January 15, 2009

Accusations

Pwede nyo akong akusahan na ni-reyp ko ang katulong, kinain ko ang huling Fudgee barr sa ref na sana babaunin na nila Mico para sa kinabukasan, ang hindi pagdidilig ng halaman, ang hindi pagpapatay ng laptop sa oras na kailangang magtipid ng kuryente, at ang hindi paghahanap ng trabaho...

Pero utang na loob, wag ninyo akong aakusahan ng hindi pagpa-flush ng tae sa inyodoro dahil please lang, kahit hindi ko tae pina-flush ko yun!

Aling Maring: "Isarado mo nga yang pintuan ng CR! Hindi ka nanaman nagbuhos ano?!"

Sosme, kahit yung ga-braso na jebs ng mga apo ninyo nakukuha kong palubugin kahit hindi naman talaga ako tumae at nagsepilyo lang ako ng bibig ko lang ang ginamit ko para huminga tapos nakita kong may floaters sa toilet tapos ginamit ko ng buong lakas ko ang pambomba para lang magkapira-piraso ang jebs na halos 30 hours ang ni-gugol para madigest at miski inconsiderate sila't isinasabay na nila ang pagpapalubog ng sarili nilang jebs sa ibang tao eh inaako ko na at pinapasan ko, parang awa na ninyo Aling Maring wag ninyo akong aakusahan na hindi nagpapalubog ng sarili kong jebs!!!

12 Winners:

Anonymous said...

grabe M. mabigat na paratang nga yan. lalabas lahat ng baho mo kapag pinaratangan ka nang ganyan. ipagtanggol mo ang sarili mo. si Aling Maring talaga o o. tsk tsk.

Popoy

ProckSter said...

ahaha.

baka ikaw lang ang unang nakita ni aling maring kaya ikaw kagad ang pinagbintangan. ahihi.

malas naman. mag-flush ka kasi nektime!

teresa said...

anobanamanto!

kung bakit naman kasi kung kelan ako kumakain,saka ko naiisipan dumalaw sa blog mo..haha!

wag ka kasing magpahuli na di ka nag-flush,hehe.

Gugol said...

Hayop sa segue (segway daw sabi ng mga tanga)... pinagsama ang pangalan ko at ang salitang "tae" sa isang pangungusap. Nice!

a.r.d.y.e.y. said...

eh yun bang mantsa mantsa na sumabit eh tinatanggal mo rin? hahaha! =D

echoooo!!!1111oneone1!! said...

Hayop sa segue (segway daw sabi ng mga tanga)...

pft. ang yabang naman nyan.

..................................
mag apply ka sa malabanan, baka malaki ang ioffer sayong sweldo dahil sa techniques and expertise mo sa mga ganyang klaseng bagay.

Gugol said...

mayabang talaga ako sa personal e... pasensya na po...

UtakMunggo said...

hurt ka, M?
eh kasi naman dapat kina-crash course mo sina andie ng flushing 101 nang mapakinabangan na habang bata. haha

antuken said...

hahaha. ikaw na naman nakita ni aling maring. eh pinagtanggol mo ba naman sarili mo? o baka cariƱo brutal lang ni aling maring sa yo yan. haha.

jhaynee said...

kakarating ko lang dito sa blog mo...

tae!

tungkol sa tae ang unang blog na nabasa ko..

hahaha...

add kita sa blogoroll ko ha

lyzius said...

alam mo M,

mahal ka lang ni aling maring kaya ka laging napapansin...

magtampo ka kung hindi ka na pinapansin nyan kahit na ano pang tambling sabay split ang gawin mo sa harapan nya...

icedteagurl said...

nangyayari yan sa bahay namin pero alam ko na kung sinong mapagbibintangan