July 14, 2008

Office Chronicles : APE

Ahahay, nakakamiss nga namang magkwento tungkol sa mga nagaganap dito sa opisina. Masaya talaga kapag mga bata ang kasama mong nagtatrabaho sa opisina eh.

= = = = =

Hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang laman ng natanggap kong e-mail


From: Miss HR
To: Everybody at Dev't Group, Everybody at DTP, Everybody at Company
Subject: Annual Physical Examination
Date: Mon, 7 Jul 2008 10:59:21 +0800


Dear All,



Please be informed that Cocolife will be conducting the Annual Physical Exam for all employees on July 17 (Thursday) & 18 (Friday), between 9 am to 5pm at the Office. We encourage everyone to undergo the physical exam. We will send out updates should there be any changes on the venue or schedule of the APE. Specimen containers may be requested at the front desk from July 14 onwards.



Should you have any concerns, please do not hesitate to let me know.



Thanks,
Miss HR
Napag-alaman ko na meron palang magaganap na Annual Physical Exam ngayong darating na July 17 at 18. Required daw ito sa mga empleyado.

Naisip ko lang, diba ang ibinabalitang magaganap na 8.1 magnitude na lindol eh papatak sa July 18?

Ang hirap nito kasi:

1. Baka habang nakatuwad ako at iniinspect ng doktor ang puwit ko biglang malindol at kung ano ang mapasuksok sa puwitan ko.
2. Habang tinitimbang ng doktor ang betlog ko eh biglang tumabingi ang building at sa betlog ko siya mapakapit.
3. Baka kapag may kasabay akong empleyado na naka-hubo't hubad din tapos mayanig ang lugar eh bigla kameng magkayakapan.

= = = = =

Ayaw din ng mga kaopis ko dito sa APE na ito.

Eto ang patunay:


= = = = =

Wala pa naman kameng health card. Mga trainees pa lang naman kame. Kaya naman kung pwede eh hindi na kame idamay dito.

Alam ko naman awkward ang magdaan sa ganitong physical examination. Naikwento na sa akin ng kaibigan ko dati. Puro pangako lang daw sa kanila na hot at sobrang gaganda ng mga nurses.

Sa sobrang ganda daw eh mapapabigay ka ng sperm sample ng di oras.

Kaso lang hindi naman daw ganun. Minsan mga lalake pa ang nurses, at yung doktor naman matandang lalake. Nakakawalang-gana nga kung ganun! Sino bang gustong makalikot ng matandang lalake?

Hindi pa naman ako ililibing para kalikutin ng matandang lalake eh, kaya kung makakaiwas ako, iiwas na din ako. Baka kasi kung anong trace pa ng kemikal (tulad ng Estrogen, ahaaaaay!) ang makita sa katawan ko eh maikulong pa ako ng di oras!

Isa pa eh:

1. Habang nakatuwad ako at iniinspeksyon ng duktor ang tumbong ko eh baka hindi lang canister ng pabango ang makita niya doon.

2. Habang tinitimbang ng duktor ang betlogs ko eh malaman niyang peke ito, tatlo ito, o di kaya naman eh hollow ito at ang nakalagay eh dalawang pares lang ng jolens. Baka mamaya hiritan pa niya ako ng "Ay nako hijo, kaya naman pala ang duwag-duwag mong magpa-check up! WALA KANG BAYAG!"

3. Makitaan ng mantika ang dugo ko.

4. Makitaan ng bubog, turnilyo, pako, kayo, plastic, at sinulid ang stool sample ko at ang mag-match ang utot ko sa chemical na nagpasimula ng fire alarm sa building namen nung nakaraang buwan.

5. Matuklasan na pwede palang magliyab ang ihi ko sa taas ng alcohol content.

6. Matuklasan nila na hindi ako marunong tumitig ng deretso lalo na sa mga panget na nurses.

7. Makikita sa x-ray results na may insignia na ng Marlboro ang baga ko.

8. Malalaman nilang pwede na ding ibenta ng mahal ang stool sample ko dahil sa taas ng caffeine content nito.

9. Malalaman nilang di ako naglilinis ng kuko.

10. Mabubuking na supot pa ako.

Kaya bukod sa magaganap na lindol, ang APE na siguro ang pinakamagandang dahilan para umabsent sa July 18.


= = = = =

*Update*

HINDI PA DIN AKO NAKAKAPAG-PE!!!

Ayaw ko na ata, ahahaha. Pero putangina bukas na yung lindol!!!

16 Winners:

Anonymous said...

bakit ba
ang dami mo pang sinasabi?

di nga?
ang dami.
:|

shut up pwede?
hahahaha

PhD
yesssssss.

sana lamunin ka ng lupa
kapag nagAPE na
ng matahimik naman kami




.xienahgirl

Mariano said...

Bakit ikaw, konti ba ang sinasabi mo? Baka nga kapag bumuka ang lupa, magsilabasan lahat nung mga salitang sinabi mo at tabunan ka nila sa sobrang dami nila! ahaha. sose ka dyosabeh, wateber na lang ako, pft.

Anonymous said...

kumpara
sa lahat ng nasabi mo?
nagmukha pa nga
akong pipi.

kung pwede ka lang tabunan
ng lahat
ng kaslanan mo sa akin
hahahaha





.xienahgirl

mr_d said...

ang daldal... TUWAD!

Lyzius said...

pucha, telescope ang pang sukat ng pwet...syet!

Pedro said...

ang haba pota! shet, posible pa lang magmatch yung utot sa chemical na cause ng fire alarm, kinabahan akong bigla. baka ma-trace ako, bwhahaahha!

Candy said...

napakahaba namang usapan nito. pangalawang araw ko na to sa pagbasa, ngayon ko lang natapos.

ngayong mga panahon na kaka-PM mo lang sakin na najejebs ka, dahil di ka nakajebs kagabe.

ayan. yan nalang bigay mo sa APE! strong and pungent naman yang ebs na yan kasi 2 days nang bulok yan. magtatagal pa ang buhay nyan sa specimen container.

di ka naman supot eh.

dor said...

Hahahaha! this is one of the nastiest sh** when landing a job in some companies...di ba pwedeng blood sample na lang? nakakahiya talaga (buti never pang na-experience yan, whew)

lunes said...

17 na ngaun ah. na ngangawit ka na bang katutuwad?

PoPoY said...

ahahahahaha. sakit sa tyan.

APE, kala ko unggoy.

ayos yung conve ng mga ofismate mo M

ang dami talagang matututunan dito sa site mo.

EDUCATIONAL. :D

ahahahaha.


P.S.

Sa September pa naman ang APE namin kaya magpaparaktis na ko tumuwad ehehehe.

napunding alitaptap... said...

teka, anong petsa na nayun..hmmmmm. . .

ganun ba talaga ang klase ng examination na yun? harugarabeness naman iyon!

baka naman iboycott yun ng karamihan...hmmmm. hehe, ang daming nataranta ah, obvious.hehe
flyfly!

Mariano said...

DI PA AKO NAKAKAPAGPA-PE!!!!

FerBert said...

sana lang yung doctor na magchecheck sayo eh hindi six footer at hindi malapad ang mga daliri.. kawawa pwet mo nun pag nagkataon.. hahaha

bwahaha.. ibenta naten tae mo..
mas mahal pa siguro yan kesa sa alamid.. ipainom naten yang caffeinated stool mo kay __ib___! baka sakaling may magic iyan at magmukha syang tao!
haha

Leyn ♥ said...

ang sabihin mo.. kaya ayaw mo mag PE...

edi dahil mabubuking na nagdodroga ka!

Tisay said...

BWAHAHHAHAH!! hohmyzeusdemet!!

BWAHAHHAHAH!! di ako makahinga sa kakatawa.

oi Poncy! mag-shave ka dun! nakakahiya naman sa doctor na magche-check. hahaha! magwa-ym nga ako mamaya para lang malaman kung ano nangyare sayo. hahah! hindi mo na masasabing wala kang mai-kwento. zeusdemet. hahaha!!

wish mo na lang walang finger warts yung doc at hindi ripped yung gloves nya. bwahahhaa! tumatawa pa rin ako. dapat meron dito yung smiley sa YM na gumugulong sa kakatawa. hahaha!

Mariano said...

Putanginang yan FB, hindi sapat ang tae ko para magmukha siyang tao! Ahahaha. Tangina hindi naman. Chinese ang doktor at alam ko mas malaki ang tite ko sa kanya kaya di ako nahihiya, ahahaha.

Hoy Leyn! Kung titignan natin, mas mukha kang nagdodroga kesa saken no! Ahaha, syet, ampayat mo nga eh! Dinadahilan mo lang ang pagiging model mo! Ahaha.

Procky, haha. Wala, walang fingeran na nangyare SAYANG! Ahaha. At hindi ako nag-shave, sus yan, saglit lang naman tinignan eh, shet.