Ang isa sa mga maaaring pinakaembarassing moment para sa akin ay ganito:
Sobrang natatae na ako at 3 hours ko nang pinipigil ang pagbuka ng puwit ko dahil sa sobrang katakawan ko.
Naglalakad pa lang ako papunta sa bahay eh nararamdaman ko na ang unti-unting pagsirit ng katas unmanaged bowel movements.
Tapos narerelaks ka na dahil andyan na ang banyo.
Naghubo ka na ng pantalon, shorts, at brief, sabay upo sa toilet. Sayo ang mundo at walang kang pakialam sa lahat ng bagay sa paligid mo.
Maliban lang sa nakita mong ipis sa pader sa kanan mo.
Nakaangat ang ulo ng ipis na nagpapahiwatig na malapit na itong lumipad. Lumipad patungo sa nag-iisang taong nasa loob ng silid at sa nag-iisang taong takot na takot sa kanyang paglipad.
Ngayon, hindi ko alam kung mas nakakahiya ba ang matakot ako sa ipis na lumilipad ko tumakbo ako palabas ng CR na hindi naghuhugas ng puwet.
Shet, bungisngis siguro yung ipis nun kung nagkataon.
Elongate...
Shorten...
Nung isang beses, nakita ako ng nanay ko na nagsesepilyo.
Nay: Aba, san ka pupunta?
Ako: Wala po. Bakit po?
Nay: Aba eh nagsesepilyo ka eh.
Ako: ...
Ano ba naman yan, para namang ang dumi-dumi kong tao na hindi nagsesepilyo gabi-gabi! Kilala mo nga ako Nay, apir tayo!
Puta, siguro kapag nag-mouthwash ako sabihin naman eh kung baka daw mag-aabroad ako.
Tapos kung nagpalit naman ako ng brief eh sasabihin naman eh baka daw mag-aasawa na ako.
Andaming interpretasyon ng mga bagay-bagay no?
Kaya ikaw, wag kang magpapakita saken na kumakain ka ng ice cream cone lalo na kung isa kang magandang dilag na kaakit-akit ang postura.
Baka maisip ko na lang na padilaan sayo ang ice cream ko.
Elongate...
Shorten...
Napakahirap talagang magsuot ng light colored na damit para sa taong barubal na tulad ko.
Kitang-kita mo kagad ang kalat ng Lemon Square Dream Double Chocolate sa dibdib mo at sa tiyan mong ubod ng laki.
Pati yung 15 pesos na Hershey's Sundae Cone drippings eh bakat na bakat sa dilaw mong t-shirt. Parang bata kung kumain ng ice cream.
Kaya nga ba naka-schedule dapat ang pagsusuot ng ganitong mga pink, dilaw, puti, at purple mountain majesty na kulay ng damit. Itataon mo dapat sa Fita o di kaya eh Skyflakes na baon.
Pati kapag nakikipagharutan sa gitna ng kalsada, kitang kita mo ang talsik ng maitim na plema galing sa lalamunan ng kalandian mo.
O kaya eh kapag nakikipag-wrestlingan ka sa mga pokpok.
O di kaya eh kapag nagripuhan ka ng adik o ng holdaper. Nako, mantsang-mantsa yan. Angal nanaman si Ariel at Mr. Surf dyan.
Kaya mag-itim madalas. Oo, mainit pero hindi halatang isang taon nang hindi nalalabhan ang pantalon na suot-suot mo.
Elongate...
Shorten...
Dear Rainy Friday Night
Hi sayo, lalake sa harap ko.
Alam mo, ang hirap-hirap sumabit. Lalo pa't trapik at baha ang kalsada. Sana naman hindi ka nagtutumuwad diyan sa harap ko na parang gusto mong ipasok ang puwet mo sa sandata ko. Oo tama ka, ang puwet mo sa titi ko. Umayos ka naman ng sabit kahit patagilid kang pupwesto. Ayaw ko lang ng may nakatuwad sa harap ko na parang ako pa ang nag-utos na damputin ang mo ang sabon. You and your semi-standard shit!
At sa iyo naman butihing alalay ng driver. Napakahusay mo. Napakatalas ng iyong sense para sa mga mandurugas na kagaya mo. Akalain mong nalaman mo pa ang intensyon kong wag bayaran ang 14 pesos na pamasahe magmula Cubao hanggang Sta. Lucia East Grand Mall. Ang galing mo talaga, tinawag mo pa ako. "Hoy bayad mo!" Ako naman si dakilang panggapero, kunwari bumalik at nakalimot sa pagbabayad.
Meron kasing mga bagay na ayaw mong gawin pero kapag sinabi sayo, gagawin mo naman, halimbawa na diyan ang paghuhugas ng pinggan at pagpa-flush ng toilet. Gayun din ang pagse-sepilyo. Para sa sumabit na tulad ko, halimbawa nito ang pagbabayad ng pamasahe miski sabit ka na. Obligasyon mong bayaran ang biyahe at hindi ang pag-upo sa jeep. Kung ganun din lang eh di sana umupo ka na lang sa isang bangkuan sa harap ng bahay niyo.
Pero sana, sana man lang pinalampas mo na ako. Spartan mode na ako dahil hindi mo nilagyan ng apakan ang jeep mo.
Pero sino ba kasing nagsabi na sumabit ako sa jeep mo. Wala. Ako ang namili, therefore, dapat akong magbayad ng pamasahe.
Pasalamat ka't hindi ako kupal para wag magbayad kung tinanong mo na ako. Half-kupal lang ako kasi andun ang intensyon kong huwag magbayad. Bigyan mo ako ng credit at wag mo akong murahin ng patalikod. Nagbayad ako sa'yo at hindi ako nagpanggap na estudyante.
At sayo, sa jeep na biyaheng Montalban. Alam ko na-karma ako nung di mo ako sinuklian ng 1.50 pang extra sa bayad kong bente kahit na alam ng kahit na sino na minimum lang ang bayad ko. Salamat na lang sa pagpapaalala saken na meron nga pala talagang mga kupal na dapat masunog sa kumukulong asupre ng impyerno dahil lang halagang 1.50 pesos. You could stick that 1.50 straight up in your rotting anus.
Elongate...
Shorten...
Di lang si XG ang may scandal...
Yeah yeah, fuck me, I'm corny.
Wala akong ganito. Gusto ko lang nung ganito.
Thanks sa magbibigay! Yung mga tig-500+ pesos naman para medyo may class.
Elongate...
Shorten...
Okay, since hindi din naman ako nag-aaral, magpapakagago na lang ako dito.
= = = = = =
Tinanong ni father Ali dati nung Grade 4 kame: "Sino dito ang hindi takot mamatay?"
Taas agad ako ng kamay ng buong puso at walang pag-aalinlangan. Di man lamang sumagi sa isip ko na: "What the fucking fucky-fuck am I thinking about?"
Parang ipinahihiwatig ko sa lahat ng mga elementong nakakasaksi na tinatanggalan ko ng karapatan ang sarili kong maging extravagant at maging isang magaling na katauhan sa kahit saang larangan.
Kaya naman nasabi na lang ng tatay ko, "Babae ba si father Ali?"
= = = = = =
Maraming takot mamatay. Maraming hindi takot mamatay. Maraming nagpapakamatay, at maraming gustong mamatay.
Hindi naman porke hindi ka takot mamatay, gusto mo nang mamatay. Magkaibang bagay yung dalawa. Kumbaga, kapag hindi ka takot mamatay, tinatanggap mo ang katotohanan ng buhay na maaari itong magwakas anomang oras... teka... ugh... ang sakit ng dibdib ko... ugh... patawad sa lahat... ugh...
Praktis lang. Kever skabeche lang.
Gaano ba kabuo ang loob natin upang tanggapin ang katotohanang ito? Lahat naman tayo hahantong sa ganito, magkakaiba lang ng time frame, magkakaiba ng paraan, at magkakaiba ng bakas na naiwan.
Ano ba ang maganda sa kamatayan para tanggapin mo? Depende na rin siguro sa naging papel mo sa buhay. Kung may naging epekto ka ba sa iba o kung ano mang tuktok ng tagumpay ang narating mo.
= = = = = =
Ako, mababaw akong tao. Hindi ako komplikadong mag-isip pero may gusto din akong marating. Masaya na ako at natuto na akong magbisikleta o di kaya eh nagka-dengue na ako bago ako ma-deads, nakakain ng hotel food, at nakainom ng mamahaling alak.
Pero dahil sa normal akong tao na naghahangad din ng mga bagay at pangarap na matupad sa buhay ko eh gusto kong bigyan ng rason yung pagtataas ko ng kamay nung grade 4 ako.
Dahil bata pa ako nung ginawa ko yun, hindi ko pa naisip na pwede pa pala akong matutong mag-gitara o di kaya eh mag-tour sa Pilipinas.
Lord, nagtaas po ako ng kamay kasi di ako takot pero baka po pwedeng sa mga bandang 100s nyo na ako sunduin please?
Ang kapal ko, tumawad pa ako.
= = = = = =
Napagusapan sa klase namen nung 3rd year kung ano ba ang dapat gawin sa oras ng wakas. Kung halimbawang magkaroon na ng wakas ang sanlibutan ora mismo. Walang time first, walang wait lang, walang saling ketket. Lahat made-deads. Ano ang gagawin mo?
Sayang no? Andami mong pinagsisisihan siguro kung ganun. Marami ka agad gustong gawin sa buhay mo sa mga oras na yun. Gusto mo na ding mag-artista biglaan at gusto mo na ding magscuba diving, sky diving, pussy diving, at kung ano-anong mga bagay na gusto mong gawin sa buhay.
Ako siguro magsasalsal na lang ako at susulutin ko hanggang sa mamatay ako. Balita ko masarap daw ang feeling ng lalabasan ka tapos mamamatay ka. Baka maresurrect pa ako sa pagkakataon na yun. Orgasm at death makes you a god.
Eh ano nga bang gagawin mo kung maging ganun? Wala, wala kang magagawa. Wag ka nang mataranta. Ipagpatuloy mo na lang kung ano man ang ginagawa mo sa oras ng paghuhukom. Kung naghuhugas ka man ng pinggan o naglalaro ng teks. Swerte kung nakikipag-sex ka, malamang paspasan mo pa yon bago ka abutan ng kamatayan.
Bakit? Ano ba dapat gagawin mo? Hihingi ka ng sorry sa mga naagrabyado mo dati? Sa mga pagkukulang mo sa mga tao? Gagawin mo ang mga di mo nagawa?
Eh sos, isang malaking pagkakamali na lang at pahirap sayo yon. Para kang nagcram sa exam na yung tatlong buwan na itinuturo ng propesor mo eh isisiksik mo sa utak mo ng five minutes. Para kang naghintay na sagutin ng babaeng gustong-gusto mo tapos malalaman mong mas malaki pa pala ang titi niya sa titi mo.
Gawin mo lang ang kasalukuyan mong ginagawa. Kasi ang katapusan ng buhay, hindi predictable. Well unless siguro kung abusado ka sa katawan at sa pamumuhay mo, dapat mapredict mo na agad yon.
Kung hihingi ka ng tawad, magpapakita ng pagmamahal, magsisipag, magpapakatino all in the world, gawin mo NGAYON at ipagpatuloy mo hanggang sa katapusan ng buhay mo. Ipakita mo sa magulang mong mahal mo sila.
Ipakita mo sa kaibigan mo na marunong kang magpatawad. Ipakita mo sa boss mo na kaya mo siyang sapakin at sabay sabi ng PUTANGINA MO I RESIGN. Ipakita mo sa asawa mo na kahit may kabit ka, may panahon ka sa kanya.
Wala na akong pakialam kung pati ang titi at puke mo gusto mong ipakita, basta wag kang magdalawang-isip na gumawa ng mga bagay na hindi mo pagsisisihang hindi mo nagawa kapag umalis ka na at tumira sa ethereal realm.
Para naman masabi mo sa sarili mo sa harap ng kamatayan na may narating ka at hindi ka kagaya ko na gumagawa lang ng post imbes na nag-aaral.
= = = = = =
Base sa pag-aaral ko, kung hindi ako titino sa paraan ng pamumuhay ko ngayon, sa mga edad na 30+ pwede na akong mamatay.
Yosi
Alak
Matatabang pagkain at maalat na pagkain (which means lahat ng masarap)
Puyat
Walang eksersays
Yan ang mga vital ingredients na ikamamatay ko. Sa edad kong 22, nakakagulat para sa mga medical people na malaman na 150/110 ang blood pressure ko. Di naman normal yan. Ang normal ko eh nasa 130/110 ata.
Masyado akong bata para dito. Dapat na ata akong magkaanak.
Kailangan ko na ata ng lahat ng kinokomersyal na supplements. Liveraide, Gatorade, My Marvel Taheebo, Abs Bitter Herbs, Charantia, Juice of Youth, Pamparegla, Pito-pito, Shabu, Lechong kawali, lahat na. Pati Rhino.
Kaya kung ayaw mong magaya saken, magtino ka sa buhay mo. Makinig ka sa payo ng duktor at wag kang jakol ng jakol.
May maintenance meds na ako ngayon. Parang tanga. Sayang ang healthy lifestyle ko nung mga panahong naglalakad pa ako dahil wala akong pamasahe. Ngayon kahit taxi nakakasakay ako wag lang maglakad.
May gamot na ako. Buti na lang mura lang. P3.95 pesos isa. Sayang, sana pambili ko na lang ng chichirya ito o kaya pangkain ng Pancake Sandwich sa Jollibee.
3.95 x 30 days = 118.50 ang gastos ko sa isang buwan para sa gamot.
Sa 118.50 meron na akong 5.925 na malalaking chichirya ng Nova, Piattos o Tostillos, o di kaya eh 2.418367347 piraso ng Jollibee Pancake Sandwich (without drinks)
O di kaya eh X amount ng condoms. Sorry, di ko alam ang presyo ng condoms.
O kaya eh bahay at lupa para sa mga langgam.
Pwera pa sa 820 pesos na test para malaman na wala sa dugo ang problema ko. Plus 200 pa para basahin ni doc ang resulta ng tests na kahit grade 1 malalaman na normal ang values. Sa 200 pesos kasama na ang konting himas, titig, inhale exhale instructions, at isang piraso ng papel na pharmacists lang ang makakabasa. Di na rin masama, pwede na.
Kaya kung ako ikaw, pilitin mo munang wag mamatay. Pakatino ka nga you asshole! Sayang ang buhay mo! Magbasa ka ng blog ko!
That last statement is a fucking useless suggestion.
Elongate...
Shorten...
Fuck you exam
Fuck you SCJP
Fuck you questions
Fuck you answers
Fuck you wrong answers
Fuck me correct answers
Fuck you exam voucher
Fuck you credentials
Fuck you registration
Fuck you reservation form
Fuck you studying
Fuck you programming codes
Fuck you choices
Fuck you none of the above
Fuck you a b c d e
Fuck you "choose all that applies"
Fuck you survey
Fuck you drag and drop
Fuck you 72 items
Fuck you 59%
Fuck you 3 hours
Fuck you responsibilities
Fuck you salary
Fuck you Java
Fuck me Angel Locsin
Fuck you Mariano, mag-aral kang mag-isa mo
-utak
Elongate...
Shorten...
From: Huwantso
To: Ms. HR aka Satan's Agent
Cc: Big Brother Boss
Subject: FW: SCJP REtake[Scanned]
Hola,Succubus!
I spit on your dopey questionnaire, you corporate ass-kissing maggot. I hope you froze from paralyzing brain aneurysm, you bureaucratic freak. I'll dance on your tomb and hope you grow old and die a fucking virgin.
See you at your funeral.
All the best!
Huwantso
Thanks to LoudCloud for that wonderful sample e-mail. Brilliant yet I have not excavated any form of courage to event think of delivering this type of message.
Thanks thanks!
Elongate...
Shorten...
From: Ms. HR
To: Mariano Juancho
Cc: Big Brother Boss
Subject: FW: SCJP REtake[Scanned]
Date: Thu, 7 Aug 2008 17:06:35 +0800
Hi Huwantso,
Please be advised that you are scheduled for a retake of the SCJP exam on August 20. The following time slots are still open – 9am, 11am and 1pm. You may coordinate with Ms. Front Desk regarding your preferred time slot.
Let me know if you have questions.
Good luck in the exam!
Regards,
Ms. HR
Nagbabadyang wakas para sa kagaguhan ko dito sa opisina. For the Nth time. Magi-isang taon na nga pala ako ngayong September.
Ako na lang sa batch namin ang hindi pasado. Kahit hindi ko nagugustuhan ang gawain dito 85% of the time, gusto ko pa ding manatili at bunuin ang 2 taon na bond kasama ng mga ka-batch kong mga napamahal na sa akin.
Kailangan ko munang MULI nanamang magpanggap na nag-aaral at nagpapakabihasa. Sistemang estudyante nanaman ako nito. Sa pagkakataong ito, sagad na sa tinggle ang palugit na ibinigay sa akin.
Kapag minalas nanaman ang tamad kong kokote ngayon pangkakataon na ito, sa kariton nanaman ako titira. I hate effing roaches pa naman. So I guess I have to make it big this time to not live in a barong-barong enimoar.
Magpapakaermitanyo muna ako hanggang matapos ang August. Babalik na lang ako dala ang good or bad news na ako lang din naman ang apektado. Sana good na ngayon. Ayoko ng magpost ng pagka-loser ko pagdating sa opisina, baka mamaya maging boss ko pa ang reader ko eh mawalan na ng tiwala saken.
Elongate...
Shorten...
Naiwan ko yung gamot ko sa hayblad. Putangina, sa pag-iisip kong wag maiwan itong shisha eh nagpalit ako ng bag.
Kasalanan mo to Hener.
Nandun lahat ng gamit ko at abubot.
Kaya naman bumili ako ng gamot sa botika para sa araw na to.
P3.95 ang isang piraso. Dalawa ang kailangan. Hapon at umaga.
Bale 8 pesos ang binayaran ko.
Sakto! May 2 pesos pa akong sukli para pang-yosi! Yes!
P.S.
Happy 888 Olympics.
Elongate...
Shorten...
Napansin ko na malago na pala ang balbas ko sa aking baba(chin) at medyo magaspang ang buhok dahil matagal ko na siyang hindi naahit. Samakatuwid, mula nung tumubo siya at kumapal, hindi ko pa din siya naahit hanggang ngayon. Napuna na ito ng HR personnel na naginterbyu saken nung minsang mag-apply ako sa trabaho kung willing daw ba akong ahitin ito. Syempre tumanggi ako ng nanlilisik ang mata sabay buga ng apoy sa mukha ng babae.
At napansin ko din na pareho sila ng texture kapag nagkakamot ako sa area ng etits ko. Mula kasi ng tubuan ako ng bulbol, di ko pa din inaahit. Pero di naman yun napuna ng HR nung minsang nag-apply ako. Buti naman kasi hindi ko balak ahitin ito. Bahala na silang magtanggal ng mga piraso nito sa ngipin nila, kung sino man sila.
Kaya naman minsan hindi ko lubos na maisip kapag nagkakamot ako ng balbas eh kung parehas nga ba ng klase ng buhok meron ang baba(chin) at ang baba(crotch area). At kung sabihan man akong mukha akong bayag, dapat ba akong ma-offend?
Kung kailangan ninyo ng pruweba, hindi na ako kailangan pang kontakin. Dumukot lang kayo sa mga pantalon ninyo at kamutin ang balbas at bigote.
Para naman sa babae, sa kili-kili ang comparison form.
Elongate...
Shorten...