January 24, 2008

Refresh

When I tried so hard and got so far
But in the end, it doesnt even matter
I had to fall, to lose it all
But in the end, it doesn't even matter

In The End - Linkin Park

Wala lang, gusto ko lang yung title, eh alangan namang yun lang ang ilagay ko. Sama ko na din yung chorus.

Hay nako, nagwakas na. Dumating na ang wakas. The end is here. This is my office life number one, now signing off. Chorva na, olats and eklavu na ako dito sa opisina.

Wala na akong trabaho.

Ano bang trabaho ang sinasabi ko? Ang pagba-blog? Di na nga naman ako magtataka kung sinasabihan ako ng mga kaibigan ko na binabayaran daw ako para makipagchat sa YM at magblog. Paano ba naman eh halos buong araw na akong nakikipagdaldalan at walang paltos ang pagsusulat ko ng entry.

Masaya talaga ang walang social life. Papasok ka lang para magchat at mag-blog, babayaran ka pa.

Pero ngayon, wakas na ito. Magba-blog na ako ng hindi binabayaran, gaya ng ibang tao. Tapos na ang maliligayang pagpapanggap ko dito sa opisina.

Naghihintay na lamang ako ng senyales mula sa mga bossing kung kailan ako sisipain...este bibigyan ng exit interview. Malamang sa katapusan ng buwan. Ayos kung ganun, may sweldo pa ako. May pera pa para panchicks...maghanap ng susunod na trabaho.

Bakit? Ano ba ang nangyare at natanggal ka?

Ah? Eh kasi eh... ano eh. Uhm... ahaha. Wag na lang ba? Dagdag loser reason nanaman to sa katauhan ko. Pero sabagay, self-proclaimed loser naman ako eh.

Kasi ganito yun. May exam. Qualifying exam para matanggap dito sa trabaho. Di lang siya basta exam. Pati nga beteranong instructor at mga kompyutero eh bumabagsak din dito. Animnapu't-limang porsiyento ang kinakailangan upang masabing TANGGAP KA NA MR. JUANCHO!

25% lamang ang nakuha ko. Dalawampu't-limang porsiyento mula sa isandaang porsiyento. Labingwalong tamang sagot mula sa pitumpu't-pitong puting tupa...este, sa pitumpu't-dalawang tanong. Yun ang resulta ng aking pagsusulit.

PATHETIC. Ako ang pinakamababa.

Haaay. Pero ano pa ba ang dahilan pa para magbanggit ng mga katarantaduhan dito? Wala. Kagaguhang magpaliwanag. Miski ang mga may malambot na puso ay matututong pumatay kapag narinig nila ang paliwanag ko. Taas-noo ko na lamang haharapin ang bukas. Baka masermunan pa ako dahil sa paliwanag kong kokey na kokey. Wala na din namang saysay ang dahilan ko sa mga pangyayare. Baka mag-init lang ang ulo ng mga nagdasal para sa pumasa ako.

= = = = = = = = =

Ano pa nga ba ang natitirang paraan para magtagal ako dito? Maganda naman dito sa opisina. Andito pa si Jerome! Pasado kasi siya at siya pa ang highest. Puta, ang galing-galing talaga at ang sipag.

Kung gugustuhin ko mang magtagal dito eh kakailanganin ko ng matinding kaplastikan at ubod ng nag-uumapaw na pagpapanggap. Tipong tatabunan ko ang sarili ko ng mga trabaho at mga dapat aralin tapos di ako manananghalian para lang makita ng mga tao na masipag ako. OO! TAMA! GANUN NA LANG!

O kaya naman eh sosyotain ko na lang si Ma'am Bossing. Mas mainam. Kapag namana ko na ang kumpanya, idedeborsyo ko siya. At babaguhin ko ang bawat patakaran. Bikini uniform para kay Jerome.

= = = = = = = = =

Mga bagay na maganda at di-maganda ngayong nasa bagong yugto na ako ng aking buhay -- ANG BUHAY BUM PERO UBER HOT AND GWAPAPI.

Maganda
1. Kakaririn ko na ang pagiging bloggista: Magsusulat ako ng mga makabuluhang bagay at makikilala ako, lalo na ng mga kakilala ko (ano daw?).
2. Marami na akong panahon para magpapayat dahil malamang eh di na ako pakainin dito sa bahay.
3. Mag-aaral akong magmaneho.
4. Bago ako mag-aral magmaneho, mag-aaral muna akong mang-carnap.
5. Marami akong panahon para manood ng "educational videos".
6. Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino, sa isip, sa salita, at sa gawa.

Di-Maganda
1. Wala akong pera.
2. Hahanapan ako ng sangkaterbang kamalian at magiging masunuring anak nanaman ako.
3. Wala nang silay kay Jerome.
4. Matitigil pansamantala ang opis kronikels kong serye (na ubod ng putanginang haba).
5. Wala na ang mga ulap, malambot na upuan, makisig na computer, at mga asarang walang humpay kasama ang mga ka-opisina.
6. At Marami pang iba.

= = = = = = = = =

Di naman ako magtatagal sa pagka-bum. Alam kong marami namang pwedeng pasukan diyan. Lalo pa ngayon na madali na lang magbenta ng katawan sa internet.

Pwede siguro akong makibakas muna sa mga bigating call boy. Kahit siguro buy one take one, at ako yung take one.

Mag-aaral ako ng mga bagay na makapagbibigay-ligaya sa mga babae, gayon din sa mga mas marami pang babae upang tumaas ang presyo ko.

Mag-aaral ako ng ninjutsu para mas madali na lang magnakaw.

Mag-aaral din ako ng hipnotismo para makalibre ako sa Jollibee.

Magtatrabaho ako bilang alalay ni Inday.

Mamamasukan ako bilang isang professional na tagapag-alala. Alam kong maraming tao ang may kanya-kanyang mabibigat na problema pero wala silang panahon para dito, kaya ako na lang ang gagawa nun para sa kanila.

At syempre, babaguhin ko na ang kapalaran ko. Di na ako magiging loser. Sa susunod na pagdalaw niyo dito, iba na ang tema nito.

Ulirat Ni Mariano: The Losest Realm.

Lose.
Loser.
Losest.

Mas malala pala.

9 Winners:

Anonymous said...

Wag ka magalala mariano. Isang taon at kalahati na kong ganyan mariano.

unang dapat gawin:

1.) matutong maghardin

2.) matutong maghugas ng pinggan

3.) magjogging sa tanghaling tapat para palipasin ang gutom

4.) magpabilis ng typing speed para mas maraming makachat ng sabay-sabay

5.) pansinin ang tamang sa pagtulog.

Anonymous said...

tskstsktsk... mamimiss ko ang opis kronikels mo...

magkano ba ang kita sa pagbibilad ng katawan sa internet? gusto ko din gawin yun eh para naman magkapera sa date namin ni jane.

Anonymous said...

loser.

Dakilang Tambay said...

paeho tau ng pinagdadaanan.. walang pera ang hirap maggala! waaa..

Anonymous said...

hay naku mariano. isa kang napakalaking HAY NAKU

-kunsensya-

Anonymous said...

wahahahaha.
makakahanap ka rin ng bagong trabaho. :)

isama mo na lng si jerome. ayihi!

Bulaang Katotohanan said...

i feel your pain dude! tagusan ang entry mo, pati ako natamaan.

Anonymous said...

Igno, maraming salamat sa mga payo mo! Gusto ko din sanang magtanim kaso walang lupa dito sa amin na pwedeng pagtaniman.

Mura pa lang ang halaga ng katawan ko. Puro taba pa kasi! Ahaha! DI pa mawawala ang opis kronikels Ferbert!

Salamat Xienah

Mia, mas mahirap ang mangutang sa tuwing may galaan kaya wag munang umalis ng bahay! Magpaseksi muna sa pamamagitan ng pagwawalis!

Kunsensya, salamat sa HAY NAKU mo.

Yayayain ko nang magresign si Jerome! Gagawan ko siya ng kabulastugan para matanggal siya dun! Ahaha!

Salamat naman BK at natamaan ka ng husto!

Anonymous said...

Ganun talaga ang buhay puno ng mahirap intindihin. Sana mahanap mo na ang gusto mo bukod kay Jerome.hehehe Godbless