February 20, 2008

Taking Chances

Guys, friends, families and mga readers na sinasamba ko dahil sa mga comments ninyo...

CONGRATULATE ME!!!

Hindi ko na namantsahan ang brief ko!

Tangina, astig ko, lumalakas ako araw-araw!

It takes an incredible amount of courage, strength, willpower, and power of the mind to accomplish something as astounding as this. I salute you, my fellow Filipino!
--Romy Garduce

Tangina, yan na siguro ang sasabihin sa akin ni Romy kapag nabasa niya itong sharing kong ito! Puta, pano ba naman kase eh kahit saan sa Mt. Everest pwede kang jumebs, eh sa Taguig, lalo pa sa The Fort, taena, dapat classy at naka amerkana ka para makatae sa CR ng mga opisina. Eh paano ako, kulang na lang magsuot ako ng hardhat para lang mapagkamalan akong construction worker! No chance ako dun!

So here it goes... I can remember it like it was yesterday... well actually NGAYONG FEB. 20, 2008 - Wednesday ng umaga lang nangyare ito.

Medyo mahaba nga pala, pagpasensiyahan niyo na. As always.

= = = = = = =

Nagising ako ng 6:20 na ng umaga at malamang ay late na ito para sa isang kagaya kong sumasabay lang at nakikisakay sa sasakyan ng aking kapatid. Wala na akong ibang nagawa kundi maligo lang dahil mahirap ang mga proseso sa umaga. Kaya nga ba't dali-dali na akong naligo at nagbihis sabay sakay sa sasakyan nang may sabon pa ang tenga.

Pinabaunan ako ni mother dear, see here, see here ng pineapple orange juice para hindi na ako magtsotsokolate sa opisina. Sa sasakyan pa lamang ay ininom ko na ito para pagpila ko sa bus eh hindi maamoy ng mga tao ang natural na natural kong morning breath na amoy bulaklak ng ng Pung-a-pung.

Sa byahe pa lamang ay nararamdaman ko na ang dapat sanang isinakripisyo ko para sa PAGSA-SHAMPOO! Puta, na-trigger ito ng juice at malamang eh para itong etits na gustong kumawala sa harap ng magandang girls (baka nga etits ko lang yun?).

Hindi naman ako nangamba dahil di naman ganoon kalakas ang pag-aaklas ng nasabing pakiramdam. Pero nung pagbaba ko sa sasakyan at nakatayo na ako ng ayos at nakapila na ako, aba, si bowel movement, biglang nagmartsa na punta sa exit at tila gusto ding patalsikin si Arroyo!

Hindi naman nakatulong ang mapanghing amoy ng paligid na kung bakit naman ngayon pa yun nangamoy ng ganoon. At kung di pa naman masama ang nangyare eh yung bus na 2 weeks nang on-time dumadating eh late ngayon. FUCK YOU KA BUS DRIVER!

Ito na ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko habang pinipigil ko ang pagbulusok ng rumaragasang dumi ng katawan.

GAMEPLAN

A. Titiisin ko ang tae hangga't kaya para sa opisina na ako tatae
B. Tatae ako sa CR sa may EDSA at di ako manghihinayang sa 10 pesos na bayad kahit pa alam kong ticket lang ng bus ang pwede kong ipampahid sa pwet ko
C. Bahala na

Dumating na ang bus at medyo kumalma na ako ng kaunti dahil makakaupo na ako at makokontrol ko na siya. Kung makikita ninyo ang mukha ko, sasabihin ninyong para akong natatae. Eh duh, ano pa nga ba?

Nakapuwesto na ako sa bus at inaantay ko nang mapuno ito. Hindi nakatulong ang malamig na aircon nito na lalo nang bumagabag sa puwit kong parang bullet train na ang lalabas. Hindi na ako makakilos. Pinilit kong mag-isip ng mga bagay na makakapaglayo ng isipan ko sa sitwasyon gaya ng mga... ... ...

Tangina, wala akong maisip. Sobrang natatae talaga ako.

Nang medyo lumalakad na ang bus eh kumalma na ang tiyan ko ng kaunti. Akala ko dito na magtatapos ang blog entry ko. Pero hindi pala. Panandaliang ligaya lang ang nadama ko. Naisip ko pa na ituloy ang Gameplan A ko dahil kayang-kaya ko na siya. Sisiw. Walang kwenta.

Bumalik ang fucking feeling. Proceed to Gameplan B tuloy ako kasi medyo umaalma na talaga at nararamdaman ko na ang utot sa dulo ng puwit ko. Gusto ko siyang ilabas pero mapanlinlang ang mga tae. Akala mo hangin pero may tubig o di kaya'y maliit na piraso ang makikisamang lalabas. Di ako nagtake ng chance. Pinigil ko.

Nakakahiya man para sa mga obispo pero nagdasal talaga ako para lang kumalma ang tiyan ko. Hindi ako nagsisimba palagian tuwing linggo pero heto ako at humihingi ng tulong sa kalangitan para maisalba ang puwit ko at hindi ang kaluluwa ko. Sorry po Pope Benedict.

Sira na ang Gameplan A at Gameplan B ko. Putangina, nababaliw na ako sa desisyon na gagawin ko. Dumaan na ang bus sa Net One building sa Taguig. Gusto ko nang bumaba. Pero baka di ako makapasok agad nang walang appointment. Dugyutero ang get up ko ngayong araw.

Nakita ko ding dumaan ang bus sa may McDo. Binulungan na ako ng kunsensiya kong bumaba na daw ako para matapos na ang lahat. Pero di ko siya sinunod. Sa mga panahong ito, nakapagpasya ako na sa Jollibee ako dadaan para tumae. Mula din sa puntong ito, lahat nang makita kong kainan at mga fast food chains eh CR na lang para sa akin. Ongoing na ang Gameplan C.

Nag-inarte pa ako sa byahe. Gusto ko sa CR ng Jollibee. Talk about OC. Eh ang layo nun. Ang naisip ko kasi eh mas mura ang bilihin sa Jollibee kesa sa Reyes Barbeque na una kong nakita. Nakita ko si Reyes at tinitigan ko ang CR niyang kitang-kita ko mula sa labas. Sinundan ko ng tingin ang pinto ng CR habang naglalakad ako ng mabagaaaal. Gusto ko nang pasukin pero ang mahal ng tinda dito.

Ganun kasi ako kabait. Mahiyain ako sa establishment na "gagamitin" ko kaya naman mamarapatin kong bumili man lamang ng kahit ano mula sa kanila, at mura lang ang tinda sa Jollibee kesa sa Chowking, PhoBac, Reyes Barbeque, at Starbucks. Parang donasyon kumbaga. Buti na lang at hindi FUNERARIA ang napili kong CR-an, baka magulat ang nanay ko kung nag-uwi ako ng ataul sa bahay.

= = = = = = =

"Tarantado ka! Anong ginagawa mo at may dala kang ataul sa bahay?"
"Sorry po inay, natatae na po kasi ako kanina..."

= = = = = = =

Gusto ko sana sa Starbucks eh, para maganda ang tissue, kaso baka pasukin ako ng mga tauhan ng Starbucks sa CR. Baka isipin nila eh andun ang Asian Palm Civet sa CR nila kaya nagkaroon ng ganung amoy dun. Kukuha sana sila ng coffee beans.

Gago kasi si Bus Driver Manong, di ako pinababa dun sa malapit sa Jollibee. Ginamitan ko pa tuloy ng Lakad-Itik ang pagpunta ko dun kasi puta, lalabas na talaga.

NOTE: Ang Lakad-Itik ay isang technique na kakapauso ko pa lang na kung saan mabagal ang lakad mo, one step at a time, nakapaumbok ang puwit mo na parang model at habang naglalakad ka eh nagsasalita ka nang "WAK-WAK-WAK-WAK ka munang lalabas!"

Nakakita pa yata ako ng Mercury Drug. Pero susmaryosep naman, masyado nang late kung maghahanap ako ng loperamide. Di naman kayang paatrasin nun ang nakadungaw nang pasahero ng puwit ko.

Kinakausap ko na ang puwit ko.

"Wag ka munang bubuka! Kaya mo yan! Wag kang papatalo sa kapangyarihan ng jerbaks!!! Kayang kaya mo yan!"

Ang ending? Tumae ako sa CR ng Jollibee.

Tapos bumili ako ng burger na worth 25 pesos.

Ang gastos ng umaga ko!

Unang sakay ng bus -- P10.00
Donasyon-slash-breakfast sa Jollibee (Regular Yum) -- P25.00
Ikalawang sakay ng bus -- P10.00
Pamasahe sa jeep -- P7.50

ANG MAKAPAGLABAS NG NAG-UUMAPAW NA PERWISYO NG TIYAN NANG HINDI NABABAHIRAN NG KABABUYAN ANG BRIEF -- Priceless

For everything else, there's Masterbates, ehem. Card, MasterCard.

= = = = = = = =

Lessons Learned:

1. Kahit kailan, hinding-hindi naging maganda ang pagsamahin ang pagbabiyahe at pagtae
2. Kung clerk ka ng Jollibee at naiinis ka kung bakit Regular Yum lang ang inorder ng customer kahit alukin mo na ng softdrinks at lahat-lahat ng tinda nyo magisip-isip ka dahil ikaw pa ang may utang na loob at nag-donate siya ng halaga para sa pagtae na ginawa niya sa CR ninyo
3. Magsuot ng easy-to-remove belts. Trust me, it really helps.
4. Huwag manghinayang sa brief. Itapon na lang kung nabahiran na ng pagkakamali (although di naman ako nagkaganito, ganun na ang nasa isip ko nung naglalakad ako papunta sa Jollibee)
5. Huwag isakripisyo ang pagjebs sa umaga. Wag ka nang magshampoo pero jumebs ka, okay na.

Haaaay, ang hirap talaga kapag naiipit ka sa mga mabibigat na desisyon.

Pero in fairness, ngayon ko na lang naramdaman ang ganitong feeling...

I mean, the feeling of being responsible and not soiling your precious brief.

16 Winners:

Saminella said...

Tawa ako ng tawa.




















Peyborit ko ang See oh see.

Anonymous said...

Shetness...

Ano nga bang lumabas

1.) chocolate cream

2.) pistachio cream

Ayaw na ayaw ko yan lalo na kung standing ka sa bus. hehehe

Anonymous said...

tribute pra kay Mr.D? lol

hahahahahahahaha.. wala natatawa lang ako.. salamat at pinasaya mo ko ngayong araw na kung saan gusto ko ng magunaw ang mundo.. tagay parang mariano!!!

Anonymous said...

kadiri naman.

Black Antipara said...

HAHAHAHAHA. Linsyak!! Iba talaga pag taeng tae ka na. Meron din akong kwento tungkol sa karanasan ko sa di malilimutang pagtatae.

Anonymous said...

walanghiyang tae.

Anonymous said...

Oy Sam, mother dear see here see here! Sus ka, tawa ka dyan! Salamat!

Pareng Igno, wala ni isa man sa dalawang yan ang lumabas dahil Oatmeal crunchies ata ang lumabas. Malayo pa lang ako sa Jalibi nun eh tumayo na ako dahil ubod na ng sarap ang feeling.

FerBert, salamat sa pagtawa. Pwede mo ding sabihin na sumunod ako sa yapak ng Dear Diarya, ang yapak ng jebs. Tagay pa!

Joseph naman, pagpasensyahan mo na. Minsan lang naman iyan, sana talaga minsan lang kasi nakaramdam nanaman ako kanina.

Kauste! Hehe, ikwento mo lang sa akin. Ibigay mo ang link! Linsiyak talaga yan, walang dulot na mabuti sa katawan!

Noime, WALANGYA TALAGA!

Anonymous said...

usapang jebs pala ito kuya M.. hahaha...

Anonymous said...

sige lang. sisihin ang pineapple orange juice ni mother dear.

at bakit mo naman pinipigilan ang mabuting adhikain ng jebs mong patalsikin si madam arroyo, ha?

pero gaya nga ng sabi mo, congrats parekoy for a successful delivery! yan ba ang panganay mo?

minsan talaga, pag nasa bingit ka ng life and death and ominous shit, saka ka makakapag-isip ng mga rebelasyon at importanteng bagay-bagay ukol sa buhay-buhay.

ang rating ko sa post mong ito ay 9/10.
9 shits out of 10.
panalo talaga.
hehehe.

Anonymous said...

morning ritual ko ang pagtae bago maligo, pag hindi ko nagawa yung pagjebs aasahan kong mag-aalburoto ang tyan ko sa opis.
isang tip: sanayin ang pwet na sumuka ng tae sa umaga. pag ayaw, pilitin mo!

Meryl Ann Dulce said...

Congrats! :D

Bea said...

Tuwang-tuwa ako sa entry mo, Mariano. Pati kapatid ko nakibasa at tawa din siya ng tawa. Feel na feel ko ang bugso ng jebs na naramdaman mo. Haha! Hindi talaga dapat na ipagpalit ang pagjebs sa kahit ano :p Pero kamusta naman ang tulad ko na constipated :|

Bulaang Katotohanan said...

nyahahaha! sino nga ba ang di nakaranas na matae sa isang ilang na lugar!

pinoy na pinoy ang pwet mo at jolibuyog ang pinili!

Abou said...

hindi kaya kulay brown lang brief mo kaya di mo nakita?

Anonymous said...

xitness. yan ang ayoko. mahirap yung pag may major exam at nasa set A palang ako, at dun na ung bowel movement. ayan na. kailangan ko pang bilisan yung pagsagot ko kahit nangi2labot nako tsaka pinagpapawisan.

Mariano said...

Ate Karmi, tumpak na tumpak ka! Haha. Jebber stories ito.

Holy Kamote, putek, ganun talaga. Sa juice ko ibibintang. Ahaha, buti sana kung maganda ang epekto kapag di ko pinigilan ang jebs eh, kaso lang di maganda! Salamat sa pagcongrats at pati na din sa rating mo.

Jeck, minsan di natutuloy ang morning ritual eh. Nagmamadali na kasi talaga at wala na talagang panahon! Kaya kadalasan sa opisina.

Meryl, salamat ulit, haha.

Bea, haha, natuwa ka ba? Promote mo naman ito! Ahaha. Talagang di maiialis sa sarili ang ganitong feeling pag minsan. Ang payo ko sayo eh uminom ka din ng madaming juices at kumain ng fibrous fruit gaya ng pinya at papaya, haha.

Bulaang Katotohanan, dapat sumuporta sa produktong Pinoy, sa CR na Pinoy!

Abou, white ang loob ng brief ko. Ala nga akong brown na brief eh, hehe. Promise, wala talagang bahid.

Gyk, ganun din ang kaklase ko dati eh, di na niya tinapos ang exam kasi bawal lumabas ng room during exam time. I mean, di na niya tinapos religiously. Nanghula na lang siya! Ganun kalakas ang tawag ng inyodoro!