July 31, 2008

Thought Broth 04

Andaming nauusong mga kung ano-anong klase ng sistema ng pagpapapayat ngayong mga panahong ito.

May Calayan, may Belo, may Mendez, may Auring, may Silhouette Kwarenta.

Puta, sobrang mahal naman. Gusto ko sanang patabasan itong luwa kong tiyan para man lang kahit papaano magkaroon ng korte ang katawan ko at hindi itong mas nauuna pang maumpog ang tiyan ko kesa sa dibdib ko kapag nakakabangga ako ng mga tatanga-tangang tao sa lansangan (na tulad ko kasi nabangga ko din siya).

Minsan... hindi pala minsan sa kaso ko. LAGI. LAGING nakakatamad magpapayat. Mag-aapply ka ng plan sa mga fitness centers na hindi mo naman pupuntahan.

Bibili ka ng sangkaterbang diet pills at mga pampapayat na gamot sa Home TV Shopping dahil nakita mong epektibo ito dahil sa nakita mong babaeng may malalaking suso at magandang hubog ng katawan. Eh lalake ka naman.

Kung gusto mo talagang pumayat, napakadali ng solusyon. Kumain ka ng maraming street food sa panahon ng tag-ulan. Maghanap ka ng lugar na maraming nade-dengue, manirahan ka dun ng tatlong buwan ng walang kulambo o di kaya OFF Lotion o kaya bentilador. O di kaya eh magswimming ka sa isa sa mga estero ng Manila ng hubo't hubad.

Garantisado, mahigit sa 20 klase ng sakit ang makukuha mo kapag ginawa mo ang isa (o kahit lahat) sa mga bagay na ito. Instant kapayatan kaagad. Sukat at tae ng sabay. Sino bang hindi papayat agad nun. Times 3 kang susuka at limang beses kang kakaripas sa toilet sa loob ng isang araw. Ewan ko na lang kung kahit si Kung-Fu Panda hindi maging simpayat ni Gollum kapag ganito ang ginawa mong slimming techniques.

Isipin mo, sa halagang 150,000 pesos sa Liposuction, at buwanang bayad sa mga fitness centers, ganun din ang halaga ng gamot na bibilhin mo at bayad sa ospital para sa confinement.

Pareho lang halos. Dextrose, supositories, sasalinan ka ng dugo, mga chuva, mga ganun. Walang ipinagkaiba kay Calayan, Belo, at Mendez sila Diarrhea, Dengue, Typhoid Fever, Leptospirosis at Hepatitis. Ganun din papatak ang presyo.

Ang maganda pa nun, nakahiga ka lang at sinusubuan ng pagkain ng bantay mo. Panood-nood ng TV, bibisitahin ka pa ng mga nars.

Kesa naman sa fitness centers na kailangan mo pang mapagod para pumayat.

So san ka lulugar?

Ako? Wala. Kakain lang ako nang kakain. Ang sarap kayang kumain.

21 Winners:

Pedro said...

tama. hindi kelangan ng pagpapapayat na yan. masarap kumain at masarap uminom. gwapo naman tayo so mababalance na ang equation, macacancel out yung pagkaturn off sa beer belly. ang mahirap eh kung panget ka na, may tyan kang malaki, tapos may putok ka pa. bale turn off to the third power yun baka pati si belo eh hindi kayanin ang lunas dun.

Myk2ts said...

try ko yung mga suggestions mo mariano. mukhang cost effective. ill keep you posted :)


nakakaloka

PoPoY said...

M, may point ka nga jan. masa madali ngang way yan para pumyat. pero dapat in moderation din ang pagkuha ng sakit. baka naman ikamatay mo naman at tuluyan kang pumyat dahil magiging buto ka na. :)

napunding alitaptap... said...

ayan, ang tyan mo!

ahaha!

bahala ka na nga dyan, pag may sumunod dyan, tsktsktsk.

iniimbitahan ko ang lahat sa hepa lane malapit lan yun sa morayta! ayos dun!

flyfly!

Anonymous said...

alam mo. natutuwa ako. kasi. masipag kang magblog ngayon.

tignan mo. ang archives mo. siksik. liglig. at mataba.

gaya ng tyan mo.

Chyng said...

ipapayo ko ang STEPS mo para pumayat- mukhang eto most effective! garantisado! cheers! (--,)

chroneicon said...

mahiya ka naman, M!

ang laki laki ng tiyan mo!

:D

Anonymous said...

hehe...kung di ka naman masaya sa pagkain para lang pumayat.. ano pang sense diba? hahah!
like this post. very amusing :)
-
wei

The Gasoline Dude™ said...

Nyahaha! Parang anliit ng tiyan mo, Chroneicon ah! *LOL*

Buti nga nakakapagsuot ka pa ng mga fitting na shirts. Ako talagang masagwa kasi andami kong love handles. Hehehe.

Ang problema sa mga suhestiyon mo... baka mamatay ka naman. Mas gugustuhin ko pa atang maging malaki ang tiyan. = P

Gracey said...

tama ka..
ang hirap magpapayat..
katamaran ang number one
kalaban!

Anonymous said...

may suggemalation ka naman ba para tumaba? lolz

Anonymous said...

kung kelan ako di nagpapayat
saka ako pumayat

kewlness
:)




.xienahgirl

UtakMunggo said...

okay lang na di magpapayat, more to love diba.

naku kontra ako sa mga belo et. al na yan dahil bukod sa mamahal, after the procedure eh di ka pa rin pakakainin ng lubos lubos na parang pinabayaan sa kural. hehe

eat, drink and be merry. pag nagutom ka mamamatay ka. pag sobrang busog ka mamamatay ka. eh mabuti na yong mamatay ng maligaya.

loudcloud said...

tama ka. kain lang ng kain.

remember ang root word ng diet ay die.

hehehe

Roxy said...

TAMA! kain lang ng kain! FOOD is the most precious thing in the world. why resist yourself? hehe :P

mr_diaz said...

kaya pala parang slice bread lang yung yellowcab sa iyo.

Mariano said...

Tama ka diyan Pedro. Baka hindi lang si Belo ang lapitan mo kapag dumating ang panahon na hindi ka na nga sexy eh ambaho mo pa. Baka makaabot ka pa sa China o sa Cambodia para makahanap ng lunas.

Haha, sige myk2ts, aabangan ko ang resulta. Kung nagkataon, ikaw ang unang makikinabang ng kagila-gilalas na resulta ng mga ideya ko. Ingat sa mga estero, baka ka mabubog.

Depende sa sakit yun Popoy. Wag kang masyadong gahaman sa sakit na lahat na lang ng strain at mutation ng sipon hinanap mo para pumayat ka. Dapat yung angkop na sakit lang.

Ahaha, NA, sa palagay ko naman wala namang mga sakit sa utak ang tao para sundin yang mga payo kong ungas. Alam ko yung sinasabi mo sa Morayta. Meron din kame niyan sa Intramuros.

Hoy TL! Ikaw ha, parang ang liit ng tiyan mo! Wahaha! I kid I kid, I joke I joke! Please do not destroy me! Salamat! xoxoh!

Ahay miss Chyng, nakalimutan kong banggitin na I WILL NOT BE HELD RESPONSIBLE FOR ANY DEATHS THAT OCCURED DURING THESE ACTIVITIES. Taena baka makulong ako sa pagtulong kong pumayat.

Boss Chie, please forgive my insatiable appetite and my beer belly afficionadoism. Macho kasi kapag may malaking tiyan. O diba, macho tayo!

Salamat sa pagkaaliw mo Wei. Basta ang importante, masaya ka sa ginagawa mo. Kung masaya ka ng magugutom ka dahil papayat ka, masaya na din ako para sa inyo.

Boss GD, ilusyon lang na masikip ang suot ko. Ang totoo niyan eh Extra Medium na ang size nun at hindi small. Pareho pala tayong mas gusto ang alak at matamlay na atay kaysa sa fit at malusog na katawan.

Kung tutuusin Winkii, mind over matter lang din naman yun. Para sa tulad kong tamad na hindi alam ang ibig sabihin nun eh sasabihin ko na lang na tama ka naman talaga. Apir!

Kidlat, para tumaba, kailangan mo ng maraming maraming maraming maraming maraming maraming... tangina bat ko tinatayp? Pwede ko namang ikapipeyst?! Kidlat, ang pagpapataba, sing hirap din ng pagpapapayat. Kailangan mo ng techniques. Eh obyusli wala naman ako nun. Kaya hindi kita matutulungan.

Ikaw naman XG eh baligtad. Sana ganun na lang ang style ng pagpapapayat. Isipin mo lang na ayaw mong pumayat, eh presto! Papayat ka na.

Tumpak ka diyan UtakMunggo. Yung mga kagaya mo ang dapat nagiging head ng fitness and personal wellness eh, ehehehe. Naga-agree ako sa mga sinabi mo, totoo talaga yun. Mas mapagmahal ang mga matataba.

Ahahaha korek ka diyan Loud!!! Kaya nilikha ang pagkain para sa bibig. Kung ayaw kumain, ipasara mo ang bibig!

Food is life, is treasure, is important, is good. Tama yan Roxy, food is good. Kaya pala food at hindi fad kasi kung fad, fad is bad!

Mr_D, depende pa yun. Kung ako ang bumili nun, ituturing ko siyang parang mamahaling piraso ng steak na bawat strand eh nanamnamin ko.

lucas said...

nako tama ka dyan...masarap kumain kaya!!! sinubukan ko yung HIP HOP ABS--grabe para akong hihimatayin! hehe! cool post...

napunding alitaptap... said...

sa wall? ahaha, o dun sa pansitan area wateber? ahahaa!

nakadaan na din ako dun, nun hindi pa ako isnab dun sa mapuan PREND ko.ahahaha.

tsktsk, mukhang natangkilik ng tao ang mga WAYS of fagfafafayat mo..nakupo! patay ka dito!

san mo natutunan to? ke mariano juancho po...tsktsk! ahaha!

Anonymous said...

parang nananakot ka lang eh no? haha. Pero sa totoo lang, mahirap nga daw magpapayat. Pag ako tumaba, pipiliin ko nalang ung magkasakit para walang hirap ang pagpapapayat ko, with matching nurse pa dba? Wish ko lang wafu ung nurse. Hehe.

Anonymous said...

Salamat boss RonieLuke. Nasubukan ko na din yang hiphop abs na yan pero hindi ko ginawa pagkatapos kong kumain. baka maging hiphop puking ang mangyayare.

NA, sa lahat ng ebriwer dun. Gusto kong lagyan to ng disclaimer, baka makulong ako ng di oras kapag sinunod ng mga artista to eh.

Lei, mahirap magpapayat para sa tulad kong mahilig sa handaan at libreng pagkain. Natesting ko na din naman ito dati nung nagkaroon ako ng dengue. Ayun, namayat ako. Pero after a week balik sa dati. Di pwedeng i-maintain kasi mahirap maglakad ng may swero.