January 30, 2009

Spread The Flawless Love

Oh hello to you fellow mortal friends, how are you doing?!

Nandito nanaman po ang inyong regular na loser blogger upang handugan kayo ng mga bagay na hindi nyo magagamit sa pang-araw araw na buhay!

Tulad na lang ng litratong ito na ibinahagi ni Meryl.

Ang naturang litrato ay natagpuan sa Media Master.




O diba bongga? Ano ang ginagawa ng Superstar na si Marian sa litratong ito?

A. Nagbabalat ng sibuyas gamit ang kanyang paa.
B. Nagpapakaligaya gamit ang Dingdong ni Ding Dong.
C. Nagkakabit ng apron.

Alamin ang sagot! I-click ang link na ITO.

= = = = =

Balik nanaman sa nocturnal na buhay ang systema ko matapos kong matulog ng higit sa apat na oras nung bandang tanghali ng hapon.

Napansin kong marami nanaman sa mga alagad ng kadiring kutis ang naglipana sa malaporselana kong iskin, tulad na lamang nitong pigsa sa aking kaliwang braso.


Medyo nagkulay yellow na yung sentro niya. Pinisil ko at napalabas ko naman yung "mata", or bituka, o cellular membrane, depende sa paniniwala mo nung bata ka pa.

At meron din sa iba pang parte ng katawan ko tulad ng sa likod na nalaman ko lang nung nakamot ko't sumirit ang dugo. Pasensya ka na kung di ko magawan ng cartographic sketch yung nasa likod, ang hirap kasing kopyahin dahil nakakangalay silipin.

So far tuyo na ang nasa braso ko. Di tulad nung isang beses na sa sobrang impeksyon niya eh nag-pink na ang palibot niya na parang ang cute lang kung hindi siya pigsa. Parang rosy cheeks, ganun.

So dahil parang nanlibak ako sa katauhan ni Marian, baka magkaroon ako ng kaunting life-threatening threats dito. Pero feeling ko lang yon, dahil kapag pinatulan nila ang sira-ulong katulad ko, magkakasiraan na ng ulo lalo dito.

Yun lang muna, over and out! xoxo!

13 Winners:

The Gasoline Dude said...

Bakit parang hindi maganda ang kili-kili ni Marian diyan?

UtakMunggo said...

marianing,

yang iyong mga pigsa ay marahil galing sa isang allergy. i know someone who didn't know she's allergic to cats, rabbits, and guinea pigs until she saw a dermatologist.

kaya dinispatcha lahat ng mga wildlife nila sa bahay. lo and behold, yung mga pigsa niya di na rin lumabas.

i'm just saying... you may be allergic to wildlife.. which means you may be allergic to yourself. hihi

Prockster said...

yeck. talagang may ng pus ang drawing. wahahha.

sabi ko na nga ba eh, may pores ang kili-kili ni marian. rawr.

alam mo ba hanggang ngayon may nagse-search pa rin ng blog ko tungkol kay marian. ahahha. mga tao talaga di maka-move on. ni-save as draft ko na nga eh, para wala ng makabasa. zeusdemet sila.

neway, yeah. buhusan mo na lang ng alcohol ang pigsa mo.

a.r.d.y.e.y. said...

biglang nagbago ang tingin ko kay marian.

Gugol said...

Mariano, ikaw ang lalaking bersyon ni Marian. Hehehe...

paperdoll said...

wahaha. . ang madilim na nakaraan ni marian. . lol

brown out!

ngayon na lang ulit aco nakabalik dito tapos malalaman co na may pigsa ka na naman. . hehe. . masyado co atang maalaga sa pigsa kaya binabalikbalikan ka eh. .

vanvan said...

ayan, sana matauhan ang mga taong nabulag sa babaeng iyan..

gudlak sa mga pigsa..kakakonsyos yan..

*napadaan ng bonggang bongga..

GODDESS said...

pigsa??? pigsa ang ipinunta ko dito sa blog mo??

pigsa??? ha, mariano???? binansagan kitang "man of my dreams" sa blog roll ko tapos, eto ang laman ng blog mo? pigsa??

langya naman!

xoxo pa din!

peeveee said...

ewwwww..

ang itim nang kili-kili

Meryl said...

Napapunta ako dito kasi madaming hits sa site ko na galing sa site mo at naisip ko nga baka ni-publish mo na ang Marian Rivera photo! Hahaha.

Tama ako! Bwahahaha.

Anonymous said...

cheap ass talaga si marian hahaha.

sabinya hindi na daw sya inosente. marami na daw syang alam. pota pokpok yata? hahaha

ayos ang cartographic sketch. naintindihan ko ang picture hahaha :)

Popoy

Saminella said...

totoo ba yung kilikili nya sa image?
































umamin ka.

lyzius said...

parang di bagay ang kili-kili nya para sa mukha nya...