Peb
Buti na lang pala hindi naging babae si Valentine kasi baka lamunin tayo ng mga ahas niya.
Valentina, ang ma-ahas na pag-ibig.
Pero ayos din siguro no? May kinalaman pa din ang babaeng naka snake-dreads sa tema ng maraming tao ngayong balentayms.
Ahasan.
O, anong tinitingin-tingin mo diyan? Wala akong date sa balentayms!!! Leche yan.
Ika nga ng sikat na sikat na si Doc Mnel eh:
"Aanhin mo naman si Mariano kung wala siyang pera"
mula sa hirit kong:
"Aanhin mo ang gwapo, kung hindi naman ako."
O diba? Mahal na mahal talaga ko netong mga kaibigan kong to eh, feeling ko ako na ang pinakamahalagang tao sa damdamin ng bawat isang babae sa mundo (annoyed).
Tulad ng pagdating ng basurero sa village namen, ganun din ang pagdating ng pagmamahal sa buhay ko. Mabaho. Makalat. Tumatagas ang katas ng nabubulok na gulay, lata ng Century Tuna, at balat ng itlog.
Tama na nga, yari nanaman ako sa kadramahan kong ito, hindi naman ito ang pink blog.
Anyway, mukhang ang mas malungkot pa sa pagkakataon na ito eh hindi na ako makakapagbabad sa internet.
1. Nasunog na ang monitor ng computer ko, may ilang siglo na ang nakakaraan.
2. Nagalit na si ate sa akin, napuno na ang salop, sumabog na ang bulkan, nabiyak na ang kepyas (hindi sa ate ko ha), napisa na ang nana, at naputol na ang pisi. Ano ang ibig kong sabihin? Wala naman, itinago na ni ate ang saksakan ng kanyang laptop. Sa totoo lang, salamat at nakargahan ko ng mga 91 percent yung baterya niya bago ko kinalas at nagkaroon pa ako ng moment na makapagkwento ng ganito.
3. Kanina eh nasa 50 percent na ang beteri ng laptop kaya naman paspasan na ang pagtatayp ko na parang magliliyab na ang mga daliri ko sa sobrang bilis.
4. Ang problema lang eh masyadong mabagal ang utak ko para makasunod sa mga dapat kong ikwento, tulad na nga nitong pagtatago ni ate ng saksakan.
5. Ito na ata ang pinakamalungkot kong pebrero dahil nailayo pa sa akin ang tunay kong mahal sa buwan na ito, ang Internet.
6. Hindi ko alam kung kailan ko ulit magagamit ang laptop ni ate pero kasi kasalanan ko naman talaga. Kumbaga eh pinanindigan na lang niya ang karapatan niya bilang tunay na nagmamay-ari ng laptop na yon.
7. Na parang isang hari sa makalumang pelikula na nirere-claim lang ang trono niya mula sa kontra bida niyang kapatid.
8. Kaya naman heto ako, malapit na sa kamatayan ng laptop at pilit nagkukwento na parang rapper sa bilis.
9. Pero tulad ng ibang rapper, mabilis lang pero wala naman talagang saysay. Basta makapagdaldal lang. Eh ano pa nga ba, susulitin ko na ito kesa naman sa umabot ba sa hindi ko kayo mabati.
10. Ng Happy Valentines!
Syempre umabot pa naman kahit papaano. Pero hanggang dito na lang. Masyado kasi akong dismayado na hindi na ata ako makakainternet sa loob ng mahabang panahon dahil sa nangyare. Iteks niyo na lang ako kung gusto ninyong kwentuhan ko kayo ng tungkol kay Aling Maring, kay Andie, at sa mga tao dito sa bahay.
Wag na lang tungkol kay Jerome sa trabaho dahil automatic na wala akong load kapag ganun ang usapan.
Balik telebisyon nanaman ang pampalubog ko ng araw ngayon. Ubod ng bagal nanaman ng araw na ito kumpara sa nakababad ka lang sa Plurk maghapon at nakikipagdaldalan sa mga kakilala mo sa internet.
Sabi nga ni Saminella, baka daw maging paborito ko ng di oras ang pukinginang Daisy Siete yan kapag nagkataon.
Mukhang kailangan ko na ata ulit kilalanin ang mga karakter ng La Tracion, kabisaduhin ang 3 O'clock Habit, at pag-aralan ang matulog on command.
Salamat, mahal ko kayong lahat.
Happy Valentines!
= = = =
Oo nga pala, bisitahin niyo nga pala ang mga ito ha? Tatanawin kong utang na loob at pagmamahal kung mapupuntahan niyo ang mga ito. Baka nga ipagdasal pa kita na sana eh magkaron ka ng mainit na gabi sa Valetines Day! Yihee! Pump that shit up and let the fluids collide!
Dear Sosyalera
Tumblr
At lahat ng nasa blogroll ko.
Ahihi! Salamat! Mwuah!
7 Winners:
aba pinromote mo ko, isa ka nang certified kikay. hehe, salamat.
...sige na nga, ivevector ko na yang buhok mo.
Nalungkot naman ako sa mga ganyang pangyayari. Tsk.
tsk tsk tsk!
ahahahaha...
wala akong masabi, wala din akong date eh...
i will mess bwisiting your blog, meryanowancho.
kem bek es soon es pessible.
ang pagliyab ng iyong mga daliri ay isang signos na malapit nang magapi ang mga kampon ng kadiliman sa mundo....
isa kang malupet na mutant...
ay mariano kung manalo ako sa lotto bukas ibibili kita ng laptop at sariling internet connection.
P.S.
pakipaalala mo naman sa aking tumaya hahaha
XoXo,
Popoy
ei mariano! long time no talk ah. natatandaan mo pa kaya ako? hehehe! ingat!
Post a Comment