January 19, 2009

Holy Deliciousness

Linggo ng gabi nun nung maisipan kong magsimba.

*Para sa kaalaman ng lahat, ako po ay Katoliko at may pagmamahal sa kinikilala kong Diyos. Wag kang mabibigla kung nagkasalubong tayo isang beses sa simbahan at nag-aantanda ako.*

Naglalakad kame ni Aling Maring, ni Ate, at ako papasok sa entrada ng simbahan.

Sabi ni Aling Maring: "Wala nang masarap na pari ngayon..."

Ako:"........"

Translation ng "Wala nang masarap na pari ngayon" by Aling Maring: "Ang ibig kong sabihin, wala nang pari na magaling mag-misa ngayon. Lahat sila eh parang nakakaantok na at walang buhay magmisa."

Aaaaah, okay po. Wala na akong iba pang sasabihin. Magulang ko kayo at mahal ko kayo anopaman ang masabi ninyong hindi mauunawaan ng ibang tao.

10 Winners:

The Gasoline Dude™ said...

Hahaha! Ibig sabihin nakatikim na ng masarap na pari si Aling Maring? Baka naman pari talaga ang tatay mo M! *LOLz*

Anonymous said...

natatawa ako sa title.

peevee said...

Masarap na pari?

may masasarap na pari pa naman hanggang ngayon eh. ahahaha! LOL!

Meryl Ann Dulce said...

Nakakawindang si Aling Maring! Hahaha.

Anonymous said...

masarap ang pari dito sa amin...

pramis!

pinag-aagawan nga ng mga kateskista eh...

pero magaling tagala magmisa si father

Anonymous said...

Nakakaaliw si Aling Maring!

Nahiwagaan ako sa term nyang "masarap" to connotate na "magaling magsermon yung pari".

Pero nakakatawa talaga

Saminella said...
This comment has been removed by the author.
Saminella said...

Ah oo nga pala. nag-antanda ka nung nadaanan natin yung simbahan ng rosario.





















Buti na lang naipon ko yung mga abo mo after at nakabalik ka sa dati mong anyo.

UtakMunggo said...

parang gusto kong ayain si aling maring na mag blog na rin. mukhang marami akong makukuhang impormasyon sa kanya.

Sidney said...

Thank you so much for information. on my part Please check this shop because it's the resource having truly valuable stuff to look at.