November 28, 2007

A Minor Shock

Lumindol kahapon. November 27, 2007.

Nayanig ang ilan sa lugar sa Pilipinas. Nasa Lingayen daw ang epicenter. Yung epicenter daw ang punto sa ibabaw ng lupa kung saan nagmula ang lindol.

Malamig daw sa Lingayen. Baka naisipan mag-chillax ng lindol dun. Maganda ang lugar. Madaming pwedeng maabot ang mga shockwaves niya.

Nasan ba ako kahapon? Nanananghalian ako dito sa opisina.

Masaya ang aming usapan at pagsubo ng ulam nang bigla akong nakaramdam ng hilo.

Akala ko nung una eh tinamaan lang ako ng cholesterol dahil sa kinakain kong karne at biglang tumaas ang BP ko.

Lumilindol pala talaga. Umuuga ang paligid. Ang lamesa ay gumagalaw.

Nabalot ng munting pangamba ang aking kaopisina. Napa-OMG siya.

Ako naman eh ayos lang. Mahina pa lang naman. Di pa ako nakakarinig ng nagka-crack na semento.

Pero pano kung naging malakas yun? Ano pa nga ba ang magagawa ko kung madurog ang building na kinalalagyan ko?

Tumawag sa mahal sa buhay? Asa sila. Wala akong load. Hangin na ang bahalang magpaabot sa kanila ng katotohanan na mahal ko rin sila.

Mag-panic? Hindi suguro. Hindi naman ganun kalakas ang lindol at nasa 8th floor naman kame. Sa tingin ko kaya ko pang indahin ang bigat ng 9th at 10th floor kapag bumagsak ito samen. Wala pa naman akong nakakasabay na mataba at malaking tao na bumaba sa 9th at 10th floor. Mukhang payat silang lahat dun. Kayang-kaya ko pa silang pasanin.

Manalangin? Syempre. Sa pagkakataon na malakas na malakas ang lindol nung panahon na yun at hindi kakayanin ni Rufino Plaza ang impact eh tiyak na maririndi sa akin ang Diyos. Hehe. Baka tumalak ako at magtitili kakasambit ng pangalan Niya. Pero pwede ko din naman sigurong sabihin na "Kita-kits na lang po Lord!".

Magtago sa ilalim ng lamesa? Parang malabo. Isang bilao na pansit nga lang ang ipatong mo sa mesa dito, parang magko-collapse na. Pano pa kaya kung tipak ng bato ang nagbagsakan. Baka masaludsod lang ako sa kahoy nung lamesa kung makapagtago ako sa ilalim at mabagsakan ito ng malaking slab ng kongkreto.

Tumakbo patungong FIRE EXIT? Baka hindi. Yun ang ipinagtataka ko sa mga building. May Fire Exit, walang Earthquake Exit. Porket hindi daw kayang magsimula ng lindol ang mga nagrerebeldeng empleyado, di na sila maglalagay ng Earthquake Exit. Napaka-bias sa kalamidad. Baka sitahin pa kame ng guard sa oras na magtakbuhan kame palabas ng Fire Exit. Mahirap na, baka magkaron ako ng memo sa oras ng lindulan.

"Mariano Juancho - 1st Warning. Offense: Using the Fire Exit during an Earthquake."

Makipaglaro ng Jack Stone? Mahirap. Sa pag-uga pa lang ng paligid, malalaman mong lilihis ang talbog ng bola sa sahig. Maaari ding dumulas papunta sa kabilang sulok ng kwarto ang mga jacks sa panahon ng malakas na lindol. Baka nga pagmulan pa ng crack sa sahig yung pagtalbog ng bola. Bato-bato pick na lang siguro.

Ano nga ba ang gagawin ko sa oras na magkaroon ng malakas na lindol?

Hindi ko rin masasabi kung ano. Pero dahil sa masasabi kong happy-go-lucky akong tao eh malamang na pabayaan ko lang ang lindol hanggang sa tumigil. Pero dahil sa ayoko pa munang mamatay eh baka magtatakbo din ako palabas. Ang hirap mag-decide. Sobrang conflict.

Para walang away, wag na lang lumindol ng malakas. Bagyo na lang. Para at least malamig.

Hindi ka magpapanic. Hindi ka mahihilo. Hindi ka tatakbo palabas ng building.

Magiging miserable ka lang dahil nakalimutan mo ang payong mo. OMG, wala akong payong.

1 Winners:

Garey said...

Surely, the dude is absolutely fair.
payday loans | Miami beach weather | Regina hotels