August 10, 2008

Office Chronicles : Nagbabadyang Wakas

From: Ms. HR
To: Mariano Juancho
Cc: Big Brother Boss
Subject: FW: SCJP REtake[Scanned]
Date: Thu, 7 Aug 2008 17:06:35 +0800


Hi Huwantso,



Please be advised that you are scheduled for a retake of the SCJP exam on August 20. The following time slots are still open – 9am, 11am and 1pm. You may coordinate with Ms. Front Desk regarding your preferred time slot.



Let me know if you have questions.



Good luck in the exam!



Regards,



Ms. HR




Nagbabadyang wakas para sa kagaguhan ko dito sa opisina. For the Nth time. Magi-isang taon na nga pala ako ngayong September.

Ako na lang sa batch namin ang hindi pasado. Kahit hindi ko nagugustuhan ang gawain dito 85% of the time, gusto ko pa ding manatili at bunuin ang 2 taon na bond kasama ng mga ka-batch kong mga napamahal na sa akin.

Kailangan ko munang MULI nanamang magpanggap na nag-aaral at nagpapakabihasa. Sistemang estudyante nanaman ako nito. Sa pagkakataong ito, sagad na sa tinggle ang palugit na ibinigay sa akin.

Kapag minalas nanaman ang tamad kong kokote ngayon pangkakataon na ito, sa kariton nanaman ako titira. I hate effing roaches pa naman. So I guess I have to make it big this time to not live in a barong-barong enimoar.

Magpapakaermitanyo muna ako hanggang matapos ang August. Babalik na lang ako dala ang good or bad news na ako lang din naman ang apektado. Sana good na ngayon. Ayoko ng magpost ng pagka-loser ko pagdating sa opisina, baka mamaya maging boss ko pa ang reader ko eh mawalan na ng tiwala saken.


19 Winners:

i 0 9 g n0 said...

this message is not well parsed

The Gasoline Dude said...

Hoy M! Galingan mo at magpakadalubhasa ka sa field mo. Baka kailanganin kita dito sa Singapore. Hehe.

Lei said...

good luck kuya!! galingan nalang ang pangongopya para pasado :)

Myk2ts said...

natuwa ako sa "tinggle"
tunog karoling :)

Anonymous said...

ako naman ang makakamiss sa'yo nyan..
ano 'to? gantihan?

Lyzius said...

hindi ba pwedeng kodigo sa tek na eksamin na yan?????

Pedro said...

kaya mo yan.

Tisay said...

good luck good luck good luck.

ayan puro good luck ka na. papasa ka na nyan. hahaha! apir!

PoPoY said...

hoy M kaya mo yan. makapasa ka na sana :)

Anonymous said...

goodluck M.
kaya mo yan.
smahan mo na rin ng prayers.

-churvah

bleue said...

wah! goodluck dude! kaya yan. at huwaw, WTF??? sagot ng kumpanya ninyo ang fee for SCJP exam? Kami sari sariling paexam sa sarili. haha! whattaword! mag eexam din ako nyan later, kaya bigyan mo ako ng tips. For the mean time, GOOOD LUCK!

Roxy said...

go go go! kaya mo yan. para saan ba yan? hehe

loudcloud said...

From: Huwantso
To: Ms. HR aka Satan's Agent
Cc: Big Brother Boss
Subject: FW: SCJP REtake[Scanned]


Hola,Succubus!


I spit on your dopey questionnaire, you corporate ass-kissing maggot. I hope you froze from paralyzing brain aneurysm, you bureaucratic freak. I'll dance on your tomb and hope you grow old and die a fucking virgin.


See you at your funeral.

All the best!



Huwantso

Chyng said...

walang leakage?

charing!

Cheating is Corruption.
Corruption is a Crime.
So dont be a criminal!

Goodluck, do your best! ;)

Anonymous said...

napakagandang email loudcloud. LOL

RONeiluke, RN said...

nako galingan mo! till then...

Mariano said...

Okay, maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming-maraming salamat sa suporta at sa komentos. Ang inyo pong tulong ay lubos na pinasasalamatan at tinatamasa ng mga dapat makatanggap. Please give help in forms of money and not noodles and sardines.

Anonymous said...

Igno, message has been parsed. Printing message: "OK"

Boss GD, kailangan ko ngang mag-aral talaga dito, sayang naman ang Singapore, madami akong gustong puntahan dyan eh! Para na din mabisita ko ang kalandian mo, ahahaha. Joke lang. Salamat! Salamat!

Lei, ako lang ang mag-eexam eh. Lugi ang kakopyahan ko dun! Ahaha.

myk2ts, tinggle ba? oo, natutuwa din ako sa tinggle eh, ahahaha.

Di naman ako mawawala anonymous, kung sino ka man. Pakalat-kalat lang ako.

Okay naman na Mami Lyzius, meron na akong pinanghahawakang "sandata" laban sa exam! ahehehe.

Salamat Pedro. Kaya ko nga. Pero dalawa ang kaya ko. Ang ipasa at ibagsak ang exam hehe.

Apir apir tayo Procky! Salamat! Isang luck pa ng diyan! Good luck and good _uck!

Sana nga Popoy, maraming salamat! Sana talaga! Wahaha!

Kailangan ko nga ata ng maraming ganun Churvah. salamat!

Sir Bleue, thanks thanks! Sagot nila yung UNA lang. Eh pangalawa ko na to kaya ako ang nagbayad! WTF TALAGA! Ahaha. Bigyan kita ng tips, wag kang mag-alala.

Roxy, para sa trabahong ayaw ko namang gawin! ahaha. Salamat!

Loud, thanks sa sulat sa HR! Saka ko na iisipin kung ipapadala ko o hindi, ahaha.

Chyng... uhm, ano aaah. Secret? Ahaha. Cheating is one of the greatest form of salvation there is.

Salamat ronieLuke! Babalik pa ako syempre!


-M

napunding alitaptap... said...

hmmmmmmmmmm. . . basta, ingat ah!

kaya yan kuya! Godbless