July 1, 2008

Tren One

Okay, so much for that fucktard entry. Bad mood na kung bad mood. At least hindi ta-mood, tangina.

= = = = =

Sinong nakasakay na ng tren?

Tangina parang tanong ko lang to dun sa "Sinong di pa nakakasay ng jeepney?"

Ako PNR na lang ang hindi ko nasasakyan dahil alam kong isang malaking hamon para sa susyaling kagaya ko ang sumakay sa PNR. Hindi ko alam kung paano ako makakasurvive sa isang malaking tipak ng kalawang na mabilis lang ng kaunti sa karo ng patay.

Tangina napakaangas ko na, tigilan na nga to.

Ang totoo niyan gusto kong sumakay sa PNR kahit alam kong masasabuyan lang ako ng kung anong mga likido (et. al. piss, pinagbanlawan ng labada, pinaghugasan ng isda na may hasang, pinagmumugan, regla) mula sa mga bahay-bahay sa palibot nito. Wala pa man din akong full body kapote kaya kung makakasakay ako, tatanggapin ko ang sabaw ng tadhana na maiisaboy sa akin. Wag lang sanang tae ng matandang may diarrhea.

Gusto kong sumakay sa PNR pero wala naman akong mapuntahan na pwede kong babaan. Baka umabot pa ako sa Bicol. Si Lunes lang ang kilala ko dun at malamang hindi niya ako tatanggapin sa kanila sa itsura kong ito.

= = = = =

Tatlo ang alam kong tumatakbong linya ng rail transit dito sa Pilipinas (unless merong underground rail transit na ginagamit ang mga opisyales ng gubyerno para ibyahe ang lahat ng nakurakot nila sa bansa). Lahat ng ito, pinatatakbo ng kuryente. Or at least yun ang pinapalabas nila. Pero ang totoo naman pala, ginagamitan nila ito ng dugo ng mga sanggol na kakapanganak pa lang. Minsan naman mga ginahasang pekpek ng dalaga ang fuel na ginagamit nila dito.

Joke lang siyempre. Alam naman nating si manong operator ang nagpapatakbo ng tren gamit ang kanyang mga paa sa pagpedal.

= = = = =

MRT, LRT Line 1, saka LRT Line 4, yung Parfel ang kulor.

*Line 4? Bakit Line 4 eh dapat Line 2 lang yan?*

Boloks you, syempre yung Line 2, nasa Enchanted Kingdom! Yung Line 3, nasa Star City! Sos. Meron pa ngang mga Line na basta-basta sumusulpot sa mga bakanteng lote tuwing piyesta eh!

Nasakyan ko na lahat yan. Pati yung Line 2 at Line 3.

Magsimula tayo sa ang sa tingin ko ay may mga pinakasusyal na pasahero -- ang Metro Rail Transit along sa kahabaan ng EDSA. Mga taga-Makati ang karamihan ng sakay o kaya eh sa kung saang mga opisina sa QC at Manila. Sosyal yan kasi Metro ang tawag kumpara sa Light at Philippine National. Isang metro lang ang pasensiya mo tuwing rush hour at sasakay ka.

Pinakamaliit na rail transit na nasakyan ko. Kasya siguro ito sa loob ng Parfel Line. Ika nga ng kasabihan, "para kang sardinas" kapag nakasakay ka. Malansa at may kulay pulang likido. Ay syet, pekpek na may regla pala yung parang sardinas.

Kung tutuusin mas komportable pa ang sardinas sa kinalalagyan nila eh, kasi may kasama silang sarsa ng kamatis at palutang-lutang lang sila dun, relax na relax.

Pag nasa MRT ka at rush hour, para kang nakababad sa sarsa ng libag tapos nakakairita ang siksikan kapag nasa loob ka na. Kadalasan lalo na't parang Great Wall of China ang haba ng pila na parang di naman maubos-ubos at nagbibilang ka pa lang ng pambayad mo sa may Glorietta eh mauumpog mo na ang nasa unahan mo. Nakapila na pala papunta sa MRT.

Maikli lang ang pila sa bilihan ng ticket. Sa pila sa baggage checking ang mahaba. Gaya ng iba pang mga establishments at rail transits, gamit din ng mga security guards ang kanilang state-of-the-art detector-stick. Walang makakaligtas na kontrabando, lalo na ang maliliit na kutsilyo, drugs, condom, at pati na ang bomba. Kaya naman nagtatagal lalo ang pagpasok ng mga tao at nagmimistulang pila sa exit ng concert na guest si April Boy Regino ang pila sa MRT.

Sa mga panahon na siksikan sa station, masaya sana kung may stored value ka, derecho ka na ng pila sa entrance. Parang pwede ka na ngang kumita sa pagpapasingit mo sa pila sa sobrang haba. 50 pesos kapag nasa bungad ka lang. Tapos aabot ng 200 pesos kapag malapit ka na sa lamesa ng sikyo.

Ang pangit lang sa stored value eh kung tanga ka at daredevil na kagaya ko. Yung tipong hiniram mo lang yung card ng kaopis mo kasi "may laman pa daw". Oo nga naman, may laman pa kaso hindi alam kung "expired na". Sisigaw ka na sana ng VICTORIOUS pagkalampas mo ng lamesa ng guards, tapos pagkapasok mo ng ticket, TICKET REJECTED ang lalabas. Balik sa pila. Ako pa ngayon ang magbabayad ng 200 pesos sa magpapasingit saken.

Siyempre sa lahat ng phase ng tren, may challenge. Parang Takeshi's Castle lang yan eh. Pagkalusot mo ng entrance, haharangin ka naman sa hintayan ng tren. Siksikan din at mapaubo ka lang may malalaglag na sa riles sa sobrang cramped ng istasyon. Syempre taga-Ayala ako kaya yun ang istasyon na tinutukoy ko. Yun din yata ang pinakamasikip na istasyon ng MRT kung di ako nagkakamali. Andaming tao. Andami ding bakla. At madaming mga baklang panget na di na sana nagbakla bagkus sana nagconstruction worker na lang. Wala lang, nabanggit ko lang.

Di mo ba alam na advanced level of technology na ang ginamit nila sa entrance ng MRT? Automatic ka nang makakapasok. Totoo yun! Naranasan ko na.

Ang gagawin mo lang tuwing andyan na ang tren, pumwesto ka sa harap ng pintuan at kapag nagdagsaan na ang mga tao, iangat mo lang ang paa mo ng bahagya at presto! Nasa loob ka na ng tren, wala nang lakad-lakad pa at walang pakikipagsiksikang magaganap. Parang mosh pit at slaman lang pero in a good way.

Naawa ako dun sa isang ale, papalabas siya ng tren tapos sa Ayala station. Naabutan siya ng automatic na pagpasok, ayun, nadala siya sa loob, walang nagawa. Nagmaktol na lang. Buti nakababa pa din sa Ayala kahit muntik na siyang maipit sa pintuan.

Kapag maluwag, walang hassle. Paraiso. Bukaka mode to the maximus. Yung tipo ng luwag na sasabihan ka pang ang arte mo kapag di ka umupo. Uupo ka lang at dadamahin mo ang erkon at hihiling na walang tumabi sayong baklang humongous na ipapatong pa ang kamay sa hita mo at tatanungin ka kung san ka nakatira, anong pangalan mo, sinong nanay mo, at kung gusto mong sumama sa kanya.

Kapag siksikan, dun lang diyahe. Sobrang moist ng paligid at siyempre ilabas mo lang ang dila mo eh maabot mo na ang mata ng kaharap mong tao sa sobrang siksikan. Kung mahaba-haba ang dila mo eh baka maabot mo pati na din ang puwet niya sa sobrang sikip. Kung chicks, dibale nang mapunitan ng laman sa dila maabot ko lang ang labi niya.

Siyempre di naman mawawala ang mga samu't-saring amoy dun pero dispersed naman kasi dahil sa erkon. May iba-ibang pabango. May CK, may Afficionado, may Bench. Sa MRT na nga lang ata ulit ako nakaamoy ng Bambini eh. Bubble Gum scent. Nawala na kasi ang Bambini nung nagkaanak si Camille Pratts.

Ang MRT di tulad ng ordinaryong bus na mababa na ang limang taong kaltas sa buhay mo dahil lang sa polusyon na makukuha mo mula sa anghit, utot, at usok ng siyudad. Buti na lang nag-aral ako ng selective smelling para cancelled out na yung baho sa mga pagkakataong ganito.

Maangas ang mga nakasakay sa MRT. Minsan nageksyusmi ka na at naglumuhod para makaraan aangasan ka pa din. Ang iinit ng ulo. Mga may regla kahit lalake. Akala nila sila lang ang pasahero. Pasalamat nga sila't di ako umutot eh.

MRT din ata ang pinakamabilis umarangkada tuwing papaandar. Parang rocketship. Natutumba ako pag di ako nakakapit, pero sa ibang tren naman, hindi. Kulang lang yata ako sa vitamins at common sense na kumapit sa safety hand rails gaya ng palaging sinasabi ni ate recorded voice.

Mabuti nga't naisipan nilang irecord na lang yung boses ng kung sinong DJ at yun na lang ang ipatunog sa tuwing sasapit sa kada istasyon o kaya eh may paalala sila. Minsan kasi napakahina na ng tunog ng speaker kaya di mo marinig si boss operator.

"Gowadalohpeh, Gowadalohpeh Stisyun."

Pakitandaan niyo nga din pala na hindi lang ang pagpasok sa MRT ang automatic. Minsan kapag careless whisper ka eh nagiging automatic din ang pagkawala ng celphone mo sa bulsa. Automatic siyang nalilipat sa mga tindahan sa kung saan lalo na't amoy kahon pa ang selpon mong N1234.75 ang modelo.

Tulad na lang ng nangyare sa isa kong kaibigan. Pinuwestuhan siya ng isang babaeng mayroong lumuluwang neckline tapos nagpapanggap na nagpapagpag ng damit sa sobrang init. Ayun, nadistract siya sa babaeng pangit naman pala kaya na-automatic benta ang kanyang selepono.

Tsk tsk tsk.

"Ayala station! Ayala station! Kindly exit the train at the right side of the station."


13 Winners:

Mariano said...

putangina napakahaba pala nito. pati ako tinatamad magbasa.

Lyzius said...

nung una akala ko si hener ahihihi boy ang pinasulat mo sa dami ng pekpek na nabasa ko...nagkalat..pati regla...shet! ang lansa...

pero kahit mahaba ang anu mo, pinagtyagaan ko pa ring anuhin...

(ganito ang epekto sa taong tigang, mahalay ang koment)

Anonymous said...

mabuti napansin mong mahaba
potangena yan

wala ng iskwater sa
riles ng PNR
ok na siya
malinis na

obyus na di nasakay
ngwarks

ebasta nasakyan ko na
yung linya ng starcity
at enchanted kingdom
dabes
:)


.xienahgirl

Pedro said...

san ka kumuha ng selective smelling? gusto ko din yun, astig!

putang ina ang haba. pero binasa ko pa din. hahaha. tangnang yan!

nanakawan na din ako, lrt 2 naman. sa santolan station. Pft. pati mga sss.pag-ibig, tin, at kung anu ano pa. leche!

Anonymous said...

nakatulog ako sa sobrang haba.. hahaha.. namiss ko tong hachipatuchi long na mga entries.. weee

usapang tren.. di ko pa nasasakyan yang PNR..

ang MRT naman ang paraiso ng mga pedophiles, mga frott at manyak.. sisikan eh.. pwedeng makipagkiskisan at pwedeng mong idampi ang bahagi ng katawan mo na hindi ka tinitignan ng masama kase nga naman siksikan..

PoPoY said...

ang haaaabaaaaaaaa naman M. putah hahaha.

pero ang saya. eh kasi nakakarelate ako. ayala din ako.

sosyal ba ang makasabay mo ang construction worker? taena. pag minalas ka pa meron pang manyak na titira sa pwet mo. naalala ko yung babae, nagalit dun sa isang lalake kasi ang dinidikitan yung pwet nya ng matigas na bagay. ewan nya lang daw kung ano yun hehehehhe..

ayos :)

Anonymous said...

dumadaan ang PNR dito samin.
baba ka pag napdpad ka dito.
takte,ang ikli nito.

naduling na ako sa pagbasa.

Anonymous said...

sayang ang oras ko. ang haba!!!!

di pa ko nakakasakay ng PNR.

sa coach ng mga babae, di naman ganun kasiksikan (or so i think... di nga pala ako nagcocommute madalas. hehehe)

pero naranasan ko na ang magsugal ng buhay sa ibang coach. haha. muntik na nga mapalitan yung mukha ko. haha. skeri.

Anonymous said...

grabe naman ito ang habaaaa... kaya ba longganisa ang label nito? hahaha.. gulo ko...

kahit sa LRT siksikan eh.. pag nakatayo ka na sa simula parang mahihiya kang umupo kasi may nakatingin na sau agad na ale alam mo un, nakikita mo na ung upuan na free pero biglang magliliwaliw muna ung mata mo boom!! nkita mo si ale nakatingin na agad sau.. shet tau ulet! tiis!

kaya sa gilid ako napwesto sa MRT eh.. para walang dikitang nangyayari at nakawan... haha

Anonymous said...

naalala ko ng bago pa ang mrt, nung bergin pa sya. sobrang linis, lamig ng aircon at sobrang luwag. wala pa masyado sumasakay nun. tumakas kami ng friend ko nung hiskul para mag megamall. ahhaha

pero ngaun naman, sakto sa description mo. hahaha. isama pa ang mahilig manitig! hehehe

tara makipagsisikan. hehehe

Anonymous said...

rawr. ayan, may nababasa na ulit ako. natuwa naman ako. ahihih!

...kung makakasakay ako, tatanggapin ko ang sabaw ng tadhana na maiisaboy sa akin.

ewww! bkit sila nagtatapon ng ganyan? totoo ba yun o nangti-trip ka lang? ewwwness!

wah nakaktuwa naman adventure!

parang subway lang ang MRT masyadong packed, tas kapag may nakatayo na nakasabit sa handles, at sweaty, maaamoy mo pa. yiiish. hahah!

wag kang makinig sa kanila poncy, maganda ang mga entries na ganto kahaba! hahaha! fifteen mins ko din binasa. rawr.

Anonymous said...

u made me laff mariano...ur the man..kapaan ng itlog pla ang MRT..buti nalang nasa cebu ako..malamang nawala na ang itlog ko kung andyan ako..ahahaha....safe kapa ba mariano?kapain mo itlog mo..bakana snatch na..ahahaha.

putah..puro pekpek nalang nababasa ko. may dugo pa.ewww!ano ba!

Anonymous said...

uu papatuluyin kita saamin. kasi meron na kming room for rent para sa mga lalake.may kasama na ring sariling cr at electricfan. rates are still negotiable.ahaha.

salamat sa trapiko.