July 14, 2009

Pssssssst Hoy, May Bago!

Nakakapanot daw ang magpuyat.

Hindi nga? Holy fuck, wala akong pakialam. Kahit buong buhay akong matulog, hindi na kakapal ang buhok ko. Mukha ko na lang ang kumakapal, at walang magandang dulot ito sa personalidad ko bilang isang anak ng Diyos.

Maganda nga itong puyat ako at naguumapaw ang isip ko sa mga bagay na dapat kong ipinagdadadakdak dito. Isa pa eh ngayon lang talaga nababakante ang mga PC dito sa bahay. Naka-HP Mini ako ngayon. OHA OHA! FUCK YOU ALL! BWAHAHAHAHAHA! Kasi nasira ko nanaman yung laptop ni ate. Kaya eto, sinisira ko naman ito ngayong kay ate panganay ngayon.

"Ano ba? Ayawan na ba? Bakit hindi ka naga-update?" Sabi saken ng blog ko.
Pero dahil inanimate ang blog at wala siyang kapasidad para makapag-express ng thoughts, aaminin ko na lang na ako lang din ang nagsabi niyan. Sa sarili ko. Ng walang suot na brip.

Ano, may nagbago ba? Ganun pa din ako. Wala pa din akong brip.

At para saan naman ang impormasyon na yon? Wala. Kung gusto mo lang magbilang ng blogger na hindi nagbibrip tuwing nagsusulat, pwes plus one na ako don.

Kamusta na ba si Mariano Juancho? Ano na ang pinagkakaabalahan niya sa buhay? San na siya nagtatrabaho ngayon? Nagtatae pa din ba siya tuwing umaga habang nasa biyahe papasok ng opisina?

Wag na akong maraming tanong. Masyado nang lumang pakana na sisingitan mo ng tanong ang sulatin mo para magkaron ng paguusapan. Pero sige na nga, nagtatanong lang naman eh.

1. Okay lang ako. Namayat daw ako sabi ng ilan. Ganun talaga ang buhay ng tao. Mabuti pa nga ang mga pulubi sa tulay ng Quiapo, kapag naabutan ko silang tumatae sa bangketa, ang lalaki ng tae nila. Para silang naka-buffet gabi-gabi. Naiinggit ako sa tae nila hindi dahil malaki ito pero dahil alam kong marami silang nakakain araw-araw. Di tulad ko. Agahan ko taho. Tanghalian ko, taho na nilusaw ng bituka ko. Hapunan ko eh medyo disente naman, wag kang mangamba.

Pero bakit ba ako naiinggit sa ga-brasong tae ng mga pulubi? Wala silang bahay. Nakatira sa bangketa at natutulog sa karton. Malay ko ba kung isang linggo nilang hindi itinae yung tae nila para lang hindi sila magutom. Pilit nila itong iniuurong sa pamamagitan ng pwersa ng pwet pabalik sa tiyan nila para lusawin ulit at hithitin ang nutrients para sila mabuhay. Gumagamit sila ng kahoy para maitulak pabalik ang tae sa tiyan nila.

"Tay, nagugutom na po ako. Hindi ko na kayang pigilan ang tae ko."
"Anak! Kaya mo yan! Wala pang laman ang basurahan! Heto ang magic wood naten, ipasak mo yan sa pwet mo at isuksok mo hanggang kung saan aabot! Makakatulong yan sa gutom!"

Malungkot diba. Di tulad nila, maginhawa pa din ang buhay ko kahit hindi ako nakakakain ng kumpleto sa isang araw. Pero syempre drama ko lang yun. Sinungaling ako eh. Hindi lang talaga ako kumakain ng normal sa araw-araw kasi nahihiya naman ako sa mga pamangkin ko. Yung baon nila ng isang linggo, nilalantakan ko na, tapos pati ba naman agahan at tanghalian sasaluhan ko pa? Di na siguro masama kung iinom na lang ako ng tubig sa tanghali.

Pero joke lang yun. Nagpapaawa lang ako. Kumakain naman ako, pero hindi lang marami kasi gusto kong magka-abs ako. Alam mo yun diba, abs, yung bukol sa tiyan.

Mali, cyst yung naiisip mo. Abs, yung gawa sa matigas na laman ng katawan na nakakapagpalaway sa mga chicks kapag nakita nila ito.

Tite? Abs nga eh.

Oo, gusto ko nun. Ng tite? Ahaaaaaaaaay.

Putangina, kung tite ni Johnny Depp yan, sino bang aayaw dyan?

Kahit yung karpintero abs lang pwede na. Beggars can't be choosy ika nga ni Ayzprincess. Kaya para maatim ko ang piraso ng matigas na laman na yun sa aking tiyan, kailangan ko munang magpapayat. Thus, di ako kumakain.

2. Ang haba no? Kamusta lang ang tinanong, nagbanggit na ng tae ng pulubi. Ano ang pinagkakaabalahan ko? Wala naman. Plurk lang saka tunganga.

3. O, sobrang ikli naman ng sagot ngayon. Gago talaga neto. Tsk. Oo nga pala, may plurk account ako na huwantso ang username. Kapag gusto mong sumali sa plurk, punta ka sa page ko at dun ka mag-sign up para magka-star naman ako. May trabaho na ba ako? Utin ng unggoy. Si Mariano magtatrabaho? HAH!

Oo naman syempre. Lahat tayo, dun ang punta ng buhay. Sa totoo niyan, ang bait ng boss ko ngayon. Maganda ang benepisyo. Ayos naman ang sahod, sakto lang sa gimik ko. Magaan ang trabaho, wala masyadong tasks di tulad ng sa nakaraang trabaho ko. At maasikaso pa ang boss! Pinaglalaba ka ng pantalon kapag may lakad ka. Pinaglalatag ka ng higaan kapag ayaw mong magpuyat. Binibigyan ka ng baon kapag may gimik ka. Pinagluluto ka ng hapunan para hindi ka gutumin.

O diba! Ang bait ng boss Aling Maring ko! Tutunganga ka lang at magpapaka-katuga eh buhay ka na! Salamat Aling Maring, you're the best boss in the world!

Pero seryoso, gusto ko nang magkaroon ng totoong trabaho, hindi yung make-believe.

Yung kapag napagalitan ka ng boss mo eh hindi mo mapapahupa ang galit niya sa pamamagitan ng pagpupog mo ng halik na malaway sa kanyang pisngi ko kapag pinagloload mo siya ng 25 pesos sa tindahan tapos ikaw ang magreregister ng 20 para sa unlitxt o aabutan mo ng isang basong tubig kapag pinagpapawisan. Yung totoong boss na ngangaratin ka hanggang sa malusaw ang buo mong pagkatao at isuka mo lahat ng kaalaman na natutunan mo since preschool. Pero wag mong isusuka yun sa harap niya, baka lalo siyang magalit at malaman niyang alam mo ang Open The Basket game o di kaya eh mas magandang pamato si Mighty Thor kesa sa pamato niyang si Hulk sa tatsing.

4. May dalawang linggo na yata akong nagtatae. Hindi ko alam ang rason at hindi ko alam ang paraan para tumigil siya. Stress siguro. WTF? Stress? Saan ako kukuha ng stress diba? Haha. Ewan ko sa inyo kung san kayo kumukuha ng stress pero ako, nagtatae ako nang hindi ko alam ang dahilan. Dalawang linggo na. Dinadaan ko na lang sa panalangin na sana wag bumulwak kapag bagong palit ako ng boxers dahil pihadong pagagalitan nanaman ako ng boss ko.

Akshuli ang punto naman ng sulatin ko eh ang pagpapasalamat. Salamat sa pagtangkilik sa blog na ito at marami pa ding bagong mga napapadpad kahit wala na siyang activity for the past 5 months or so. May mga napapadpad at nagkokomento. May mga bumabalik-balik para sa update. Pwes eto na yon. Matuwa kayo mga lintek! Puyat na puyat na ako nagsulat pa ako para sa iyo! Tse! Manlibre naman kayo dyan!

Joke. Nagjakol ako... nagsulat ako para sa sarili ko kaya sana na-enjoy niyo din kahit papaano.

Sa mga bagong nagsisimula pa lang dyan na may balak na umagaw ng trono ng pagkaloser mula saken, pwes, PUTANGINA NIYO! WAHAHAHAHA! Wag na kayong magbalak.

Unless kaya niyong panindigan ang matanggihan sa job application ng mahigit sampung beses eh kahit na, ako pa din ang nag-iisang loser dito, bichez!!!

Sinasabi ko sayo, kung nagbabalak kang maging loser, hindi kita hahayaan dahil pota naman pare! Magsumikap ka okay? Hindi habambuhay na mabibigyan ka ng nanay mo ng pamasahe kapag gusto mong gumimik! Hindi sa lahat ng oras hindi ka magbabayad ng bills sa bahay dahil wala kang trabaho. Hindi sa lahat ng oras mabaho ang pantalon mo dahil hindi na 'to nalabhan ng mahigit kalahating taon.

Sa mga nagbabalak na maging loser at tularan ako, this I tell you. Para kayong bumangga sa pader ng tinapay na may amag tapos may ketsap kayo sa mukha.

Pointless. Dahil hindi ito ang buhay na gusto niyo, kei? Yung araw-araw kayong gigising para lang isipin na mali ka sa ginawa mo na sana ganito, sana ganyan, sana kinantot ko si Maria Ozawa nung may pagkakataon ako at sana eh ipinutok na lang ako ng tatay ko sa labas para walang problema. At sana naging anak sa labas na lang ako dahil don.

Wag ganun! Hindi ganun ang buhay! Lumaban ka at magsikap!

Think positive! Wag kang aayaw! May liwanag ang buhay! Ilabas ang kulit! Di lang pampamilya, pang-sports pa! Panalo sa presyo, panalo pag BEAM! Lamowk seygooreydong teypowk!

Yun lang. Again, salamat sa lahat ng napadpad. Isang down-to-earth at sincere na pasasalamat sa lahat ng online/real-life friends ko, ka-plurk, make-up artists, at sa iyo na naligaw dito, salamat.

At sa isa pang sayo. Umasa ka, babawiin kita - M

Putangina. As usual, kadiri to death ang haba. Fuck this shit.

Makakaasa nanaman ako ng "nice post" dito na komento.

26 Winners:

The Gasoline Dude said...

Nice post. LOL Sino ulit ang babawiin mo? Hehe. = D

Welcome back sa blogging. Isa ka sa mga tinukoy ko dati sa isang post ko na nakakapanghinayang kasi bigla na lang hindi nagba-blog. Sayang kasi ang talento.

FB said...

kaya ka natatae kase hindi ka na nagbablog dalas dalas mo kaya ang pagsusulat. napupunta na lang sa tae lahat ng mga nasa utak mo. ang dami mong pwedeng isulat tulad nung modeling stints mo.. lulz

Saminella said...

Putangina may update!



























At oo mahaba. Pero binasa ko ng buo namiss ko magbasa ng post mo. Kiss.

Mariano said...

Talaga gasdude? anong post yon? pabasa nga para lumaki naman ang ulo ko kahit papaano, ahihihi. Salamat naman kung naniniwala ka sa talento ko. May chiz whiz ka saken.

FB, ibang usapan ang modelling sa blogging. That is two different thingzzzssss. Digs? Kaya pala parang nalulungkot ako kapag nakikita kong lumulubog sa toilet yung mga tae ko. POsts ko pala sana yun. *sob*

Talaga sam? Plastik! Ahahaha! Sige na nga, salamat. Neksyir na ulit para masabik ka.

Meryl said...

Dapat matagal ang agwat talaga ng mga pinopost mo para nababasa ko hanggang dulo. Pramis 'yung mga entry mo dati na ganito kahaba? Sinasabi ko naman sa'yo pag hindi ko binabasa diba? 'Eto kahit magpaquiz ka pa masasagot ko bitch! Hahaha.

Oh pano? Next year? K? K.

PoPoY said...

mariano, ikaw ay nagbalik paynalee..

tangina kinilig ako sa dun sa sinabi mong umasa ka babawiin kita, tangina parang kilala ko kung sino. o baka ano? huhlols.

busog ako sa entry na to. yun pagkagutom at pagkauhaw ko sa mga entry ni mariano eh pinunan ng entring ito. nagiisa ka talaga mariano :)

Saminella said...

Marinao, yung mga nuknukan ng haba mong post dati ini-scan ko lang kasi sumasakit na mata ko sa haba





















pero ito binasa ko tlga. Nanabik ako sa iyo. Ang laswa pakinggan sorry.

lyzius said...

3 days ago na pala tong update na to...

kung kelan naman ako hindi sumilip saka ka naman nagpost...

pero bakit hindi mo sinagot ang tanong ni gasul kung sinong babawiin mo????

intriga intriga...

ahihihi....

binasa ko din hanggang kahuli-hulihang tuldok!

Traveliztera said...

puro tae...

at hanggang ngayon, natatae ka pa rin!?

Axel said...

Totoo ba itong nakikita ko, may update ka na uli??

weeee!!!

Oy, kung saan-saan ka nanaman tumatae ah... Papasakan ko na yang pwet mo ng kahoy eh...

Kevin said...

TANGINA MO MARIANO FUCK YOU. Ang haba mong mag-blog! Pakshet. Parang reading lang sa isang subject.

Salamat sa yosi nung Cinemalaya! :d Appreciated.

Raechelle said...

yun o! update!

lethalverses said...

NICE POST!!!

Namiss ko rin ang bossing mo, paki "o hai there" na lang kami...

nabalitaan ko lang sa wowowee na may update ka nga daw... ayan, as usual, binasa ko ng buo kahit mahaba.

dahil mahaba talaga ang kay M

UtakMunggo said...

wow! nice post you got here. care to exchange links?














btw, ano yung utin ng unggoy?

napunding alitaptap... said...

HOOOOOOOOOOOOOOY KUYA M,

shit. . .late na naman ang pagbasa ko...as usual.

pero NICE POST ha...amf!!! hindi ko din alam pero gaya ng iba, binasa ko din ito ng buo. . .yun iba nga lan, hindi kinaya ng maturity level ko. . .

grabe ang drifting thoughts. . .may ADD ka. dapat talaga estudyante kita. at kun mangyayari yun, maga-AWOL talaga ako.

ang dami mong alam, ang dami mong sinasabi. . .

at oo, sinong babawiin mo.... hehehe.

at ang "pssssssssst, hoy, may bago!" ay LUMA na...

hindi ko inaya ang nanay ko na basahin ang post na ito, MABUTI nalan...

magtrabaho ka na kasi, nagiging kasing lusaw na ng taho ang utak mo.

bawahahahahar. . .

Traveliztera said...

oy mag-update ka namannnnnnnnnn hahahha nakakamiss mga kalokohan moooooooooo

kiko said...

anak ng... maninira ka ng gadget ng may gadget...

Anton said...

Thanky Nice Blog :D

Kevin said...

Utut mo ikaw lang yung tumatae sa Quiapo eh! Haha.

Hindi ka loser, Mariano. Kasi inaamin mo na loser ka. :D

Nabasa ko ang nice post nyo po. Ang aZteEg NyOh P0h,. jEjepuH.

Pedro said...

bagong bago tong post mo ah.

Wala lang. Wala man ako lagi sa blogosperyo, nais ko lang ipabatid sa'yo na hindi ako nakakalimot bumisita dito sa tuwing makakanakaw ako ng kahit kaunting pagkakataon na makasilip sa intarnets.

EdwinaHugh said...

做愛動作做愛動作短片做愛動作圖做愛動作影音做愛包皮流血怎麼辦做愛免費試看無碼av女優影片做愛免費無碼影片做愛免費無碼av女優影片做愛農場做愛\做愛love做愛movie做愛xxx做愛做的事做愛做得事做愛做愛做愛做愛做愛做愛做愛偷窺做愛偷拍做愛偷拍影片做愛光碟做愛光諜做愛免費a片av做愛免費無碼a片做愛卡通做愛卡通線上看做愛卡漫做愛姿勢動畫做愛姿勢圖做愛姿勢持九做愛姿勢教學做愛姿勢書做愛姿式圖片做愛姿式大全做愛姿態做愛寫真做愛射精自拍做愛導覽做愛小影片做愛尿身上

Anonymous said...

erotik webcam

Sex Flatrate

Sexcam Amateur Fotzen

Holy Kamote said...

nice post

Lhenie said...

Mariano?!buhay ka pa ba? Sayang ngayon ko lang na-diskubre ang blogs mo. Kung kelan huli na ang lahat at wala ka na.EChoz!hahaha..binasa ko lahat ng posts mo simula nung umpisa gang dito sa last.haha..nakakatuwa ka ^_^ ala lang natuwa lang..hahaha..sana magpost ka ulit :) miss you..Echoz!hahaa

Anonymous said...

Discern change the creature with two backs casinos? support this embryonic [url=http://www.realcazinoz.com]casino[/url] refer to and itemization online casino games like slots, blackjack, roulette, baccarat and more at www.realcazinoz.com .
you can also backfire the scuttle our newfangled [url=http://freecasinogames2010.webs.com]casino[/url] concede something at http://freecasinogames2010.webs.com and bag valid tangled dough !
another late-model [url=http://www.ttittancasino.com]casino spiele[/url] fasten of events is www.ttittancasino.com , preferably than of german gamblers, invite manumitted online casino bonus.

Ferdinand said...

I read really much effective material above!
cheap clearance sale of Capes Shawls | Sweaters | inexpensive Joanna August