Everyone has their own little secret. May it be dark, savage, dirty, sweet or tingling, we all have the desire to keep it to ourselves, and probably with someone who doesn't know who you are.
Putanginang yan, Ingles-ingles pa. Akala mo naman may kredibilidad para magsalita ng ganun.
Hindi naman niya ginustong maging loser, o kaya eh corny, o kaya naman eh walang kahahantungan ang buhay. Nagkataon lang siguro na minalas ang balasa ng buhay niya kaya siya nagkakaganito...
At hindi sa lahat ng oras, nakakatawa si Mariano. Aminin na natin ang katotohanan na gawa sa mais ang dugo niya at mukha siyang ugat nito. Isama mo na ang buhok niyang amoy toasted corn.
Kaya't sana'y magtagal pa ang sikreto ni Mariano. Makahagilap sana siya ng mga aral mula sa sarili niyang pagsisikreto at mamatay sana siya ng nag-iisa at dilat ang mata.
Muling ibalik ang tamis ng kamatis, muling pagbigyan ang inuman at kantahan. Muling ibalik ang tamis ng kamatis, muling sabayan ang duyan at kantahan.
posted last lifetime. = = = = = = = = = = =
Magkula ka ng damit, magbuhos ka ng toilet, magsampay ka ng nilabhan, magtiklop ka ng banig, magwalis ka ng bubong, magluto ka ng bato, magkalikot ka ng pusod, at maghukay ka ng masigasig at eksklusibo posted last lifetime. = = = = = = = = = = = Di ko kayang namnamin, ang lahat ng aking dapat aralin. Napakasakit sa medulla oblongata, na ayaw ko siyang aralin. Hapdi at kirot, ang dulot sa king cerebrum. Di ko na kayang basahin pa ito, kung magwawala laaahaaang, ang isip ko!!! posted right about now. = = = = = = = = = = = Happy Birthday Noime, happy birthday Noime, happy birthday, happy birthday, let's fucking go and kill Barney! posted right about now. = = = = = = = = = = =
Gusto kong mag-aral pero di ko magawa. Gusto kong mag-aral pero di ko magawa. Gusto kong mag-aral pero di ko magawa. Lasang amag ang tinapay, ang puwit niya ay basa. posted right about now. = = = = = = = = = = =
Oh it's office time again, I am so lazyyyy. You can see it in the way, I close my eeeeyes. You can tell by the way I hold the PC. Oh it's lazy time again, you maderpakeeeer... posted right now. = = = = = = = = = = =
Testing testing testing... Tuwititter is now up and running... posted right now.
Gustong-gusto ko talaga ang konsepto ng paghihintay...
Tipong nasa iyo na lahat ng panahon para isipin mo ang lahat ng mga bagay na dapat mong isipin, ang mga bagay na dapat mong pinaplano.
Maliban na lang kung sobrang natatae ka na at kapapasok lang ni Hazel para linisin ang banyo at isabay ang pagligo.
Kaya ikaw Hazel, wag kang magtataka kung bakit ikaw lagi ang inuutangan ni Aling Maring kapag wala akong pera kasi hindi naman ikaw ang naglalaba ng brip kong may skid marks, tseh sayo na bonggang bongga.
Nakaisang taon na din pala tong blog na to. Marami akong naging kaibigan, mga ka-blog at mga tropang minahal ko na din at naging parte na ng pulso ng buhay ko. Isa ito sa malaking porsyento na bumubuo ng pagkatao ko.
Blogger ako. Proud ako dyan.
Dito na din ako nakatagpo ng katauhan kung saan ako magaling - ang maging loser.
Pero maraming may ayaw nito para saken. Masyado na daw akong kinakain ng titulo ko. Masyado kong pinanindigan ang identity na ito. Hindi na nakakatuwa.
Marami silang nadidismaya sa ugali ko. Ako kasi ang tipo ng tao na hindi mo gugustuhing pagsabihan dahil kung ang sa normal na taong walang pakialam, pag sinabihan mo sa kaliwang tenga eh lalabas sa kabila, ako sa lahat ng butas ko sa katawan lumalabas ang mga paalala at pagbibilin tungkol sa buhay. Parang balakubak lang na pinapagpag ko mula sa balikat ko ang mga aral na hirap nilang pinagtuunan ng tamang salita para lang maturuan ako at magabayan.
Malaki ang problema ko sa sarili ko.
Darating ang panahon magsasawa lahat ng nagmamahal sa akin at maiiwan akong namamaluktot sa lamig ng pag-iisa. Aaminin kong takot akong mag-isa. At aaminin ko din ang pagkakamali ko bilang kaibigan. Lahat ng nakikita nilang potensyal sa akin, tinatapon ko lang na parang pabalat ng nougat.
Patawad sa mga mga mahal kong kaibigan.
Nakakademoralize ang ganitong klase ng ugali para sa akin at para sa iba.
At pinagbayaran ko ito ng ubod ng laki. Winasak ko ang isa sa mga bagay na pinangangalagaan ko sa buhay ko - ang pagkakaibigan. Dahil sa titulo kong ito, nangyare ang isang masaklap na bagay at hindi na ito maiibalik. Sa panahon ko na iniaatas ang paghihilom ng sugat na sanhi ko.
Sa ngayon, hindi ko din alam kung san ako pupunta. May panahon na nababagot ako sa sarili kong buhay kapag napapaisip ako tuwing nag-iisa. Dala na din siguro ng wala akong trabaho, at umabot sa higit na inaasahan ang pagiging bum ko at tambay sa bahay. Kinakain ako ng pagkabagot at nararamdaman ko ang pagkamiserable ko sa mga ganitong pagkakataon. Parang gusto ko na nga lang talagang magkaron ng cubicle at task sa mga panahon na yon.
Nakakapagod maging loser. Palagay ko sa susunod na pagkakataon na mapasabit ulit ako sa dito sa mundo naten, iba na ang pananaw ko sa buhay. Iba na ang pagkatao ko, at siyempre, iba na din ang balat ng Lucky Me Pancit Canton. New Look, Same Taste, ika nga.
Lumilipas ang lahat ng bagay. Ewan ko lang tong blog na to. Baka mamamatay na lang ako iisipin ko pa kung matino ba ang traffic nito o kung anong PR at kung sino ang nasa sibaks, mga masugid na nagkomento kahit di ako nagrereply, at mga nakikipagExlinks. At sa kung nadagdagan ba o bumaba ang numero ng sabskrayber ko ng feeds.
Sa ngayon wala namang hater tong blog na to. Kapag kasi nagkaron pa ng hater to, puta kawawa naman sya. Loser na nga lang pinatulan pa niya.
At kahit sa huling hininga, pilit ko pa ding aalalahanin ang mga masasayang alaala na naidulot saken ng mga kataga ni Eddie Garcia.
Dramatic much?
Hahaha. What a loser.
Nabasa ko lang sa comics ng Bazooka Joe ang lahat nang yan. Wag kang maniwala.
At oo, tama ang nabasa mo. Wala na akong trabaho.
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Office Chronicles : T-Day
Nabanggit ko bang wala na akong trabaho? Oo, wala na.
Kelan pa? Matagal na din.
Nagtataka siguro kayo kung bakit wala na ang Office Chronicles na inaabangan ng mga nagbabasa mula sa ibayong-dagat (salamat po sa inyo at hi din po!)
Opo, wala na akong trabaho. Last day ko na nung August 26, 2008. 11 months ako sa opisina. Di man lang ako nakaisang taon. Supot.
At mahigit dalawang buwan na akong walang tarbahow.
Wala na ang halimuyak ni Jerome at ang pisngi ng kanyang makikinis na babies. Ang yosi moments namen maging ang mga katarandaduhang boy antics niya kapag magkakasama kame. Wala nang munchkins, wala nang pingpangs. Wala nang freebies, at wala nang kasiyahan tuwing tanghalian.
Wala na ding task na nakakapressure at mga pandudustang personal ni bossing.
At higit sa lahat, wala na akong pera.
Ang huling balita ko naman sa mga naiwan eh may pait na nalalabi sa kanilang mga damdamin dahil feeling nila naisahan sila ni Big Brother. Pagkatapos silang bigyan ng mababang marka sa evaluation, bigla daw itong nagresign. Ewan ko kung anong nangyare, pero hindi na ata sila ganun kasaya yun.
At sinasabi ko lang yan para hindi ko panghinayangan ang lahat.
Eto nga pala, share ko sa inyo.
August 22, 2008
MARIANO JUANCHO
Dear Mr. Juancho
Persuant to the guidelines of This Office That You Work For Inc., a probationary employee is evaluated prior to regularization to determine if the employee satisfactorily meets the requirements and standards of the company. As you know, one critical requirement for you is to pass the TOTYWFU Java Scholarship Program is to pass the SCJP exam.
Here's the summary of your scores: (*AKA the slap-in-the-face YOU'RE A FAILURE scores*)
Date of Examination----------Scores---------------Status
January 23, 2008-------------23%-----------------FAIL May 6, 2008--------------------44%-----------------FAIL August 20, 2008--------------48%-----------------FAIL
As indicated above, you failed to meet (*don't you think I know already?*) the passing score of 65% in the SCJP Certification exam in spite of the several chances that you were given to meet the expected score.
As stated in the Training Contract, failure to pass any tests/assessments shall be valid and sufficient cause for the termination of the training contract.
It is with deep regret (*this I'm sure of*), then, that we advise you (*to go find a new job?*) that your employment as a Java Trainee in the TOTYWFU Java Scholarship Program is terminated effective August 26, 2008.
We appreciate all the contributions you have made to TOTYWF Inc.
Attached is the clearance form of your completion. Please forward the completed and signed form on your last day, August 26, 2008 (*inulit pa talaga*).
Sincerely,
HR Manager (*Succubus*)
Received by:
Mariano Juancho
Date: August 22, 2008
Higit pa sa lisensyang tatlong beses kong itinapon, ang panghihinayang ko na makasama pa ng mas matagal si Jerome. Joke. Para saan pang magyosi ako kung hindi lang din siya ang makikisindi? Wala na. Wala nang halaga tong pagsusunog ko ng baga ngayon. Pero seryoso, ang laki kong pabaya at irresponsableng tao no? Para ibagsak mo ng tatlong beses ang exam na pare-parehas naman ang tanong, wala na sigurong mas hihigit pa sa pagkapabaya ko.
Long weekend kasi yun matapos ang August 22. Martes na ako pumasok pero matapos akong kausapin ni HR Manager nung hapon, wala akong pinagsabihan kahit kanino ng pag-alis ko. Tahimik lang akong nagpapirma sa mga boss ng clearance at wala silang kaalam-alam sa nangyare. Akala nila inaalila ako dahil libot ako nang libot sa opisina kakahanap sa mga boss na nagkalat lang sa normal na araw tapos pag kailangan mo eh nawawala bigla.
Ganun ata talaga ang estilo nila ng pagpapalayas. Meron ka lang isang buong maghapon para iuwi ang lahat ng basurang inipon mo sa desk mo. Meron ka na lang isang maghapon para gawin at tapusin ang mga trabahong iiwan mo sa iba. Isang maghapon lang ang meron ka para makasama ang mga mahal mong kaopisina. "Last day mo na ngayon". Ganun lang kasimple.
Nagulantang na lang sila nung nagmessage ako mula sa bahay at sinabi kong last day ko na kahapon. Ewan ko kung nagalit ba sila o nalungkot. Isa lang ang sinang-ayunan kong sinabi nila saken, at yun eh wala na daw maingay tuwing lunch.
So long pingpangs, so long munchkins, so long free coffee, so long Jerome.
Goodbye.
*Siyempre hindi ito ang wakas ng Office Chronicles natin. Ganun pa din ito, lilipat pa din sa ibang opisina. Hindi na nga lang kasing-saya nitong adventure ko dito. Sana masamahan nyo ako sa susunod na opisina ko. Akshuli madami pa akong gustong sentimiyentong gawin, pero hindi ako pwedeng manatili sa ganung damdamin na lang. Makapaghanap na nga ulit ng trabaho, sosme.*
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Necessity is the Mother of a Deadly Microphone and Atomic House Resizer
Piyesta sa amin dito ngayon. December 01. Wag na ninyong itaga sa kalendaryo ninyo dahil wala naman kameng kwentang mamamayan at hindi kame naghahanda sa piyesta. Mapuwera na lang kung katanggap-tanggap ba sa inyo ang Yakisoba Chicken at hiniwa-hiwang carrots bilang handang-piyesta para sa bisita.
May inuman sa kapitbahay. Kakambal ng inuman ang bidyoke masin. Sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong magtrabaho sa pagawaan ng mikropono at bidyoke masin na kung saan magiging employee of the month ako.
Ako ang magpapanukala ng mikroponong may lumalabas na bala ng Garand Rifle o di kaya eh kahit .45 caliber hollow point sa tuwing may magkakamali ng tono. Kakabitan ko din ng aparato yung mikropono na kung saan may lalabas na boltahe ng kuryente. Ang iskor na lalabas ay multiplied by 10,000 volts. Kung nagawa ko lang ng maaga to hindi ko na sana narinig yung All By Myself Tsunami version nung kapit-bahay namen. Gangga-building yung pagkasintunado-islas-alon ng boses. Hindi ako pintasero, at lalong hindi ako magaling kumanta, at wala din ako sa tono madalas kapag kumakanta. Marunong lang akong makaappreciate ng tahimik na paligid.
*Impormasyon: Hindi boltahe ang nakakamatay. Kuryente o Current (in Amperes) ang nakakamatay.
V=IR, where V is the Volts, I is the Current, R is the resistance, o ang tinawag ding Ohm's Law.
Ayon sa chart na ito, maaaring mamatay ang isang tao sa current na 0.1 hanggang 0.2 A ng kuryente, or should I say Dagitab.
Panakot lang sa tao yung value ng 10,000 volts or 50,000 volts sa mga riles ng tren at mga bakod ng Meralco o strap ng bra ng gelpren mo. Pero hindi ibig sabihin na kapag hindi mataas ang boltahe, hindi ka na mamamatay. Ganun na din yun, at wag kang umasang may sapat kang value ng R sa katawan para labanan ang pagdaloy ng ultra-electro-kilig sa katawan mo.*
Nagkafireworks display din kanina sa munisipyo. Nilundag ko ng mas mataas sa normal na lundag yung hagdan para abutan. Para lang sa ano? Para makita ang usok sa langit at ang mga fireworks na natatakluban ng pagkatayog-tayog na bahay ng kapitbahay. Dito naman papasok yung Atomic House Resizer. Alam mo yung aparato na itututok mo lang sa isang bagay tapos kaya mo nang baguhin ang size nito by a drastic proportion? Yun ang Atomic Resizer. Nilagyan ko lang ng House para mas specifically designed sa mga bahay at hindi sa tite, ambisyoso. Pero sige, gagawan kita ng Atomic Penis Resizer. Ang problema lang dito sa aparatong ito eh baka magyabang ka't gawin mong parang baril na nakasukbit sa bewang mo't nakaset sa times1,000,000 units DeAtomization. Baka magjakol ka gamit ang tiyane at microscope kapag nagkataon.
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Rescue Me : The Final Part, Which Was Third to Rescue Me : The Part Two Of Rescue Me : The Beginning, Which Is In Turn, Second To The First One
Hindi ako mahilig magyabang. Ako yata ang taong napakagwapo, matalino, at ubod ng lakas ng karisma sa chicks na hindi marunong magyabang.
Hindi naman sa down-to-earth ako pero ang totoo niyan, wala naman talaga kasi akong maiipagmayabang. O sige, marunong akong magpagalaw ng nguso at ilong. Satisfied? Good.
Ang natatandaan kong pinakamatinding pagyayabang na pinakamatindi kong ginawa eh na napakatindi eh nung nagmayabang ako kung gaano kakapal ang koleksyon ko ng teks ng Dragon ball nung bata ako.
Hindi na rin masama no? Kahit siguro nasa isang pormal akong meeting kasama ang mga kababata at kaklase kong mga bigtime na, matapos lumipas ang dalawampung taon eh maaari kong isampal ang katotohanang yan sa pagmumukha nila kasama ng koleksyon ko ng Mask Rider Black plastic toys na nakokolekta kasama ang pagkaasim-asim na candy.
Kaklaseng big time: "Pare, ang hirap mag-manage ng malakihang business sa panahon ngayon, dapat talaga marunong kang magbasa ng takbo ng economy para you can play your cards right."
Ako: "Cards ba kamo? Heto, meron ako. Street fighter #0876 na dinidisplay yung Hapekpek hadouken ni Ryu laban kay Pacquito Diaz. Trade?"
= = = =
Sa pagitan ng September 24 hanggang 26 (Pasensya ka na, hindi ko na matandaan, hindi ko kasi pinagmamayabang ang matindi kong memorya eh) nang mapagpasyahan kong tuluyan nang gawan ng paraan ang nakakarinding pagingaw-ingaw ni Kumukuti.
Bago ang lahat, nais ko nga palang ibahagi sa inyo ang lokasyon na kung saan matatagpuan si Kumukuti sa mga nagdaang panahon.
Galing sa WikiMapia. At oo naitanong ko din sa sarili ko kung sino si Rhon Batuigas.
Ay, oh I'm sorry? Is that too expanded? Well bless my buttocks and juggle my scrotum! Reklamador!
Eto na nga, ilapit na natin. Pft.
Si Kumukuti yung kulay itim na bola ng balahibo na may parte ng puti. Kasama niya yung chicken nuggets sa microwavable na lalagyan. At mangilan-ngilang dahon ng puno ng bayabas na ipinangunguya sa mga batang gustong magpatuli.
Malabo ba kung asan siya? Sa susunod ikaw na ang kumuha ng litrato, ingrate!
Ikalawang kasayangan: Chicken nuggets
Hindi naman talaga siya kasayangan kasi tinda yun ng ate ko na binili lang sa isang di-kilalang factory dun sa tapat ng Makro. Wala siyang tatak na sikat pero masarap naman kung iisipin mo lang.
At gusto mong makasiguradong masarap, kontakin mo lang ako sa blog na ito para umorder ng isang pakete at ikaw na mismo ang humusga.
So ayun, pinainan ko siya ng tira-tirang chicken nuggets na galing sa refrigerator namen. Iniuwi ng mga pamangkin ko galing iskul. Ayaw daw nila, hindi nakain.
Sinubukan kong painan ng mas matinding artillery si Kumukuti. Nung una, hotdog lang, ngayon chicken nuggets na.
Kaso puta, wala din. Tatanga-tanga kasi itong pusang ito. Hindi marunong magkamay kapag kumakain. Kapag kinakagat niya, nalalaglag lang dun sa siwang ng mga tambak ng silya. Gusto kong parusahan ang sarili ko sa katangahan ko. Hindi ko kasi nilagyan ng tinidor yung pinain kong nuggets. Hindi niya tuloy na-gets ang sarap ng nuggets. Malay ko ba kung sosyalin din pala yung pussy na yun at tinidor ang ginagamit imbes na bibig lang.
(Napaisip tuloy ako sa kuneksyon ng tinidor at pussy. Makapag-email nga sa production staff ng porn film)
Wala, bigo ako. Hindi ko siya makuha. Ginawan ko pa man din ng paraan para mapalapit siya dun sa maliit na siwang para makuha.
Para sa kaalaman ng lahat, merong maliit na siwang dun rehas ng bakod. Kasyang-kasya ang kamay ko dun pati na din si Kumukuti kung gagawan ko lang ng paraan na mapalapit ko siya dun.
Pero bigo ako. Hindi ko siya nakuha. Akshuli nakuha ko siya eh. Nahawakan ko na nga at nadama ko ang kanyang balahibumpusa. Nahimas ko siya ng bahagya, pero anong silbi ng kaligayahang ito kung panadalian din lamang ang ligaya?
Mailap si kumukuti. Hindi siya ang inaasahan kong malamya at maamong pussy na nais kong iligtas. Maliksi siya at hindi sanay sa himas ng tao. Maikukumpara siya sa isang pusang hindi sanay sa tao. Na mailap.
Naisagawa ko naman ang plano kong mapainan siya gamit ang...
Ikatlong kasayangan: More chicken nuggets
Napalapit ko na siya dun sa siwang sa pamamagitan ng pagpapain sa tamang lugar. Nahuli ko na. Pero ako lang ang nasaktan. Nakalmot ako at nakagat. Sino ba kasi ang mag-aakalang ganun siya kabangis? Si Mike Enriquez? Hindi siguro.
Pinagmukha niya pa akong tanga. Kasyang-kasya pala siya dun sa maliliit na siwang ng bakod. Pukingpusa yan, nagiinarte lang ata kaya nagngangangyawngyaw dun sa likod ng bakod.
Pero hindi ako pinanghinaan ng loob. Itinuloy ko ang plano ko sa kabila ng pagiging mailap niya. Di ko man siya mahuli, alam ko sa sarili kong natulungan ko siya at hindi ako nagkulang sa tungkulin ko bilang pussy lover.
Anyway, ito pa ang isang litrato niya. Para wala nang sali-salita kung anong ginawa ko para maibsan ko ang paghihirap niya. Oo, chicken nuggets pa din yan.
Pinagprepare ko pa din siya ng pagkain kahit alam kong walang kapalit na sex yan.
O diba ang sweet ko? Ginawan ko pa siya ng pakainan! Bale ang ginawa ko, kumuha ako ng microwavable na container, binutasan ko at itinali ko para hindi na malaglag ang kung ano mang pagkaing inayawan na ng mga pamangkin ko. Oo, sinamahan ko ng pagmamahal ang pagtatali ko diyan at binudburan ko din ng makataong damdamin at kalahating takal ng awa ang chicken nuggets na inihain ko sa kanya.
Pagkatapos ko siyang paghandaang pakainin, kinuhanan ko siya ng bidyo.
Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang nangyare kay Kumukuti. Nawala na lang siya isang beses. Nanahimik na lang bigla. Bago yung mga gabing tumigil siyang magngyaw-ngyaw, maingay yung mga aso dun sa pwesto niya. Parang nagbabangayang mag-asawa sa ingay. Baka sila na ang gumawa ng paraan para hindi na ako marindi sa ingay ni Kumukuti. Sad ending no?
Rules: 1. Copy paste from {Start Copy Here} to {End Copy Here} 2. Please link back to the person who tagged you and PASS this tag to many of your friends 3. If you have more than one blog, please post this to all of your blogs, the more the merrier. 4. The use of NO FOLLOW on links is not allowed, Let’s all be fair! 5. Remember to come back here at JENNY TALKS(pls. don’t change this link)and leave the exact post url so I can add you to the master list to help increase our rankings and improve our Technorati Authority. 6. Spread the virus.. oooopps I mean the VIRAL LINKING and happy blogging!
At dahil galante ako, bahala na kayong magtag sa mga sarili ninyo.
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Tag 08 from LethalVerses
Itong tag na ito ay nagmula kay LethalVerses ukol sa mga NDE.
A very long time ago, when I was still a young boy and everything is in black and white...
Namatay ang lola ko. Nanay ng tatay ko. Bata pa ako nun, siguro mga less than 5 years old or so. Maikokonsiderang ako ang pinakabatang miyembro sa aming angkan.
Kung hindi ako nagkakamali, tama ako.
At kung mali nga ako, pakitama ako sa paniniwala sa aming lugar na mayroong mga supernatural na pangyayari ukol sa namatay na kamag-anak at ang "pagsundo" sa pinakabatang miyembro ng pamilya.
Ang cute ko pa man din nung bata ako at hindi ko na naabutan ang lola ko nun. Malamang gusto niya akong makasama noon, kasi nga cute ako at guwapong-gwapo. Pero siguro kahit ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa kanya ngayon eh baka tawanan na lang niya ako.
Lamay ni Lola nun. Gabi. Normal sa mga bata ang matulog ng maaga, at normal din sa probinsya na matulog ang lahat ng magkakamag-anak sa iisang lugar ng bahay. At iyon ang 2nd floor ng bahay.
Luma na ang bahay. Ancestral house. Malalaki ang bintana nito at yung sliding wooden door pa ang gamit. Kung tatayo ang isang grown-up na tao sa tapat ng bintana, hanggang bewang niya ang pasamano. Yung tipong malalaglag ka na kapag yumuko ka sa tapat ng bintana dahil hindi din naman ganun kalapad ang pasamano ng bintana. Di naman ganun kataas ang sekan plor ng bahay. Kayang lundagin ng walang matatamong bali at lupa naman ang babagsakan. May kalambutan. Pero para sa isang paslit na tulad ko nung mga panahon na yun, ang pagkalaglag dun ay maaring magdulot ng kamatayan, lalo pa't alanganin ang bagsak. Maaaring mabali ang leeg at pati na din ang pagkabasag ng ulo.
Karamihan sa tao sa sekan plor ay tulog na at magkakatabi.
Walang anu-ano daw eh bigla akong bumangon. Naglakad ng dahan-dahan papunta sa bukas na bintana. Ewan ko kung bakit bukas yun nung mga panahon na yun kahit uso ang aswang. Isang lipad lang ng manananggal sa ganun kalaking bintana, limas lahat ng lamang-loob namen eh. At wala ding railings dahil wala namang ibang nakatira dun kundi ang tita ko lang.
Mabuti na lang daw eh nahawakan ako ng ninong/tito ko nung malapit na akong makasampa sa bintana. Nahagip lang daw yung paa ko pero nakaangat na ako sa pasamano ng bintana. Umiiyak daw ako na parang tumatawa pero tulog. Sleepwalking kumbaga.
Wala naman akong malinaw na eksplanasyon sa nangyare pero marahil eh muntik ko na nga itong ikamatay. Sorry naman kung hindi natuloy. Kung may reklamo kayo't hindi natuloy, pakisabi na lang kay lola.
Matapos ng nangyare, bilang bahagi ng pamahiin, itinawid ako sa ibabaw ng kabaong ng pinaglalamayan kong lola ng walang sumasayad na parte ng katawan ko o kahit damit. Para daw makawala ako sa kagustuhan niya ng "pagsundo" sa akin.
Some summer in Antipolo...
Eto simple lang. Antipolo, matarik ang daan, isang traysikel.
Paakyat sa matarik na traysikel ang daan... wait, teka ulit.
Paakyat sa matarik na daan ang traysikel na may lulan na tatlong babae, isa lang ang payat, tatlong lalake, isa lang ang gwapo (ako ba yon ha? ha? sige na nga).
Pinuwersa ni mamang drayber ang traysikel niya sa kambyong hindi primera. Natural hindi kakayanin ng makina ang bigat namin sa matarik na daan at mahinang kambyo.
Umatras si traysikel. Mabagal pa nung una. Tapos bumilis. Wala pa sa isip ko na pwede kameng mamatay. Si isang lalake, tumalon sa traysikel. Di man lang kame inisip. Pero at least kung titilapon kame may pupulot sa mga katawan namen.
Iniliko ni mamang drayber ang manibela. Pumusisyon yung traysikel sa isang anggulo na pwede itong tumilapon, gumulong-gulong, at rumagasa ng tuloy-tuloy sa matarik na kalsada. Mabuti na lang naisalba din siguro kame ng sarili nameng bigat at lalagyan lang ng kanin ang tumapon.
Nung mga oras na yun eh naisip ko kung ako ang tumapon at hindi yung bigas. Malayo pa man din ang pagkakatalsik nung tupperware na yun. Sino ba naman kase ang nakakaalam kung paano ka babagsak, kung una ba ang paa mo o ang leeg mo ang tutukod sa sahig. Kahit gaano pa kababa ang talsik mo kung panahon na para mahimlay ka ng tuluyan, wala kang magagawa.
Marami pa akong NDE na hindi ko maikakategorize na NDE nga ba o hindi. Madami din kasing beses na nakita ko nang nag-flash ang buong buhay ko sa harap ng mga mata ko. Nangyare ata nun nung nakaangkas ako sa kaibigan kong babae. Paakyat kame ng flyover at hindi siya nagmenor tapos may jeep sa unahan. Napakabilis ng paglapit namin sa jeep. Sumisigaw na ako ng AAAAAH, samantalang hagikhik pa ang naririnig ko sa babaeng drayber na kaibigan ko. Hindi ko alam kung buhay ko nga ba yung nagflash sa harap ko o yung stainless lang na body ng jeep.
Ipinagpapasalamat ko na lang sa langit at sa Diyos ang lahat ng mga pagkakataon na sana na-deads ako pero hindi natuloy.
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Langhap Sarap by M
O kay saya ng bawat linggo Noong panahon ng kabataan ko Dito'y laging bumibisita Matapos magsimba ng pamilya
"Langhap Sarap" ang titulo Maligayang bubuyog naman ang mascot nito Kapag ngiti mo'y nasisilayan Kaligayahan ang aking nakakamtan
Langhap Sarap, o kay ligaya Pinapangarap kong kumain dito sa tuwina Kaibigan kong bubuyog sana ay ikaw na ang maging kusinero namin hangga't ako'y humihinga
Ang Yumburger mo na nakakapagpasigla Kapag ako'y may sakit, ito ang meryenda Sa tuwing may okasyon, Jolly Spaghetti ang karamay Walang sawang kakainin, sa bawat araw ng aking buhay
Jolly Fries ang pinagsasaluhan Kapag magkakasama ang magkakaibigan Kasama ang kwentuhang walang humpay At kasiyahang puno ng kulay
Ang masayahing hotdog nila Malinamnam at malasa At palagay ko'y kukulangin Ang Champ ninyo para sa akin
Naiinitan ka ba kamo? Aba'y Frost Blends ang para sayo Matamis ba ang hanap ng dila mo? Peach mango pie ang kainin mo
Halina at sumama sa ligaya Ng pamilya ni Charlene at Aga Sa pag-indak ni Kim at Gerald At sa pagkanta ni Sarah at Mark
Nawa'y ako'y makabalik Noon sa kabataan ko At maranasan kong muli Ang Jollibee, linggo-linggo
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Hereditary
Nasa dugo yata ang pagkapintasero ko.
Nanonood ako ng Wowowee. Hindi, mali. Napatingin ako sa telebisyon nung Wowowee ang palabas at nakita ko si RR. Si RR na hindi ko alam ang apelyido o kung mabuti ba siyang kapatid sa mga kapitbahay niya.
Ako: "Si RR po ba yan? Bat parang ampangit yata niya ngayon." Aling Maring: "Eh pangit naman talaga yan dati pa eh."
Okay po, magulang kayo at ginagalang ang mga opinyon nyo. Salamat po.
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*
Matagal din pala akong nabakante dito, sorry naman, busy lang.
Oo nga pala, maraming-maraming salamat kay Boss Badoodles ng KwentongBarbero sa pagpili sa akin bilang Humor Blogger for the month of December! Maraming salamat po bossing! Hindi ko kayo bibiguin at papanindigan kong mgalaing galata aq s spiling!
Galing ako sa super sosyal at eleganteng-eleganteng Ever Gotesco Mall diyan sa may Ortigas upang magdala ng tindang sapatos ng ate ko.
(Kung gusto ninyong mag-retail, kontakin nyo lang ako.)
At dahil meron siyang libreng coupon sa Greenwich Pizza Restaurant eh umorder siya ng mga pagkaing nakalagay sa putanginang mga nakakapasong lalagyan na imbes na matatakam kang kumain eh mas uunahin mo pang dilaan yung braso mong napaso.
Umorder siya nung tinatawag nilang Chicken Ala King.
At aba! Masarap! Pero may kulang. Parang puro kabute ang nakalagay ah. Nawawala ang chicken.
Kaya pala Chicken Ala King ang tawag dahil ALA is acronym for "Apat lang ano?" na patungkol sa bilang ng piraso ng manok na parang pinagtabasan sa Andoks ang size. Kumbaga kapag nagtadtad sila ng manok sa Andoks, yung mga piraso na tumalsik, binibili nila para ihalo sa Chicken Ala King.
Makapal din ang dila ko at ang paligid ng bibig ko dahil sa kung anong klase ng harina ang halo ng Chicken Ala King. Di ko akalaing pagkain lang sa restawran ni John Lloyd ang makakapagpatutbras saken ngayong araw na to.
Nakakalungkot para sa isang taong walang kapansanan ang pagdudahan ang kanyang kakayahan. Pagdudahan na tila ba mangmang ka sa mundo at walang alam para maging daan sa ikabubuhay mo. Kulang na lang hamakin ang pagkatao mo at sabihing hindi ka dapat mabuhay.
Para kang sinabihang hindi ka marunong huminga at kailangan mo ng respirator.
Pero hindi ba mas masakit sa kalooban kung sasabihan ka ng mahal mo sa buhay, ang mga bagay na alam nilang hindi mo kayang gawin.
Tulad ni Aling Maring. Nakita niya akong naglalabas ng hotdog mula sa freezer, at itinatanong ko kung nasaan ang tinapay.
Aling Maring: "Bakit mo inilalabas yang hotdog? Marunong ka bang magluto niyan?" Ako: "... "
Kung sa normal na pamamahay magaganap ang ganitong klase ng pag-uusap, malamang naglayas na ako. Pero dahil pinalaki ako ng matino ni aling Maring, tatanggapin ko ng buong-tapang at buong lakas ng loob ang mga sinambit niyang kataga.
Alam mo yung Jay-Jay's sa may Ortigas? Sa may bandang Metrowalk? Ang C.R. nila ng lalake, may malaking salamin sa harap ng toilet. Sa sobrang laki, kita mo na ang etits mo kapag umiihi ka.
Ngayon, masasabi kong ayaw ko ng ganitong tipo ng salamin.
Bakit? Dahil may naiipa-realize siya sa akin.
Narealize ko sa salaming yon na bilang isang Pilipino, wala akong dapat ipagmalaki.
At ang narealize naman ni Chroneicon nung mga panahong matapos siyang umihi eh talagang sa performance lang daw talaga nadadaan.
Tinatawag silang mga Bantam chickens. Ang mga manok na ito ay cute dahil kahit matured na sila, di sila lumalaki. Sila ang Ungga Ayala sa mundo ng mga fowls and feathered creatures. Parang sisiw lang sila ng pugo at kadalasan kalahati lang ang size nila kumpara sa mga normal na manok. Kahit matanda na sila, maliit pa din ang kanilang pangangatawan at as malaki pa ang mga normal na dumalagang manok.
Dito din napulot ang BANTAMWEIGHT sa mga boxing at iba-iba pang isports pagdating sa weight division.
Alam mo ba kung ano yung pangalan nung tandang na bantam?
Ang isa sa mga maaaring pinakaembarassing moment para sa akin ay ganito:
Sobrang natatae na ako at 3 hours ko nang pinipigil ang pagbuka ng puwit ko dahil sa sobrang katakawan ko.
Naglalakad pa lang ako papunta sa bahay eh nararamdaman ko na ang unti-unting pagsirit ng katas unmanaged bowel movements.
Tapos narerelaks ka na dahil andyan na ang banyo.
Naghubo ka na ng pantalon, shorts, at brief, sabay upo sa toilet. Sayo ang mundo at walang kang pakialam sa lahat ng bagay sa paligid mo.
Maliban lang sa nakita mong ipis sa pader sa kanan mo.
Nakaangat ang ulo ng ipis na nagpapahiwatig na malapit na itong lumipad. Lumipad patungo sa nag-iisang taong nasa loob ng silid at sa nag-iisang taong takot na takot sa kanyang paglipad.
Ngayon, hindi ko alam kung mas nakakahiya ba ang matakot ako sa ipis na lumilipad ko tumakbo ako palabas ng CR na hindi naghuhugas ng puwet.
Shet, bungisngis siguro yung ipis nun kung nagkataon.
Napakahirap talagang magsuot ng light colored na damit para sa taong barubal na tulad ko. Kitang-kita mo kagad ang kalat ng Lemon Square Dream Double Chocolate sa dibdib mo at sa tiyan mong ubod ng laki.
Pati yung 15 pesos na Hershey's Sundae Cone drippings eh bakat na bakat sa dilaw mong t-shirt. Parang bata kung kumain ng ice cream.
Kaya nga ba naka-schedule dapat ang pagsusuot ng ganitong mga pink, dilaw, puti, at purple mountain majesty na kulay ng damit. Itataon mo dapat sa Fita o di kaya eh Skyflakes na baon.
Pati kapag nakikipagharutan sa gitna ng kalsada, kitang kita mo ang talsik ng maitim na plema galing sa lalamunan ng kalandian mo.
O kaya eh kapag nakikipag-wrestlingan ka sa mga pokpok.
O di kaya eh kapag nagripuhan ka ng adik o ng holdaper. Nako, mantsang-mantsa yan. Angal nanaman si Ariel at Mr. Surf dyan.
Kaya mag-itim madalas. Oo, mainit pero hindi halatang isang taon nang hindi nalalabhan ang pantalon na suot-suot mo.
Fuck you exam Fuck you SCJP Fuck you questions Fuck you answers Fuck you wrong answers Fuck me correct answers
Fuck you exam voucher Fuck you credentials Fuck you registration Fuck you reservation form Fuck you studying Fuck you programming codes Fuck you choices Fuck you none of the above Fuck you a b c d e
Fuck you "choose all that applies" Fuck you survey Fuck you drag and drop Fuck you 72 items Fuck you 59% Fuck you 3 hours Fuck you responsibilities Fuck you salary
Fuck you Java Fuck me Angel Locsin Fuck you Mariano, mag-aral kang mag-isa mo
From: Huwantso To: Ms. HR aka Satan's Agent Cc: Big Brother Boss Subject: FW: SCJP REtake[Scanned]
Hola,Succubus!
I spit on your dopey questionnaire, you corporate ass-kissing maggot. I hope you froze from paralyzing brain aneurysm, you bureaucratic freak. I'll dance on your tomb and hope you grow old and die a fucking virgin.
See you at your funeral.
All the best!
Huwantso
Thanks to LoudCloud for that wonderful sample e-mail. Brilliant yet I have not excavated any form of courage to event think of delivering this type of message.
Ako si Mariano Juancho. Pwede mo akong tawaging M.
Minsan, kapag masama ang loob ko, galit ako sa tao, o di kaya'y may nagawa akong kasalanan ay dito ako nagpupunta.
Dito ako nagbabahagi ng mga bagay na sana'y ginawa ko, sana'y sinabi ko, ko mga bagay na hindi mo maiintindihan kasi pinaiikot-ikot ko ang mga kwento mula sa kabilang bahagi ng buhay ko.
Dati, nung uso pa sa mga blog-blog na yan yung mga badge, ito yung pinamimigay ko para imbis na link lang ang ilagay nila, itong badge na ito because I am paimportante like that.