August 15, 2008

The Death of Mariano Juancho

Okay, since hindi din naman ako nag-aaral, magpapakagago na lang ako dito.

= = = = = =

Tinanong ni father Ali dati nung Grade 4 kame: "Sino dito ang hindi takot mamatay?"

Taas agad ako ng kamay ng buong puso at walang pag-aalinlangan. Di man lamang sumagi sa isip ko na: "What the fucking fucky-fuck am I thinking about?"

Parang ipinahihiwatig ko sa lahat ng mga elementong nakakasaksi na tinatanggalan ko ng karapatan ang sarili kong maging extravagant at maging isang magaling na katauhan sa kahit saang larangan.

Kaya naman nasabi na lang ng tatay ko, "Babae ba si father Ali?"

= = = = = =

Maraming takot mamatay. Maraming hindi takot mamatay. Maraming nagpapakamatay, at maraming gustong mamatay.

Hindi naman porke hindi ka takot mamatay, gusto mo nang mamatay. Magkaibang bagay yung dalawa. Kumbaga, kapag hindi ka takot mamatay, tinatanggap mo ang katotohanan ng buhay na maaari itong magwakas anomang oras... teka... ugh... ang sakit ng dibdib ko... ugh... patawad sa lahat... ugh...

Praktis lang. Kever skabeche lang.

Gaano ba kabuo ang loob natin upang tanggapin ang katotohanang ito? Lahat naman tayo hahantong sa ganito, magkakaiba lang ng time frame, magkakaiba ng paraan, at magkakaiba ng bakas na naiwan.

Ano ba ang maganda sa kamatayan para tanggapin mo? Depende na rin siguro sa naging papel mo sa buhay. Kung may naging epekto ka ba sa iba o kung ano mang tuktok ng tagumpay ang narating mo.


= = = = = =

Ako, mababaw akong tao. Hindi ako komplikadong mag-isip pero may gusto din akong marating. Masaya na ako at natuto na akong magbisikleta o di kaya eh nagka-dengue na ako bago ako ma-deads, nakakain ng hotel food, at nakainom ng mamahaling alak.

Pero dahil sa normal akong tao na naghahangad din ng mga bagay at pangarap na matupad sa buhay ko eh gusto kong bigyan ng rason yung pagtataas ko ng kamay nung grade 4 ako.

Dahil bata pa ako nung ginawa ko yun, hindi ko pa naisip na pwede pa pala akong matutong mag-gitara o di kaya eh mag-tour sa Pilipinas.

Lord, nagtaas po ako ng kamay kasi di ako takot pero baka po pwedeng sa mga bandang 100s nyo na ako sunduin please?

Ang kapal ko, tumawad pa ako.

= = = = = =

Napagusapan sa klase namen nung 3rd year kung ano ba ang dapat gawin sa oras ng wakas. Kung halimbawang magkaroon na ng wakas ang sanlibutan ora mismo. Walang time first, walang wait lang, walang saling ketket. Lahat made-deads. Ano ang gagawin mo?

Sayang no? Andami mong pinagsisisihan siguro kung ganun. Marami ka agad gustong gawin sa buhay mo sa mga oras na yun. Gusto mo na ding mag-artista biglaan at gusto mo na ding magscuba diving, sky diving, pussy diving, at kung ano-anong mga bagay na gusto mong gawin sa buhay.

Ako siguro magsasalsal na lang ako at susulutin ko hanggang sa mamatay ako. Balita ko masarap daw ang feeling ng lalabasan ka tapos mamamatay ka. Baka maresurrect pa ako sa pagkakataon na yun. Orgasm at death makes you a god.

Eh ano nga bang gagawin mo kung maging ganun? Wala, wala kang magagawa. Wag ka nang mataranta. Ipagpatuloy mo na lang kung ano man ang ginagawa mo sa oras ng paghuhukom. Kung naghuhugas ka man ng pinggan o naglalaro ng teks. Swerte kung nakikipag-sex ka, malamang paspasan mo pa yon bago ka abutan ng kamatayan.

Bakit? Ano ba dapat gagawin mo? Hihingi ka ng sorry sa mga naagrabyado mo dati? Sa mga pagkukulang mo sa mga tao? Gagawin mo ang mga di mo nagawa?

Eh sos, isang malaking pagkakamali na lang at pahirap sayo yon. Para kang nagcram sa exam na yung tatlong buwan na itinuturo ng propesor mo eh isisiksik mo sa utak mo ng five minutes. Para kang naghintay na sagutin ng babaeng gustong-gusto mo tapos malalaman mong mas malaki pa pala ang titi niya sa titi mo.

Gawin mo lang ang kasalukuyan mong ginagawa. Kasi ang katapusan ng buhay, hindi predictable. Well unless siguro kung abusado ka sa katawan at sa pamumuhay mo, dapat mapredict mo na agad yon.

Kung hihingi ka ng tawad, magpapakita ng pagmamahal, magsisipag, magpapakatino all in the world, gawin mo NGAYON at ipagpatuloy mo hanggang sa katapusan ng buhay mo. Ipakita mo sa magulang mong mahal mo sila.

Ipakita mo sa kaibigan mo na marunong kang magpatawad. Ipakita mo sa boss mo na kaya mo siyang sapakin at sabay sabi ng PUTANGINA MO I RESIGN. Ipakita mo sa asawa mo na kahit may kabit ka, may panahon ka sa kanya.

Wala na akong pakialam kung pati ang titi at puke mo gusto mong ipakita, basta wag kang magdalawang-isip na gumawa ng mga bagay na hindi mo pagsisisihang hindi mo nagawa kapag umalis ka na at tumira sa ethereal realm.

Para naman masabi mo sa sarili mo sa harap ng kamatayan na may narating ka at hindi ka kagaya ko na gumagawa lang ng post imbes na nag-aaral.

= = = = = =

Base sa pag-aaral ko, kung hindi ako titino sa paraan ng pamumuhay ko ngayon, sa mga edad na 30+ pwede na akong mamatay.

Yosi
Alak
Matatabang pagkain at maalat na pagkain (which means lahat ng masarap)
Puyat
Walang eksersays

Yan ang mga vital ingredients na ikamamatay ko. Sa edad kong 22, nakakagulat para sa mga medical people na malaman na 150/110 ang blood pressure ko. Di naman normal yan. Ang normal ko eh nasa 130/110 ata.

Masyado akong bata para dito. Dapat na ata akong magkaanak.

Kailangan ko na ata ng lahat ng kinokomersyal na supplements. Liveraide, Gatorade, My Marvel Taheebo, Abs Bitter Herbs, Charantia, Juice of Youth, Pamparegla, Pito-pito, Shabu, Lechong kawali, lahat na. Pati Rhino.

Kaya kung ayaw mong magaya saken, magtino ka sa buhay mo. Makinig ka sa payo ng duktor at wag kang jakol ng jakol.

May maintenance meds na ako ngayon. Parang tanga. Sayang ang healthy lifestyle ko nung mga panahong naglalakad pa ako dahil wala akong pamasahe. Ngayon kahit taxi nakakasakay ako wag lang maglakad.

May gamot na ako. Buti na lang mura lang. P3.95 pesos isa. Sayang, sana pambili ko na lang ng chichirya ito o kaya pangkain ng Pancake Sandwich sa Jollibee.

3.95 x 30 days = 118.50 ang gastos ko sa isang buwan para sa gamot.

Sa 118.50 meron na akong 5.925 na malalaking chichirya ng Nova, Piattos o Tostillos, o di kaya eh 2.418367347 piraso ng Jollibee Pancake Sandwich (without drinks)

O di kaya eh X amount ng condoms. Sorry, di ko alam ang presyo ng condoms.

O kaya eh bahay at lupa para sa mga langgam.

Pwera pa sa 820 pesos na test para malaman na wala sa dugo ang problema ko. Plus 200 pa para basahin ni doc ang resulta ng tests na kahit grade 1 malalaman na normal ang values. Sa 200 pesos kasama na ang konting himas, titig, inhale exhale instructions, at isang piraso ng papel na pharmacists lang ang makakabasa. Di na rin masama, pwede na.

Kaya kung ako ikaw, pilitin mo munang wag mamatay. Pakatino ka nga you asshole! Sayang ang buhay mo! Magbasa ka ng blog ko!

That last statement is a fucking useless suggestion.

14 Winners:

Anonymous said...

ang haba. di ko feel magbasa. hahaha! binasa ko na lang yung ending, tas biglang sabi "Sayang ang buhay mo! Magbasa ka ng blog ko!"

hahaha! weird...

Anonymous said...

Hoy Procky parehas ka din palang tamad ko eh. Hindi weird yan, totoo yan. Para magkaron ng katuturan ang buhay mo magbasa ka ng blog ko, ahaha.

sugar said...

ang haba..hehe! pero binasa ko ha.
tama naman,may point ka dun.
hindi mo naman magagawa lahat ng gustong baguhin sa isang iglap lng,masabi lang na nkagawa ng mabuti bago mamatay.

kung may gustong itama.
ihingi ng tawad.
sabihan ng "taena mo,mahal kita"
dapat simulan na ngaun.

dahil hindi naman natin masasabi kung kelan tau kukunin ni God.

alam mo related itong post mo sa gusto kong ipabili na book, "HOW TO HAVE A GOOD DEATH ni Jane Feimann,in preparation lang,haha! kaso ang mahal.

Anonymous said...

Ako na lang ang magsasabi sayo kung paano ka magkakaron ng magandang kamatayan Tere. Di mo kailangan ng aklat para sa ganun, bayaran mo na lang ako, matutuwa ka pa.

PoPoY said...

para akong pinapangaralan ng pari habang binabasa ko to M.

o well, enjoy life. :)

Anonymous said...

Bakit Popoy, pwede naman kitang gawing tagasunod ko kahit hindi ako pari ah.

Anonymous said...

may panahon pa naman ako sayo ah..
*sigh*

Anonymous said...

OMG TITAAAA!!! Uhm, uhm, uhm... aaah, ano kasi, aaah. Oh shitz. Bai!

Anonymous said...

hoy di ako tamad no. hahah! kahapon lang ako hindi nagbasa ng mga mahahaba mong entry. hahaha!

ayan binasa ko na.

matagal ka pa mamamatay. 84 years old diba. sabi sa death test dati? hahaha!

dapat makahanap ka ng magandang babae sa gym. para mapapa-punta ka sa gym araw-araw. tas magiging healthy ka na. nyahaha. good liiicks.

Lyzius said...

putah naman M, ako ba pinapatamaan mo ng mga bagay na to???? shet kelangan na talagang gawin ang lahat ng dapat gawin before its too late, then magkakaroon ng mga regrets..

mahaba...malaman...makabuluhan...

bahala ka na mag isip kung ano man yang tatlong salita na yan...

Dakilang Tambay said...

natatamad ako magbasa.

patay ka na?

ows

UtakMunggo said...

fucky-fuck nga! hehe.. hoy bawiin mo kay papa God yung request mong asa 100's ka na kunin.. hindi na life ang meron sila kundi survival nalang. gusto mo non? nakaratay ka for one decade? sus.

lucas said...

waa...ayoko pa mamatay..hehe!

Clay Perry said...

i concur...