Aaah, ano kasi di naman ako sanay ng nanalo eh. Parang naoberkam naman ang titulo ko at titulo ng blog na ito ng pagkakalagay ko sa TOP FIVE ng PHILIPPINE TOP TEN HUMOR BLOGS in the PHILIPPINES. Oh yeah, bragging rights. Sweet. Dude. Sweet. Dude.
Kinse mil ang boto ko mula sa mga mahal kong tao, ang karamihan mga ginamitan ko ng hipnotismo at swabeng hubog ng katawan na hinaluan ko na din ng kaunting kagat ng labi at tambok ng puwit para mapagsulat ko ng entry-islas-boto. Mga estrangherong hindi man lang nagbasa ng blog ko eh ibinoto na ako. Joke lang. Mahal ko ang daliri nyong nagsipag-gawa ng mga blog entry ng wala sa panahon para lang sa ikasasangkot ko sa krimeng ito. Ang krimen na maging hindi loser.
Mahal na mahal ko kayong lahat. Walang stir yan, walang kyeme, at lalong-lalo na eh wala ding brip. Ano ba to, hindi naman nakakatawa ang blog na to, ganun lang talaga kasi ako magkwento, parang ano lang ahhhh, parang kalahati lang ng utak ang laman ng panot kong kukote.
Popularity kontes nga, ika ni Rens. Nadaan lang sa paninindak at pananakot. Kung di nyo naitatanong, saken nanggaling ang titulo ng pelikula ni Juday ngayon na tiyak kong panonoorin nyo.
Oo, ako ang nagpauso nun. "Matakot Ka Sa Ulam". Ulam yung orig kaso hindi nila makita yung katatakutan dun kaya pinalitan nila ng kulam. Duh, ikaw ba hindi ka ba natatakot sa ulam kung ako ang magluluto? Mas gugustuhin mo pa sigurog magpatuklaw kay cobra kumpara sa kumain ng ulam na luto ko. Puta, kabaliwan pang baguhin nila yan.
Yan talaga ang sinasabi ko sa mga napilitang bumoto saken kaya ako na ata ang naging isa sa pinamataas na lumundag. Halos parang David Blaine lang ang pag-angat ko sa lupa mula sa naunang round na hindi ako kilala, tapos napapunta sa 29-33rd place, tapos sa third round na pangtrese kamalas tapos eto, nakarating sa pang-apat.
Akalain mong meron palang kakayahang mangiliti ng tinggle ng katatawanan ng tao ang blog na to. Ako nga galit sa may-ari nito, gusto kong paagusin ang mainit niyang dugo mula sa leeg niya [EMO]
Tama na nga to. Napakahabang intro, napakabakla.
Unang-una, gusto kong pasalamatan si
Boss Badoodles ng Kwentong Barbero sa pagpapatimpalak ng tulad nito. Nakakilala ako ng mga mahilig sa kakornihan at nalaman kong meron palang mga nagbabasa ng basurang tulad ng mga sinasabi ko sa internet. Oo na sige na, masyado akong humble kaya hindi bagay. Pero salamat talaga sa pagpapakontes ni Badoodles ng tulad nito at nakapagpamalas naman ako ng kakarampot na kaalaman sa paghahayag ng damdaming pinagtatawanan lang ng iba.
Ikalawa siyempre ay ang walang-habas na pagmamahal at pagtangkilik na ibinigay saken ng mga kapwa ko manunulat sa pinilakang-tabing. Mga nagtitiyagang magdadalaw at magtagal ng mga kahit 20 seconds lang dito, mahal ko na kayo. So lalo na ngayon sa mga bumoto saken na sila...
[Teka lang, saka ko na ia-update, hindi pa ako tapos maghanap ng mga tumangkilik sa akin eh, hehe.]
Ikatlo, siyempre special mention diyan ang ating campaign manager na totoong nagboost ng boto ko dahil siya naman talaga ang may kapangyarihang makapanindak. Sa iyo na nagtulak saken sa bangin ng ikaapat, maraming-maraming muchas gracias na pasasalamat at magbra ka naman
.Siyempre, ang aking pamilya ng
GreenPinoy people in the neighborhood na madalas kong kakulitan, salamat di kayo nagsawa sa kakornihan ko. Ang lakas ko sa inyo, ahihi. Congrats din sa numero dos nating si GP himself.
Sa mahal na mahal ko ding tropang
Chiksilog, salamat sa suporta nyo. Sana makatikim naman ng ambon ng alak ang nanunuyo kong lalamunan mula dun sa namberwan ng patimpalak na ito.
Kay Boss Papa
Umleo23 para sa isang matinik at hubad na Vlog presentation ng Awarding para sa pakontes na ito, pinatulo mo ang luha ko at pinakilig mo ang damdamin ko sa pamamagitan ng iyong matinik na vlog! I heartz Umleo23 na!
Sa lahat ng bumati sa blog na ito, sa mga dumalaw at sumilip, sa sumuporta, sa mga ngiti, sa mga pinagjakulan at pinagpinggeran ang mga litrato ko, sa lahat ng nakinabang sa kaalindugan ko,