July 25, 2008

Office Chronicles : Hidden

Tangina may nagtatago ng susi ng si-ar sa private banyo ng opisina.

This. Is. Madness. Charot.

Putangina naman, bakit naman andami-daming precious objects na pwedeng itago sa opis, yung susi pa ng pinakaeverfavortismsupercomfortroomzone pa?!

Sasabihin na may tao wala naman pala talaga. Tangina nagmo-moist na yung puwet ko, wala pa ding lumalabas na tao sa banyo.

Ayoko namang gamitan ng dahas at manghostage pa ng presidente para lang makagamit ng private toilet.

Sige na nga, dun na lang ako sa McDo.

12 Winners:

Anonymous said...

kawawang mcdonalds branch
e bakit
ang dami ba gumagamit nun?
hahaha

para kaninong banyo
ba talaga ang CR na yun?
ipaduplicate mo susi



.xienahgirl

Mariano said...

Para samen talaga yun, kaso sawa na ata sila sa amoy ng jebs ko kaya naman napipilitan na silang itago ang susi.Mas maganda kasi ang tissue sa McDo.

napundingalitaptap* said...

ahaha. . . talagang part ng routine ang tipo ng pag si-ar na iyan! hehehe...

flyfly!

Miss Tisay said...

anong meron sa tissue ng mcdo? scented? bwahaha!!

ganto gawin mo, punta ka sa opis sa gabi, o kya paiwan ka kahit sandali. tas magdala ka ng screwdriver o kaya ng drill. tas tanggalin mo yung doorknob at palitan mo ng bago.

ching! may bago ng doorknob yung banyo at ikaw lang ang may susi. hehehe! apir!

Roxy said...

Ay sows. madnessss kawawang tweety naghihintay sa wala. demote tuloy sa cr ng mcdo. Sabagay maganda naman tissue sa mcdo. haha

chroneicon said...

naalala ko lang iyong time na taeng tae ka na talaga, may goosebumps at malalaki ang butil ng pawis tapos pinalo ni Lv ang puwit mo... ahahaha!!!

Nang Magblog si Winkii said...

badtrip yan. haha.
malamang makapanghostage nga ako ng tao kung sakin nagyari yan!

Maldito said...

hoy mariano!

sigurado ka bang nag flash ka sa MCdo?

Mahiya ka naman kay ronald..

ha ha ha...

nasa saken ang suso.......ay susi pala!!

Mariano said...

Part ng culture ko yun bilang office worker NA. Matututunan mo din yan pagdating ng panahon.

Procky, hindi scented. Embroidered! Ahaha. SHET! I love your idea! Gusto ko yon! Parang despicable pero aylakykit! Ahaha. Kawawa naman yung mga natatae, aabutan na sila sa pants kakabukas ng pinto.

Roxy! Haha, oo, maganda ang tissue sa McDo with matching hamburger scent and ketchup! Nakakagana lalo tuloy jumebs dun kahit ang lagkit ng toilet bowl.

Boss Chie, tangina talaga yun. Buti na lang at disiplinado akong tao, di ako bumigay sa pambubuyo na ginawa ni boss LV. Nakayanan ito ng pagkatao ko, ahaha. HINDI AKO NAGKALAT!!!

Winkii, baka nga nakapagsalita ka pa ng kung anong language kung sayo nangyare yan.

Boss Maldito! Nagpaplas naman ako dun oy! Ahaha. Nakakahiya naman sa susunod na gagamit kung hindi! Haha. taena, ang layo pala ng narating ng susi, mukhang magiging kaibigan ko na ang guards ng McDo nito ah.

PoPoY said...

ahahahaha. eto na naman yung usapang tae. nakakabit na talaga to sau M. ikaw talaga ang simbolo nito. wala pa ring tatalo sau hahaha.

at dahil jan mainam na rgalo sau sa pasko ay isang napakaergonomical na toilet bowl hahaha :D para dun mo n lang ilagay sa station mo :D

Lei said...

Bakit nga ba CR ng mga fastfood chains ang ginagawang labasan ng sama ng loob ang mga pinoy? tsk.tsk. Kawawang McDo.

Mariano said...

Popoy naman, ako na ba talaga ang official shit bearer ngayong dadating na Olympics? Ahaha. Gusto ko nga ng bagong toilet, yung para sa bahay.

Ahaha, ganun talaga Lei. Madaling magsawa ang mga pinoy, kaya naman ayun, kung may libre at malinis na facility, dapat sulitin.