August 7, 2008

Office Chronicles : Ekla Bum Bum

Alas Diyes ng umaga. Oras ng trabaho. Lahat sila busy. Lahat sila puro mga trabaho ang tinititigan.

Lahat halos sila gumagana ang logical part ng kaisipan. Nag-iisip, nagpoproseso ng data, nagpaplano ng mga dapat gawin para sa ikaayos ng trabaho.

Pero ako? Eto ang nasa screen ko sa alas diyes ng umaga.


Ayan. College Humor. Panalo yan. Sa oras ng trabaho, yan ang kaibigan ko. Yan ang boss ko. Sa kanya ako nagrereport.


Eto ang banner, i-click nyo na lang para bisitahin. Mukhang hindi naman yan nakablock sa office kaya dyan ako naglalagi. Hindi alam ng IT yan. SA NGAYON. At sana hindi na malaman kahit kailan 'til they take my heart away.

Bakit kamo? Kasi ako ay isa sa mga self-proclaimed office trash/leecher/bottom member of the office hierarchy. Mas mataas pa ata sa akin ang percentage ng work completion nung resident janitor ng opis namen.

I am BumBoy. Kahit pangit pakinggan, tatanggapin ko yan.

Eto ang magiging logo ng aking kumpanya. Kung magkakaroon man. Kung magkakaroon man ako ng perang pangtaguyod. At lalong-lalo na kung merong gustong magkamit ng serbisyo ko.

Hindi madaling maging bum. Sa mga oras na ito, mga alas medya ng hapon, ako lang ang walang importanteng ginagawa. Lumilingon ako sa paligid ko at napapalibutan ako ng mga masisipag na tao na magpapahiya sa akin sa oras ng performance evaluation.

Pero naisip ko, aba! May isip pala ako.

Ulit... ulit.

Pero naisip ko, ABA! Bakit ba, hindi naman madali ang ginagawa ko. Nakaka-stress din ang magpaka-bum. Hindi madali ang magcheck ng blog ko araw-araw, tapos magbloghop (kunwari) at magbasa ng entries ng mga bloggers (mas lalong kunwari), at magpipindot ng F5 buong araw sa local e-mail system ng kumpanya.

Di biro ang mag-surf ng mga kung ano-anong website at maghanap ng bagong uri ng kalokohan mula sa WWW. Magbasa ng mga articles sa Wikipedia at mga kwento ng buhay at pakikipagsapalaran sa Pantasya.com, at mag-research ng mga bagong technological issues sa TheHub.

At ang maidlip. Ilang beses na din akong tumakas sa pwesto ko para umidlip ng mga dalawang oras. Joke. Mga 15 minutes lang naman. Kung di man ako makatakas, sa pwesto ko na lang ako nagpapaka-daredevil para matulog. At syempre tinawagan pa ako ng boss ko para lang sabihin na wag daw akong matulog kasi si President nadaanan ako.

Mahirap din ang pumasok ng maaga para mag-Plurk. Gaano kaaga? Mga alas otso, late na kung tutuusin para magbulakbol. Dapat mga 7 andito na ako. Oo nga pala, alas diyes pa ang simula ng trabaho ko. Hanggang 7 yun. Tapos uuwi ako ng mga 10PM para iwas trapik-slash-manood ng videos.

Mahirap ang ganitong klase ng trabaho. Pure dedication at for the love of what you are doing ang iiral sayo dito. Eto yung tipo ng bagay na ginagawa mo sa opisina at parang di mo na siya talaga pinapaghirapang gawin kasi gusto mo talaga. Gusto ko ang ginagawa ko at hindi ako nahihiya! Belat sa masisipag!

Mahirap din kapag libre ang pagkain. May libre kasing treats dito tuwing umaga. Para mga pumapasok ng medyo maaga (syempre isa na ako dun). Early bird treat kumbaga. Pero hindi bulate ang pagkain ha? Pandesal lang siyempre. Minsan Munchkins, at nitong nagdaang araw eh bago ang treat dahil biskwit ang nakahain. Nissin wafer at Rebisco Peanut Butter Sandwich. Saka Prima Toast. Lahat yan tig tatlo ang kinukuha ko.

Alam mong kahit mahirap at labag sa loob mo, at kahit ayaw mo ng pagkain, kakain ka para masulit ang libre. Malaking pagsubok ito sa pihikan na tulad ko. Hindi lahat ng libre masarap. Hindi totoo ang sabi ng barkada mo at ng matatanda. At ng mga matatanda mong barkada. Hindi lahat ng libre masarap. Hindi lahat ng libre masarap. One more time, all together now, HINDI LAHAT NG LIBRE MASARAP. Repeat x3 then fade.

Pero dahil libre, kailangan kong sulitin para sa ikagaganda ng kumpanya at ng mga kasama kong late. Kung hindi ako kakain nito, mawawalan ng saysay ang sistema ng libre at mawawala sa balanse ang harmony na maaaring ikasira ng ekonomiya at ng lahi ng buong taong nag-oopisina. Kaya ayun, kumukuha ako kasi libre na, nailigtas ko pa ang mundo.

Hindi talaga madali maging isang bum sa opisina. Ang pagiging office slacker, may mga intensity of stress levels yan. Kung ano man yun, wala akong pakialam. Maii-stress lang akong isipin pa yan.

Isipin mo, sa isang kumpanya na matagumpay at maayos, lahat ng tao produktibo. Pero kung iuukol mo ang kasabihang "All work and no fuck, makes Juan tigang"...

Ulit... ulit.

"All work and no play makes Juan a dull boy"

Kung bakla si Juan, all work and no play makes Juan a doll boy naman. Nyeh.

Kung lahat ng tao sa opisina panay trabaho, at focused na focused sila dun at wala na silang ibang iniisip kundi ang trabaho at mas marami pang trabaho, at konting trabaho, dadating ang panahon mawawalan na ng trabahador kasi hindi na sila dadami. Bakit? Dahil mawawalan na ng panahon para sa pagsasaya ang mga tao. Mamatay lahat ng office people at higit sa lahat, mamamatay silang tigang dahil wala na din silang panahon sa sex. At dahil wala silang panahon sa kahit sa anong mga bagay tulad ng sex eh hindi na dadami ang office people. Kokonti ang populasyon ng mga tao. Tulad sa Singapore. Nawawalan na ng workforce kasi work-oriented ang mga tao at walang panahon sa bengbangan.

Ano ang kinalaman ng pagiging bum dun?

Isipin mo, ako ang official bum sa opisina. Ako ang in-charge sa lahat ng kabulastugan at lahat ng ubos-oras na gawain ng mga tao. Pati ang pagpaparami ng lahi ng tao, ako na din ang in-charge.

"Mariano, could you please check my Friendster/Facebook/Multiply/Myspace/ account for me. I need to approve friends, blah blah blah, upload photos, shit shit shit, etc.”

"Mariano, could you watch the latest series of (insert some American TV series here)for me this lunch? Please, it's the season-ender!"

"Mariano, could you please listen to Carlo Agassi's latest album, I want to have a good inducer for my suicide later tonight."

"Mariano, could you please surf and look out for the latest music video of N’Sync! Please, please, please! I need to know if they’re really back together again!”

"Mariano could you please roll this piece of paper and throw it over to (insert officemate's name) head. I want to start a really big office paper fight."

Isipin mo lahat ng request na ito at mga kung ano-ano pang bumming-related activities eh sabay-sabay na iuutos sa akin bilang ang official na bum ng opisina. O diba, sige ikaw na ang mag-aral ng human cloning o kaya eh magsa-aswang at mahati ang katawan para matugunan ang mga requests na ito, sige nga. Isipin mong napakahirap nito kung ang lahat ng tao walang panahon para magbulakbol sa trabaho at para saken lang lahat iaasa.

Dito nakikita na ang isang bagay ay tunay na may halaga kapag nakita mo na kung gaano kaseryoso ang mga gawain sa kabila nito.

Kaya nga ba't sabi ng Tagapagbiro, kung magaling ka sa isang bagay, hindi mo ito gagawin para sa iba sa libreng halaga.

Kaya sa lahat ng may kakilalang aarkila ng Opisina Bum diyan, halina't tignan nyo ang aking calling card.

Na saka ko na gagawin kapag wala na akong ginagawa.

16 Winners:

Pedro said...

ayus yan. hehe.

Mariano said...

ayos talaga yan!

Anonymous said...

galing galing. binigyan mo ng purpose ang isang character na madaming nagiisip na walang purpose sa buhay. what? di ko rin alam kung ano sinabi ko.

apir na lang!

Anonymous said...

p.s.

ang daming popup sa collegehumor.

wikipedia-- galing. parang genius.

pantasya... magbabasa nga rin ako... hahaha!

ini-click ko yung the hub. ZEUSDEMET! naloka yung computer ko. =(

pwede ba kita i-hire na padamihin ang karma ko sa plurk. hahaha! lalang.

PoPoY said...

roomate confession...hmmmm... hahaha ano yun? hahaha

Myk2ts said...

perfect job!

saan pwede magsend ng resume ? :)

napunding alitaptap... said...

ewan ko sayo kuya M.... tsktsk...

sabagay, ilang beses ko ding nakikita ang sarili kong tulala sa school...nakakalungkot na medyo mawawala ako sa dahilan sa pagtulala ULIT next week dahil malamang feeling well na ako nun...

ahaha...negatib pala ang pag par-tey ko bukas..hmf! akala ng nanay ko hindi ako desidido... ayun, nauwi sa wala. hmfhmf! hindi na ako nakakapagOL,ahaha..

flyfly!

Chyng said...

Ang hirap kaya mag-AIDS (As If Doing Something) Nakakapagod na din mgsearch sa buong world wide web!

Sosyal to, may free food. Miss ko ang Custom days ko, ang mga libreng pgkain na nakumpiska! wahaha

Anonymous said...

naks! dyan mo nabigyan ng justice ang mga taong ina-underestimate ng mga officemate. di nga naman madaling maging bum. at mukang di lahat ng worker sa office eh personal na tinatawagan ng boss. mukang close kayo. haha.

Chyng said...

dude, na-add na kita sa blog roll ko! (--,)

Mariano said...

Nagalingan ka na dun Procky? Salamat naman. Wag ka kasing magclick sa mga ads para walang pop-up, sos yan.

Interesado ka ba Popoy? Room mate confessions yan at hindi LADIES' CONFESSIONS, sos.

Pwede mong i-send sa akin ang resume mo Myk2ts. Yun nga lang tatamarin akong magproseso niyan.

Ganun ka pala NA pag may sakit, natutulala. Ako naman eh nangingisay pag may sakit, ahaha. Wala ka, you failed me. Di ka dadating. Tsk.

Chyng, gusto ko ang term mo. Maganda yan, AIDS. Parang HIV lang. Habang Idle, Verigud! Totoo yun, napapagod na ako. Andami-dami kasing mga AIDS sites, di kaya ng daliri ko. Customs? Buti di ka nakakachamba ng mga laspag na pagkain, hehe. Kung food na bang matatawag ang Nissin Wafers eh di food na nga ang libre samen. Salamat sa pag-add, ako din add na kita. In 2 months.

Lei, close kame ni boss kasi close na close na akong matanggal, ahaha. Ganun talaga ang dibisyon sa trabaho at sa buhay na to, maraming hindi nakakakita ng tunay na halaga ng pagiging bum. Kudos sa mga bum, sila ang buhay ng opis!

napunding alitaptap... said...

ayan! ganan na naman! naiiyak na nga ako dito *tears*

ako na naman ang masama! ang KJ, ang indian. . .

ahuhu. . . crying a river...tsaring!

sad din kaya ako, ayan, depressed nga e, di na naman ako nakapasok sa school, hmf!

Mariano said...

Oo na sige na, wag ka nang umiyak dyan baka sabunutan lang kita sos you. Sa bicol ka na lang mag-abang ng mga events, ahehehe.

UtakMunggo said...

"...Mariano, could you please listen to Carlo Agassi's latest album, I want to have a good inducer for my suicide later tonight..."

hahahaha may bumibili pa ba ng mga ganitong album?

hay naku. dream job yang maging official bum kung sakali. timbrehan mo ako kapag nakahanap ka ng ganyang work at magsa-submit ako ng curriculum vitae.

superboi said...

haba ng post pero keri enjoy naman. magka college humor na din ako hahah

Mariano said...

UtakMunggo, wala, wala nang nabili niyan kaya mahihirapan pa akong maghanap at magdownload! Dream job? Goodluck naman sayo kung makahanap ka ng bum work na kakayanin mo, haha.

Ano, enjoy ba superboi? Sige gora ka lang nang gora, whole day kang mag CollegeHumor, haha.