February 3, 2009

Speed

Dear blog,

Ano ang isa sa magagandang eksena sa loob ng jeepney?

Sige, ganito ha.

Isipin mo, umuwi ka ng madaling-araw. Medyo iritable ka na dahil may halos kwarenta minutos ka nang nag-aabang ng jeepney at may pagkaaga-aga pang trapik patrol na nambubuwaya sa mga jeep kaya napalayo ang sakayan.

Pagkatapos mong mabulok sa kakahintay, nagpasya kang sumakay na ng byaheng malayo sa dapat mo talagang bababaan.

Pagsakay mo't umakma ka ng mainam na upo sa jeep para mangulangot nang masigasig eh biglang may tatalsik sayong malamig na likido galing sa katabi mong babae sabay halinghing ng "Ayyy!"

Aakalain mong sipon ang tumalsik dahil kita mo sa gilid ng mata mo na parang may pinupunas siya. Bahagya mo at medyo pasimpleng ipupunas sa pantalon mo ang tumalsik na likido sa iyong braso.

Ah, buti na lang at suka lang pala ng lumpia yung tumalsik sayo. Ang husay kase netong babaeng to eh, humaharurot sa singkwenta kilometro kada oras ang jeepney eh kakain ng lumpiang binabaran ng suka sa plastik.

Pero okay lang, the cycle of bad morning goes on kasi yung katabi ko naman eh nangangain na ng tuyot at patay na buhok galing sa ulo ko.

So ano ngayon ang point ng kwento ko?

Wala, salamat na lang sa oras mo blog.

Nagmamahal,

Juancho

7 Winners:

Meryl said...

Mas gugustuhin ko na matalsikan ng suka.

Pers taym kong ako ang pers koment dito! Yehey.

Cutter Pilar said...

ayos na yang eksperyens mo sa jip. buti walang kang katabing natulog sa syolder mo at nilawayan ka ng pagkabonggang-bonggang panis na laways...?? :D lol.

Saminella said...

natawa ako








































pakers

:) said...

hahahahahahahahhahahahhahaha.

namis ko tuloy sumakay ng jeep. nung bata pa ako kinakain din ng katabi ko ung buhok ko. lol.

Anonymous said...

@Meryl. SUKA as in PUKE? yak ka hahahahaa


panalo yung katabi mong kumain ng buhok mong patay at tuyo hahaha :)


popoy

palma tayona said...

nakakabaliw na umaga sa pagsakay sa jeep. lol!

ephren_blanko said...

Ang husay!Pambihira.