July 23, 2008

Thx Thx

Laffapallooza

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.

*^~SALAMAT SA LAHAT NG BUMOTO~^*

Tignan nyo naman, nag-effort pa ako diba. May tilde, caret, at asterisk combo yang banner! Nilagyan ko ng mga pinakamagarbong special characters sa keyboard. Oha! Oha!

Hanggang September pa daw ang botohan.

May pagkakataon pa kayong pumili sa lima sa inyong pinakapaboritong humor blogs at dumayo kayo sa


Narito nga pala ang instructions para sa patimpalak na tinatawag na Project Lafftrip Laffapallooza.

Balita ko kasi kapag nakapasok sa Top 10 ang isa sa mga ibinoto mong humor blogs ay magkakaroon ka ng tsansang mapasali sa raffle at manalo ng isa sa mga sumusunod.

1. Nokia NSebenti Music Edition.
2. Sony Cybersex... Cybershot Digital Camera
3. Fifteen (15) Thousand (1000) Pesosesosesesosesoseso*hingal*sesoses!!!


= = = = = = =


Eto, ayon sa latest count eh pang number 13 daw ako. Hindi naman ako mapamahiing tao at bihira akong maniwala sa chismis, pero ayon sa alamat eh malas daw ang 13.

Sana matulungan ninyo akong maialis sa pwestong yan para kontra malas at kontra 13. Putangina wag naman sa pababa ha? Kahit pang 10 lang na puwesto para may t-shirt akong ipang-sisimba para ipagdasal na sana manalo kayo sa raffle. Quits ba tayo? Apir!

Pero siyempre, ang kagustuhan niyo pa din ang masusunod kaya naman suportahan ta ka na lang ang boto mo dodong.

Mananalo daw ng t-shirt galing sa The T-Shirt Project ang mapapasama sa Toff Ten.

Sana nga lang mauna kong makuha ang t-shirt bago ang raffle. Kung hindi naman, meron kayong cyber-xoxo galing saken.

= = = = = = =

Gusto ko nga din palang imungkahi sa inyo ang Sample Ballot na ito na mula sa nag-iisang diyosa ng Blogosphere na si XienahGirl.

Sa ngayon wala pa si Mr_D kaya naman pakihintay na lang ang kanyang blog.

Maraming-maraming salamat po sa suporta. Ikinararangal kong mapabilang sa top 13 na humor blogs ng Pilipinas kahit puro kakornihan shitters lang ang napapala niyo dito.

Gusto ko nga din palang batiin yung Labandera namen. Salamat sa description ha? Isang malaking XOXO din para sayo. Wag mo na lang sanang ipronounce na suso yan para walang malisya.

Yun lang po. Maraming salamat! Vote straight, vote wisely! Vote for us!

16 Winners:

Kevin said...

DAPAT PALA HUMOR BLOG NA LANG AKO. linsyak, malaki-laki ang datung na premyo.

haha asa pang humor blog ako. anyway, geh iboboto ka na nga.

^_)!~ lol

Pedro said...

sigurado akong makakapasok ka sa top 10. at siguradong may t-shirt ka. pag hindi kasya sayo akin na lang. hahahaha. good luck marinao! go go go.

Mariano said...

Nako Kevin, salamat! May humor naman sa blog mo. Basta andun si Pedro may humor dun! Ahaha. Salamat Kevin, you're the man! Boto mo si Mama mo, patalsikin ang number one!

Hoy Pedro, siguraduhin mo lang na makakapasok ako. Kapag hindi, eh di hindi! Ahaha, sayang naman no. Pero sana makapasok nga ako. Buti na lang di na pwedeng magpalit ng boto. Puta pipili ba ako ng shirt na di kasya saken? Tsk tsk tsk. Salamat!

PoPoY said...

bakit ba lahat na lang marinao ang natatype sa pangalan mo M? ahahaha

hindi pa ko nakakaboto dahil under construction ang site ko, hayaan mo dahil isa ka a mga iboboto ko M. hintay lang sa pagbubukas ng site ko.at iboboto ko na kayo :)

COnGraTs!

Anonymous said...

naaliw lang ako
at nagkomento ang anak ko
wow
hahaha

naaaliw ako
yun lang

oo pramis
nakangiti pa rin ako
:)




.xienahgirl

Tisay said...

hahah! natawa ako sa suso. xoxo. rawr.

sana manalo isa sa inyo! apir! oi kapag nanalo ka ng 15k padalhan mo ko ng marie! nyahahha!

FerBert said...

IBOTO NYO KO!

yun lang.. bwahahaha

papasok ka sa top 10 mariano.. nararamdaman ko.. papasok ka!

Mariano said...

Salamat Popoy. Ewan ko sa inyo bakit marinao to. Ako naman mariano naman ang natatayp ko. Maghanap ka na ng karpintero, para naman makaboto ka na. Ipanalo si XG!!!

Hanggang ngayon nakangiti ka pa din XG? Baka Joker ka na niyan. Oo nga eh, nagulat din ako't andito si Kevin at dumadalaw. Hurray for Kevin!

Bat ganun kapag bastos nakakatawa no? Suso, xoxo. Yung sa buntis, pampatanggal ng sore eyes. Papadalhan talaga kita ng Marie!!! MARAMING MARIE!

Oy FB, gusto ko yung nararamdaman mo. Pakiramdam ko rin eh parehas ang nararamdaman ko sa nararamdaman mo.

Roxy said...

Aba parang B1 at B2 ah. hehe Mr. M! Makakapasok ka. Feel ko lang. Ano ba kasing T-shirt yan at pinagaagawan nyo? lol :D GoodLuck Luck Luck to all of you :D

- Can't wait to see Mr. D's blog!

lunes said...

eto na ang sample ballot.

Vote Straight tlaga dapat!!

hoi hindi malas ang 13. dahil 13 ako pinanganak.ahaha.bias. iaakyat ka ng 13 paakyat..

hayaan mo at manghihikayat pa tayo jan.malawak ang blogosperyo.wehehe.

Trina Labandera said...

madami ka pang pending VOTES bebe.

boloks lang yung description na ginamit ni badoodles sa ranking ni xG eh gawa ni pedro!

KAY PEDRO?! isang napakalakas na pft!

good luck bebe. xoxoH with an H. H for Halay!

The Gasoline Dude said...

Tanggalin si Inday para at least, umakyat ka sa Taf Twelb. Congrats pa din! Apir! Uhm.

Mariano said...

Ewan ko dyan kay MrD kung bat di pa nabalik, hehe. Salamat talaga Roxy, salamat at nabulag ka ng walang kwentang blog. Pasensya ka na at di na pwedeng magpalit ng boto, ahaha.

Lunes, salamat salamat! Ikaw, isa ka pa, ang lakas mo mang-udyok. Pero tama, pabagsakin si Inday! Dumugin ang top ten! Haha. At 13 ka pala, ibig sabihin susuwertehin ako nito.

Huy Trina, ikaw, ikaw ang may dahilan ng lahat ng ito! Maraming salamat talaga, sasambahin kita hangga't kaya ko pang tumayo pagkatapos kong lumuhod! Ahaaaay, tinkyawbirimats!

Boss GD, kaylangan ko ng T-SHIRT DAHIL SA ISANG NAPAKALAKING DAHILAN!!! DAPAT MAPAPUNTA AKO SA TOP TEN! Wahahaha.

Maldito said...

tangena......kaririin ko na din ang pangangampanya...tangalin si inday para makaayat si mariano!!

putah....kailangan ko na talaga maghubad mariano....

takutin sila thru sa katawan ko para bumuto..

ibalik ang martial law!

bleue said...

aw, di ko pa pala nacocompose ang blog entry ko for my votes dito, aheheh! cge, gawin ko na this week :D

Mariano said...

HANEP!!! Boss Maldito on the move! Gusto nga kita itandem sa paghuhubad eh, idol ko na ang katawan mo, ahaaaaaaay. Salamat ng marami boss Maldito. Di naman kasi totoong tao tong si inday, dapat yung mga may puso at laman at kaluluwa na kagaya mo ang at ng mga idols ang mamamayagpag. Mabuhay si Maldito! Mabuhay si XG, si FB, si Mr_D! Mabuhay!

Sir Bleue, kailangan mo nang bumoto para manalo. KAILANGAN NATING MANALO!!! Salamat sa suporta mo sir Bleue.