July 18, 2008

Office Chronicles : APE Aftermath

July 18, 2008 na nga.

Putangina mo kang lindol ka. Kahit man lang 0.00000000000000000001 Magnitude hindi ka nagparamdam para pigilan ang putanginang PE ito.

Wala din, tumuwad din ako.

Doc: "Okay. Tanggal ang pantalon pati brief. Okay, tuwad. Bukaka. Ibuka mo yung pwet mo *ilaw ng flashlight*. Okay, harap *ilaw ng flashlight*. OMG ANG LAKI!"

Joke lang yung last statement ni doc.

Tangina, di na ako nakatanggi. Napakabilis ng pangyayare. Nalaman ko na lang nakatingin ako sa baba at kaharap ang sahig habang binubuka ang dalawang pisngi ng puwet ko. Saglit lang naman sinilip. Wala pang 1 hour. Mga 59 minutes? Joke.

Sabagay, sanay naman na akong tumuwad at lumiyad. Puta, wag na kayong mag-isip ng kung ano. Ang mahalaga hindi kinalikot ang tumbong ko. Akala ko nga gagamitan pa ako ng 2 fingers eh. Kinabahan ako. Baka kasi kulangin ang dalawa at dagdagan pa ng isa.

Hindi na kasi nagkaroon pa ng panahon na kalikutin pa ang puwet ko Buti na lang at ganun ang nangyare. Matinding puwersa kasi ng pagpipigil ang ginamit ko ngayong araw na ito. Hindi pa kasi ako nagsa-submit ng stool sample. Baka mai-submit ko sa harapan ni doc ng rumaragasa at wala sa oras kung sinundot niya pa ang anal hole ko.

Kaya naman hindi na pinagkainteresan ni doc ang fingerin ang puwet ko eh na-overwhelm siguro siya sa mas mahalagang issue.

Doc: "Kunin ko BP mo ha. *pump pump pump*. Hmmm, ang taas ah. Sa kaliwang kamay. *pump pump pump*. Ang taas ng BP mo. May history kayo ng ganun?"

Ako: "Meron po. Si nanay at si tatay. Eh pero uminom po ako ng kape kanina eh."

Doc: "Kahit na. Masyadong mataas. Hindi dapat ganun. 22 ka lang. Mataas ito."

Ang dami kong gustong sabihin sa mga narinig ko mula kay doc. Gusto kong sabihin na nervous lang ako dahil kakalikutin niya ang puwet ko with 2 fingers, kaya tumaas ang BP ko. O kaya naman eh lalo lang tataas ito sa pag-aalala dahil sinabi nga niyang mataas.

Ganun naman yun eh. Psychological. Kaya nga ba't ayaw ko ang mga medical check-up na ito. Nalalaman ko kung anong mali sa akin. Imbes na magjajakol na lang ako at matutulog sa gabi eh iintindihin ko pa kung magigising ba ako sa umaga, o kung magising man, hindi ako mamamatay sa sakit ko.

Doc: "150/110? Mataas. Delikado ka. Dapat mong i-monitor ang kalagayan mo. Pwedeng may pumutok na ugat sayo."

Ako: ***Tangina naman. Imbes na ugat na lang sa tite ang papaputukin ko, bakit naman kung anong ugat pa?*** "Uhm, okay po doc."

Uminom ako ng gamot at after ilang minutes naging 140/110. Ayon sa ECG, nasa normal level pa naman daw ang aking kalagayan pero delikado pa din daw sabi ni doc. Stage 2 Hypertension.

Andami ko nanamang pagdadaanang tests nito. Hindi ko pa nga naiipasa yung SCJP Exam ko tapos eto naman ngayon at may test nanaman pakingshittersgalore.

Akala ko pa man din eh sasabihin ng duktor na ang sperm cell ko ang magbubunga ng pinakamatitikas at pinakamagagandang lahi ng tao sa balat ng mundo. Na kayang-kayang bumuo ng makabagong Pilipinas ang lahi ko na magpapabagsak sa mga makapangyarihang bansa sa mundo.

Kaso hindi. Wala, boloks na lang me. HighBlood? That's so unlegendary.

Pero walang kinalaman yung sperm sa pagtuwad ko okay?

= = = = = = =

Physical Exam Procedures

1. Obtain form -- This includes containers for urine samples and stool sample.

Ako: "Ma'am, ipapa-LBC ko na lang po yung stool sample ko."

Tangina wala akong magandang dahilan para hindi magbigay ng stool sample. Araw-araw akong jumejebs sa office. Walang kwentang sabihin kong namamahay ang puwet ko o di kaya eh wala akong majebs. Alam ni manong guard yun.

Blood sampling --

Ako: "Wala na po bang mas sasakit pa dito? Wala kasi akong naramdamang tusok. Manhid na ako sa tusok."

Height: 171cm
Weight: 70 kilograms body weight, 5 kilograms testicular weight

Oral Inspection --

Buti na lang hindi natunaw ang sophisticated na camera ni doc sa bibig ko. Tangina di pa ako nagtututbras nung ginamitan niya ako nun. Swerte na lang niya di ako huminga sa bibig.

2. Eye exam

Ako: "Ma'am, malalaman po ba dyan sa aparato nyo kung namboso yung pasyente?"

Kasalukuyan kasing nakasalang si OfficeMate Kulite nung mga oras na yun. Akalain mong colorblind pala siya?! Wala kasi siyang makita sa mga color tests sa mata, dun sa may kulay kulay? Wala talaga siyang makita.

Ako naman daw eh 20/25 ang vision at kailangang i-correct. Nadulas ako kasi dun sa Snellen Chart nila na kinabisado ko. Akala ko makakalusot. Ayun, bisto ako. Akala ko pa man din eh sabak na sabak na ang mga mata ko sa pangongodigo ko nung college pa ako. Di pala sapat yun para pampalinaw ng mata.

Sayang ang sandamakmak na kalabasa sa bahay. Malamang 20/20 pa din ang vision ko kung nagpapak lang ako ng kalabasa.

Pero seriously ang linaw nung mata ko nung nilagyan nila ng lens. Parang ayaw ko nang ipatanggal at gusto ko na lang silang takbuhan suot suot ang salamin na magmumukha akong Wall-E.

3. X-Ray

Walang kakaiba dito. Wala naman daw nakitang insignia ng Marlboro sa baga ko. Sabi pa ni kuya yun pa daw mga smokers ang walang sablay sa lungs. HOORAY FOR SMOKERS!!!

4. Physical Exam

Dito ko nalaman na HB pa din ako at parang mas tumaas pa sa normal. Holipakingsyet, pano na ang mga bisyo ko? Buti na lang saktong nagbabawas ako ng sigarilyo.

Dito ako tumuwad. Okay lang, no big deal. Yung pinaka-inaayawan ng mga tao, nagawa ko. FUCK YOU ALL, tumuwad ako at binuklat ko ang puwet ko sa harap ng hindi ko kilalang tao. Miski pangalan ni doc di ko alam. Akala ko nga ile-laser niya eh, may hawak kasi siyang parang flashlight. Pero flashlight lang naman pala talaga.

I BENT OVER A STRANGER FTW!!!

Wala, dun lang natapos ang physical exam. I conclude na hindi maasahan ang lindol sa mga ganitong pagkakataon. Pero wag na, wag na siyang dumating. Tapos na eh, tumuwad na ako.

= = = = = = =

Gusto ko sanang magpa-Lipid profile, at mga kung ano kasi yun ang mahal kaso lang 12 hours ang fasting nun. Sakto namang kakakain ko lang ng Munchkins at kaiinom ko lang ng kape. Solb solb! What a lifestyle!

AT ANG PUTANGINANG HANDWRITING NG MGA DOKTOR. Alam ko, normal na yun. Ewan ko ba kung bakit ganito sila magsulat. Hindi ko mabasa kung anong sulat.

Kudos na lang sa mga Pharmacologists, tangina ang galing nilang mag-aral ng handwriting ng mga duktor! Champion talaga.

Ano bang gamot to? Monteaowieuqwoieu? Putangina talaga.

So anong napala ko? Wala. Ganun na lang yon. Tapos na.

At hindi na ako nag-submit ng stool sample. At walang fingeran na nangyare.

= = = = = = =

Naikwento nga pala ni Jerome na naghumubad at tumuwad din siya dun sa harap ng duktor. Eh okay lang kasi parehas naman silang babae. Kaso lang nung muntik na siyang madapa, sabi niya eh AY PUKE MONG MALAKE.

Natawa ang duktor.

Naisip ko nga kung baka pagtuwad ni Jerome eh sabihan siya ng duktor na EH IKAW NAMAN PALA YUNG MERON NUN EH!

11 Winners:

napunding alitaptap... said...

ahaha. . . wala, akala ko magaabsent ka talaga. hehe

at paramis, sayo ko lan nalaman yung may lindol nayun araw. hindi talaga ako nagpay attention dyan nun nabanggit sa akin noong unang manahon.(parang ngongo, ang typo, ang layo ng M sa P, taeness) panahon yun.

hmmmm,BP, mataas? relax lan kasi.

at ukol sa jebs, TOTOO pala talaga po yun nagout ka saglit sa ym para magjebs.ahahaha! apir!

flyfly!

Anonymous said...

bwahahah!! mahaba ang entry kaya mahaba ang comment.

sorry naman di na ko nakapag-ym kagabi. ayan wala ka nanaman tuloy maiku-kwento saken, sayang. hahah!

siguro up to the last minute nagda-dasal ka pa rin na lumindol no? harharhar!

tinignan lang ni doc yung asshole mo? bkit? ano naman ang findings nya sa pagtapat ng ilaw sa pwet mo? dapat may fingeran na nangyare! hahah! fisting pa dapat! BWAHAHHAA!! hindi hardworker si doc, mnamadali ang mga check ups. zeusdemet. eitherway para ni-molest ka pa din ng doctor. ahahha!

magsasalamin ka na ba ngayon? o test lang yun? maganda yung magsalamin parang genius. hihihi!

AY PUKE MONG MALAKE!! rawr. pano kaya kung ang mga tao sa pilipinas magsimula na magsabi ng peaches.

AY PEACHES MONG MALAKE!! haha! di bagay. sige kita na lang tayo sa YM kung kelan man. hahaha! apir!

Anonymous said...

hoy. tigilan na ang paninigarilyo. high blood ka. mashado ngang mataas para sa edad mo. mag-bp ka ng dalawang magkasunod na araw. yung relaxed ka ha at wala kang ginawa (ergo, bawal mag... you-know-what...













sira.


tumakbo. bawal tumakbo!)


pero seryoso ako. mag-bp ka nga. at magpacheckup. sose ka. wag mo kong unahan mamatay. hehe

Anonymous said...

alagaan mo naman ang sarili mo.
kahit hindi na para sakin.
utang na loob.

damdam said...

aba! nakikipag paligsahan ba ang bp mo sa pataasan ng gas at bigas? langyang bp yan! ako naman low blood. bigay mo na alng sa akin yung sobra para healthy na tayo.

at apreho tayo, mga takot sa checkup!

at nga pala sa wakas, di ako masyadong nangawit this time sa entry mo.

Anonymous said...

hahahah, ayan napagalitan ka ni doc mnel!
sumunod ka oi!



nga pala. sa tagal na panahon na pagaaral sa medisina. sapat na yun na traning para sa napakagandang penmanship! hahahhaha


pagpasensyahan mo na ang ming mabusising parran=]

nyari ka pa mariano, nagenjoy ka naman? hehheeh


ingats!

Mariano said...

Hoy En-ey, magbasa ka nga ng chismis at nang malaman mo ang mga pekeng kalamidad na magaganap! Sus, masyado kang huli sa balita. Oo, jumebs nga ako nun, ahaha.

Procky, okay lang naman ako, I did not feel any violation. Malamang nagka-world war na kung may sundutan na nangyare. AT! Di hamak na mas madaling banggitin ang PUKE kesa sa PEACHES kaya I'd stick with puke. The word, I mean. Di ako magsasalamin, di bagay saken ang magmukhang genius at di ko naman mapanindigan.

Doc, di na ako nagyoyosi. Oo, mataas talaga. Pwede akong madeads any minute kaya ilibre mo ako, ahaha. Maglakad nga di ko magawa, tumakbo pa kaya.

Candy, sure sure! Basta ikaw! Ahihi.

Ahaha, Damdam, wala akong magagawa kung tumataas ang BP ko. Kamag-anak ata ito ng bigas at gas kahit hindi -AS ang dulo. Salamat at di ka nangawit.

Doc Ced! Buti naman at hindi mo na din ako nilektyuran, ahaha. Dalawang doktor na ang naglektyur saken baka magpaopera na ako ng di oras nito. Enjoy? Hindi. Tamang okay lang naman. Bakit doc? Kaya ka ata nagdoktor para lang makapanilip ng tumutuwad? Ahaha.

PoPoY said...

Hahhaha. naku mataas nga daw ang BP mo sabi ni labidabs mo.

Mataas ba sa kolesterol ang munchkins?

Bakit ang daya nyo, kung sino pa ang mga smokers sila pa ang malilinis ang baga? Yung mga hindi smokers, kami pa yung may tama?

Kinakabahan na ko M sa APE namin sa September. Ayokong tumuwad ahahaha :D

Mariano said...

Popoy, hindi mo kayang takasan ang mangyayare. Kung ayaw mong tumuwad, tumihaya ka na lang at saka mo ipasilip. Parang porn star lang, ahaha.

Anonymous said...

natawa naman ako sa bago kong nabuksang blog.... ang lulutong sa mura parang totoong totoo! astig!

Anonymous said...

Maraming salamat Mang Badoy, haha. Namana ko ang pagmumura ko kay Kokeymonster, siya ang pantas ng pagmumura.