Aling Maringer Z
Naikwento sa akin ng kaibigan kong si Tintotz na minsan na daw nagkaroon ng tila ba epidemya sa kanilang sabdibisyon at ang mga nanay lamang ang hindi tinablan ng sakit.
Aba naniniwala ako diyan dahil sapagkat datapwat because ako mismo eh magpapatunay sa pagiging ultimate human being ng mga mothers (not the likes of Ricky Reyes).
Invincible ang mga nanay sa sakit, yan ang paniniwala ko kay Aling Maring. May anting-anting yata tong pinamana pa ng Lola Lilang ko sa kanya eh.
Aba'y mantakin mo yun, aba'y lahat kami'y may sakit na dito sa bahay, ay siya lamang ang walang kaano-anong tinatawanan kameng lahat! Ay oo, tunay na tunay yan kabayan!
Nangyare yata yun nung nag-uwi ako ng itim na pusa sa bahay. Lahat kame tinamaan ng sumpa at nagkasakit. Trangkaso, ubo, sipon, halo-halo na, si Aling Maring lang ang wala at pakape-kape lang sa umaga tapos kame balot na balot ng kumot.
Pati sore eyes, lahat kame dito sa bahay nagsimula sa isang tao at sa isang mata, tapos dalawang mata, tapos lahat na kame may sore eyes, si Aling Maring lang ang namumukod-tanging nakakakurap sa umaga at nakakabangon sa kama ng hindi nakakandado ng muta ang mga mata niya.
Gumaling naman kameng lahat sa kabila ng mga ganitong klase ng sakit dahil siyempre, siya ang nagaasikaso sa amin.
Nasa mga nanay ang kakayahang maging supreme ruler of the entire everything. Mother knows best, the worst, the good, the bad, and the ugly at kung ano pa mang drama meron ka dyan sa kuyukot mo alam nila yan. Life decisions at mga diskarte, alam nila yan. Budgeting and finance, alam nila yan. Chismis at Wowowee, alam ni Aling Maring yan.
Kanina nga nanonood siya ng Wowowee, napanood niya si Saicy. Nagtataka kung bakit daw di matambok ang puke eh. Napayuko na lang ako sa nasabi niya. Ang lagay ba dapat eh matambok yun? Enlighten me please.
Nung kausap ko naman si Saminella eh gusto pa yatang magpunta dito at ipaghanda ko siya gamit ang 300 pesos kong nalalabing salapi. Aba naman ang swerte mo hija kung ganun ang kaso!
Sana pala iniregalo ko na lang tong shades mong naiwan dito sa bahay, o di kaya isinanla ko para may pampapizza naman ako sayo diba?! Ahihi.
Semenelle: "Dapat pinapaglaba mo ng panty ang nanay mo, birthday naman niya eh!"
Ako: "Gumalang ka ah, panty ng nanay ko ang pinaguusapan dito..."
Aba nung nasa taas ako eh nakita kong nagsasampay ng panty si Aling Maring.
Ako: "Sabi po ng kaibigan ko dahil birthday nyo eh ipaglaba ko daw kayo ng panty..."
Aling Maring: "Aba kamo eh hindi ako nagpapanty at katsa lang ng ang ginagamit ko, yung sa sako ng harina kamo. Sabihin mo sa kanya eh kaya dahan-dahan ang pag-akyat niya eh baka mahulog yung katsa."
Hindi ko alam kung para saan ang impormasyon na yun pero eto na nga't naiibahagi ko na sa inyo dito sa Loser's Realm with a Winner Mother.
Sa nakaraang mga taon ng pagiging Wonder Woman ni Aling Maring at sa pagyayabang niya palagi siya lang ang namumukod-tanging nilalang na hindi nagkakasakit sa bahay eh minarapat kong basagin ang kanyang angas at sabihin sa kanya na...
"Eh paano, kapag nagkakasakit kayo, ospital na agad. Sa dalawang beses na nagkasakit kayo, ayun, na-confine kayo agad"
Totoo nga naman na di nagkakasakit ang nanay pero parang hamon naman ng tadhana na matindi ang ibinibigay sa kanilang sakit. Accumulated ba kumbaga. Salamat sa Diyos at sa mga pagkakataong ito, di pa din nawawala ang pagka-imbinsibol ni Aling Maring.
Nung unang beses kasing nagkasakit siya eh nadulas pa siya sa banyo at nauntog sa sahig. Hayblad kasi siya nung mga panahon na yun kaya naman kasabay ng pagkakadulas niya eh ang hilo mula sa altapresyon.
Nung ikalawang beses na nagkasakit siya, ibinibintang pa niya na nakulam siya nung kapit-bahay nameng nakaaway niya dito sa hindi ko malamang dahilan. Naospital naman siya dahil sa matinding kaso ng ulcer, di kasi nagkakakain, palaging kape at palaging busog. Eh lumang sakit na niya yung ulcer. Ayun, ospital nanaman.
Anyway, sa lahat naman ng dapat kong ipagpasalamat sa mundo eh wala nang iba pang mas hihigit pa sa biyaya ng langit na isinasakatawan ni Aling Maring.
Salamat sa iyo Aling Maring, sa pagluluwal ng isang taong tulad ko. Kayo na din naman ang nagsabi eh...
"Salamat at may anak akong kagaya mo. Siguro madalas akong napapanisan ng laway kung walang anak na tulad mong kailangan kong laging pinagsasabihan dahil hindi naman nakikinig!"
O diba ang drama.
Iba pa din kapag nasa paligid kayo. Nakakaramdam ako ng ibang klase ng okayness ng mga bagay. Sa totoo lang napakalaking kayabangan ang sabihin naming kaya nameng magpalakad ng bahay kapag wala kayo samantalang puking-inang yan parang tanga lang ako na walang alam lutuin na hindi instant.
Nung naiwan kameng dalawa ni ate dito at tamaan siya ng stress-related na sakit na pangmayaman kahit di naman tayo mayaman, wala akong alam gawin kundi magkompyuter lang at mag-astang mayaman na akala mo eh may dadating na duktor para kay ate kahit wala naman. Di ko maasistehan si ate nun. Tapos nung dumating kayo nabanggit ko na lang sa sarili ko na "haaaay, salamat at andiyan na din siya." Kahit sampung doktor pa ang dumating, mas mura pa din ang singil nyo kasi libre at may pagmamahal at mother's touch of pink and warmness.
Marami pong salamat sa pagmamahal. Kulang ang buong buhay ko para masuklian ko yun sa inyo kaya kapag nagkapera ako eh saka ko na kayo susuklian, may interes pa.
Para sa'yo, pinakamamahal kong inay, Maligayang Happy Birthday sayo! 26 ka lang sana kung di ko na inedit itong sinulat ko diba!
Happy Siksti-toot Birthday to the one of the most prominent and powerful force in our house! Aling Maring!
15 Winners:
Kung ako ay bibigyan pa ng isa pang inay, eh siya na ang pipiliin ko. Lalo na kung sintigas mo ang ulo ko! Hehe! Maswerte ka talaga kay inay kaya alagaan mo siya :)
Nakakatuwa naman yung pic nyong mag-ina.
Happy Birthday kay Aling Maring!
Happy birtdey aling maring!!!
naway biyayaan kayo ni lord ng mabuting kalusugan para may magbantay kay mariano at may umuntog sa ulo niya sa tuwing tumitigas ito..
hahaha
kulit nyo ni mader ha. hehehe
ayun nakita ko din sa pic si aling maring. hahaha belated hapi bday po!
-Popoy
feel na feel ni aling maring ang pagsakal sa iyo ah. parang may pinaghuhugutang galit. haha
sayang di ko nakita si nanay mo nung pumunta kami dyan sa inyo. the legendary aling maring. haha
happy birthday sa mama mo!
huwaw,may bumebertdey pala dito.
tama ka,may kakaibang powers ang mga nanay,ung nanay ko din dati ndi tinatablan ng mga simpleng sakit na trangkaso, lagnat ubo't sipon chuvah..pero nung nagkasakit,one time big time..pang mayaman.DIABETES,kaya naman ayun, maaga siyang kinuha ni God samin.
at dahil nanay na din ako sana kaya ko rin sakupin ang sangkatauhan sa tindi ng talino, angas, kakayahan, at ang uber-mega-ultra-electro-magnetic-chenes-everything.
happy birthday kay Aling Maring..
wow astig! natawa ako dun sa mga description mo kay aling maring! para ka lang si ChinChan! kilala mo yun? ung ang tawag nya sa nanay nia.. "HOY CARMEN!" lol.
pa-happy birthday na rin pala ako. sabihin mo kay aling maring, dadalhan ko sya ng maraming sako. lol.
haburdei kay ahhhhllllliinnnggggg maaaahhhhhrrrrriiiiiiiiiinggggg!
with emotion pa yan ha...
me tama nga naman si aling maring nung sinabi nyang pang iwas panis na laway ang pagkakaron ng anak na tulad mo...
akalain mo yun????
At syempre surprise guest pala ako dito.
Heyheypibirthday Eleng Mereng. Sana eh makadaupang-palad ko na siya sa 31.
P.S. Yung shades ko eh akin pa rin ha! Kthxoxoxo
na-tats naman ako mariano. sana alayan rin ako ng ganito nila bru pagnag sixtytoot ako.
totoo nga ang kasabihang kung ano ang puno siya rin ang bunga. hindi pala ikaw ang orig, mariano. ikaw pala'y edited version lang. haha
oh eh asan mo nga nilagay ang mga contraceptives ni aling maring?
ang husay ng reaction ni aling maring sa picture. parang may pinaghuhugutan talaga ng galit. hahaha!
pero nakaka-tats ang entry mo na to pare. mabuhay ang mga nanay! long live aling maring! =D
hahah! ayoss!! salamat sa special mention mariano!
one way to dominate teh world. be a mom. haha!
Huwaw! Syempre ngayon lang ako nakadalaw diba. Sori naman!
Nakita ko na si Aling Maring! Wow, it's such an honor. Kahit picture lang. Hahaha.
Belated happy birthday to Aling Maring! :)
hahaha. the first time i saw that pic sa forums, ang tingin ko na agad sa nanay mo: one cool mom. happy birthday sa kanya. at nagpapasalamat kami sa kanya kse she gave birth to you. kung wala ka, wala nang mang-aaliw sa amin. hehe.
it's always a nice read kapag ang topic eh pagpapahalaga sa pamilya. haay. i suddenly missed my mom. mai-text nga. ay tulog na pala sya. bukas na lang.
Post a Comment