July 4, 2008

Tuli-boo-dibudouchu

Puking-inang Tren entry, napakahaba. Sige, eto pa ang isa.

= = = = = = =

*WARNING : EXPLICIT CONTENT*
This post may seem too offensive to those who are not yet circumcised. Reader discretion is advised.

Tag-ulan nanaman. Bawal na ang magpatuli. Sabi ng tatay ko mangangamatis daw ang tite kapag tag-ulan tapos nagpatuli ka. Sa di maipaliwanag na rason, hindi naman umulan nun eh nangamatis pa din ang aking bagong hasang pututs. Siguro nakita nga talaga ng pinsan ko kaya namagamols.

Tapos na ang summer. Tapos na nag panahon na pwede kang magpatuli. May pasok na at may PE class na ang mga bata kaya naman hindi na kainaman ang pagpapatuli. Ang malas nga lang kung nahuli sa pagpapatuli ang isang nagbibinatang lalake dahil maghihintay pa siya ulit ng isang taon para lang tigilang asarin.

Pero kung tutuusin sa teknolohiyang meron ngayon, kahit isang araw lang magaling na agad ang sugat sa pagpapatuli. Laser lang saka Belo technology magmumukha nang kagalang-galang ang burat mong dating pinamamahayan ng kupal, nang walang dinadanas na pagsusuot ng palda o di kaya eh madalasang pagpapalit ng gasa.

= = = = = = =

Noong tinuli ako, bakasyon ng grade 6 yon. Going first year ako at nainggit na ako sa mga kaklase ko nung elementary at tuli na sila. Yung iba nung grade 3, yung iba pagkapanganak pa lang tinuli na. Di na pinapila sa pukpukan. Kaya nga meron silang bragging rights nung mga panahon na yon. Ako naman tameme lang sa isang sulok habang sila nagpapakitaan ng mga walang balat na etits.

Bakasyon din nun nung tinuli ako. Hindi ko alam ang plano pero sa pagkakatanda ko eh kalahati sa myembro ng pamilya ko eh kasama. Tatay ko, ate ko, nanay ko, ate at kuya ko, pati yung mga pinsan kong nagturo ng daan kung san sila tinuli. Nakahanap kame ng tulian sa isang clinic dun sa kabilang bayan ng Batangas pero dapat daw tampos na.

*Tampos = term na gamit kapag yung ulo (glans) ng etits eh nakahiwalay na sa balat at pwede mo nang palabasin ang ulo na parang ice candy sa supot niya. Mahirap i-explain, dapat ata may visualization pero unfortunately hindi ko na maiibigay yun dito.*

Hindi ko alam na ganun na pala ang etits ko kaya hindi kame natuloy sa clinic samantalang pwede naman pala. Sayang kasi painless and bloodless circumcision yun.

Nakarating kame sa mga karatig pang bayan para sa aming "Quest to find the Golden Mantutuli". Sa kasamaang-palad, bakasyon din pala ang mga mantutuli at hindi na din kame nagtagumpay.

Woohoo! Nasambit ko na lang sa isipan ko yun. Aminado naman akong ito na ang tamang panahon ng pagpapatuli pero kinakabahan pa din ako sa dami ba naman ang kwentong naririnig ko sa mga pinsan ko at tatay ko. Pero nonetheless, binuo ko na ang pasya ko at sinabi ko sa sarili kong GOODBYE SUPOTVILLE!

= = = = = = =

Ang ilan sa mga kwentong tuli na narinig ko mula sa mga pinsan ko at kamag-anak ay ganito:

1. Nasa pila ang magbabarkadang magpipinsan para magpatuli sa de-pukpok na tuli-man. Nang malapit na si pinsan sa pila, napansin ng iba pa na nawala na siya. Umeskapo na at hanggang ngayong nasa 30+ na ata ang edad niya eh hindi pa YATA siya tuli. Kawawang mga anak, magmumutain yung mga yun.

2. Nung nakaupo na si isang pinsan sa tulian, binilangan siya nung mantutuli.

Mantutuli: "Bibilang ako ng tatlo ha? Pagkatatlo, papaluin ko. Okay, one..."

*POK*

3. "Wag ka nang magpatuli, masasaktan ka lang, tignan mo ako, pinili kong wag masaktan..." -- Tito X

4. Sa angkan ng tatay ko, ang nakakatanda nilang kapatid ang nagtutuli sa kanila. Kasama na dito sa mga tinuli eh yung pinsan nila at ilang barkada. Papalanguyin muna sa ilog at pagkatapos eh ngangatain ang dahon ng bayabas para ipangtapal sa sugat.

*POK*

Tito: "Luwa, luwa ang bayabas! Dali."
Tinutuli: "Oohhmmm WALA NA! NALUNOK KO NA!"

5. Nung tinuli naman yung isang pinsan ng tatay ko, may tinamaang bleeder na ugat. Palibhasa eh pukpok lang, dinala pa tuloy sa ospital. Sa sobrang lakas daw ng sirit nung dugo eh lampas na sa balikat ang projectile at kumot na daw ang ginamit para ipangtapal sa etits.

= = = = = = =

Sa wakas naman, nakatagpo na kame ng clinic na pwede kong pagpatulian. Hindi ko alam kung anong edad ko nito pero nung nalaman ng pinsan kong 20+ years old na nung panahon na yun eh hindi na siya nag-alinlangan pang sumama. Nagbihis-date na porma at sumama sa akin kasama ng pinsan ko at ng ate ko.

Nakarating kame sa clinic ng isang batikan na duktora. Marami daw siyang tinuli na nagandahan sa resulta. Yung iba daw nasa ibang bansa na at tinatawagan pa siya para mangamusta. Siguro nagpapasalamat at ginandahan daw ni doktora ang pagkakatabas sa kanyang weapon. Meron pa kameng kasabay na Chinese na mukhang nasa 25+ na din ang edad. Di tumuloy, ewan ko kung bakit. Baka daw kasi mapamahal siya dahil gagamitan pa ng microscope para matuli siya.

Oo, duktora si doc. Tagatuli extraordinaire. Tinanong na agad ako kung ano daw bang gusto kong cut. Meron daw German, Russian, may Cobra, at meron din yatang Banana.

Cobra? Putangina, parang gusto ko yun ah! Nanunuklaw! Nandudura!

BANANA??!!! Binabalatan bago isubo?! SUPERB!

Pero di ako nagpatangay sa fancy marketing talk ni doc at nagsettle ako sa V-cut na lang na suggestment nung kaibigan ko. Wala lang, wala akong originality. Sana man lang nagpatuli ako ng kakaiba tulad ng Sperm Whale Cut, Kangaroo, Elephant, Tasmanian Devil, Razor, Destroyer, o kaya eh Womanizer Cut.

Eh wala, simpleng loser ako kaya V-Cut lang ako nagsettle. Spicy.

Pinaghubo na ako ni doc kasabay nung pinsan kong matanda na din. Naexcite din siya siguro dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na matuli di gaya ng mga kapatid niya at mga pinsan namin na nagba-back out sa tulian.

Tinurukan ako sa di ko malamang parte ng katawan. Kung sa ulo ba o kung sa puson o sa balat ng etits. Di ko tinignan. Scared ako eh.

Maya-maya pa eh nagsimula nang magopera si doc. Di ko na maalala ang mga kwento niya kasi nakatingin lang ako sa kisame. Ang pinakamemorable na lang na statement na narinig ko eh:

Doc:"May lahi ho ba kayo ng diabetes?"
Tatay:" Wala naman ho."
Doc:"Ganun po ba? Eh kasi ho sobrang kunat ng balat nito. Parang sa kalabaw eh."
Tatay:" Ah eh, kuwan, baka ho sa lahi ng kanyang ina. Pamangkin ko yan."

Ang sosyal pa ng pinsan ko ah, ang aray niya eh "AOUTS". Ako naman tahimik lang din. Kaya pala napapa-AOUTS na siya eh putangina nawawalan na pala kame ng anaesthesia. Magkahati pala kame sa isang syringe kaya parang bitin. Nagtitipid ata si doc, tanginang yan.

Nararamdaman ko na, ang sakit na ng pagtusok niya ng karayom habang tinatahi. Puta yun ngang forceps na nakasipit sa balat ko, ramdam ko eh. Buti hindi yung paggupit sa aking scrotum ang naramdaman ko kundi aalma na talaga ako't baka magpaturok pa ako ng spinal anaesthesia niyan.

Pero masakit siya. Nagyayabang pa si doc at kinukurot ako sa singit dahil wala naman daw akong nararamdaman pero ang totoo eh meron. Dahil paslit pa lang ako at hindi ako marunong sumabat sa usapan ng matanda, tumahimik na lang ako at tiniis hanggang matapos ang karumal-dumal na pagpaslang sa aking scrotum.

Natapos na ang session, wasak ang aking weapon. Namutla pa ata ako at nahilo nung nakita ko na parang nasabugan ng pla-pla ang aking pagkabinata. Madaming dugo eh. Tapos pagdating namin sa bahay, umihi ako dun sa tapat ng kambing, ABA NAGSITAKBUHAN! Akala yata eh minasaker na bayawak yung hawak ko kaya naman ganun na lang ang pagMEHEHEHEHEEEE nila.

= = = = = = =

*Mga naranasan ko habang ako ay bagong tuli*

1. Hindi ako nagsuot ng palda. Masikip na brip pa ang suot ko nun. Mas secure kasi yun at mas safe kumpara sa open na open na palda o malaking shorts.
2. Binibiro ako ng kuya ko na mahihirapan ako sa umaga kapag naninigas si Mini Mariano. Dapat daw lagi akong mayroong palamig na kutsara sa freezer para pampakalma.
3. Nahirapan akong umihi at minsan pa akong nalaslasan ng butas dahil sa biglaang pag-ihi. Siyempre hindi sanay sa exposed na environment ang glans kaya naman nagsasarado ang butas nito at araaay, naku ang sakit kapag bigla kang umihi at hindi mo pa ito nabubuklat.
4. Nangamatis.
5. Nakita ng pinsan kong girl nung minsang nag-aayos ako sa gitna ng balkonahe. Kaya ata wala pa siyang asawa hanggang ngayon dahil nasumpaan siya ng Mini Mariano

Kaya naman ang pagiging tuli ay hindi lamang hakbang sa sinasabi nilang "pagiging tunay na lalake", ang mas mahalagang epekto nito ay ang kalinisan sapagkat naiiwasan nito ang pagkakaroon ng Smegma o kaya naman ay mas kilala bilang kupal para saken. Kaya naman ayaw kong magkaroon ng mga corrupt na officials sa etits ko kaya ako nagpatuli. Mas magiging malinis at maayos ang aking pamumuhay dahil sa biyaya ng pagpapatuli.

Buti na lang di ako nakakita ng mga ganito nung nagpapagaling pa lang ako sa aking tuli:

http://images.google.com/images?hl=en&q=maria%20ozawa&um=1&ie=UTF-8&sa=N&tab=wi

PS: Salamat kay KingDaddyRich sa pagbibigay inspirasyon sa akin upang maglahad ng aking pagpapatuli. KDR, mabuhay ang hubad mong Anaconda!

PSS: Sorry sa mga girls na gustong magkaroon ng vivid description kung paano talaga nagaganap ng tulian session. Di pa din ako nakakakita ng kumpletong proseso dahil siyempre di ko naman tinignan yung saken. Pila na lang kayo sa tulian nekstaym.

PSSS: Kung hindi ka nagreact nung SCROTUM ang ginamit kong term imbes na foreskin, malamang naniniwala kang wala na akong betlogs at hindi na dadami ang lahi ko unless mag-ampon ako. Ang foreskin ay ang ginugupit na balat at hindi ang scrotum.

11 Winners:

Tisay said...

HAHAHAHHA! HAHAHAH!!

natawa ako kay mini mariano. hahah! what a good name.

maghahanap nga ako ng tinutuli tas papanoorin ko, parang maganda eh. hahahah!! hohmyzeus.

Leyn ♥ said...

pwede bang manood ng tulian session?
(haha! yak. interesado.)

pinangalanan na namin ni kdr ang *toot* mo = MEGA SNAKE.

Lyzius said...

M, sa akin na lang ipakita ang mega snake mo...

napunding alitaptap... said...

binasa ko, kaso. . . haru, akoy di nakarelate. ahahaha!

jeck said...

putanginang maria ozawa yan. nagising ako bigla. haha.

ang myth kaya daw nangangamatis e dahil nakita daw ito ng babae, sa case kasi ng kaibigan ko e tiningnan talaga ng tita nya yung junjun nya, ayun nangamatis.

sa akin naman, walang nangahas na tumingin kaya tomatoe-free etits ako. yun nga lang muntik bumalik yung balat dahil hindi maganda yung pagkakahiwa. ewan ko, sabi ni ni doc ginamit nya e yung C-section o caeasarian cut sa junjun ko. lols. wala lang, sharing lang.

linglingbells said...

di ko na kelangang pumila sa tulian dahil kahit babae ako, alam ko na ang proseso ng pagtutuli.. tinuro sa skul namin yan.. hum1 klas.. hehe!! as in nag-drawing pa si ma'am, pinakita pa niya ang kaibahan ng v-cut, german cut at russian cut.. :D

Maldito said...

ako flat top ang cut ko.ahahhaa...syet mo marianO!peste ka..mamatay ako sa kakatwa ditecth!!

ako tito ko lang din ang nag hiwa..syet naman, blade pa ang ginamit. pagkatingin ko akala ko naputol na ang lahat..ang hapdi pala....

indi din ako nag palda...indi din nangamatis.....buti nalang at normal ang paglaki ni jr....kaya cguro naging abnormal din ang utak ko..ahhaha..

churvah said...

binasa ko.
pero wala akong mai-comment.
haha.

mr_d said...

*WARNING : EXPLICIT CONTENT*
This post may seem too offensive to those who are not yet circumcised. Reader discretion is advised.


...kaya hindi ko na lang binasa. baka ma-hurt lang ako...

Mariano said...

Hay Procky, buti naman at natawa ka sa Mini Mariano, nakakatawa talaga yun, ahaha. maghanap na sa video ng ganun! maganda yun!

Leyn! Pwedeng pwede! Kung makakapagpasupot nga ulit ako para lang mapanood mo, ginawa ko na! Joke! ahaha. Salamat kay KDR para sa pangalan! Ang ganda! I like it!

Mami Lyzius! Ahaha, mukhang may hindi papayag na ipakita ko ang Mega Snake sayo. Ang nanay ko, hindi siya papayag! Ahaha.

N.A. magpakwento ka sa mga pinsan o kapatid mong lalake kung nahihiya ka kay daddy mo magpakwento, ahahahay! Siguro kapag nagkaroon ka na ng anak, makakarelate ka na din! Ahihi!

Ano ba ang nagising sayo Jeck, ikaw o ang Jr. Jeck? Ahaha. Hindi ko nga alam kung myth ito o totoo o nagkakataon lang kasi nakita nga ata ng pinsan ko kaya nangamatis, haha. dapat ata isubo para makontra! YAK! ahahaha siyet! C-section naman pala eh! parang nanganak lang ang etits mo ah! buti na lang di bumalik... sigurado ka ba?

Lingling! Buti pa sa school nyo may ganun! Nakakainggit! Siguro mataas ang population ng mga hindi nakapagpatuli kaya pati sa mga schools tinuturo na din. At may visual aids pa! Panalo!

Boss Maldito! Paano ba ang flat top? Mukhang mahirap yun ah, baka hindi lang balat ang nagupit dun para maging flat! siyet! Mahapdi nga yun lalo na kung walang pampamanhid at makunat ang balat. Minsan nag labaha pa ang gamit eh. Swerte na lang tayo at normal ang ating mga tuli!

Churvah! Ahaha, ayos lang yan, sapat nang malaman mo ang tungkol diyan, kahit wag kang magkomento. Magugulat ako kapag nagshare ka ng personal experience mo, haha.

Nako mr_d, meron namang nagbibigay ng serbisyo para diyan! Wag kang mag-alala! Pwede mo na itong basahin sa oras na mabalatan ka na! Ahaha.

gasti said...

taena seryoso...kinilabutan ako bigla nung binabasa ko tng entry na to...bumalik yung mga ala ala nung nagpatuli ako at naglalangas sa bahay ng betadine...syet! at least yung sakin hindi nangamatis pero nakapagsuot ako ng palda kapag matutulog.