July 14, 2009

Pssssssst Hoy, May Bago!

Nakakapanot daw ang magpuyat.

Hindi nga? Holy fuck, wala akong pakialam. Kahit buong buhay akong matulog, hindi na kakapal ang buhok ko. Mukha ko na lang ang kumakapal, at walang magandang dulot ito sa personalidad ko bilang isang anak ng Diyos.

Maganda nga itong puyat ako at naguumapaw ang isip ko sa mga bagay na dapat kong ipinagdadadakdak dito. Isa pa eh ngayon lang talaga nababakante ang mga PC dito sa bahay. Naka-HP Mini ako ngayon. OHA OHA! FUCK YOU ALL! BWAHAHAHAHAHA! Kasi nasira ko nanaman yung laptop ni ate. Kaya eto, sinisira ko naman ito ngayong kay ate panganay ngayon.

"Ano ba? Ayawan na ba? Bakit hindi ka naga-update?" Sabi saken ng blog ko.
Pero dahil inanimate ang blog at wala siyang kapasidad para makapag-express ng thoughts, aaminin ko na lang na ako lang din ang nagsabi niyan. Sa sarili ko. Ng walang suot na brip.

Ano, may nagbago ba? Ganun pa din ako. Wala pa din akong brip.

At para saan naman ang impormasyon na yon? Wala. Kung gusto mo lang magbilang ng blogger na hindi nagbibrip tuwing nagsusulat, pwes plus one na ako don.

Kamusta na ba si Mariano Juancho? Ano na ang pinagkakaabalahan niya sa buhay? San na siya nagtatrabaho ngayon? Nagtatae pa din ba siya tuwing umaga habang nasa biyahe papasok ng opisina?

Wag na akong maraming tanong. Masyado nang lumang pakana na sisingitan mo ng tanong ang sulatin mo para magkaron ng paguusapan. Pero sige na nga, nagtatanong lang naman eh.

1. Okay lang ako. Namayat daw ako sabi ng ilan. Ganun talaga ang buhay ng tao. Mabuti pa nga ang mga pulubi sa tulay ng Quiapo, kapag naabutan ko silang tumatae sa bangketa, ang lalaki ng tae nila. Para silang naka-buffet gabi-gabi. Naiinggit ako sa tae nila hindi dahil malaki ito pero dahil alam kong marami silang nakakain araw-araw. Di tulad ko. Agahan ko taho. Tanghalian ko, taho na nilusaw ng bituka ko. Hapunan ko eh medyo disente naman, wag kang mangamba.

Pero bakit ba ako naiinggit sa ga-brasong tae ng mga pulubi? Wala silang bahay. Nakatira sa bangketa at natutulog sa karton. Malay ko ba kung isang linggo nilang hindi itinae yung tae nila para lang hindi sila magutom. Pilit nila itong iniuurong sa pamamagitan ng pwersa ng pwet pabalik sa tiyan nila para lusawin ulit at hithitin ang nutrients para sila mabuhay. Gumagamit sila ng kahoy para maitulak pabalik ang tae sa tiyan nila.

"Tay, nagugutom na po ako. Hindi ko na kayang pigilan ang tae ko."
"Anak! Kaya mo yan! Wala pang laman ang basurahan! Heto ang magic wood naten, ipasak mo yan sa pwet mo at isuksok mo hanggang kung saan aabot! Makakatulong yan sa gutom!"

Malungkot diba. Di tulad nila, maginhawa pa din ang buhay ko kahit hindi ako nakakakain ng kumpleto sa isang araw. Pero syempre drama ko lang yun. Sinungaling ako eh. Hindi lang talaga ako kumakain ng normal sa araw-araw kasi nahihiya naman ako sa mga pamangkin ko. Yung baon nila ng isang linggo, nilalantakan ko na, tapos pati ba naman agahan at tanghalian sasaluhan ko pa? Di na siguro masama kung iinom na lang ako ng tubig sa tanghali.

Pero joke lang yun. Nagpapaawa lang ako. Kumakain naman ako, pero hindi lang marami kasi gusto kong magka-abs ako. Alam mo yun diba, abs, yung bukol sa tiyan.

Mali, cyst yung naiisip mo. Abs, yung gawa sa matigas na laman ng katawan na nakakapagpalaway sa mga chicks kapag nakita nila ito.

Tite? Abs nga eh.

Oo, gusto ko nun. Ng tite? Ahaaaaaaaaay.

Putangina, kung tite ni Johnny Depp yan, sino bang aayaw dyan?

Kahit yung karpintero abs lang pwede na. Beggars can't be choosy ika nga ni Ayzprincess. Kaya para maatim ko ang piraso ng matigas na laman na yun sa aking tiyan, kailangan ko munang magpapayat. Thus, di ako kumakain.

2. Ang haba no? Kamusta lang ang tinanong, nagbanggit na ng tae ng pulubi. Ano ang pinagkakaabalahan ko? Wala naman. Plurk lang saka tunganga.

3. O, sobrang ikli naman ng sagot ngayon. Gago talaga neto. Tsk. Oo nga pala, may plurk account ako na huwantso ang username. Kapag gusto mong sumali sa plurk, punta ka sa page ko at dun ka mag-sign up para magka-star naman ako. May trabaho na ba ako? Utin ng unggoy. Si Mariano magtatrabaho? HAH!

Oo naman syempre. Lahat tayo, dun ang punta ng buhay. Sa totoo niyan, ang bait ng boss ko ngayon. Maganda ang benepisyo. Ayos naman ang sahod, sakto lang sa gimik ko. Magaan ang trabaho, wala masyadong tasks di tulad ng sa nakaraang trabaho ko. At maasikaso pa ang boss! Pinaglalaba ka ng pantalon kapag may lakad ka. Pinaglalatag ka ng higaan kapag ayaw mong magpuyat. Binibigyan ka ng baon kapag may gimik ka. Pinagluluto ka ng hapunan para hindi ka gutumin.

O diba! Ang bait ng boss Aling Maring ko! Tutunganga ka lang at magpapaka-katuga eh buhay ka na! Salamat Aling Maring, you're the best boss in the world!

Pero seryoso, gusto ko nang magkaroon ng totoong trabaho, hindi yung make-believe.

Yung kapag napagalitan ka ng boss mo eh hindi mo mapapahupa ang galit niya sa pamamagitan ng pagpupog mo ng halik na malaway sa kanyang pisngi ko kapag pinagloload mo siya ng 25 pesos sa tindahan tapos ikaw ang magreregister ng 20 para sa unlitxt o aabutan mo ng isang basong tubig kapag pinagpapawisan. Yung totoong boss na ngangaratin ka hanggang sa malusaw ang buo mong pagkatao at isuka mo lahat ng kaalaman na natutunan mo since preschool. Pero wag mong isusuka yun sa harap niya, baka lalo siyang magalit at malaman niyang alam mo ang Open The Basket game o di kaya eh mas magandang pamato si Mighty Thor kesa sa pamato niyang si Hulk sa tatsing.

4. May dalawang linggo na yata akong nagtatae. Hindi ko alam ang rason at hindi ko alam ang paraan para tumigil siya. Stress siguro. WTF? Stress? Saan ako kukuha ng stress diba? Haha. Ewan ko sa inyo kung san kayo kumukuha ng stress pero ako, nagtatae ako nang hindi ko alam ang dahilan. Dalawang linggo na. Dinadaan ko na lang sa panalangin na sana wag bumulwak kapag bagong palit ako ng boxers dahil pihadong pagagalitan nanaman ako ng boss ko.

Akshuli ang punto naman ng sulatin ko eh ang pagpapasalamat. Salamat sa pagtangkilik sa blog na ito at marami pa ding bagong mga napapadpad kahit wala na siyang activity for the past 5 months or so. May mga napapadpad at nagkokomento. May mga bumabalik-balik para sa update. Pwes eto na yon. Matuwa kayo mga lintek! Puyat na puyat na ako nagsulat pa ako para sa iyo! Tse! Manlibre naman kayo dyan!

Joke. Nagjakol ako... nagsulat ako para sa sarili ko kaya sana na-enjoy niyo din kahit papaano.

Sa mga bagong nagsisimula pa lang dyan na may balak na umagaw ng trono ng pagkaloser mula saken, pwes, PUTANGINA NIYO! WAHAHAHAHA! Wag na kayong magbalak.

Unless kaya niyong panindigan ang matanggihan sa job application ng mahigit sampung beses eh kahit na, ako pa din ang nag-iisang loser dito, bichez!!!

Sinasabi ko sayo, kung nagbabalak kang maging loser, hindi kita hahayaan dahil pota naman pare! Magsumikap ka okay? Hindi habambuhay na mabibigyan ka ng nanay mo ng pamasahe kapag gusto mong gumimik! Hindi sa lahat ng oras hindi ka magbabayad ng bills sa bahay dahil wala kang trabaho. Hindi sa lahat ng oras mabaho ang pantalon mo dahil hindi na 'to nalabhan ng mahigit kalahating taon.

Sa mga nagbabalak na maging loser at tularan ako, this I tell you. Para kayong bumangga sa pader ng tinapay na may amag tapos may ketsap kayo sa mukha.

Pointless. Dahil hindi ito ang buhay na gusto niyo, kei? Yung araw-araw kayong gigising para lang isipin na mali ka sa ginawa mo na sana ganito, sana ganyan, sana kinantot ko si Maria Ozawa nung may pagkakataon ako at sana eh ipinutok na lang ako ng tatay ko sa labas para walang problema. At sana naging anak sa labas na lang ako dahil don.

Wag ganun! Hindi ganun ang buhay! Lumaban ka at magsikap!

Think positive! Wag kang aayaw! May liwanag ang buhay! Ilabas ang kulit! Di lang pampamilya, pang-sports pa! Panalo sa presyo, panalo pag BEAM! Lamowk seygooreydong teypowk!

Yun lang. Again, salamat sa lahat ng napadpad. Isang down-to-earth at sincere na pasasalamat sa lahat ng online/real-life friends ko, ka-plurk, make-up artists, at sa iyo na naligaw dito, salamat.

At sa isa pang sayo. Umasa ka, babawiin kita - M

Putangina. As usual, kadiri to death ang haba. Fuck this shit.

Makakaasa nanaman ako ng "nice post" dito na komento.

Elongate...

May 29, 2009

???

Alam mo, may sasabihin ako sa iyo. May sira ang Blogspot. Bigla akong nagkaroon ng entry.
At oo nga pala.
Hindi ako inaantok sa mga oras na ito.

Well akshuli, nakatulog na ako ng bahagya kanina. Pinalipat lang ako ni Aling Maring ng higaan kaya ako naalimpungatan at nagising.

Ayun. Kaya sinubukan kong magpaantok sa pamamagitan ng panonood ng Dirty Latina Maids sa Spankwire.

Hindi pa din ako inantok. Palagay ko kulang ang isang putok para dalawin ka ng antok.

Wow! Rhyme yun ah!

Antok = Putok
by M
O antok na mapusok, bakit ayaw mong kumatok
Sa katawan ko'y pasukin mo, iyan ang aking alok
Ginawa ko na ang lahat, upang ikaw saki'y matapilok
Hindi ko akalain, higit pa sa isang putok
Ang kailangan ko, upang ako'y dalawin ng antok


Ahm, teka. Paano ba ito? Teka ha. Hindi ko kasi alam kung ano pa bang dapat kong ikwento, so palagay ko kailangan ko munang itigil ang kalokohang ito at babalik na lang ako para magkwento ng mga bagay na dati ko nang ikinukwento sa'yo. Tulad ng tutuli.

Ang tutuli, parang problema lang yan.
Mabaho.

Okay, sobrang pinilit ko na lang yan. Pagpasensyahan mo na, hindi ko din alam ang rason kung bakit ako nandito ngayon, sa ganitong oras, at nagpipipindot ng mga letrang wala namang nabubuong matinong pahayag.

Hindi na yata ako marunong magkwento.

Tulad na lang nung isang araw na nakasakay ako sa jeep. Masaya pa akong umupo malapit sa estribo para presko. Ang hindi ko alam eh mayroong nagaabang na panganib sa akin doon.

Tawagin natin itong BAKTOL.

Hindi ko pa alam at hindi ko pa napapansin nung una pero nung sumimoy na yung hangin papaloob sa jeep, naramdaman ko na ang pait at pighati ng isang tao na masayang sumakay ng jeep pero bababang duguan ang wasak ang pangarap.

Bakit? Dahil lang sa baktol? Oo.
Eksaherado? Oo.

Lalo na kapag may katabi ka pang bakla na ginawang White Flower yung kili-kili mo para magsilbing pananggalang sa amoy ng katabi niya. Ginawa ka na nga niyang shield sa baho ng ibang tao, nagmukha pang jowa niya. Perfect.

Oo nga pala, ang mga barker ng DV ang pinakamagalang sa lahat, sa pagkakaalam ko.

Sorry ah! Sorry ah! Sorry ah!

Elongate...

February 25, 2009

Review Number Four

Mariano Juancho is not here anymore. He is there anymore.

This review is brought to you by my many many many dreams and plans in life.

Rating:
1-Lowest
10-Highest

Sleep[10]- I am garnering about an average of the best adult sleep time in the world even though I look like I haven't had a decent sleep in ages. It may be fun to not wake up into any rush hour in the morning, but hell it's hard to sleep at night.

Morning Preparation[5]- Let's just say that there's nothing to prepare because there isn't anything to prepare to.

Work[?]- I can't actually give a decent score here. Am I supposed to be grateful because I don't have one. But of course, it's a necessity that is why I can't quite pertain to what score that's supposed to be. Intiendes? No? Tonto.

Blogging[1] - No doubt about it. My drive as of the moment to relay information and deliver life lessons in detail and in full color has ceased to exist. I have no more adventures and less life observations. I have killed my drive to narrate stories of everyday foul-ups.

Life[5] - Hey, look and watch as I fail in life. But everything around me is great. Only I fail at it.

Friends[10] - My friends, all around my life, in Plurk and everywhere else, they're the best. 'Nuff said.

Neighbor[2] - That neighbor's dog is utterly annoying, and does not possess any kind of indifference from his master. Remember, in times like these, Ajinomoto does not only bring the joys of umami to our food, but it also brings doom to our four-legged canine friend.

And so the blog of life rants ends here. Nothing new, just your old pal, Mariano in his daily quest to conquer and fuck life's endless misery.

Elongate...

February 14, 2009

Para Sa Matatanda


Ang post na ito ay inihahatid sa inyo ni Mang Lucio.Dahil kung hindi dahil sa kanya, di na ata ulit ako makakahawak ng laptop para makapaginternet.

Hindi ko maisip ang sarili kong tumatanda kasama ang kung sino mang swerte (o ubod ng malas) na babae na makikilala ko sa balat ng lupa ng mundong ibabaw at pati na din sa ilalim.

Siguro kaya hindi ko maimagine eh naapektuhan na ang utak ko ng paniniwalang Benjamin Button.

Pero sa palagay ko, bilang isang nagmamahal na tao, karapatan ko din naman ang magmura.

PUTANGINA ANG SARAP NG SOPAS NI ALING MARING!!!

Aling Maring: "Dahil valentines ngayon, ibinuhos ko na lahat ng puso ko sa sopas na yan..."
Ako: "Eeeew"

Ganun ata talaga ang epekto ng pagmamahal sa tao. Ebriting pasitib.

Maganda at makinis ang kutis.
Blooming.
Masayahin.
Laging pagod at puyat.
Sakang.
Buntis.

Yan ang pagmamahal.

Marami pa din ang nagkakamali sa ganitong bagay. Minsan nga may mga taong mas aaminin pa nilang sila ang umutot sa harap ng limpak-limpak na sinungaling kaysa sa ang aminin nilang sila ang nagmamay-ari ng bunga ng pagmamahal nila. At iilan lamang dito ang pinandigan ang pagmamahal nila.

Red. Ang sarap magpakawala ngayon ng patabaing toro na iniangkat mula sa espanya. Sabog lahat ng bulaklak. Butas lahat ng lobo. Basag lahat ng bungo ng matatandang tuluyan pa ding nagpapaswit at dumadakila sa diwa ng Kabalentaymsan.

Pag-ibig. Sintamis ng kalabasang may kaukulang paggalang at walang bahid na malisya.

Pagmamahalan. Sintibay ng bato, sintigas ng semento. Yan ang mga magulang ko. Mahigit na sa N bilang na ng taon sila ikinasal.

Tapos minsan gusto ko na lang pumikit kapag nakikita kong nakahawak ang tatay ko sa dede ng nanay ko.

Pipikit para magpantasya? Salamat sa suhestyon.

Pagsisintahan.

Aling Maring: "Nako, baka maiwanan ko pa itong organ (electronic piano) ko dito. Ito na lang ang natitirang libangan ko sa tanghali (nung wala pang Wowowee).
Mang Lucio: "Wag mo talagang iwan yang organ, at ang iwan mo eh ang iyong "organ".

Sweet kung tutuusin para sa mga may edad na tao na kakitaan pa ng pagbibiruan na ganito na parang mga binata't dalaga pa lamang sila sa ilalim ng puno ng mangga.

Minsan din ayaw kong makapanood sa Rated K ni Korina Sanchez ng mga legendary love stories, tried and tested and can totally withstand the test of time and test of mic.

Dahil hindi ko alam kung ako lang yun o talagang kakaiba ang eksena ng dalawang mga ultra lolo at ultra lola na nagsisiping.

Jurassic Love Affair. Scrumptious.

Elongate...

February 9, 2009

Peb

Putanginang yan, Pebrero na nga pala ngayon ano? Pinakahihintay ng mga panatiko ng Santo Balentino.

Buti na lang pala hindi naging babae si Valentine kasi baka lamunin tayo ng mga ahas niya.

Valentina, ang ma-ahas na pag-ibig.

Pero ayos din siguro no? May kinalaman pa din ang babaeng naka snake-dreads sa tema ng maraming tao ngayong balentayms.

Ahasan.

= = = = =

O, anong tinitingin-tingin mo diyan? Wala akong date sa balentayms!!! Leche yan.

Ika nga ng sikat na sikat na si Doc Mnel eh:

"Aanhin mo naman si Mariano kung wala siyang pera"

mula sa hirit kong:

"Aanhin mo ang gwapo, kung hindi naman ako."

O diba? Mahal na mahal talaga ko netong mga kaibigan kong to eh, feeling ko ako na ang pinakamahalagang tao sa damdamin ng bawat isang babae sa mundo (annoyed).

= = = = =

Tulad ng pagdating ng basurero sa village namen, ganun din ang pagdating ng pagmamahal sa buhay ko. Mabaho. Makalat. Tumatagas ang katas ng nabubulok na gulay, lata ng Century Tuna, at balat ng itlog.

Tama na nga, yari nanaman ako sa kadramahan kong ito, hindi naman ito ang pink blog.

= = = = =

Anyway, mukhang ang mas malungkot pa sa pagkakataon na ito eh hindi na ako makakapagbabad sa internet.

1. Nasunog na ang monitor ng computer ko, may ilang siglo na ang nakakaraan.
2. Nagalit na si ate sa akin, napuno na ang salop, sumabog na ang bulkan, nabiyak na ang kepyas (hindi sa ate ko ha), napisa na ang nana, at naputol na ang pisi. Ano ang ibig kong sabihin? Wala naman, itinago na ni ate ang saksakan ng kanyang laptop. Sa totoo lang, salamat at nakargahan ko ng mga 91 percent yung baterya niya bago ko kinalas at nagkaroon pa ako ng moment na makapagkwento ng ganito.
3. Kanina eh nasa 50 percent na ang beteri ng laptop kaya naman paspasan na ang pagtatayp ko na parang magliliyab na ang mga daliri ko sa sobrang bilis.
4. Ang problema lang eh masyadong mabagal ang utak ko para makasunod sa mga dapat kong ikwento, tulad na nga nitong pagtatago ni ate ng saksakan.
5. Ito na ata ang pinakamalungkot kong pebrero dahil nailayo pa sa akin ang tunay kong mahal sa buwan na ito, ang Internet.
6. Hindi ko alam kung kailan ko ulit magagamit ang laptop ni ate pero kasi kasalanan ko naman talaga. Kumbaga eh pinanindigan na lang niya ang karapatan niya bilang tunay na nagmamay-ari ng laptop na yon.
7. Na parang isang hari sa makalumang pelikula na nirere-claim lang ang trono niya mula sa kontra bida niyang kapatid.
8. Kaya naman heto ako, malapit na sa kamatayan ng laptop at pilit nagkukwento na parang rapper sa bilis.
9. Pero tulad ng ibang rapper, mabilis lang pero wala naman talagang saysay. Basta makapagdaldal lang. Eh ano pa nga ba, susulitin ko na ito kesa naman sa umabot ba sa hindi ko kayo mabati.
10. Ng Happy Valentines!

= = = = =

Syempre umabot pa naman kahit papaano. Pero hanggang dito na lang. Masyado kasi akong dismayado na hindi na ata ako makakainternet sa loob ng mahabang panahon dahil sa nangyare. Iteks niyo na lang ako kung gusto ninyong kwentuhan ko kayo ng tungkol kay Aling Maring, kay Andie, at sa mga tao dito sa bahay.

Wag na lang tungkol kay Jerome sa trabaho dahil automatic na wala akong load kapag ganun ang usapan.

= = = = =

Balik telebisyon nanaman ang pampalubog ko ng araw ngayon. Ubod ng bagal nanaman ng araw na ito kumpara sa nakababad ka lang sa Plurk maghapon at nakikipagdaldalan sa mga kakilala mo sa internet.

Sabi nga ni Saminella, baka daw maging paborito ko ng di oras ang pukinginang Daisy Siete yan kapag nagkataon.

Mukhang kailangan ko na ata ulit kilalanin ang mga karakter ng La Tracion, kabisaduhin ang 3 O'clock Habit, at pag-aralan ang matulog on command.

Salamat, mahal ko kayong lahat.

Happy Valentines!

= = = =

Oo nga pala, bisitahin niyo nga pala ang mga ito ha? Tatanawin kong utang na loob at pagmamahal kung mapupuntahan niyo ang mga ito. Baka nga ipagdasal pa kita na sana eh magkaron ka ng mainit na gabi sa Valetines Day! Yihee! Pump that shit up and let the fluids collide!

Dear Sosyalera
Tumblr
At lahat ng nasa blogroll ko.

Ahihi! Salamat! Mwuah!

Elongate...

February 3, 2009

Speed

Dear blog,

Ano ang isa sa magagandang eksena sa loob ng jeepney?

Sige, ganito ha.

Isipin mo, umuwi ka ng madaling-araw. Medyo iritable ka na dahil may halos kwarenta minutos ka nang nag-aabang ng jeepney at may pagkaaga-aga pang trapik patrol na nambubuwaya sa mga jeep kaya napalayo ang sakayan.

Pagkatapos mong mabulok sa kakahintay, nagpasya kang sumakay na ng byaheng malayo sa dapat mo talagang bababaan.

Pagsakay mo't umakma ka ng mainam na upo sa jeep para mangulangot nang masigasig eh biglang may tatalsik sayong malamig na likido galing sa katabi mong babae sabay halinghing ng "Ayyy!"

Aakalain mong sipon ang tumalsik dahil kita mo sa gilid ng mata mo na parang may pinupunas siya. Bahagya mo at medyo pasimpleng ipupunas sa pantalon mo ang tumalsik na likido sa iyong braso.

Ah, buti na lang at suka lang pala ng lumpia yung tumalsik sayo. Ang husay kase netong babaeng to eh, humaharurot sa singkwenta kilometro kada oras ang jeepney eh kakain ng lumpiang binabaran ng suka sa plastik.

Pero okay lang, the cycle of bad morning goes on kasi yung katabi ko naman eh nangangain na ng tuyot at patay na buhok galing sa ulo ko.

So ano ngayon ang point ng kwento ko?

Wala, salamat na lang sa oras mo blog.

Nagmamahal,

Juancho

Elongate...

January 30, 2009

Spread The Flawless Love

Oh hello to you fellow mortal friends, how are you doing?!

Nandito nanaman po ang inyong regular na loser blogger upang handugan kayo ng mga bagay na hindi nyo magagamit sa pang-araw araw na buhay!

Tulad na lang ng litratong ito na ibinahagi ni Meryl.

Ang naturang litrato ay natagpuan sa Media Master.




O diba bongga? Ano ang ginagawa ng Superstar na si Marian sa litratong ito?

A. Nagbabalat ng sibuyas gamit ang kanyang paa.
B. Nagpapakaligaya gamit ang Dingdong ni Ding Dong.
C. Nagkakabit ng apron.

Alamin ang sagot! I-click ang link na ITO.

= = = = =

Balik nanaman sa nocturnal na buhay ang systema ko matapos kong matulog ng higit sa apat na oras nung bandang tanghali ng hapon.

Napansin kong marami nanaman sa mga alagad ng kadiring kutis ang naglipana sa malaporselana kong iskin, tulad na lamang nitong pigsa sa aking kaliwang braso.


Medyo nagkulay yellow na yung sentro niya. Pinisil ko at napalabas ko naman yung "mata", or bituka, o cellular membrane, depende sa paniniwala mo nung bata ka pa.

At meron din sa iba pang parte ng katawan ko tulad ng sa likod na nalaman ko lang nung nakamot ko't sumirit ang dugo. Pasensya ka na kung di ko magawan ng cartographic sketch yung nasa likod, ang hirap kasing kopyahin dahil nakakangalay silipin.

So far tuyo na ang nasa braso ko. Di tulad nung isang beses na sa sobrang impeksyon niya eh nag-pink na ang palibot niya na parang ang cute lang kung hindi siya pigsa. Parang rosy cheeks, ganun.

So dahil parang nanlibak ako sa katauhan ni Marian, baka magkaroon ako ng kaunting life-threatening threats dito. Pero feeling ko lang yon, dahil kapag pinatulan nila ang sira-ulong katulad ko, magkakasiraan na ng ulo lalo dito.

Yun lang muna, over and out! xoxo!

Elongate...

January 20, 2009

Aling Maringer Z

Para sa akin, ang mga nanay ang pinakamakapangyarihang nilalang sa mundo. Kaya nilang sakupin ang sangkatauhan sa tindi ng kanilang talino, angas, kakayahan, at ang uber-mega-ultra-electro-magnetic-chenes-everything.

Naikwento sa akin ng kaibigan kong si Tintotz na minsan na daw nagkaroon ng tila ba epidemya sa kanilang sabdibisyon at ang mga nanay lamang ang hindi tinablan ng sakit.

Aba naniniwala ako diyan dahil sapagkat datapwat because ako mismo eh magpapatunay sa pagiging ultimate human being ng mga mothers (not the likes of Ricky Reyes).

Invincible ang mga nanay sa sakit, yan ang paniniwala ko kay Aling Maring. May anting-anting yata tong pinamana pa ng Lola Lilang ko sa kanya eh.

Aba'y mantakin mo yun, aba'y lahat kami'y may sakit na dito sa bahay, ay siya lamang ang walang kaano-anong tinatawanan kameng lahat! Ay oo, tunay na tunay yan kabayan!

Nangyare yata yun nung nag-uwi ako ng itim na pusa sa bahay. Lahat kame tinamaan ng sumpa at nagkasakit. Trangkaso, ubo, sipon, halo-halo na, si Aling Maring lang ang wala at pakape-kape lang sa umaga tapos kame balot na balot ng kumot.

Pati sore eyes, lahat kame dito sa bahay nagsimula sa isang tao at sa isang mata, tapos dalawang mata, tapos lahat na kame may sore eyes, si Aling Maring lang ang namumukod-tanging nakakakurap sa umaga at nakakabangon sa kama ng hindi nakakandado ng muta ang mga mata niya.

Gumaling naman kameng lahat sa kabila ng mga ganitong klase ng sakit dahil siyempre, siya ang nagaasikaso sa amin.

Nasa mga nanay ang kakayahang maging supreme ruler of the entire everything. Mother knows best, the worst, the good, the bad, and the ugly at kung ano pa mang drama meron ka dyan sa kuyukot mo alam nila yan. Life decisions at mga diskarte, alam nila yan. Budgeting and finance, alam nila yan. Chismis at Wowowee, alam ni Aling Maring yan.

Kanina nga nanonood siya ng Wowowee, napanood niya si Saicy. Nagtataka kung bakit daw di matambok ang puke eh. Napayuko na lang ako sa nasabi niya. Ang lagay ba dapat eh matambok yun? Enlighten me please.

= = = = =

Nung kausap ko naman si Saminella eh gusto pa yatang magpunta dito at ipaghanda ko siya gamit ang 300 pesos kong nalalabing salapi. Aba naman ang swerte mo hija kung ganun ang kaso!

Sana pala iniregalo ko na lang tong shades mong naiwan dito sa bahay, o di kaya isinanla ko para may pampapizza naman ako sayo diba?! Ahihi.

Semenelle: "Dapat pinapaglaba mo ng panty ang nanay mo, birthday naman niya eh!"
Ako: "Gumalang ka ah, panty ng nanay ko ang pinaguusapan dito..."

Aba nung nasa taas ako eh nakita kong nagsasampay ng panty si Aling Maring.

Ako: "Sabi po ng kaibigan ko dahil birthday nyo eh ipaglaba ko daw kayo ng panty..."
Aling Maring: "Aba kamo eh hindi ako nagpapanty at katsa lang ng ang ginagamit ko, yung sa sako ng harina kamo. Sabihin mo sa kanya eh kaya dahan-dahan ang pag-akyat niya eh baka mahulog yung katsa."

Hindi ko alam kung para saan ang impormasyon na yun pero eto na nga't naiibahagi ko na sa inyo dito sa Loser's Realm with a Winner Mother.

= = = = =

Sa nakaraang mga taon ng pagiging Wonder Woman ni Aling Maring at sa pagyayabang niya palagi siya lang ang namumukod-tanging nilalang na hindi nagkakasakit sa bahay eh minarapat kong basagin ang kanyang angas at sabihin sa kanya na...

"Eh paano, kapag nagkakasakit kayo, ospital na agad. Sa dalawang beses na nagkasakit kayo, ayun, na-confine kayo agad"

Totoo nga naman na di nagkakasakit ang nanay pero parang hamon naman ng tadhana na matindi ang ibinibigay sa kanilang sakit. Accumulated ba kumbaga. Salamat sa Diyos at sa mga pagkakataong ito, di pa din nawawala ang pagka-imbinsibol ni Aling Maring.

Nung unang beses kasing nagkasakit siya eh nadulas pa siya sa banyo at nauntog sa sahig. Hayblad kasi siya nung mga panahon na yun kaya naman kasabay ng pagkakadulas niya eh ang hilo mula sa altapresyon.

Nung ikalawang beses na nagkasakit siya, ibinibintang pa niya na nakulam siya nung kapit-bahay nameng nakaaway niya dito sa hindi ko malamang dahilan. Naospital naman siya dahil sa matinding kaso ng ulcer, di kasi nagkakakain, palaging kape at palaging busog. Eh lumang sakit na niya yung ulcer. Ayun, ospital nanaman.

= = = = =

Anyway, sa lahat naman ng dapat kong ipagpasalamat sa mundo eh wala nang iba pang mas hihigit pa sa biyaya ng langit na isinasakatawan ni Aling Maring.

Salamat sa iyo Aling Maring, sa pagluluwal ng isang taong tulad ko. Kayo na din naman ang nagsabi eh...

"Salamat at may anak akong kagaya mo. Siguro madalas akong napapanisan ng laway kung walang anak na tulad mong kailangan kong laging pinagsasabihan dahil hindi naman nakikinig!"

O diba ang drama.

Iba pa din kapag nasa paligid kayo. Nakakaramdam ako ng ibang klase ng okayness ng mga bagay. Sa totoo lang napakalaking kayabangan ang sabihin naming kaya nameng magpalakad ng bahay kapag wala kayo samantalang puking-inang yan parang tanga lang ako na walang alam lutuin na hindi instant.

Nung naiwan kameng dalawa ni ate dito at tamaan siya ng stress-related na sakit na pangmayaman kahit di naman tayo mayaman, wala akong alam gawin kundi magkompyuter lang at mag-astang mayaman na akala mo eh may dadating na duktor para kay ate kahit wala naman. Di ko maasistehan si ate nun. Tapos nung dumating kayo nabanggit ko na lang sa sarili ko na "haaaay, salamat at andiyan na din siya." Kahit sampung doktor pa ang dumating, mas mura pa din ang singil nyo kasi libre at may pagmamahal at mother's touch of pink and warmness.

Marami pong salamat sa pagmamahal. Kulang ang buong buhay ko para masuklian ko yun sa inyo kaya kapag nagkapera ako eh saka ko na kayo susuklian, may interes pa.

Para sa'yo, pinakamamahal kong inay, Maligayang Happy Birthday sayo! 26 ka lang sana kung di ko na inedit itong sinulat ko diba!

Happy Siksti-toot Birthday to the one of the most prominent and powerful force in our house! Aling Maring!



Caption # 1: "SINABI NANG MAGDILIG KA NA NG HALAMAN EH!"
Caption # 2 by JimG: "HUDAS KA MARIANO, SAN MO TINAGO ANG CONTRACEPTIVES KO?!"

Elongate...

January 19, 2009

Holy Deliciousness

Linggo ng gabi nun nung maisipan kong magsimba.

*Para sa kaalaman ng lahat, ako po ay Katoliko at may pagmamahal sa kinikilala kong Diyos. Wag kang mabibigla kung nagkasalubong tayo isang beses sa simbahan at nag-aantanda ako.*

Naglalakad kame ni Aling Maring, ni Ate, at ako papasok sa entrada ng simbahan.

Sabi ni Aling Maring: "Wala nang masarap na pari ngayon..."

Ako:"........"

Translation ng "Wala nang masarap na pari ngayon" by Aling Maring: "Ang ibig kong sabihin, wala nang pari na magaling mag-misa ngayon. Lahat sila eh parang nakakaantok na at walang buhay magmisa."

Aaaaah, okay po. Wala na akong iba pang sasabihin. Magulang ko kayo at mahal ko kayo anopaman ang masabi ninyong hindi mauunawaan ng ibang tao.

Elongate...

January 15, 2009

Accusations

Pwede nyo akong akusahan na ni-reyp ko ang katulong, kinain ko ang huling Fudgee barr sa ref na sana babaunin na nila Mico para sa kinabukasan, ang hindi pagdidilig ng halaman, ang hindi pagpapatay ng laptop sa oras na kailangang magtipid ng kuryente, at ang hindi paghahanap ng trabaho...

Pero utang na loob, wag ninyo akong aakusahan ng hindi pagpa-flush ng tae sa inyodoro dahil please lang, kahit hindi ko tae pina-flush ko yun!

Aling Maring: "Isarado mo nga yang pintuan ng CR! Hindi ka nanaman nagbuhos ano?!"

Sosme, kahit yung ga-braso na jebs ng mga apo ninyo nakukuha kong palubugin kahit hindi naman talaga ako tumae at nagsepilyo lang ako ng bibig ko lang ang ginamit ko para huminga tapos nakita kong may floaters sa toilet tapos ginamit ko ng buong lakas ko ang pambomba para lang magkapira-piraso ang jebs na halos 30 hours ang ni-gugol para madigest at miski inconsiderate sila't isinasabay na nila ang pagpapalubog ng sarili nilang jebs sa ibang tao eh inaako ko na at pinapasan ko, parang awa na ninyo Aling Maring wag ninyo akong aakusahan na hindi nagpapalubog ng sarili kong jebs!!!

Elongate...

January 12, 2009

Commercial

Eksena:

Nagtitimpla si Aling Maring ng Milo para kay Andie at hindi pa muna ibinibigay ni Aling Maring ang Milo kay Andie dahil hindi pa ito nahahalo.

Nagreklamo si Andie na ibigay na ang Milo.

Pagkainom ni Andie ng Milo, sabay flip ng hair at sinabing: "From Nestle".

Ang mga kabataan nga naman talaga ngayon.

Elongate...

January 8, 2009

Thanks So Much From The Bottom Of My Heart

Gusto ko lang pasalamatan ang mga minamahal kong mga pemilees sa mundo ng Internets dahil sa kanilang pagmamahal sa akin at naisipan nila akong regaluhan-islas-limusan ng mga mumunting bagay na magpapatibok sa aking bayag.


Puso pala, sa puso.

Hindi ko lubos na maipaliwanag ang ligayang nadama ko nung inabutan nila ako ng tanda ng kanilang mapagbigay na puso.

Para sa inyong mga mahal kong kaibigan, iaalay ko ang post na ito sa mga kabutihang-loob nyo sa isang refugee na tulad ko.

Mula kay Lowla Ami

Isang thermal mug na pwede kong gawing tagayan tuwing may inuman o di kaya eh paglagyan ko ng patis! Shet, it's so thermal it makes me hotttt like that! Salamat lowla at hindi na ako makakahigop ng malamig na kape evar!



Isang bote ng patis para kay Aling Maring (na pinaghirapan daw pigain ni Lowla mula sa kanyang mga pores para lang sa amin! How sweet naman lowla and how salty naman the patis!)



Mula kay Damdam

Dahil sa nawalang naunang regalo ni Damdam para sa akin eh pinalitan na lang niya nito! Isang bonggang-bonggang tisiert na isusuot ko tuwing gabi para madama ko ang kanyang yakap! Yiheeee! Pero sa totoo niyan parang kapatid ko lang din ang yayakap saken dahil magkasing-taray ang ate ko at si Damdam. Aylabsyu Damdam! Ahihi!



Pero look do we have here! Nakita ni Damdam ang nawawalang regalo! At dahil nainspire si Damdam sa remark kong masarap magtanggal ng tutuli gamit ang metal ear cleaner o ang cerumen spoon, minarapat niyang ihandog sa akin ang isang kumpletong grooming kit! Kulang na lang bikini wax eh patok na ang kagandahang-lalake ko nito! May kasamang pantanggal ng tutsang na gusto palaging makiusyoso sa mga nginingitian kong bagay at litaw nang litaw.



Pero parang bakit ganun ang naibigay ni Damdam, pang kabayo lang ang dating. Puro brush ang laman! Dibale bagay pa din yan sa sobrang cute na mane ko dito sa aking bumbunan. Wish ko lang lumakad yang brush na yan sa buhok ko at hindi ma-tangle to the max.

Mula kay Goddess

Aba akalain mo nga namang ang isang piraso ng papel ay magdudulot ng ubod ng ligaya at tigas sa aking mga kalamnan sa panahon ng kapaskuhan!

Hindi ko lamang mailagay ang mensaheng nakapaloob sa card dahil masyado itong personal at makakapaglagay ng ubod ng tinding isyu sa amin ni Goddess. Ayaw kong sabihin na isang indecent proposal ang nakalagay sa loob dahil alam kong marami ang magagalit at magaaklas sa naturang mensahe.

Mula kay Ayzprincess

Isang makabagbag-daming produkto ng teknolohiya! Ang male vibrator!!!

Pero syempre each sold separately yan at batteries not included. Mini Racer na talaga namang mapapapadyak ang paa mo kakapaandar sa kanya. Wag mo lang ipadyak ang paa mo kapag dumadaan na siya sa pagitan ng paa mo dahil baka maging 1000 piece puzzle racer yan.


Mula kay LethalVerses


Sino ba naman ang hindi maantig sa ganitong klase at kainit na regalo sa malamig na pasko? Isang bunsen burner!

Yan ang makabagong bunsen burner equipped with dual illuminating rocket propulsion system na talaga namang magagamit ng kahit na sinong mahilig magsigarilyo. Kahit isang milya pa ang layo ng lighter na ito sa sigarilyo, tiyak masisindihan yun.


Sa totoo niyan, maligaya na ako at masaya na makapiling kayo sa nagdaang taon ng buhay ko. Masaya ako sa samahan natin kahit ganito lamang akong hampas-lupang amoy lupa na hindi naliligo.

Pero syempre mas maganda pa din ang may gift! Ahahaha! Salamat guys! I heartz you all! Mwuah!


*Ang naturang mga litrato ay hindi ang tunay na litrato ng mga regalo bagkus nakuha lamang sa internet sa kadahilanang hindi naregaluhan ng digicam ang may-ari ng blog nito.*


Elongate...