Showing posts with label Story. Show all posts
Showing posts with label Story. Show all posts

December 26, 2014

Merry Christmas

Hello! Merry Christmas sa mga butihin kong mambabasa! (which is wala).

Alam niyo ba, dalawang pasko na akong nakakaranas ng masamang panaginip.

Yung una, some years ago, nanaginip ako tungkol sa The Grudge. Yung babaeng multo sa The Grudge, yung nakakasabog ng betlog kapag nakaharap mo sa tuwing nagsisipilyo ka ng ngipin.

Nanood kasi kami ng mga pinsan ko nun (bad move, boy). At hayun, nung gabing tulog ako at nasa ilalim ng lamesa (sama-sama kameng matulog sa iisang ancestral house), eh naalimpungatan ako't nakita kong gumagapang na siya papunta sa akin habang ang katawan ko naman ay naninigas. Hindi ako makakilos at hindi ko matandaan kung paanong hindi ako namatay nung gabing yun dahil busog ako sa noche buena at ginagapang ako ng The Grudge.

Nitong nagdaang pasko naman ay masasabi kong mas malala pa sa The Grudge ang napanaginipan ko dahil PUTANGINA KINANOT KO YUNG GELPREN NG KAIBIGAN KO PUTA! Hindi siya masama in a sense na tinira ko yung chicks ng tropa ko. Nag-sorry pa nga ako sa kanya habang umiiyak ako tapos parehas na kameng umiiyak.

Paano kasi (hindi sa panlalait pero ganun na nga), yung gelpren niya eh parang grade 6 student na kulang sa nutrisyon at sari-saring protina. Yun yung tipo ng babae na umaakyat sa jeep para mamigay ng envelop o kaya magpunas ng sapatos ng mga pasahero. Yun ang tipo ng tao na hindi ka magse-second look at baka nga miski isang look pa eh hindi mo siya bibigyan.


Sadya lang sigurong maganda ang ugali niya kaya siya minahal ng kaibigan ko or wala siyang choice.

Tangina, nagsixty nine pa kame nung babae tapos kung ano ano pang shit na hindi ko maiisip gawin TAMA NA NGA PUTANGINA.

Kailangan ko lang ikwento para ma-lessen ang burden sa dibdib ko.

Elongate...

March 14, 2012

Knife Fight

I. Pupunuin mo ng strawberries yung bibig ko, habang nakatitig ako sa mga mata mo. Yung mata mo na parang may poot na gustong kumawala kada susubuan mo ako ng strawberries.

II. Kukuha ka ng kutsilyo sa kusina. Tig-isa tayo. Pagkatapos mo akong subuan ng maraming strawberries, aalis ka na. Pagbalik mo, meron ka nang dalang kutsilyo, tapos i-iitsa mo sa akin yung isa. Iwawasiwas mo yung kutsilyo na habang nakangisi ka. Yung mga mata mong may poot na gustong kumawala, mas nagniningas yung kinang. Yung kinang ng karahasan na nakakapagpatigil ng paggalaw. Parang yung titig na ginagawa ng mga pusa sa daga bago nila ito sunggaban.

III. Hindi ko masasalo yung kutsilyo dahil nakagapos ang dalawa kong kamay sa silya. Humihiling na lang ako na hindi mapalakas ang pag-itsa mo ng kutsilyo at hindi tumama sa anumang parte ng mukha ko. Tatawa ka ng malakas pagkatapos mong i-itsa yung kutsilyo. Nakakahiya tuloy sa mga kapitbahay.

IV. Maginaw sa kwarto mo dahil nakatodo ang aircon. Hindi pa nakakatulong na bra’t panty lang ang suot ko. Patuloy mong iwinawasiwas ang kutsilyo habang marahan mong hinahaplos ang buhok ko. Nandun pa din ang kinang sa mata mo, pero ngayon, parang umamo na sila ng bahagya. Hindi tulad kanina na parang gusto mo nang ihagod ang kutsilyo’t tanggalan ako ng balat.

V. Habang hawak mo yung buhok ko, ihinagod mo ang talim ng kutsilyo sa balikat ko. Pababa sa bewang, hanggang sa pusod. Paunti-unti mong itinatarak yung dulo ng kutsilyo mo sa pusod ko. Ako naman, napapapikit sa sakit dahil medyo napapadiin at napapalalim sa yung kutsilyo. Nanggigigil ka siguro. Patuloy ang paghaplos mo sa buhok ko.

VI. Sinipa mo yung silya at natumba ito kasama ako. Hindi tumama ang ulo ko sa sahig dahil hawak mo ang buhok ko. Binitawan mo ang buhok ko, at nawala ka saglit. Maya-maya, may naramdaman akong lamig na pumasok sa pagkababae ko. Lamig na dahan-dahang naging sakit. Sakit na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. Sa tantya ko, malapad at mahaba yung pumasok. Parang kutsilyo. Malamig sa una, tapos natabunan na ng maantak na sakit yung lamig. Napaluha ako at napasigaw sa sobrang sakit.

VII. Tumawa ka ng malakas. Tawa ka nang tawa habang ako naman eh halos mamilipit na sa sakit pero hindi ko magawa. Nakagapos kasi ako. Unti-unti nang humina ang malakas mong tawa. Unti-unti na ding dumilim ang paligid, pero yung sakit, nandun pa din.

VII. Nagising akong punung-puno ng strawberries ang bibig ko.

Elongate...

November 30, 2011

Yung Mitchie eh buntis, at hindi siya talaga ganyan mag-isip


Bale may nasagap pa akong balita.

Nagkaroon daw ng matinding misunderstanding sa relasyon ni Piolo at KC.

Nung minsan daw na magkakaroon sila ng sexy time eh pumwesto na daw si KC at tumuwad.

Naghihintay na siyang pasukin ni Piolo nung maisip niya na masyado yatang matagal.

Patay ang ilaw nung mga oras na yun kaya naman pumunta si KC sa switch at binuksan niya ang ilaw.

Kaya naman pala matagal si Piolo dahil parehas pala silang nakatuwad ni KC.

*Yung joke ng parehong nakatuwad eh nakuha ko lang sa joke ng bakla sa comedy bar at hindi talaga orihinal ang mga ideya ko*

Elongate...

April 29, 2008

Pamawi

Mainit nanaman ang kokote ni bossing. Umagang-umaga pa lang eh nag-uusok na ang kanyang mga sentido. Ang ilan sa mga usok ay sumisingaw palabas sa dalawang butas ng kanyang ilong.

May hindi natapos na trabaho. Isang araw na lang ang palugit para sa deadline. Lahat kame parang may mga berdugong naka-ambang at lalatiguhin ka sa oras na ialis mo ang mata mo sa monitor ng computer at ang mga daliri mo sa keyboard nito.

Walang uuwi hangga't hindi natatapos ang trabaho. Ika ni boss nang may conviction. Seryoso siya dito.

Yeah, I know. It may sound like slavery but I like how the boss treats us this way. Pressure surrounds your personality with this type of management.

It's like an unripened boil that you want to squish but then it's not yet time. You have to wait for the right moment to make tiris of the boil. Patuyuin muna tapos saka tirisin. At putangina napa-ingles ako.

*Anong konek nun? Wala. Basta dapat kang tumanggap ng challenge. Yun lang naman talaga ang tunay na pakay ni Boss, diba boss? Kung nagbabasa ka nito ngayon boss eh sana maintindihan mong kailangan namin ng mataas na sweldo okay? Labshu!*

Papalapit na ang alas siyete ng gabi. Makakauwi na din sa wakas. Wala namang naging problema sa pagso-solb ng mga isyu at mga kakulangan sa requirement ng project. Magaling tumira ang mga engineers ng team. Tinapos nila yung trabaho nila tapos tinulungan ako.

Hayup ka talaga Sir A, napakahusay mo. Isa kang halimaw ng Java sa katawan ng tao. Pasasaan pa't balang araw eh titingalain na kita bilang sunod na boss, at ako naman ang papalit sa puwesto mo bilang fastest improving programmer sa opisina.

Natapos ang araw na wala nang katas ang isipan ko. Cactus na lang ang kulang at maaari mo nang tawaging disyerto ang aking utak. Para akong nireyp na babae dahil lutang ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang susunod na hakbang na gagawin ko.

Ah oo nga, tama nga pala. Uuwi na nga pala ako. Pasado alas-nuwebe na din, baka naman maaari ko nang pagbigyan ang sarili ko na magpahinga. Wala na ang mga imaginary na berdugong muntik nang manghambalos sa likod ko kanina nung nagkamali akong magdagdag ng isang curly brace.

Daan ng seben eleben, bili ng C2 Green Tea. Pumili ng Peach pleybor at pumila. Nagbayad at naglakad sa sakayan ng bus. Oo na, alam kong hindi mo kailangan ng ganitong klase ng detalye sa kwento ko kaya ipasporward na lang naten.

Bumaba na ako ng bus at naglakad ng may halong pag-iisip at pagmumuni-muni sa paligid. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking paa patungo sa pila ng mga jeepney na alam kong buong araw nang dumanas ng init ng sikat ng araw. Pinagmasdan ko ang paligid at tinitigan ang mga halaman sa tabi ng Teleperformance sa may Shaw Boulevard.

Anak ng putangina, sabi nang no more details eh.

Ayun, nakakita ako ng byaheng Taytay. Sumakay na ako, baka maiwan pa ako. Pagsakay ko tinitigan ko yung babae sa kanan ko, tinignan ko kung maganda tapos tinignan naman ako ng kasama niya. Inilihis ko kaagad ang tingin ko. Parang ako na lang ang iniintay nung drayber kaya at kaagad na din siyang umalis matapos kong makapagpahinga.

Hindi ako kaagad nagbayad. Baka kasi masiraan yung jeep, hassle pa. Maya-maya bigla itong bumagal at tuluyan nang tumigil. May sasakay pala.

Nakatingin ako sa sahig at nag-iisip ng kung anong ulam sa bahay dahil kanina pang nagkakainan yung dalawa kong bituka sa tiyan. Sana iwasan nilang ngasabin yung testicles ko. Baka pati yun patusin.

Ayun, may sumakay. Ang bango. Parang hindi galing sa trabaho. Pag-angat ko ng ulo ko at pagtingin ko eh fresh na fresh pa yung babae. Papasok pa lang siguro. Tangina ang ganda. Nabighani ako.

1, 2, 3, 4, 5. Lampas na ata sa 20 segundo akong nakatitig sa mukha niya. Kakaiba ang itsura niya. Parang may lahi siya. Tapos ang damit niya eh simple lang. Jeans na medyo fit tapos white spaghetti strap na parang tank top. Panalong-panalo. Simply bayutipol. De Luxe kumbaga sa sisig, Rizal kumbaga sa bayani, at may sprinkles kumbaga sa ice cream. Perpektong nilalang ka para sa akin, oh babeng misteryosa.

Tangina, ano ba tong meron sayo darling.

Binusog mo ang pagkagutom ko.
Pinawi mo ang pagod ko.
Pinakalma mo ang isipan ko.
Pinatigas mo ang...
...binti ko.
Pinalaki mo ang pagkakabuka ng mata ko.
Pinakilig mo ang batok ko.
Pinaibig mo ako,
sa pagsakay mo sa jeep na ito.
Harinawa'y malaman ko man lang.
Miski ang ngalan mo.

Tanginang yan. Wala na akong hahanapin pa sa gabing ito. Solb na ang araw ko.

Hindi pa din siya nagbabayad. Ililibre ko na ba? O aantayin ko na lang na kumuha siya ng pera para ako na ang mag-abot sa drayber? Hindi ako pwedeng mag-aaantok nito. Dapat tatanuran ko siya. Dapat ko siyang protektahan sa mga matang nagnanais ding angkinin siya. Mga putangina nyo, magpantasya na kayo sa iba, akin lang ang babaeng ito. Dun na lang kayo sa babaeng katabi ng katabi ko.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang purse. Mukhang kukuha na ata ng barya. Ako naman eh inihanda ko na ang aking mga palad. Pinunasan ng bahagya ang pasmado kong mga kamay para naman ma-experience ko kang kutis niya.

Humugot ng foundation. Nagsalamin at nagpahid ng ispongha sa mukha. Anak ng katuray, akala ko barya na. Pero sige, hindi na bale. Mamaya niyan magbabayad na yan dahil kapag hindi siya nagbayad, eh ako na ang sasagot. Ibabayad ko ang bago at malutong kong 100 pesos para isipin niyang bagong sweldo ako at magyaya siya ng kauna-unahang date namin.

Heto na, humugot na ng barya si ateng diwata. Iniabot ang bayad sa katabi. Hindi na siya umimik. Dahil sadyang mabilis ako, agad kong itinutok ang aking mga kamay at bukang-buka ang aking mga palad. Inilapag niya ang bayad sa aking mga kamay. Putanginang shit parang gusto ko na mag-orgasm right then and there. Heaven pareh. parang langit.

Mabuti na lang at malapit lang siya. May sukli pa ang 10 pesos na iniabot niya. Kahit mapunitan pa ako ng litid, ayos lang basta mai-stretch ko lang ang braso ko't makuha ko ang sukli galing mismo kay manong.

Walang napatid na litid pero napangiwi ako sa pagstretch ng kamay ko. Shet eto na, mahahawakan ko na ng mas solido ang kamay niya. Sasapuhin ko sa ilalim at saka ko ilalapag ang barya sa palad niya. Sa pagkakataong ito, ang palad naman niya ang bukang-buka at ang kamay ko naman ay mabagal na iniabot ang sukli.

Oh syet. Ang kinis ng balat. Ang lambot ng kutis! Parang Likas Papaya Soap with matching Perla on the side. Parang binuro sa asin ang kutis niya. Malambot at ang sarap supsupin.

"PAREH, SALAMAT AH. KUYA JESS, DYAN NA LANG AKO SA TABI HA."

Napatigil ang mundo ko. Hindi, mali. NAGUNAW ANG MUNDO KO.
Tumigil kame sa isang kilalang Karaoke Bar ng magagandang bakla.

"Sige Arnel. Teks ka lang mamaya kung sasabay ka ha? Baka abutan pa kita. Dahan-dahan sa supsop ha? "

"GAGA! MARUNONG AKONG MAGTIMPI! O SIYA SIYA, ITETEKS NA LANG KITA. BABOOSH!"


Namutawi sa labi niya ang mga boses na parang pinag-halong Mike Tyson at Inday Garutay.

Saka ko na lang napansin ang balikat niyang malapad, ang tila ba malalaki niyang kamay at ang medyo bigotilyo niyang mga nguso. At lalo na ang kanyang tila bang inipit na mansanas ni Adan sa kanyang lalamunan.

Nanumbalik ang gutom ko at nasusuka pa ako.
Pinabalik mo ang pagod ko't na-over fatigue pa ako.
Ginambala mo ng husto ang ulirat ko.
Pinalambot mo ang tuhod ko dahil nanlulumo na ito.
Pinanlisik mo ang mga mata ko.
Para akong binatukan ng kapre.
Pinatay mo ang pangarap ko,
sa pagkakasakay mo sa jeep na ito.
Hayop ka Arnel, putangina mo.


Elongate...

December 21, 2007

Ala-Ala ng Ale

Noong unang panahon, merong isang matandang ale.

Pero hindi naman talaga siya matanda noon. Pero nakapagtataka kasi unang panahon pa yun pero matanda na siya.

So ibig sabihin mas una pa sa unang panahon ang panahon na kung saan bata pa siya.

Eh di ayun nga, nung una pa sa unang panahon na kung saan bata pa siya, mahilig ang matandang babae (na bata pa talaga kasi nasa una pa sa unang panahon ang setting) na magwalis sa bakuran niya. Araw-araw, tuwing umaga, kinukuha niya ang kanyang walis ting-ting na nagmula pa sa Europa, upang ipangwalis ng kung ano man ang nasa bakuran niya. Mga tansan ng beer, mga dahong natuyo na, mga sanga at ipot ng manok, mga langgam, mga prutas na bulok, at mga alikabok. Meron din siyang dust pan na gawa sa lata ng Rebisco Mixed Biscuit na nahingi niya sa kamag-anak ng namatay niyang kapitbahay. Malaki ito at kayang dumakot ng isang punso ng langgam, o kaya eh isa't-kalahating balat ng buko, o kaya naman eh mahigit sa dalawandaang piraso ng tuyong dahon ng puno ng Caimito.

Sa bawat umagang pagwawalis ng ale, mapapansin mo ang kanyang taglay na kagandahan. Mayumi ang kanyang damit. Balingkinitan ang kanyang kilay. Mapusyaw ang kanyang buhok. Maitim ang kanyang pusa. Mahaba ang kanyang saya, matambok ang kanyang pulso, at makipot ang kanyang mga titig.

Paiba-iba ang paraan niya ng pagwawalis. May patalikod, merong patagilid, at meron ding 360 degrees, behind the back, under the leg, tomahawk jam na pagwawalis.

Ganito ang sitwasyon sa bawat umaga sa bakuran ng ale. Kukuhanin ang walis at dust pan, magwawalis, at pagkatapos magwalis, papasok sa loob ng bahay para magpatugtog ng mga bagong album ng alternatives at RnB at Hiphop.

Mahusay ang pagwawalis ng ale. Makikita mong walang bahid ng anumang kalat sa bakuran niya matapos niyang magwalis. Mahihiya kang pumasok sa bakuran ng ale sa tuwing matatapos siya sa pagwawalis. Iispin mong isang mortal na pagkakasala ang katumbas ng pagtapak mo sa bakuran niya pagkatapos ng ritwal sa umaga.

Ngunit isang araw, ako'y naglakas-loob upang lapitan at bahagyang makahuntahan ang aleng walisera. Sa proseso ng kanyang pagwawalis, tila ba siya, ang lupa, ang walis, ang mga kalat, at ang dust pan lamang ang mahalaga. Alam kong malaking kahibangan ang lapitan siya sa mga sandaling yun subalit alam kong mas malaking kawalan sa katauhan ko kapag hindi ko siya nakausap.

Nilapitan ko ang ale ng dahan-dahan habang winawalis niya ang tumpok ng dahon. Napuna naman niya ang paglapit ko at itinigil niya ang kanyang ginagawa. Tinignan niya ako at ngumiti siya.

Kumapit ako sa bakod ng kanyang bahay at ngumiti din. Binati niya ako.

"Wassup dawg?" Bati ng ale.


Ako ay nagulat at nasorpresa sa ginawa niyang pagbati. Mula sa pagbati niya at napag-alaman ko ang parte ng katauhan ng ale na pala-kaibigan.

"Everything's cool y'all. What you be trippin'?"

"Heto, maayos naman. Madaming kaylangang walisin. Makalat nanaman ang bakuran. Ano ba ang pwede kong maitulong sa iyo hijo?"

Napatingin ako ng bahagya sa lupa na winawalis niya at sa walis niyang may kakaibang yari. Ibubuka ko pa lang ang kissable lips ko para magtanong pero naunahan na ako ng sagot.

"Nasa akin na ang walis na ito mula pa nung limang taong gulang na ako. Regalo ito sa akin ng namayapa kong lolo. Kung mapapansin mo ang tatak, nakalagay na gawa ito ni Louis Vuitton sa Italya. Isa ito sa unang klase ng ganitong produkto."

Namangha ako sa kanyang kagamitan. At mas lalo pang pinatindi ng sagot niya ang pagkamangha ko. Ganun pala talaga ang itsura ng walis. Sa labing-walong taon ng pananatili ko sa mundong ito at pagmamasid sa mga bagay na di kaylangang masdan, ngayon ko lang nakita ng malapitan ang walis ng ale.

Naririnig ko lang kasi ang tungkol dito sa iba pang kapit-bahay. Napagmasdan ko ito ng husto. Gusto ko itong mahawakan pero nung aktong hahawakan ko na, inilayo ito ng ale. Napakunot ang kanyang noo at kulang na lang eh fuck you-hin niya ako.

"Pagpasensyahan mo na hijo, alam kong tanga ang dahilan pero hindi mo ito pwedeng hawakan dahil mayroon itong sentimental value sa akin. Walang iba pang tao ang nakakahawak nito maliban sa aking lolo. Wag ka nang dumagdag please, you mother fucker."

Hindi ko na inusisa pa ang dahilan dahil alam kong di ko din naman maiintindihan. Baka sa french niya pa ipaliwanag ang dahilan, mabugnot lang ako. Sapat na ang murahin ako ng ale para malaman kong hindi ito dapat hawakan ng ibang tao.

Nagpatuloy sa pagwawalis ang ale. Pinanood ko siya. Pinanood ko ang kanyang pagwawalis. Pinagmasdan ko ang tikwas ng kanyang mga palad, ang pilantik ng kanyang mga daliri, ang pagpatak ng pawis mula sa kanyang mga noo. Alam ko, sa mga panahong iyon, masaya siya kahit misteryoso ang kanyang buhay.

Lumakad ako papalayo dala ang pag-asa na isang araw, magkakaron ng anak ang aleng yun at maliligawan ko. Grabe kasi yung ale, ang hot as in putanginang ang ganda at ang sexy. Sobrang nakakatakam. Parang sa unang tingin pa lang, mapapa-oh lala ka na sa sobrang kasabikan mo at gugustuhin mo nang manggahasa ng camel na may dalawang humps.

Natapos na ang pagwawalis. Pumasok na ang ale sa loob ng kanyang bahay.

Naiwan lamang ang malinis na bakuran. Ang tahimik na pagwagiswis ng mga dahon puno, at ang ala-ala ng aming pag-uusap na dadalhin ko sa aking pagtanda.

Elongate...