May 27, 2008

Pepeng Tom

Matatagpuan yan dito sa website na ito.

http://www.phrases.org.uk/meanings/peeping-tom.html

Kung bakit ko naman nabanggit yan eh sa dahilang yung isa kong kaopisina dito eh nagrereklamo ng kanyang masakit na mata nung mga nakaraang araw.

Dahil sa likas na angkin kong galing sa analysis, pinatignan niya sa akin ang kanyang mata kung namumula raw. Pinatingala ko siya at upang silipin sa liwanag ang kanyang mata at napuna kong hindi pala siya naglilinis ng ilong. Pero joke lang dahil isa siya sa butihin kong kaopisina dito at kaibigan ko na din. Peace tayo Jake. Yihee, special mention ka dito you lucky bastard.

Hindi naman siya namumula pero masakit daw. Tinignan ko kung may rashes, wala naman daw. Kinapa-kapa ko at dahan-dahan kong pinisil-pisil, masakit daw. Ming Zhou. Syet, patayin nyo na ako.

"Hindi naman siya namumula pero masakit daw." -- Alam kong applicable din ito sa iba't-ibang parte ng katawan kaya naman bahala na kayong humusga kung mata nga ang pinatignan sa akin ng ka-opis ko.

Kapag pumipikit siya ay masakit daw. Kapag naman tinutusok niya ay lalo nang masakit. Duh, tinusok niya eh, syempre masakit yun. Sos yan.

At dahil mayroon kameng lahi ng mga magagaling na duktor noong nakaraang mga panahon ng dinosaurs, sinabi ko sa kanyang KULITITE ang naeeksperyens niyang iyon. Wala pang butlig subalit sa hilatsa ng pakiramdam na yon, alam ko na agad na iba na ang itsura niya sa susunod na araw.

Namamaga ang mata na parang kinagat ng ipis. Parang pantal at mapula. Ayun, tama ang doktor, este, albularyo sa loob ko na kuliti nga ang naturang pananakit ng etits niya. NG MATA NIYA.

Alam naman sa kultura nating mga Pilipino (at mga Pilipinong hampaslupa tulad ko) na ang kuliti ay konektado sa akto na mahilig gawin ng mga tulad ko rin -- Ang PamBertulano...

Ay, mali. PAMBOBOSO.

Ang pamboboso ay ang akto ng panunood - gamit ang mga mata - ng mga tao na hindi nais mapanuod sapagkat may ginagawa silang pribado sa kanilang mga ari... este BUHAY, sa kanilang mga buhay.

Mas kunektado ang pamboboso sa mga gawaing ginagamitan ng katawan, lalo na ng hubad na katawan. Ilan na sa mga ito ay ang: pagligo, pagluluto (para sa mga nagnanakaw ng secret recipe), at ang mga magkatipan na nagpaparaya sa kagustuhan nilang magpakaligaya sa piling ng bawat isa, pagsakay sa jeep ng nakaskirt, pag-akyat sa escalator ng nakaskirt, pagyuko ng may plunging neckline na damit, pageeksersays, pag-akyat sa puno ng niyog na nakabahag, at ang pagtatambling ng hubad.

Meron kayang nagluluto ng nakahubad! Sos yan.

===================

Syempre dahil may kulite si opismeyt eh nakantyawan siyang namboboso. Kung kanino man siya namboboso, hindi ko na din alam siyempre, dahil hindi naman ako nagsusuot ng skirt dito sa opis para lang bosohan niya. Swerte naman niya kung ganun at basta na lang niya makikita ang aking lovely luscious lumps.

Nagkaroon na din kame ng ispekulasyon na hindi tunay na kuliti yung nasa mata ni opismeyt kundi produkto ng kanyang walang-ingat na pamboboso. In short, sinundot ang mata niya dahil nakita siyang nakasilip.


Kaya naman marapatin ninyong bigyan ko kayo ng ilan sa mga bagay na kinakailangan upang maisagawa ang matagumpay na pamboboso.

Peeping Tom Tips by Mariano

First rule of peeping is: Do not get caught.

Second rule of peeping is: YOU DO NOT GET CAUGHT.

Number three: Wear protective eyewear.
Hindi ka nakasisigurado kung ano ang masasaksihan mo at kung ano ang maaaring lumabas sa butas na iyong sinisilip. Maaaring mga iba't-ibang likido, mga alikabok, insekto, o di kaya eh bala ng baril. Sa mga ganitong sitwasyon, pumili ng nararapat na eyewear sa okasyon. Kapag nakaskirt sa jeep ang sinisilipan, magdala ng heavily tinted na shades. Kapag naman nagsha-shower ang sinisilipan, magdala ng goggles. Kapag naman sundalo ang asawa ng sinisilipan, magdala ng bullet-proof shades. Samahan mo na din ng bullet-proof everything.

Number four: Dinsinfect.
Ang isa sa nakikita kong dahilan pa ng pagkakaroon ng kulite ni opismeyt ay ang pamboboso niya na marumi ang scenario. Marumi ang butas, marumi ang kamay niya, at marumi ang ginagawa ng binobosohan. Kaya naman ipinapayo kong magdala ng alkohol at bulak upang mapunasan ng husto ang butas na sisilipan. Maaari ding magdala ng Lysol at ispreyan ang paligid para mas safe. Wag naman yung eksaheradong magsusuot ka pa ng biohazard na damit para lang mamboso. Pwede din siguro kung 2girls1cup ang sinisilipan mo.

Number five: Use Proper Equipment
Hindi lahat tayo ay ninja upang maging magaling sa pamboboso na hindi napapansin ng mga binibosohan. Mga normal lang tayong tao at hindi Spider-man na kumakapit sa kisame para lang masunod ang layaw ng kulite. Kaya naman mainam na maghanda ng mga bagay na maaaring magamit sa pamboboso.

1. Mini-drill - Piliin ang walang gaanong ingay na malilikha. Pumili ng butas ng drill bit na angkop para sa kapal ng pader, kung kahoy man ito, kongkreto, o di kaya eh bakal pa para sa hayok na hayok.

2. Bench - Hindi yung damit, yung bangko (hindi yung lalagyan ng pera) na pupuwedeng upuan sakaling matagalan ang bosohan sessions para hindi mangalay sa kakatuwad o kakayuko. Pwede ding magdala ng kumot at unan.

3. Random pets - Sa oras na lumikha ka ng kakaibang tunog sa oras ng pamboboso ay manganganib ang lahat, pati ang buhay mo (lalo na't Yakuza pala ang binobosohan mo). Kaya naman magdala ng angkop na hayop para kung sakaling matumba ka at kumalabog sa labas, itatapon mo lang yung random na hayop na dala mo katulad ng ibon, manok, pusa, kabayo(kapag napahalinghing ka sa sarap ng pamboboso), o di kaya eh blue whale. Kung may ubo ka sa panahon ng pamboboso, wag mong kakalimutan ang lolo mong inuubo.

Binobosohang Girl 01: "Oh yeaaaah, baby ... isa paaaaaa"
Ako: *Ubo ubo ubo!!!*
Binobosohan Girl 02: " *GASP* Ano yon!!!"

Sinilip sa labas

Binobosohan Girls:"Ay, si lolo lang pala eh... Halika lolo, sali kayo samen!!!"
Lolo: "Salamat mga apo..."
Ako: Putanginang yan...

4. Invisibility Cloak - Tulad ng ginagawa ni Harry Potter kay Hermoine tuwing naliligo siya, mabisang gamitin ang cloak na ito laban sa mapagmasid na mata. Iwasan lang ang kandila tuwing gamit ang cloak na ito at baka maging toasted invisible man ka ng di-oras.

Number six: Mag-aral ng Gymnastics at Yoga.
Hindi sa lahat ng oras straightforward na silip lang ang gagawin mo. Dahil sa hindi nga tayo ipinanganak na ninja, dapat flexible tayo at maaaring ipagsumiksik ang sarili sa makikipot at alanganing lugar ng pamboboso. Sapagkat ang magandang anggulo ng paninilip ay hindi natatagpuan subalit ito ay ginagawan ng paraan.

===================

Sa ngayon, ganun pa din kalaki ang mata ni opismeyt. Hindi pa din lumiit, pero hindi na siya ganoon kasakit dahil siguro napatawad na siya ng binosohan niya.

Sa susunod na pagkakataon na magkakaroon kayo ng kuliti, i-eksamin muna ito nang maige. I-eksamin na din ang kunsensya kung na-guilty ka ba sa pambobosong ginawa mo kaya ka nagkaroon ng malaking kuliti.

23 Winners:

iheartmamon said...

Sige lang, wag di ako nahiya.

teka, parang ang hirap bitbitin ni lolo sa bosohan. kabayo na lang dadalhin ko, sasama ka ba? baka ikaw din ang mayaya. wahahaha. jowk.

yung link ko, asan na? susmariano!

maris said...

di lang pala pang xerex ang galing mo. Isa ka din palang kulite expert. =D

Lyzius said...

binigyan mo na rin sana ng tip yung bopis meyt mong me kuliti... hanap kamo sya ng sexyng nanay na nagpapadede ng baby. mas bata (yung nanay) mas effective. isahod ang mata sa ilalim ng dede kung saan saktong papatak ang gatas sa namamagang mata.

ang resulta, magkakakuliti ulit ang kabilang mata at babalik sa nanay na maganda!

rhyme di ba?

churvah said...

ahaha..aus sa payo ah.
take it from the expert ba?

xG said...

potahh
hahahaha


hula ko rin yun e
nasundot ang mata
dahil namboso
:)

a n t i p a t i k a said...

ikaw na ikaw ah :D
epal lang...

kurisujae said...

san ba ung kuliti nya,sa mata o sa t*ti?

sakit siguro nun kung sa dulo ng t*ti no?patakan nya kamo ng gatas ng ina.un daw gamot dun eh.

lunes said...

eh doc mariano.. pano naman kaya eto?? ung pamangkin kong 3years old may kuliti na??ahaha.

The Gasoline Dude said...

Aba, special mention si Pam Bertulano! Balita ko maganda yan eh. *grin*

linglingbells said...

hahahaha!! benta tong entry na to.. akalain mong may mga tips pa, expert na expert ang dating ah! :)

Pam Bertulano said...

@ gas dude: hay nako mukhang may tama ka jan. HAHAHA!

blog-owner said...

Hoy Mamon, haha, pag si lolo ang binitbit mo baka masilip niya pa yung nangyayare at atakihin sa puso eh, ahaha. Andyan na yung site mo oh, sa gilid.

Maris, hindi ako eksperto, madalas lang ako nagkakaganyan kaya alam ko ang mga pasikot-sikot!

Mami Lyzius, ang alam ko eh para sa sore eyes yung gatas ng ina eh. Pwede din pala sa kuliti yun. Tapos meron pa daw katuwang yun sa likod, yung tutusukin ng tinik ng dayap. Ah basta, ewan, haha.

Churvah, ahaha. Expert akong magkakuliti at hindi mamboso!

XG, naisip ko din yun eh, pero wala naman sa ugali niya ang gagawa ng ganun. Baka nga tunay na kuliti at hindi nasundot, ahaha.

Hindi ako to! Ibang tao to, ahaha. Sos yan, antipatika talaga!

Kurisujae, sa mata ang KULITI kahit katunog siya ng TITI. Kung sa dulo ng etits yun, STD na yun at hindi kuliti! Ahaha.

Lunes, maagang namumulat sa katotohanan ang pamangkin mo kaya naman dapat eh habang maaga pa lamang eh hindi na siya pinapanood ng mga bold movies...

Boss GD, ahaha, bakit nagkokomento ka dito? Kasi andito si Pam? Dapat ata lagi ko siyang ilalagay para lagi kang magkokomento.

Lingling! Hindi naman eksperto, para lang sa mga nangangailangan, baka maka-relate sila sa mga naranasan ko na din dati pa, at para magsilbing aral na din ang kaso ng kaopisina ko, ahaha.

Oy Pam!!! Oo na, dito na kayo magligawan, sige okay lang saken, ahaha.

utakGAGO said...

LOL parang Fight Club lang ang rules ah!

Nagkaguliti na rin ako pero hindi dahil sa nanilip ako. Ewan ko kung bakit - hindi ko nga alam kung anong konek ng pamboboso sa kuliti eh.

Apir!

PoPoY said...

hahaha. mariano isa na namang award winning entry mo. masakit ang tyan ko kasi kakalunch ko lang at lalong sumakit dahil sa kakatawa ko.

isa lang ang solusyon jan.

wag ng manilip. :)

arhey! said...

susmariano! ang galeng! hanep! makapagyoga nga. =)

M said...

Utakgago, dapat respetuhin natin ang pamboboso. Sagrado ito at pinagmumulan ito ng ginintuang aral. Nakagisnan ko na din na konektado ang boso at kuliti. Nakakahiya tuloy magkakuliti. Hindi dahil pangit, pero pangit ang image mo, ahaha.

Boss Popoy, salamat salamat! Baka naman tiyan ang pinamboso mo kaya sumakit? Ahaha. Pwedeng manilip kung gagamitan mo ng gadgets tulad ng zoom in ng camera saka periscope.

Arhey! Tara, yoga tayo! Mahirap ang magsumiksik sa mga tagong lugar eh, kaya dapat magyoga.

churvah said...

sanay ka magkakuliti,pero di ka sanay mamboso?

db kaya nagkakakiliti kasi namboso?
hehehe..watevah!

gagitos said...

ahahahah!! may 'art' pala ang pamboboso... hehehe...
-
wei

Tisay said...

hohmyzeus. nakakabigla tong entry na to. expert ka pala, di mo sakin sinasabi, sana ikaw na lang hiningian ko ng advice nung isang beses...

ang dami kong comment.

1. siguro ang tinitignan mo nga yung mata pero ini-imagine mo naman yung titi. hahaha! jests.

2. sino naman nagsabi sayo n di pwedeng magluto ng nakahubad? =P

3. rule 4-- kaya nga ako madaming sunglasses. haha!

4. rule 5-- ayus lang ba kung kambing ang dalhin ko? medyo mabigat yata ang kabayo, may naka-kabit pang kalesa yung mga nand2 eh...

bkit naman kasama pa si lolo. baka biglang ma-dead yun.

san ba makakabili ng invisibility cloak, yan na lang yata wala ako.

5. rule 6-- wah! marunong akong mag-yoga! hahah! handa na ko! syet...

Dakilang Tambay said...

lupit ng mga tips mo! apir

lunes said...

sige pagsasabihan ko na lang magulang niya na wag na siyang isama kung nanonood sila ng porn.thanks doc Mariano.

GODDESS said...

iba ka M!

lagyan ba ng art ang pamboboso?? aysus!! basta ako, never pa nagkakuliti.. kasi hindi ako namboboso.. nagpapaalam ako pag gusto ko manood.. hahahhaa!!!

Huwantso said...

Wohoy Churvah, ahaha. Ibang lebel naman ng kuliti ang natamo ko noon, kaya masasabi kong sanay ako sa kuliti. Yung tipong ooperahan na.

Boss Wei, isa sa mga kinokonsidera kong ART yan.

Andaldal talaga ni Tisay, haha. Hindi ako ekspert! May alam lang ako. Pero I congratulate you with your shades, it helps protect! Ahaha. Putek yung number one mo, nakakaloka! Ahaha!

Nagamit mo siguro ng husto ito no Mia? Yihee!!!

Sabihin mo na din Lunes na wag isama ang anak nila kapag sila ang gumagawa ng porn! Ahaha!

Goddess naman, haha, iba naman din ang aura mo siguro! Isang sabihan mo lang ata eh papayag na yon! Ahaaaaaay.