August 19, 2008

Dear

Dear Rainy Friday Night

Hi sayo, lalake sa harap ko.

Alam mo, ang hirap-hirap sumabit. Lalo pa't trapik at baha ang kalsada. Sana naman hindi ka nagtutumuwad diyan sa harap ko na parang gusto mong ipasok ang puwet mo sa sandata ko. Oo tama ka, ang puwet mo sa titi ko. Umayos ka naman ng sabit kahit patagilid kang pupwesto. Ayaw ko lang ng may nakatuwad sa harap ko na parang ako pa ang nag-utos na damputin ang mo ang sabon. You and your semi-standard shit!

At sa iyo naman butihing alalay ng driver. Napakahusay mo. Napakatalas ng iyong sense para sa mga mandurugas na kagaya mo. Akalain mong nalaman mo pa ang intensyon kong wag bayaran ang 14 pesos na pamasahe magmula Cubao hanggang Sta. Lucia East Grand Mall. Ang galing mo talaga, tinawag mo pa ako. "Hoy bayad mo!" Ako naman si dakilang panggapero, kunwari bumalik at nakalimot sa pagbabayad.

Meron kasing mga bagay na ayaw mong gawin pero kapag sinabi sayo, gagawin mo naman, halimbawa na diyan ang paghuhugas ng pinggan at pagpa-flush ng toilet. Gayun din ang pagse-sepilyo. Para sa sumabit na tulad ko, halimbawa nito ang pagbabayad ng pamasahe miski sabit ka na. Obligasyon mong bayaran ang biyahe at hindi ang pag-upo sa jeep. Kung ganun din lang eh di sana umupo ka na lang sa isang bangkuan sa harap ng bahay niyo.
Pero sana, sana man lang pinalampas mo na ako. Spartan mode na ako dahil hindi mo nilagyan ng apakan ang jeep mo.

Pero sino ba kasing nagsabi na sumabit ako sa jeep mo. Wala. Ako ang namili, therefore, dapat akong magbayad ng pamasahe.

Pasalamat ka't hindi ako kupal para wag magbayad kung tinanong mo na ako. Half-kupal lang ako kasi andun ang intensyon kong huwag magbayad. Bigyan mo ako ng credit at wag mo akong murahin ng patalikod. Nagbayad ako sa'yo at hindi ako nagpanggap na estudyante.

At sayo, sa jeep na biyaheng Montalban. Alam ko na-karma ako nung di mo ako sinuklian ng 1.50 pang extra sa bayad kong bente kahit na alam ng kahit na sino na minimum lang ang bayad ko. Salamat na lang sa pagpapaalala saken na meron nga pala talagang mga kupal na dapat masunog sa kumukulong asupre ng impyerno dahil lang halagang 1.50 pesos. You could stick that 1.50 straight up in your rotting anus.

6 Winners:

loudcloud said...

hahahahaha.

"God Knows Judas Not Pay"

i sticker mo sa ulo ng drayber yan

Myk2ts said...

wala kaong masabi.

papalakpak nalang ako :)

PoPoY said...

nasabi na yung linya sa jip ayan wala na ko masabi..

ingats sa pagsabit hehehe

teresa said...

ahaha.
langya,balak pang di magbayad,
bad un..

oi..exam mo ngaun daba?
gudluck naman.

NOIME said...

huwaw. ang galing naman ni kuya driver. minsan nakakainis talaga yung mga mandurugas na mga driver. HAHAHA. aymisyukuya.

Mariano said...

ALam mo Loud, kung pwede lang ipatattoo ko sa utak niya yan, gagawin ko. At syempre constant reminder din saken yan.

Palakpak na lang tayo myk2ts. *clap clap clap*

Salamat Popoy. Meron pang isa, yung: "Pull the string to stop"

Salamat Tere sa gudlak, hehe. Oo, wala akong balak magbayad kung ganun din lang kahirap ang dinadanas ko. Okay na ako sa pagtakbo mula sa drayber.

Magaling talaga siya Noime, at nakakamiss ka din. Madugas na drayber? Sangkaterba yan. Kulang lagi ng singkwenta sentimos.