August 26, 2008

Light

Napakahirap talagang magsuot ng light colored na damit para sa taong barubal na tulad ko.

Kitang-kita mo kagad ang kalat ng Lemon Square Dream Double Chocolate sa dibdib mo at sa tiyan mong ubod ng laki.

Pati yung 15 pesos na Hershey's Sundae Cone drippings eh bakat na bakat sa dilaw mong t-shirt. Parang bata kung kumain ng ice cream.

Kaya nga ba naka-schedule dapat ang pagsusuot ng ganitong mga pink, dilaw, puti, at purple mountain majesty na kulay ng damit. Itataon mo dapat sa Fita o di kaya eh Skyflakes na baon.

Pati kapag nakikipagharutan sa gitna ng kalsada, kitang kita mo ang talsik ng maitim na plema galing sa lalamunan ng kalandian mo.

O kaya eh kapag nakikipag-wrestlingan ka sa mga pokpok.

O di kaya eh kapag nagripuhan ka ng adik o ng holdaper. Nako, mantsang-mantsa yan. Angal nanaman si Ariel at Mr. Surf dyan.

Kaya mag-itim madalas. Oo, mainit pero hindi halatang isang taon nang hindi nalalabhan ang pantalon na suot-suot mo.

17 Winners:

Anonymous said...

wag ka na lang magdamit para wala prob..wehehe.

Anonymous said...

Maganda at pabor yan sa bakla at matrona Lunes. Ayaw ko non, libreng karne para sa kanila. tsk tsk tsk...

Anonymous said...

si Mariano talaga.
wala kasing kwenta
yung labandera mo.

Anonymous said...

hahha! yellow at purple mountains majesty. parang isang box ng crayola crayons ang closet mo.

mag-suot ka na lang ng bib kapag kakain ka.

PoPoY said...

ahahaha. mariano, ayos. buti ka pa maraming dmit hahaha.

at yan na naman ang panatlon na ndi nalalabhan ng ilang taon :)

ayoko ng itim na damit. basta lang. hahaha

PoPoY said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

hilig mo kasi mag suot ng maninipis... baka sa susunod ireklamo mo naman yung 160 worth na sneakers na binili mo dati.

di ka pa yata namin nakitang magsuot ng pink.

Anonymous said...

i have to agree with leyn.. parang di pa kita nakitang nag pink!

Anonymous said...

urk. bakit lagi syang nakapink pag nagkikita kami dati?

Mariano said...

TL -- may kwenta yung labandera ko. tamad lang din kagaya ko.

Mariano said...

Tisay, hindi naman ako palaging may bib. Pero may bimpo naman ako. Pero ang awkward kapag may bib ako sa gitna ng lansangan ng Makati. Okay lang saken, pero sa mga taong kasama ko, hindi okay.

Popoy, yung damit ko, bilang sa daliri ko, at daliri na din ng nanay ko. Recycled eh, ehehehe. Iilan lang sila, kaya nakakahinayang na mamantsahan.

Leyn at Damdam, ang pink nasa katauhan ko at wala sa damit. At tama si Tee El, nagpipink ako kapag magkasama kame. Nagkataon lang siguro, hehe.

sugar said...

parang bata,natutuluan ng ice cream.
hahaha!

kmsta naman ang pants na 8 months ng di nalalabhan,(teka june pa ata na plurk un ah,so mga 10 months na ngaun?)

hehehe.

Anonymous said...

Sa kasamaang palad, nilabhan na ni nanay. Di ko napaabot ng 11 months. 10 months lang siya. Tsk tsk tsk.

Anonymous said...

bumula ba yung
pinaglabahan nung
pantalon mo? ahahah

yuck.

Anonymous said...

Hindi ko na tinanong sa inay pero nung nakita ko ang mukha niya nung nagkukwento siya, alam ko na ang resulta.

UtakMunggo said...

kitam? pagkain ulet. haha

mag-bib ka nalang kasi mariano.

:D

buy viagra without prescription said...

Kaya nga ba naka-schedule dapat ang pagsusuot ng ganitong mga pink, dilaw, puti, at purple mountain majesty na kulay ng damit. Itataon mo dapat sa Fita o di kaya eh Skyflakes na baon.