May 29, 2009

???

Alam mo, may sasabihin ako sa iyo. May sira ang Blogspot. Bigla akong nagkaroon ng entry.
At oo nga pala.
Hindi ako inaantok sa mga oras na ito.

Well akshuli, nakatulog na ako ng bahagya kanina. Pinalipat lang ako ni Aling Maring ng higaan kaya ako naalimpungatan at nagising.

Ayun. Kaya sinubukan kong magpaantok sa pamamagitan ng panonood ng Dirty Latina Maids sa Spankwire.

Hindi pa din ako inantok. Palagay ko kulang ang isang putok para dalawin ka ng antok.

Wow! Rhyme yun ah!

Antok = Putok
by M
O antok na mapusok, bakit ayaw mong kumatok
Sa katawan ko'y pasukin mo, iyan ang aking alok
Ginawa ko na ang lahat, upang ikaw saki'y matapilok
Hindi ko akalain, higit pa sa isang putok
Ang kailangan ko, upang ako'y dalawin ng antok


Ahm, teka. Paano ba ito? Teka ha. Hindi ko kasi alam kung ano pa bang dapat kong ikwento, so palagay ko kailangan ko munang itigil ang kalokohang ito at babalik na lang ako para magkwento ng mga bagay na dati ko nang ikinukwento sa'yo. Tulad ng tutuli.

Ang tutuli, parang problema lang yan.
Mabaho.

Okay, sobrang pinilit ko na lang yan. Pagpasensyahan mo na, hindi ko din alam ang rason kung bakit ako nandito ngayon, sa ganitong oras, at nagpipipindot ng mga letrang wala namang nabubuong matinong pahayag.

Hindi na yata ako marunong magkwento.

Tulad na lang nung isang araw na nakasakay ako sa jeep. Masaya pa akong umupo malapit sa estribo para presko. Ang hindi ko alam eh mayroong nagaabang na panganib sa akin doon.

Tawagin natin itong BAKTOL.

Hindi ko pa alam at hindi ko pa napapansin nung una pero nung sumimoy na yung hangin papaloob sa jeep, naramdaman ko na ang pait at pighati ng isang tao na masayang sumakay ng jeep pero bababang duguan ang wasak ang pangarap.

Bakit? Dahil lang sa baktol? Oo.
Eksaherado? Oo.

Lalo na kapag may katabi ka pang bakla na ginawang White Flower yung kili-kili mo para magsilbing pananggalang sa amoy ng katabi niya. Ginawa ka na nga niyang shield sa baho ng ibang tao, nagmukha pang jowa niya. Perfect.

Oo nga pala, ang mga barker ng DV ang pinakamagalang sa lahat, sa pagkakaalam ko.

Sorry ah! Sorry ah! Sorry ah!

12 Winners:

Maldito said...

may post na si mariano...fiesta na sa baryo!yehey!ahahhaa

Gugol said...

tanaydana... wa ne... atin yang bayung post!

Alea said...

shetetettetetettette! may post na si kuya M!!! Sheeeeetetettettettettettete! Ang ganda nung tula. Perfect! :D

-Ako si *, maniwala ka. Hahahha. Lahat nalang kasi ng mga bloggers na sinusundan namin nuon, nawala na. Bakit kaya?

PABLONG PABLING said...

taenang mga baktol na yan tumatambay sa ilong, daig pa ang ekstasi

PoPoY said...

huwaaaat. okey. congrats mariano.lol

Bong The Third said...

kung magalang ang mga barkers sa DV, pwet este pwes, malawak nman ang kaisipan ng mga barker sa bandang mapua papuntang PLM...

barker: pasok pasok! maluwag pa yan kapapanganak lang!

shinichi kiddo said...

wow kahit na wla ka na maisip may nasulat ka padin..astigin!!!! yo rock men!!!

dapat sana kinutikot mo tumbong mo at pinaamoy mo sa bading un daliri mo..panalo yun..as in lalayo sau un ng bonggang bongga.. pero honoetly ha..iba tlg humor mo...

blog on.. pa x-link n din

vanvan said...

geez, ur back..

aheks..

open happiness itech..

di man halata, fangirl mo ako..

lolz..

pinafollow ko ung pink and purple loser mo sa tumblr..

SANA MADALAS KA NA DITO..

YEAH..

palma tayona said...

panalo...

palakpak... palakpak... palakpak...

Traveliztera said...

aun e o... pilit p yn haahahaha

UtakMunggo said...

nagbagong buhay ka na nga at nagkaron ka na ng negative reaction sa baktol.

welkam bak na ba, o constipation mode ito, as in panakanakang posting?

xoxo

tsiremo said...

mahilig ka pala manood sa spankwire, dirty latina pa!

ayun, naaliw ako sa tula, fabulosa ambastos haha!

ayun 1st time mo dito, di nako kumatok, bukas ang pinto e