July 31, 2008

Thought Broth 04

Andaming nauusong mga kung ano-anong klase ng sistema ng pagpapapayat ngayong mga panahong ito.

May Calayan, may Belo, may Mendez, may Auring, may Silhouette Kwarenta.

Puta, sobrang mahal naman. Gusto ko sanang patabasan itong luwa kong tiyan para man lang kahit papaano magkaroon ng korte ang katawan ko at hindi itong mas nauuna pang maumpog ang tiyan ko kesa sa dibdib ko kapag nakakabangga ako ng mga tatanga-tangang tao sa lansangan (na tulad ko kasi nabangga ko din siya).

Minsan... hindi pala minsan sa kaso ko. LAGI. LAGING nakakatamad magpapayat. Mag-aapply ka ng plan sa mga fitness centers na hindi mo naman pupuntahan.

Bibili ka ng sangkaterbang diet pills at mga pampapayat na gamot sa Home TV Shopping dahil nakita mong epektibo ito dahil sa nakita mong babaeng may malalaking suso at magandang hubog ng katawan. Eh lalake ka naman.

Kung gusto mo talagang pumayat, napakadali ng solusyon. Kumain ka ng maraming street food sa panahon ng tag-ulan. Maghanap ka ng lugar na maraming nade-dengue, manirahan ka dun ng tatlong buwan ng walang kulambo o di kaya OFF Lotion o kaya bentilador. O di kaya eh magswimming ka sa isa sa mga estero ng Manila ng hubo't hubad.

Garantisado, mahigit sa 20 klase ng sakit ang makukuha mo kapag ginawa mo ang isa (o kahit lahat) sa mga bagay na ito. Instant kapayatan kaagad. Sukat at tae ng sabay. Sino bang hindi papayat agad nun. Times 3 kang susuka at limang beses kang kakaripas sa toilet sa loob ng isang araw. Ewan ko na lang kung kahit si Kung-Fu Panda hindi maging simpayat ni Gollum kapag ganito ang ginawa mong slimming techniques.

Isipin mo, sa halagang 150,000 pesos sa Liposuction, at buwanang bayad sa mga fitness centers, ganun din ang halaga ng gamot na bibilhin mo at bayad sa ospital para sa confinement.

Pareho lang halos. Dextrose, supositories, sasalinan ka ng dugo, mga chuva, mga ganun. Walang ipinagkaiba kay Calayan, Belo, at Mendez sila Diarrhea, Dengue, Typhoid Fever, Leptospirosis at Hepatitis. Ganun din papatak ang presyo.

Ang maganda pa nun, nakahiga ka lang at sinusubuan ng pagkain ng bantay mo. Panood-nood ng TV, bibisitahin ka pa ng mga nars.

Kesa naman sa fitness centers na kailangan mo pang mapagod para pumayat.

So san ka lulugar?

Ako? Wala. Kakain lang ako nang kakain. Ang sarap kayang kumain.

July 30, 2008

Plas

Ah, pasensya na. Mahaba-habang reklamuhan ito.

Ito ang kwento sa likod nung "seryoso" kong mga pahayag.

= = = = = = =

"You either die pumping or you live long enough to see yourself aged and still flushing.
"

Problema talaga. Totoong problema at walang halong pekeng problema.

Wala nang paligoy-ligoy pa.

Barado ang toilet namen.

Elongate...

Ping.fm

asdasd

July 28, 2008

Problem

This is a serious one. Trust me.


We're having problems here inside the house. Considering that whatever we have here in the house is part of the family, then I guess I would have to say that what we have in our hands, right now, is a family problem.

I actually don't know when it started, but as far as I can remember, it was way back during when I was very very young. Not the fetus kind of young, just the elementary kind of age.

It was upsetting. I am thankful that I have a strong family, otherwise all of us would fall apart, and we would all breakdown if we would be another family, like the one in 7th Heaven perhaps.

I wouldn't lie to anyone. I am not a strong person, and I can only handle so much. It is stressful every time that this dilemma happens but who are we to do something about it? We're just a normal family of the community. We pay our bills, we pay our taxes, we attend homeowner's association meetings (like bingo, raffle, ballroom parties, et. al.), and we even mingle during our neighbor's children parties.

I guess every person has their limits. I am tired. I want this thing to stop. I want this to end, but it is so overwhelming that sometimes it is the cause of my older sibling's tantrums. Even she couldn't handle the trouble, so who am I to claim that I can solve it.

I want to thank our parents for being supportive regarding this issue. It's all in their brave hearts that we continue to push through with this trial in our lives.

I just wish there's a loophole in this kind of roadblock in this point of our lives.

*Sigh*

Putanginang shit kasi bakit ba kasi nagkaganito ang toilet namen, ang laking problema tuloy.

July 25, 2008

Office Chronicles : Hidden

Tangina may nagtatago ng susi ng si-ar sa private banyo ng opisina.

This. Is. Madness. Charot.

Putangina naman, bakit naman andami-daming precious objects na pwedeng itago sa opis, yung susi pa ng pinakaeverfavortismsupercomfortroomzone pa?!

Sasabihin na may tao wala naman pala talaga. Tangina nagmo-moist na yung puwet ko, wala pa ding lumalabas na tao sa banyo.

Ayoko namang gamitan ng dahas at manghostage pa ng presidente para lang makagamit ng private toilet.

Sige na nga, dun na lang ako sa McDo.

July 23, 2008

Thx Thx

Laffapallooza

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.

*^~SALAMAT SA LAHAT NG BUMOTO~^*

Tignan nyo naman, nag-effort pa ako diba. May tilde, caret, at asterisk combo yang banner! Nilagyan ko ng mga pinakamagarbong special characters sa keyboard. Oha! Oha!

Hanggang September pa daw ang botohan.

May pagkakataon pa kayong pumili sa lima sa inyong pinakapaboritong humor blogs at dumayo kayo sa


Narito nga pala ang instructions para sa patimpalak na tinatawag na Project Lafftrip Laffapallooza.

Balita ko kasi kapag nakapasok sa Top 10 ang isa sa mga ibinoto mong humor blogs ay magkakaroon ka ng tsansang mapasali sa raffle at manalo ng isa sa mga sumusunod.

1. Nokia NSebenti Music Edition.
2. Sony Cybersex... Cybershot Digital Camera
3. Fifteen (15) Thousand (1000) Pesosesosesesosesoseso*hingal*sesoses!!!


= = = = = = =


Eto, ayon sa latest count eh pang number 13 daw ako. Hindi naman ako mapamahiing tao at bihira akong maniwala sa chismis, pero ayon sa alamat eh malas daw ang 13.

Sana matulungan ninyo akong maialis sa pwestong yan para kontra malas at kontra 13. Putangina wag naman sa pababa ha? Kahit pang 10 lang na puwesto para may t-shirt akong ipang-sisimba para ipagdasal na sana manalo kayo sa raffle. Quits ba tayo? Apir!

Pero siyempre, ang kagustuhan niyo pa din ang masusunod kaya naman suportahan ta ka na lang ang boto mo dodong.

Mananalo daw ng t-shirt galing sa The T-Shirt Project ang mapapasama sa Toff Ten.

Sana nga lang mauna kong makuha ang t-shirt bago ang raffle. Kung hindi naman, meron kayong cyber-xoxo galing saken.

= = = = = = =

Gusto ko nga din palang imungkahi sa inyo ang Sample Ballot na ito na mula sa nag-iisang diyosa ng Blogosphere na si XienahGirl.

Sa ngayon wala pa si Mr_D kaya naman pakihintay na lang ang kanyang blog.

Maraming-maraming salamat po sa suporta. Ikinararangal kong mapabilang sa top 13 na humor blogs ng Pilipinas kahit puro kakornihan shitters lang ang napapala niyo dito.

Gusto ko nga din palang batiin yung Labandera namen. Salamat sa description ha? Isang malaking XOXO din para sayo. Wag mo na lang sanang ipronounce na suso yan para walang malisya.

Yun lang po. Maraming salamat! Vote straight, vote wisely! Vote for us!

July 18, 2008

Office Chronicles : APE Aftermath

July 18, 2008 na nga.

Putangina mo kang lindol ka. Kahit man lang 0.00000000000000000001 Magnitude hindi ka nagparamdam para pigilan ang putanginang PE ito.

Wala din, tumuwad din ako.

Doc: "Okay. Tanggal ang pantalon pati brief. Okay, tuwad. Bukaka. Ibuka mo yung pwet mo *ilaw ng flashlight*. Okay, harap *ilaw ng flashlight*. OMG ANG LAKI!"

Joke lang yung last statement ni doc.
Pero walang kinalaman yung sperm sa pagtuwad ko okay?

Elongate...

July 14, 2008

Office Chronicles : APE

Ahahay, nakakamiss nga namang magkwento tungkol sa mga nagaganap dito sa opisina. Masaya talaga kapag mga bata ang kasama mong nagtatrabaho sa opisina eh.

= = = = =

Hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang laman ng natanggap kong e-mail

Elongate...

July 11, 2008

Thought Broth 03

May mga kaibigan ka ba? Syempre meron.

Walang kwenta ang buhay mo kung wala kang kaibigan.

Pakamatay ka na lang.

Wala na sigurong mas magiging mainam pa kaysa sa tunay na kaibigan. Ang kaibigan na kahit anong ebidensya ng kademonyohan mo eh ikaw pa din ang kakampihan.

Ayon sa isang mensahe mula sa text, ang isang kaibigan kapag sinabihan mong nakapatay ka ng tao, hindi niya ito babanggitin kahit kanino.

Ang tunay na kaibigan, kapag sinabihan mong nakapatay ka ng tao, dadating yan sa iyo ng may dalang pala (shovel). Walang tanong-tanong.

Kung ako ang papapiliin ng kaibigan, ang gusto ko eh yung plastik na kaibigan.

Ayon sa siyensiya, ang plastik, kahit ibaon mo sa ilalim ng lupa, aabutin pa ng 10 years bago matunaw at madecompose ang kanyang structure.

Kung sa gayon, kapag plastik ang kaibigan mo, sampung taon na siyang nakalibing pwede mo pa din siyang hukayin para may makaramay ka sa problema.

Pangmatagalan ang kaibigang plastik.

Ikaw na lang ang bahalang umintindi.

Ngayon kung pipili ka, ang piliin mo yung susyal na tipo ng kaibigan.

Wag Orocan o yung microwavable containers.

Mag-Kyowa ka.

"Basta't sa Kwoya, may ginhawa ka."

= = = = = = = =

TIGNAN ANG COMICS VERSION SA BLOG NI XienahGirl

barbiegirl

July 7, 2008

Marka

Ngayong umaga lamang, naisipan kong gusto ko talaga ng tattoo.

Sa hindi malamang dahilan, nagkaroon ako ng matinding kagustuhan na magpamarka ng tintang nakabaon sa ilalim ng balat.

Base sa nabasa ko, sa Dermis layer nakabaon ang tinta dahil ito daw ang parte na may mga taba-taba para maghold ng tinta dahil kung sa Epidermis mo ito ilalagay, para lang itong langib na kapag naghilom ang sugat, pwede nang matanggal. Sayang naman ang pera mo.

Ang aking kaibigan(?) na si Pedro ay ang isa sa mga personal kong nakita na mayroong professionally and artistically made na tattoo. Di naman sa marami akong kaibigan na mga ex-con, pero yung iba kasi eh napagtripan lang tattoo-an ng kuya ko.

Maganda at malaki ang tattoo ni Pedro. Minsan nga gusto ko itong hawakan at kilatisin ang kanyang tattoo na napakalaki. Nakakamangha kasi eh, parang ang sarap tignan at kilatisin at hawakan. Gusto ko din ng ganun kalaking tattoo.

Ayaw sa pamilya namin ang may tattoo. Para sa kanila, masama ang iyong katauhan ang may ganun. Hindi ko alam kung ano ang gusto nilang mangyare eh kung imahe naman ni Hesukristo ang tattoo mo, maiitakwil ka ba nila?

Gusto ko ng astig na tattoo.

Gusto kong magpatattoo sa tiyan ko ng isang astig na text image na ang nakasulat eh "BUSOG". Wala na silang magagawa kung maghubad ako sa beach tapos ang laki-laki ng tiyan ko. Nakasulat na nga diba? Duh.

Pero sa ngayon, ang gusto kong maging tattoo eh ang parte ng katawan na kung tawagin ay PEKPEK.

Bakit pekpek? Para astig. Sino ba namang lalake ang magpapatattoo ng ganun diba? Mahalay man sa iba pero ang totoo nun, kaligayahan ng mga lalake ang pekpek. Artistic, carnal, divine, logical -- kung ano man ang rason diyan, astig pa din ang pekpek na tattoo.

Kumpara naman sa ibang mga simbulo o kaya eh designs. kakaiba pa din ang pekpek kasi parang fingerprint yan -- walang kaparehas. Iba-iba ang itsura ng pekpek.

Ang problema lang eh kung papaano ka kukuha ng detalyadong design at SINO naman ang pagkukunan mong model.

Paano mo ipapakopya yun? Kaylangan bang live ang model? Parang mahirap kasi baka hindi ka na matattoo-an nung artist at iwan ka na lang niyang nakahilata sa shop niya habang "inaaral" niya ang model.

Sa tingin ko makakatulong ang live na model sa pagpapatattoo mo ng pekpek kasi naman mahirap i-describe ng detalyado ang pekpek. Unless Cartographic artist ang tattoo artist mo.

"Medyo laparan nyo pong kaunti. Dapat po makapal ng kaunti yung Labia Majora tapos medyo luwa-luwa yung laman. Yung clit medyo kapalan nyo at pinkish ang kulay ha? Ayoko ng maitim, di ko type ang marungis na keps. Yung Mons medyo itaas mo ng konti tapos yung Vulva eh nipisan mo lang."

Napakagulo nga kung idedescribe mo. Mas maganda kung sasabihin mo na lang kung kanino para merong pattern ang mga artists.

"Gusto ko parang kay Jenna Jameson na medyo may mix ng Cytherea. Tapos finishing touches mo parang kay Tera Patrick."

Hindi ko alam kung gusto ko na ba talaga ang pekpek bilang tattoo. Baka impulsive lang ako sa desisyon ko. Baka bandang kalagitnaan ng tattoo session bigla akong magbago ng isip at sabihin kong titi na lang ang ipatattoo ko.

Ang hirap magkaroon ng transvestite na tattoo.

July 6, 2008

Second

This is my second shortest blog entry. Thanks!

July 4, 2008

Tuli-boo-dibudouchu

Puking-inang Tren entry, napakahaba. Sige, eto pa ang isa.

= = = = = = =

*WARNING : EXPLICIT CONTENT*
This post may seem too offensive to those who are not yet circumcised. Reader discretion is advised.

Tag-ulan nanaman. Bawal na ang magpatuli. Sabi ng tatay ko mangangamatis daw ang tite kapag tag-ulan tapos nagpatuli ka. Sa di maipaliwanag na rason, hindi naman umulan nun eh nangamatis pa din ang aking bagong hasang pututs. Siguro nakita nga talaga ng pinsan ko kaya namagamols.

Tapos na ang summer. Tapos na nag panahon na pwede kang magpatuli. May pasok na at may PE class na ang mga bata kaya naman hindi na kainaman ang pagpapatuli. Ang malas nga lang kung nahuli sa pagpapatuli ang isang nagbibinatang lalake dahil maghihintay pa siya ulit ng isang taon para lang tigilang asarin.

Pero kung tutuusin sa teknolohiyang meron ngayon, kahit isang araw lang magaling na agad ang sugat sa pagpapatuli. Laser lang saka Belo technology magmumukha nang kagalang-galang ang burat mong dating pinamamahayan ng kupal, nang walang dinadanas na pagsusuot ng palda o di kaya eh madalasang pagpapalit ng gasa.

Elongate...

July 1, 2008

Tren One

Okay, so much for that fucktard entry. Bad mood na kung bad mood. At least hindi ta-mood, tangina.

= = = = =

Sinong nakasakay na ng tren?

Tangina parang tanong ko lang to dun sa "Sinong di pa nakakasay ng jeepney?"

Ako PNR na lang ang hindi ko nasasakyan dahil alam kong isang malaking hamon para sa susyaling kagaya ko ang sumakay sa PNR. Hindi ko alam kung paano ako makakasurvive sa isang malaking tipak ng kalawang na mabilis lang ng kaunti sa karo ng patay.

Tangina napakaangas ko na, tigilan na nga to.

Ang totoo niyan gusto kong sumakay sa PNR kahit alam kong masasabuyan lang ako ng kung anong mga likido (et. al. piss, pinagbanlawan ng labada, pinaghugasan ng isda na may hasang, pinagmumugan, regla) mula sa mga bahay-bahay sa palibot nito. Wala pa man din akong full body kapote kaya kung makakasakay ako, tatanggapin ko ang sabaw ng tadhana na maiisaboy sa akin. Wag lang sanang tae ng matandang may diarrhea.

= = = = =

Tatlo ang alam kong tumatakbong linya ng rail transit dito sa Pilipinas (unless merong underground rail transit na ginagamit ang mga opisyales ng gubyerno para ibyahe ang lahat ng nakurakot nila sa bansa). Lahat ng ito, pinatatakbo ng kuryente. Or at least yun ang pinapalabas nila. Pero ang totoo naman pala, ginagamitan nila ito ng dugo ng mga sanggol na kakapanganak pa lang. Minsan naman mga ginahasang pekpek ng dalaga ang fuel na ginagamit nila dito.

Joke lang siyempre. Alam naman nating si manong operator ang nagpapatakbo ng tren gamit ang kanyang mga paa sa pagpedal.

= = = = =

MRT, LRT Line 1, saka LRT Line 4, yung Parfel ang kulor.

*Line 4? Bakit Line 4 eh dapat Line 2 lang yan?*

Boloks you, syempre yung Line 2, nasa Enchanted Kingdom! Yung Line 3, nasa Star City! Sos. Meron pa ngang mga Line na basta-basta sumusulpot sa mga bakanteng lote tuwing piyesta eh!

Nasakyan ko na lahat yan. Pati yung Line 2 at Line 3.

Magsimula tayo sa ang sa tingin ko ay may mga pinakasusyal na pasahero -- ang Metro Rail Transit along sa kahabaan ng EDSA. Mga taga-Makati ang karamihan ng sakay o kaya eh sa kung saang mga opisina sa QC at Manila. Sosyal yan kasi Metro ang tawag kumpara sa Light at Philippine National. Isang metro lang ang pasensiya mo tuwing rush hour at sasakay ka.

Pinakamaliit na rail transit na nasakyan ko. Kasya siguro ito sa loob ng Parfel Line. Ika nga ng kasabihan, "para kang sardinas" kapag nakasakay ka. Malansa at may kulay pulang likido. Ay syet, pekpek na may regla pala yung parang sardinas.

Kung tutuusin mas komportable pa ang sardinas sa kinalalagyan nila eh, kasi may kasama silang sarsa ng kamatis at palutang-lutang lang sila dun, relax na relax.

Pag nasa MRT ka at rush hour, para kang nakababad sa sarsa ng libag tapos nakakairita ang siksikan kapag nasa loob ka na. Kadalasan lalo na't parang Great Wall of China ang haba ng pila na parang di naman maubos-ubos at nagbibilang ka pa lang ng pambayad mo sa may Glorietta eh mauumpog mo na ang nasa unahan mo. Nakapila na pala papunta sa MRT.

Maikli lang ang pila sa bilihan ng ticket. Sa pila sa baggage checking ang mahaba. Gaya ng iba pang mga establishments at rail transits, gamit din ng mga security guards ang kanilang state-of-the-art detector-stick. Walang makakaligtas na kontrabando, lalo na ang maliliit na kutsilyo, drugs, condom, at pati na ang bomba. Kaya naman nagtatagal lalo ang pagpasok ng mga tao at nagmimistulang pila sa exit ng concert na guest si April Boy Regino ang pila sa MRT.

Sa mga panahon na siksikan sa station, masaya sana kung may stored value ka, derecho ka na ng pila sa entrance. Parang pwede ka na ngang kumita sa pagpapasingit mo sa pila sa sobrang haba. 50 pesos kapag nasa bungad ka lang. Tapos aabot ng 200 pesos kapag malapit ka na sa lamesa ng sikyo.

Ang pangit lang sa stored value eh kung tanga ka at daredevil na kagaya ko. Yung tipong hiniram mo lang yung card ng kaopis mo kasi "may laman pa daw". Oo nga naman, may laman pa kaso hindi alam kung "expired na". Sisigaw ka na sana ng VICTORIOUS pagkalampas mo ng lamesa ng guards, tapos pagkapasok mo ng ticket, TICKET REJECTED ang lalabas. Balik sa pila. Ako pa ngayon ang magbabayad ng 200 pesos sa magpapasingit saken.

Siyempre sa lahat ng phase ng tren, may challenge. Parang Takeshi's Castle lang yan eh. Pagkalusot mo ng entrance, haharangin ka naman sa hintayan ng tren. Siksikan din at mapaubo ka lang may malalaglag na sa riles sa sobrang cramped ng istasyon. Syempre taga-Ayala ako kaya yun ang istasyon na tinutukoy ko. Yun din yata ang pinakamasikip na istasyon ng MRT kung di ako nagkakamali. Andaming tao. Andami ding bakla. At madaming mga baklang panget na di na sana nagbakla bagkus sana nagconstruction worker na lang. Wala lang, nabanggit ko lang.

Di mo ba alam na advanced level of technology na ang ginamit nila sa entrance ng MRT? Automatic ka nang makakapasok. Totoo yun! Naranasan ko na.

Ang gagawin mo lang tuwing andyan na ang tren, pumwesto ka sa harap ng pintuan at kapag nagdagsaan na ang mga tao, iangat mo lang ang paa mo ng bahagya at presto! Nasa loob ka na ng tren, wala nang lakad-lakad pa at walang pakikipagsiksikang magaganap. Parang mosh pit at slaman lang pero in a good way.

Naawa ako dun sa isang ale, papalabas siya ng tren tapos sa Ayala station. Naabutan siya ng automatic na pagpasok, ayun, nadala siya sa loob, walang nagawa. Nagmaktol na lang. Buti nakababa pa din sa Ayala kahit muntik na siyang maipit sa pintuan.

Kapag maluwag, walang hassle. Paraiso. Bukaka mode to the maximus. Yung tipo ng luwag na sasabihan ka pang ang arte mo kapag di ka umupo. Uupo ka lang at dadamahin mo ang erkon at hihiling na walang tumabi sayong baklang humongous na ipapatong pa ang kamay sa hita mo at tatanungin ka kung san ka nakatira, anong pangalan mo, sinong nanay mo, at kung gusto mong sumama sa kanya.

Kapag siksikan, dun lang diyahe. Sobrang moist ng paligid at siyempre ilabas mo lang ang dila mo eh maabot mo na ang mata ng kaharap mong tao sa sobrang siksikan. Kung mahaba-haba ang dila mo eh baka maabot mo pati na din ang puwet niya sa sobrang sikip. Kung chicks, dibale nang mapunitan ng laman sa dila maabot ko lang ang labi niya.

Siyempre di naman mawawala ang mga samu't-saring amoy dun pero dispersed naman kasi dahil sa erkon. May iba-ibang pabango. May CK, may Afficionado, may Bench. Sa MRT na nga lang ata ulit ako nakaamoy ng Bambini eh. Bubble Gum scent. Nawala na kasi ang Bambini nung nagkaanak si Camille Pratts.

Ang MRT di tulad ng ordinaryong bus na mababa na ang limang taong kaltas sa buhay mo dahil lang sa polusyon na makukuha mo mula sa anghit, utot, at usok ng siyudad. Buti na lang nag-aral ako ng selective smelling para cancelled out na yung baho sa mga pagkakataong ganito.

Maangas ang mga nakasakay sa MRT. Minsan nageksyusmi ka na at naglumuhod para makaraan aangasan ka pa din. Ang iinit ng ulo. Mga may regla kahit lalake. Akala nila sila lang ang pasahero. Pasalamat nga sila't di ako umutot eh.

MRT din ata ang pinakamabilis umarangkada tuwing papaandar. Parang rocketship. Natutumba ako pag di ako nakakapit, pero sa ibang tren naman, hindi. Kulang lang yata ako sa vitamins at common sense na kumapit sa safety hand rails gaya ng palaging sinasabi ni ate recorded voice.

Mabuti nga't naisipan nilang irecord na lang yung boses ng kung sinong DJ at yun na lang ang ipatunog sa tuwing sasapit sa kada istasyon o kaya eh may paalala sila. Minsan kasi napakahina na ng tunog ng speaker kaya di mo marinig si boss operator.

"Gowadalohpeh, Gowadalohpeh Stisyun."

Pakitandaan niyo nga din pala na hindi lang ang pagpasok sa MRT ang automatic. Minsan kapag careless whisper ka eh nagiging automatic din ang pagkawala ng celphone mo sa bulsa. Automatic siyang nalilipat sa mga tindahan sa kung saan lalo na't amoy kahon pa ang selpon mong N1234.75 ang modelo.

Tulad na lang ng nangyare sa isa kong kaibigan. Pinuwestuhan siya ng isang babaeng mayroong lumuluwang neckline tapos nagpapanggap na nagpapagpag ng damit sa sobrang init. Ayun, nadistract siya sa babaeng pangit naman pala kaya na-automatic benta ang kanyang selepono.

Tsk tsk tsk.

"Ayala station! Ayala station! Kindly exit the train at the right side of the station."


Elongate...

Bad Morning

(08:47:12 PHT) malibog_na_gay_friend: good morneng!
(08:47:24 PHT) marianojuancho: hello
(08:47:37 PHT) malibog_na_gay_friend: work ka na hun?
(08:49:43 PHT) marianojuancho: tanginang yan kadiri
(08:50:05 PHT) malibog_na_gay_friend: miss na kita baby
(08:50:06 PHT) malibog_na_gay_friend: i love you
(08:50:27 PHT) malibog_na_gay_friend: =))
(08:51:23 PHT) malibog_na_gay_friend: hun miss mo na rin ba ako?
(08:51:28 PHT) malibog_na_gay_friend: :(
(08:51:36 PHT) marianojuancho: go fuck yourself asshole
(08:51:56 PHT) malibog_na_gay_friend: ay wala namang ganyanan pare
(08:52:09 PHT) malibog_na_gay_friend: pare naman
(08:53:27 PHT) malibog_na_gay_friend: eto nagbibiro lang di ka na nasanay sa akin
(08:53:40 PHT) marianojuancho: bad morning
(08:53:45 PHT) marianojuancho: stay away
(08:53:52 PHT) malibog_na_gay_friend: fine.

*After a few minutes, MNGF's messenger status was: "Pareho na tayong may bad morning. Letche."

Oooh, so what now? You're frustrated because you can't fuck yourself? Pitiful.

You see my friend, not all jokes can be delivered greatly at all times.

I'm not usually this. It's just that it's a bit off.

No personal grudges, just a bad morning.