Plas
Ito ang kwento sa likod nung "seryoso" kong mga pahayag.
"You either die pumping or you live long enough to see yourself aged and still flushing."
Problema talaga. Totoong problema at walang halong pekeng problema.
Wala nang paligoy-ligoy pa.
Hindi madaling palubugin kahit sabaw ang tae mo. Masakit sa damdamin na kahit pilitin mong magkakain ng halo-halong eklavu para magtae, walang patutunguhan kasi aapaw lang siya sa brim ng toilet bago mo mapalubog. Pero positively thinking, maganda ang sabaw na tae dahil hindi ka magpupulot ng mga tubol o pira-piraso ng jebs sa sahig ng CR kapag nagkamali ka ng tantya sa ibubuhos mong tubig.
At oo, walang flush ang toilet. Barado nga kasi. May dalawang taon nang walang laman ang tangke ng toilet. Ikaw na ang magflush ng baradong toilet, ewan ko lang kung paano mo pipigilan ang umaapaw na tae. Baka kumaripas ka na lng ng takbo palabas ng banyo. Buti sana kung parang wine lang ang toilet namin, pwedeng pasakan ng cork. O di kaya parang softdrinks na pwedeng higupin ang aapaw na sabaw kapag nasobrahan ka ng buhos.
Nakakatakot na lang maimagine na nagdadampot ka ng kangkong, pechay, carrots, malunggay, o tissue paper mula sa sahig ng banyo. O kaya eh bubuhusan mo papuntang drainage yung katas pagtatae mo at doon mo piliting palubugin.
Pero seryoso, napakahirap ng ganitong sitwasyon.
Ilan nga ba kame dito sa bahay? Teka bilangin natin.
Bayaw
Ate
Ate
Pamangkin
Pamangkin
Pamangkin
Nanay
Househelp
Gwapo at uber hot na si ako
Ayan, lahat yan gumagamit ng toilet. Yung dalawang pamangkin kong lalake, mas malalaki pa sa braso nila yung jebs nila. Ang papayat naman. Tapos ang hihina kumain pero pare, putangina talaga, mas madali pang tapusin ang Takeshi's Castle, sundin ang utos ni Big Brother, o di kaya umiwas ng bala kumpara naman sa pagpapalubog ng mga tae nung dalawa. Ang laki talaga. Kahit dalawang piraso lang, parang kahoy -- lulutang-lutang at matigas. Ayaw lumubog. Hindi lang McArthur eh. Isipin mo ang McArthur na parang buni at an-an, tapos parang embutido. Sinasabi ko sayo, kung ikaw ang susunod na gagamit pagkatapos nila, sa McDo ka na lang din tumae.
Actually, apat ang pamangkin ko. Yung isang babae, maliit-liit pa ang jebs, di pa masyadong nakakaapekto sa pagpapalubog. Maliliit lang kasi, parang kambing. Yung isa namang babae, bata pa tapos nakadiaper pa. Malambot lang ang tae tapos minsan tinatapon na lang.
Yung mga regular adults, responsableng shitters naman sila at talagang gagawin ang lahat mapalubog lang ang mga sagabal sa imburnal. Lalo na yung bayaw ko na inaabot na ng maghapon para lang maging malinaw ang tubig sa bowl at wala miski isang piraso ng jebs. Pasado nga ata sa drinking standards ang tubig ng toilet kapag siya ang nagpalubog.
Hindi ko na matandaan kung kailan pa ito nagsimula. Basta ang alam ko lang bata pa ako nung nagkaproblema kame sa toilet. Actually nasolusyunan na ito. Ilang bote ata ng Liquid Soza. Bumalik lang dahil ni kuya. Di niya alam na may Scotch Brite pala sa timba na ginagamit na pambuhos. Ayun, pinambuhos kasama ang Scotch Brite tapos pinalubog pa. Yun ngang malalaking jebs, umaangal na ang toilet, yun pa kayang di natutunaw na skatsbrayt.
Nung hindi pa naiipaayos ang bahay, pinapasok kame ng baha. Ang hirap ng tumae sa toilet na nakalubog sa baha, dahil una, kapag umupo ka sa toilet, sasayad sa tubig baha ang iyong etits. Ang hirap pa man din ng ganun. Ang lamig kaya ng tubig baha. Pangalawa, kapag jumebs ka, asahan mo ng yung itinae mo sa banyo, lulutang-lutang na sa salas niyo mamaya.
May flush pa dati ang toilet namin. Yun nga lang, konektado siya sa drainage ng banyo. Kapag nagflush ka, lulubog ang toilet, pero aapaw ng kulay itim at mainit na singaw ang drainage na katabi nito. Hindi nga tae mo ang lumutang, pero malamang tae ito ng mga kapatid mo nung isang taon pa.
Ewan ko kung kuripot lang ang mga magulang ko dahil di nila pinalitan ang toilet nung nagpagawa na sila ng bahay. At kahit kailan hindi ko pa nalaman na binisita kame ni Malabanan. Kaya naman eto na nga ang pinakamalaking household problem sunod sa ipis at daga. Pero syempre pinakamabigat na problema pa din ang pagiging tamad ko dito sa babay.
Mahirap ang may sirang toilet sa totoo lang. Reputasyon mo ang nakasalalay dito. Sa pagkakaroon ng matinong toilet nasusukat ang kakayanan mo para makilala bilang isang responsableng mamamayan ng bansa. Hindi lang toilet kundi pati na din ang kabuuan ng banyo (pero major subject ang toilet). Lahat ng bisita (unless wala silang pantog o di kaya eh bahay-tae) eh kailangang gumamit ng toilet at any point na darating sila sa bahay ninyo. Swerte ka na lang kung hari o reyna ng namamahay ang bibisita na kahit isang linggo nang nasa inyo eh di pa din tumatae at mas gugustuhin pang magbiyahe pauwi kesa sa gumamit ng toilet mo.
Kung galing sa mahabang byahe ang bisita, si-ar ang unang pupuntahan. Okay lang ang ihi para sa toilet namen. Manageable pa siya at dalawang tabo lang ng tubig solb na. Kung matagal ang stay ng bisita sa bahay, toilet pa din ang mahalaga. Kung may inuman, toilet din ang mahalaga. Manageable din naman ang suka kahit paano dahil minsan naman o kadalasan eh hindi sa toilet napapapunta ang suka kundi sa paso, bakuran, o kaya eh sa sahig lang.
Natataranta na ang ate ko sa tuwing magkakaroon ng okasyon sa bahay. Kulang na lang umarkila siya ng Porta-Let sa sobrang taranta niya at problemado sa toilet. Tarantada na ata siya. Lalo na kung mga boss at old classmates. Kung kamag-anak lang naman, wala nang dapat ikahiya dahil pwede naman nilang intindihin ang sitwasyon na malalaki nga ang tae ng mga bata. Pero kapag bisita, nakakahiya nga namang magkakaroon na ng pila sa labas ng toilet dahil lang sa hindi makakapagpalubog si visitor.
Ang pangit pa nito eh kung may matuklasan si inay sa isa sa baklang bisita ni ate.
Inay: "Hoy, ano ba naman yang mga kaibigan mong bakla! Hindi man lang magbigay ng respeto sa sarili at itapon na lang ang kalat sa basurahan imbes na sa toilet! Alam mo namang hirap na ngang magpalubog ng tissue diyan sa inyodoro tapos yung kaibigan mong bakla tatae pa ng condom tapos hindi naman bubuhusan? Paano na lang kung may mabuo dito sa inyodoro? Aampunin mo ba yon?!"
Magastos din kame sa tubig. Sa normal na hindi baradong toilet, dalawa o tatlong tabo lang lubog na kahit ga-troso pa. Samen mga tatlong timba ng tubig. At siyempre may technique na kame diyan.
Techniques for the Baradong Toilet nila Mariano by Mariano
1. Lagyan ng sabon ang tubig para mas mabilis lumubog. Use Heno De Pravia para mabango.
2. Gamitin ang pambomba. Depende sa intensity ng pagbomba, mas mabilis na mapapalubog ang jerbaks. Pabor ang move na ito para sa mga jakulerong tulad ko na sabak na sabak ang braso para sa rapid succession.
3. Ibalot ang tae sa supot at itapon sa basurahan na katabi ng toilet.
4. Gamitin ang pambomba bilang pandurog ng malalaki at matitigas na jebs. Praktisin ito pagkatapos tumae nila pamangkin.
5. Ibintang sa iba ang hindi lumubog na jebs.
6. Kung bisita ka naman bayaran ako para palubugin ko ang tae. $10 per pump ng plunger.
Hindi naman sa itinataboy ko kayo na wag nang magpunta sa bahay namen. Binabalaan ko lang kayo para hindi kayo masorpresa sa mga pangyayareng nagpatibay na ng aming kalooban. Hindi naman din kame nambibintang kung kanino mang ang hindi napalubog na tae. Ang mahalaga, kung may floaters, magtulungan ang bawat miyembro para mapalubog ito.
Kung pera lang ang tae, di na maghihirap ang Pilipinas.
18 Winners:
paramis
babasahin ko ito ulit
hahaha
kapag wala na akong
matinong gawin
hahahaha
.xienahgirl
bwahahah! ano ba ang bayaw? naiisip ko bayawak... pero i don't think that's the same. hahaha!
tumawag ka na ng plumber, diba meron silang parang machine na may parang tubes tas yung tubes isa-suck yung mga nabara sa toilet tas ide-drain. alam ko may ganun ung mga plumbers eh.
ang mahal naman ng presyo mo. 10 bucks magpapalubog lang ng jebs. bwahaha!
mabaho ang entry na to. harharhar!
grabe...ang ingay ko dito sa net shop..kakatawa! hahaha! keep posting...astig ka magsulat..thanks again!
ito lang ang usapang tae na nag-enjoy ako basahin. hahaha!!!
Ganito rin ang sitwasyon namin sa apartment nung college.
Kapag late ka na for class, tinatakpan na lang ng batya yung inodoro with a note:
"Housemates, sorry I tried my best. Late na ako ayaw lumubog."
Usapang tae at plas na ito. Share lang ako saaking karumaldumal na karanasan, isang gabi bago ako umuwi ng bahay galing opis 2mwg ang tito ko, glit na glit bumaha daw ng tae sa buong bahay! pinaka-apektado pa daw ay ang kwarto ko! Haay. nagiisip p nmn ako na longaniza ang ulamin pagdating. Aysows. linis to the max hanggang alas 5 ng maga. Crap here Crap there, crap everywhere. OH Well. SHIT happens :D Yaan mo, maaayos din ang lahat. Tiyaga lang muna. :D
parang napapadalas na ang usaping tae dito ah. nabasa ko hanggang sa:
Techniques for the Baradong Toilet
gagayahin ko na lang si eksji, paramis babalikan ko din tong blog post na ito para tapusin. kapupulutan din kasi ng aral.
kung kailan ay hindi ko pa alam, siguro pag nagbara na ang inidoro namin para alam ko ang dapat at tamang gawin.
hindi ko maabsorb.
may balikan naman db?
hehe,
balik na lang ulet ako.
kadire ka talaga M.
laki ng problema mo sa bahay. sana mawalan ka ng pambili ng bigas para mas nakakaawa ang problema mo.
O ano, nabasa mo na ba? May importante ka pa bang gagawin?
Procky, ang bayaw at bayawak ay magkaiba. Pero depende sa itsura ng bayaw mo kung karapat-dapat ba siyang tawaging bayawak. Hindi ko alam kung ikalulugi namin ang pag-arkila ng mga plumbers. Pero baka kasi kung si Mario at Luigi ang aarkilahin namin, malamang eh mamulubi nga kame. Malabanan ba kamo? Oo, sila na nga yun. Naamoy mo ba? Ang galing mo!
Boss RonieLuke, sana naman hindi ka kinabagan. Salamat sa pagtawa, pero sa totoo lang seryosong bagay ito. Sana madamayan mo ako.
Boss Chie! Eto lang din ang kwentong-tae na naenjoy kong ikwento. Yung iba kasi kadiri na eh.
Hoy Sam, bakit di mo agad sinabi saken ang technique na yan. Kung ganyan ang ginawa namen sa bahay, eh di dapat di na kame bumili ng tissue paper. Puro Post It Notes na lang.
Grabe Roxy, yan naman ang hindi ko kakayanin. Baka mapalipat ako ng ibang bahay kung ganyan ang nangyare samen, ahaha. Ang tindi nun ah! Ngayong alam mo na, piliin mo yung second floor na kwarto, haha. Shit does happen, and this time, it's literal.
Ganun talaga Pedro, kapag di mo na kayang sarilinin, isusulat mo na para madamayan ka ng iba. Salamat kay Roxy, di pala ako nag-iisa.
Sige lang, sana wag mo ma-absorb Churvah, para lagi kang babalik.
Hoy Leyn, sana nga mawalan na ng bigas sa bahay para mas konti ang itae nameng buong pamilya! Ang laking tulong nun kung ulam lang ang ipa-flush mo!
ahaha, my mom read this along with me(whoa, inggles yun)
ahaha, tawa sya ng tawa sa techniques mo...oha!
hmmm, toilet humor, literal! ahahaha! may update ka yata sa pink blog mo, yun dapat ang bibisitahin ko kaso nagkamali ako ng pindot. kagabi ko pa dapat to babasahin, kaso ang HABA...
o, nagrereklamo din ako sa kahabaan ng blog mo, kala mo ikaw lan nagrereklamo sa haba ng sulat ko! belat ka! ahahaha!
flyfly!
HUWAW! Si mommy pa pala ang nakabasa, anak ka ng teteng En-ey, ahaha. Ano na lang ang sasabihin ng nanay mo kapag nakita niya ako aber? Ahaha. Sige salamat naman sa pagkomento mo dito. At tama ka, pahabaan na ang labanan ngayon. Ikaw, lalaban ka ba? ahaha. Malamang Oo.
ahaha... try kong wag lumaban, kahit sinasabi ng sistema ko na lalaban ako....
sa totoo lan, medyo, hmmmmmm, napaisip ako kung tama bang hindi ko isara ang tab ng blog mo... pero ayun, basa sya aloud at tawa ng tawa....
um, kumpirmado, hindi nya alam ang jak&lero. . .hindi nagreak e... bago ko pa mabasa yun, narinig ko muna sa kanya habang sya nagbabasa,,,whoa! ahahaha!
flyfly!
papasa sa drinking standards? sige nga subukan natin hahahhaa
meron ako dating tinirhan na aparment complex na pagflush ng tae ang kapitbahay mo lalabas naman sa toilet bowl niyo. the shet. literal potah.
Ahahaha tangina mr_d, totoo ba yon? Puta, napakamapagbigay naman ng kapitbahay nyo, sa inyo na pati tae. THE SHIT talaga yon! AHaha. Oo, pasado yon, sobrang linaw, walang bacteria. Pinadaan ata sa Korean Water filtering system.
Hahaha. Usually tinatamad akong magbasa ng mahabang post, pero eto kakatuwa kahit mahaba. Medyo bitin pa nga ako. Tama ba namang magkwento tungkol sa mga jebs? hehe. Anyway, minsan na rin akong nakaranas nyan nung 10 palang ako, barado ung CR namin sa pinas so ung lolo ko nalang ung nagpalubog ng jebs ko. Haha. Don't worry, maraming nakikiramay sayo. :)
ano ba 'to. hehe, nakakatawa.
Salamat Lei at napapagtiyagaan mo ito. Pumipili talaga ako ng mga tinatalakay na issue para marami ang makarelate. O diba, nakarelate ka. Goodluck na lang sa mga pakikiramay nyo para saken, sana in monetary form.
Ahaha, salamat Rok! Sige, wag masyado baka maubos, madami pa akong post.
Post a Comment