindi natapos na trabaho. Isang araw na lang ang palugit para sa deadline. Lahat kame parang may mga berdugong naka-ambang at lalatiguhin ka sa oras na ialis mo ang mata mo sa monitor ng computer at ang mga daliri mo sa keyboard nito.
Walang uuwi hangga't hindi natatapos ang trabaho. Ika ni boss nang may conviction. Seryoso siya dito.
Yeah, I know. It may sound like slavery but I like how the boss treats us this way. Pressure surrounds your personality with this type of management.
It's like an unripened boil that you want to squish but then it's not yet time. You have to wait for the right moment to make tiris of the boil. Patuyuin muna tapos saka tirisin. At putangina napa-ingles ako.
*Anong konek nun? Wala. Basta dapat kang tumanggap ng challenge. Yun lang naman talaga ang tunay na pakay ni Boss, diba boss? Kung nagbabasa ka nito ngayon boss eh sana maintindihan mong kailangan namin ng mataas na sweldo okay? Labshu!*
Papalapit na ang alas siyete ng gabi. Makakauwi na din sa wakas. Wala namang naging problema sa pagso-solb ng mga isyu at mga kakulangan sa requirement ng project. Magaling tumira ang mga engineers ng team. Tinapos nila yung trabaho nila tapos tinulungan ako.
Hayup ka talaga Sir A, napakahusay mo. Isa kang halimaw ng Java sa katawan ng tao. Pasasaan pa't balang araw eh titingalain na kita bilang sunod na boss, at ako naman ang papalit sa puwesto mo bilang fastest improving programmer sa opisina.
Natapos ang araw na wala nang katas ang isipan ko. Cactus na lang ang kulang at maaari mo nang tawaging disyerto ang aking utak. Para akong nireyp na babae dahil lutang ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang susunod na hakbang na gagawin ko.
Ah oo nga, tama nga pala. Uuwi na nga pala ako. Pasado alas-nuwebe na din, baka naman maaari ko nang pagbigyan ang sarili ko na magpahinga. Wala na ang mga imaginary na berdugong muntik nang manghambalos sa likod ko kanina nung nagkamali akong magdagdag ng isang curly brace.
Daan ng seben eleben, bili ng C2 Green Tea. Pumili ng Peach pleybor at pumila. Nagbayad at naglakad sa sakayan ng bus. Oo na, alam kong hindi mo kailangan ng ganitong klase ng detalye sa kwento ko kaya ipasporward na lang naten.
Bumaba na ako ng bus at naglakad ng may halong pag-iisip at pagmumuni-muni sa paligid. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking paa patungo sa pila ng mga jeepney na alam kong buong araw nang dumanas ng init ng sikat ng araw. Pinagmasdan ko ang paligid at tinitigan ang mga halaman sa tabi ng Teleperformance sa may Shaw Boulevard.
Anak ng putangina, sabi nang no more details eh.
Ayun, nakakita ako ng byaheng Taytay. Sumakay na ako, baka maiwan pa ako. Pagsakay ko tinitigan ko yung babae sa kanan ko, tinignan ko kung maganda tapos tinignan naman ako ng kasama niya. Inilihis ko kaagad ang tingin ko. Parang ako na lang ang iniintay nung drayber kaya at kaagad na din siyang umalis matapos kong makapagpahinga.
Hindi ako kaagad nagbayad. Baka kasi masiraan yung jeep, hassle pa. Maya-maya bigla itong bumagal at tuluyan nang tumigil. May sasakay pala.
Nakatingin ako sa sahig at nag-iisip ng kung anong ulam sa bahay dahil kanina pang nagkakainan yung dalawa kong bituka sa tiyan. Sana iwasan nilang ngasabin yung testicles ko. Baka pati yun patusin.
Ayun, may sumakay. Ang bango. Parang hindi galing sa trabaho. Pag-angat ko ng ulo ko at pagtingin ko eh fresh na fresh pa yung babae. Papasok pa lang siguro. Tangina ang ganda. Nabighani ako.
1, 2, 3, 4, 5. Lampas na ata sa 20 segundo akong nakatitig sa mukha niya. Kakaiba ang itsura niya. Parang may lahi siya. Tapos ang damit niya eh simple lang. Jeans na medyo fit tapos white spaghetti strap na parang tank top. Panalong-panalo. Simply bayutipol. De Luxe kumbaga sa sisig, Rizal kumbaga sa bayani, at may sprinkles kumbaga sa ice cream. Perpektong nilalang ka para sa akin, oh babeng misteryosa.
Tangina, ano ba tong meron sayo darling.
Binusog mo ang pagkagutom ko.
Pinawi mo ang pagod ko.
Pinakalma mo ang isipan ko.
Pinatigas mo ang...
...binti ko.
Pinalaki mo ang pagkakabuka ng mata ko.
Pinakilig mo ang batok ko.
Pinaibig mo ako,
sa pagsakay mo sa jeep na ito.
Harinawa'y malaman ko man lang.
Miski ang ngalan mo.
Tanginang yan. Wala na akong hahanapin pa sa gabing ito. Solb na ang araw ko.
Hindi pa din siya nagbabayad. Ililibre ko na ba? O aantayin ko na lang na kumuha siya ng pera para ako na ang mag-abot sa drayber? Hindi ako pwedeng mag-aaantok nito. Dapat tatanuran ko siya. Dapat ko siyang protektahan sa mga matang nagnanais ding angkinin siya. Mga putangina nyo, magpantasya na kayo sa iba, akin lang ang babaeng ito. Dun na lang kayo sa babaeng katabi ng katabi ko.
Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang purse. Mukhang kukuha na ata ng barya. Ako naman eh inihanda ko na ang aking mga palad. Pinunasan ng bahagya ang pasmado kong mga kamay para naman ma-experience ko kang kutis niya.
Humugot ng foundation. Nagsalamin at nagpahid ng ispongha sa mukha. Anak ng katuray, akala ko barya na. Pero sige, hindi na bale. Mamaya niyan magbabayad na yan dahil kapag hindi siya nagbayad, eh ako na ang sasagot. Ibabayad ko ang bago at malutong kong 100 pesos para isipin niyang bagong sweldo ako at magyaya siya ng kauna-unahang date namin.
Heto na, humugot na ng barya si ateng diwata. Iniabot ang bayad sa katabi. Hindi na siya umimik. Dahil sadyang mabilis ako, agad kong itinutok ang aking mga kamay at bukang-buka ang aking mga palad. Inilapag niya ang bayad sa aking mga kamay. Putanginang shit parang gusto ko na mag-orgasm right then and there. Heaven pareh. parang langit.
Mabuti na lang at malapit lang siya. May sukli pa ang 10 pesos na iniabot niya. Kahit mapunitan pa ako ng litid, ayos lang basta mai-stretch ko lang ang braso ko't makuha ko ang sukli galing mismo kay manong.
Walang napatid na litid pero napangiwi ako sa pagstretch ng kamay ko. Shet eto na, mahahawakan ko na ng mas solido ang kamay niya. Sasapuhin ko sa ilalim at saka ko ilalapag ang barya sa palad niya. Sa pagkakataong ito, ang palad naman niya ang bukang-buka at ang kamay ko naman ay mabagal na iniabot ang sukli.
Oh syet. Ang kinis ng balat. Ang lambot ng kutis! Parang Likas Papaya Soap with matching Perla on the side. Parang binuro sa asin ang kutis niya. Malambot at ang sarap supsupin.
"PAREH, SALAMAT AH. KUYA JESS, DYAN NA LANG AKO SA TABI HA."
Napatigil ang mundo ko. Hindi, mali. NAGUNAW ANG MUNDO KO.
Tumigil kame sa isang kilalang Karaoke Bar ng magagandang bakla.
"Sige Arnel. Teks ka lang mamaya kung sasabay ka ha? Baka abutan pa kita. Dahan-dahan sa supsop ha? "
"GAGA! MARUNONG AKONG MAGTIMPI! O SIYA SIYA, ITETEKS NA LANG KITA. BABOOSH!"
Namutawi sa labi niya ang mga boses na parang pinag-halong Mike Tyson at Inday Garutay.
Saka ko na lang napansin ang balikat niyang malapad, ang tila ba malalaki niyang kamay at ang medyo bigotilyo niyang mga nguso. At lalo na ang kanyang tila bang inipit na mansanas ni Adan sa kanyang lalamunan.
Nanumbalik ang gutom ko at nasusuka pa ako.
Pinabalik mo ang pagod ko't na-over fatigue pa ako.
Ginambala mo ng husto ang ulirat ko.
Pinalambot mo ang tuhod ko dahil nanlulumo na ito.
Pinanlisik mo ang mga mata ko.
Para akong binatukan ng kapre.
Pinatay mo ang pangarap ko,
sa pagkakasakay mo sa jeep na ito.
Hayop ka Arnel, putangina mo.










