February 14, 2009

Para Sa Matatanda


Ang post na ito ay inihahatid sa inyo ni Mang Lucio.Dahil kung hindi dahil sa kanya, di na ata ulit ako makakahawak ng laptop para makapaginternet.

Hindi ko maisip ang sarili kong tumatanda kasama ang kung sino mang swerte (o ubod ng malas) na babae na makikilala ko sa balat ng lupa ng mundong ibabaw at pati na din sa ilalim.

Siguro kaya hindi ko maimagine eh naapektuhan na ang utak ko ng paniniwalang Benjamin Button.

Pero sa palagay ko, bilang isang nagmamahal na tao, karapatan ko din naman ang magmura.

PUTANGINA ANG SARAP NG SOPAS NI ALING MARING!!!

Aling Maring: "Dahil valentines ngayon, ibinuhos ko na lahat ng puso ko sa sopas na yan..."
Ako: "Eeeew"

Ganun ata talaga ang epekto ng pagmamahal sa tao. Ebriting pasitib.

Maganda at makinis ang kutis.
Blooming.
Masayahin.
Laging pagod at puyat.
Sakang.
Buntis.

Yan ang pagmamahal.

Marami pa din ang nagkakamali sa ganitong bagay. Minsan nga may mga taong mas aaminin pa nilang sila ang umutot sa harap ng limpak-limpak na sinungaling kaysa sa ang aminin nilang sila ang nagmamay-ari ng bunga ng pagmamahal nila. At iilan lamang dito ang pinandigan ang pagmamahal nila.

Red. Ang sarap magpakawala ngayon ng patabaing toro na iniangkat mula sa espanya. Sabog lahat ng bulaklak. Butas lahat ng lobo. Basag lahat ng bungo ng matatandang tuluyan pa ding nagpapaswit at dumadakila sa diwa ng Kabalentaymsan.

Pag-ibig. Sintamis ng kalabasang may kaukulang paggalang at walang bahid na malisya.

Pagmamahalan. Sintibay ng bato, sintigas ng semento. Yan ang mga magulang ko. Mahigit na sa N bilang na ng taon sila ikinasal.

Tapos minsan gusto ko na lang pumikit kapag nakikita kong nakahawak ang tatay ko sa dede ng nanay ko.

Pipikit para magpantasya? Salamat sa suhestyon.

Pagsisintahan.

Aling Maring: "Nako, baka maiwanan ko pa itong organ (electronic piano) ko dito. Ito na lang ang natitirang libangan ko sa tanghali (nung wala pang Wowowee).
Mang Lucio: "Wag mo talagang iwan yang organ, at ang iwan mo eh ang iyong "organ".

Sweet kung tutuusin para sa mga may edad na tao na kakitaan pa ng pagbibiruan na ganito na parang mga binata't dalaga pa lamang sila sa ilalim ng puno ng mangga.

Minsan din ayaw kong makapanood sa Rated K ni Korina Sanchez ng mga legendary love stories, tried and tested and can totally withstand the test of time and test of mic.

Dahil hindi ko alam kung ako lang yun o talagang kakaiba ang eksena ng dalawang mga ultra lolo at ultra lola na nagsisiping.

Jurassic Love Affair. Scrumptious.

7 Winners:

Anonymous said...

nasusuka ako sa mga images na dinescribe mo. isa 'tong dahilan kumbakit ayokong tumanda.
ang kadiri kapag kulubot na yung balat tapos nakikipaglabing-labing pa. :-&
naaawa ako sa mga tulad kong kabataang navaviolate sa mga nakikita nilang pinaggagagawa ng matatanda.

Anonymous said...

may naalala akong picture na ipinakita sa akin na matandang nagsisiping. ayoko ng magcomment dahil baka kung anong masabi ko. hahaha

gusto kong matikman ang sopas ni aling maring mariano!!! penge!!!


Popoy I.

chroneicon said...

gusto ko ring makatikim ng sopas ni tita!!!


miss ko na si aling mareeeeeeng!!!

:(

Anonymous said...

rakstars talaga kayo M!

Anonymous said...

Nakakarelate ako! May sopasan din kasi dito sa may apartment at SUPER SARAP din! Talagang lalabasan ka sa sarap!

UtakMunggo said...

you're so mean, hindi ka naman girl. if i know sa pag tanda mo eh baka mag vlog ka pa ng mga rawrcapades nyo ng magiging lola ng mga apo mo.

ahhaahaha

Anonymous said...

ahahaha. . .kyutness!!

shet, bakit kasi nakikinig ako ng kianta ng urbandub, may mga parte tuloy na di ko naintindihan. . .LALIM KASI! shet talaga! ahahaha!

balikan ko

=p