August 30, 2008

Embassing

Ang isa sa mga maaaring pinakaembarassing moment para sa akin ay ganito:

Sobrang natatae na ako at 3 hours ko nang pinipigil ang pagbuka ng puwit ko dahil sa sobrang katakawan ko.

Naglalakad pa lang ako papunta sa bahay eh nararamdaman ko na ang unti-unting pagsirit ng katas unmanaged bowel movements.

Tapos narerelaks ka na dahil andyan na ang banyo.

Naghubo ka na ng pantalon, shorts, at brief, sabay upo sa toilet. Sayo ang mundo at walang kang pakialam sa lahat ng bagay sa paligid mo.

Maliban lang sa nakita mong ipis sa pader sa kanan mo.

Nakaangat ang ulo ng ipis na nagpapahiwatig na malapit na itong lumipad. Lumipad patungo sa nag-iisang taong nasa loob ng silid at sa nag-iisang taong takot na takot sa kanyang paglipad.

Ngayon, hindi ko alam kung mas nakakahiya ba ang matakot ako sa ipis na lumilipad ko tumakbo ako palabas ng CR na hindi naghuhugas ng puwet.

Shet, bungisngis siguro yung ipis nun kung nagkataon.

14 Winners:

Anonymous said...

hahahha! hahahaha! hahahhaha!!

hindi ako makahinga.

takot din ako sa ipis. hahah! ntatandaan mo ung ipis na ini-kwento ko sayo dati? yung nasa dingding na katabi ng pc ko tas pinatay ko gamit ang hardbound na history book. ayun, andun pa din sya sa dingding. walang gustong humawak. hahah! eeek.

sana sinabi mo na lang na nakakita ka ng dinosaur sa banyo. hahah!

natawa naman ako ng labis. =P

FerBert said...

hahaha

hindi ako takot sa ipis, nandidiri lang..

nakapaghugas ka na ba ng pwet? haha

Anonymous said...

as usual...

kadire!

sugar said...

hahahaha!
usapang tae na naman.
takot ka pala sa ipis.
sus naman,aanhin ka ba nun.

wish ko lng nakapaghugas ka manlang.
hahaha!

RJ said...

mas okey na yun di ka nakapaghugas, kaysa wala ka nang gana hubarin ang pantalon mo at brip pagdating mo ng banyo dahil salo-salo na ng brip mo ang sandamukal mong tae.

Roxy said...

Siyet na ipis yan. Kung ako yan malamng pigil ang tae ko. Hindi rin ako takot, nakakadiri lang pagdumapo sayo. >.<

Anonymous said...

asaaaaaaaar. sa pagkakaalala ko ilang beses ako naging instant celebrity dahil sa ipis.

o minsan mas naaayon matawag na laughing stck.

busehet! ipis!

PoPoY said...

ahahaha. baka naman gustong tikman ng ipis yung tae hahahaha.

takot ka pal sa ipis mariano?? hmmm hahaha :)

Anonymous said...

Easy lang Procky, breathe, breathe. Okay, so siguro panahon na para linisin mo ang residue ng ipis na yan dahil hindi naman sila nagmumulto. At hindi ko pwedeng sabihing dinosaur kasi mas lalo lang akong mapapahiya non!

Nakakadiri din naman sila. Yun ang nakakatakot talaga dun, yung bacteria at germs na makukuha mo at magkakasakit ka. Dun din ako takot at hindi sa ipis na lumilipad. Nakapaghugas naman ako...yata.

Oo na, sige na Leyn, kadire na nga.

Alam mo Teresa, hindi lahat ng takot sa aso, sa pusa, sa manok. Sana maintindihan mo na may mga kagaya ko ring takot sa ipis. At dahil hindi ko alam kung paano sila mag-isip, hindi ko malalaman kung ano ang gagawin niya saken. At oo, nakapaghugas ako...yata.

Boss Rj, nakapaghugas ako...yata. Sa palagay ko may natitira pa naman sa aking dangal na pigilan ang mga bagay na dapat kong pigilan para lang hindi mangyare ang nabanggit mo.

Oo Roxy, that's totally kuh-rect. Iba ang pakiramdam ko sa ipis na nasa sahig at kumakaripas papunta saken kumpara sa ipis na nasa pader at nakaangat ang ulo.

NA, sa mga panahon na naging selebriti ka dahil ng ipis, ilan ang nagpaotograp sayo? Ipis lang talaga ang may problema at hindi tayong mga "umiiwas" sa kanila.

Sa palagay ko Popoy sana nagkaroon lang naman siya ng pasensya para antayin akong makatapos kung balak niyang gawin yun. Hindi ako takot. Ayon nga kila FB at Roxy at Procky, nandidiri lang kame.

UtakMunggo said...

wahahhaaa!!!

nakakaubos talaga ng tapang ang ipis na lumilipad. fota yan.

matapang ang karamihan kapag nakalapag lang sila at nananahimik sa isang tabi.. kasi madali silang patayin kapag ganon lang.

eh naranasan mo na bang dapuan ng ipis na naglalab-making? kwentuhan kaya kita. haha

minsan nakakita ako ng antennae ng ipis na nagwawagayway sa may butas ng lababo. yung ipis mismo eh nakasiksik pa sa butas. kumuha ako ng scissors at ginupit ko yung antennae niya sabay karipas ng takbo. hahaha

nakakasira ng ulo tong blog mo talaga.

Mariano said...

UtakMunggo, I like your style. Brutal yet it's for the good of all mankind! Ahaha, parang assasination skills lang ah.

Oo, sinabi mo pa. Wala akong pakialam kung nasa lapag pa yan basta wag lang siyang lumipad at wag siyang lumipad papunta saken putangina nila.

At aba, kaswerte naman at naliparan ka ata ng magkapatong na ipis! Double-delight yon!!!

Anonymous said...

nyahaha... lapitin ako ng ipis eh... ten out of ten ng nakita kong lumilipad na ipis eh dumapo sakin... pag dumapo na sakin, todo tumbling na tonsils ko kakasigaw!!!

ayaw kong gumagamit ng baygon sa buong bahay kasi lalo silang naglalabasan sa lungga nila... cheers;p

Reyren said...

tangnang epis yan a!!!!!buwishet!

Ely said...

Oh my god, there's so much helpful info here!
link | link | i can recommend it