Thanks So Much From The Bottom Of My Heart
Gusto ko lang pasalamatan ang mga minamahal kong mga pemilees sa mundo ng Internets dahil sa kanilang pagmamahal sa akin at naisipan nila akong regaluhan-islas-limusan ng mga mumunting bagay na magpapatibok sa aking bayag.
Puso pala, sa puso.
Hindi ko lubos na maipaliwanag ang ligayang nadama ko nung inabutan nila ako ng tanda ng kanilang mapagbigay na puso.
Para sa inyong mga mahal kong kaibigan, iaalay ko ang post na ito sa mga kabutihang-loob nyo sa isang refugee na tulad ko.
Mula kay Lowla Ami
Isang thermal mug na pwede kong gawing tagayan tuwing may inuman o di kaya eh paglagyan ko ng patis! Shet, it's so thermal it makes me hotttt like that! Salamat lowla at hindi na ako makakahigop ng malamig na kape evar!
Isang bote ng patis para kay Aling Maring (na pinaghirapan daw pigain ni Lowla mula sa kanyang mga pores para lang sa amin! How sweet naman lowla and how salty naman the patis!)
Mula kay Damdam
Dahil sa nawalang naunang regalo ni Damdam para sa akin eh pinalitan na lang niya nito! Isang bonggang-bonggang tisiert na isusuot ko tuwing gabi para madama ko ang kanyang yakap! Yiheeee! Pero sa totoo niyan parang kapatid ko lang din ang yayakap saken dahil magkasing-taray ang ate ko at si Damdam. Aylabsyu Damdam! Ahihi!
Pero look do we have here! Nakita ni Damdam ang nawawalang regalo! At dahil nainspire si Damdam sa remark kong masarap magtanggal ng tutuli gamit ang metal ear cleaner o ang cerumen spoon, minarapat niyang ihandog sa akin ang isang kumpletong grooming kit! Kulang na lang bikini wax eh patok na ang kagandahang-lalake ko nito! May kasamang pantanggal ng tutsang na gusto palaging makiusyoso sa mga nginingitian kong bagay at litaw nang litaw.
Pero parang bakit ganun ang naibigay ni Damdam, pang kabayo lang ang dating. Puro brush ang laman! Dibale bagay pa din yan sa sobrang cute na mane ko dito sa aking bumbunan. Wish ko lang lumakad yang brush na yan sa buhok ko at hindi ma-tangle to the max.
Mula kay Goddess
Aba akalain mo nga namang ang isang piraso ng papel ay magdudulot ng ubod ng ligaya at tigas sa aking mga kalamnan sa panahon ng kapaskuhan!
Hindi ko lamang mailagay ang mensaheng nakapaloob sa card dahil masyado itong personal at makakapaglagay ng ubod ng tinding isyu sa amin ni Goddess. Ayaw kong sabihin na isang indecent proposal ang nakalagay sa loob dahil alam kong marami ang magagalit at magaaklas sa naturang mensahe.
Mula kay Ayzprincess
Isang makabagbag-daming produkto ng teknolohiya! Ang male vibrator!!!
Pero syempre each sold separately yan at batteries not included. Mini Racer na talaga namang mapapapadyak ang paa mo kakapaandar sa kanya. Wag mo lang ipadyak ang paa mo kapag dumadaan na siya sa pagitan ng paa mo dahil baka maging 1000 piece puzzle racer yan.
Mula kay LethalVerses
Sino ba naman ang hindi maantig sa ganitong klase at kainit na regalo sa malamig na pasko? Isang bunsen burner!
Yan ang makabagong bunsen burner equipped with dual illuminating rocket propulsion system na talaga namang magagamit ng kahit na sinong mahilig magsigarilyo. Kahit isang milya pa ang layo ng lighter na ito sa sigarilyo, tiyak masisindihan yun.
Sa totoo niyan, maligaya na ako at masaya na makapiling kayo sa nagdaang taon ng buhay ko. Masaya ako sa samahan natin kahit ganito lamang akong hampas-lupang amoy lupa na hindi naliligo.
Pero syempre mas maganda pa din ang may gift! Ahahaha! Salamat guys! I heartz you all! Mwuah!
*Ang naturang mga litrato ay hindi ang tunay na litrato ng mga regalo bagkus nakuha lamang sa internet sa kadahilanang hindi naregaluhan ng digicam ang may-ari ng blog nito.*
12 Winners:
akala ko naman e niresearch mo ng todong todo ang presyo ng regalo ko sayo. ahahah
pasensya na fail pala ang regalo ko. babawi ako sa bday mo! heheh
Nagtatampo ako. Wala ako ni isang natanggap na regalo nung Pasko. Ahuhuhu. =_ C
Naku wala akong regalo sa'yo! Pwede bang pagmamahal at pagkalinga na lang? Sos. Humabol pa sa dulo ng digicam! Hahahaha.
huwaw puro brush pala laman ng grooming kit na bigay ni damdam. hihi..
bibili kita ng wig next xmas, mariano. yung wig na curly para maiba naman.
kiss na lang muna ngayon. *wag mo na munang iisipin ang mandaue foam*
Mwahhhh!!!!
ahm
ano ba gusto mo?
eka.
ako na magbebertdey
ako na hihingi ng regalo
:)
salamat sa tawa
yun lang
:)
.xienahgirl
hindi ko alam kung coincidence pero lahat ng binlog kong "nakaka-umay na regalo" e niregalo nila lahat saken nung christmas party. haha.
next year nga, sabihin ko, nakakaumay mag regalo ng cellphone.
danda ng kikay kit na bigay ni dam, pang horse nga.
digicam nalang pala ang kulang eh. sige.. tataya ako ng loto para naman maregaluhan kita ng bongang-bongang digicam. para next time real photos na ung gagamitin mo okie. love lots. haha. :)
M, wala din pala akong regalo sau biruin mo yun? hahaha. tangina, neks xmas na lang yung geft ko. oki? hahaha.
meron din akong thermal mug na bigay din ni lola, ndi ko sya ginagamit kasi bigay nga ni lola. ipapaframe ko sya lols.
@leyn. paddle ang ireregalo ko sayo neks xmas party hahaha
Popoy I.
bakit parang lumaki yung grooming set na regalo ko? aahaha.. pati yung tshirt iba rin! wahaha!!
ako may regalo ako sayo. kaya lang ayaw mo naman matanggap.
kay efbee ko na lang ibibigay. hmmp. sulat lang at marie ang ninanais ko. ayaw mo pa.
ahihihi.
awww.... nakakatats naman ang post na to, naalala ko ung time na natapunan ako ng sustagen ng klasmeyt ko noong elementari pa lang ako.
...na wala namang kinalaman dahil natats ako, naalala ko lang naman talaga. e kay inam ah!
salamat din sa iyo at sa iba pang mga nakilala at nakasama nating mga blagers na nagbigay gulay sa aking kulay. (pun intended)
I found a great deal of helpful info here!
Teeth Whitening
Post a Comment