January 30, 2008

Complain

Para sa mga nagrereklamo-slash-nakakapansin sa pagkahaba-habang post ko na forever na yata ang kailangan para mabasa eh puwes...


Magpugay kayong lahat. Magdiwang kayo at magpakaligaya. Eto na ang entry para sa inyo.

Elongate...

January 27, 2008

Kuhol

Mga paborito kong kasabihan ukol sa alkohol:


1. Alcohol, helping ugly people have sex since 18XX - Galing sa t-shirt

2. Here's to alcohol, the source and solution to all of life's problem - Homer Simpson

3. Alcohol is the best English tutor there is - ako

4. Drinking they say, is the haven of the weak. We forget a persona that we only have the courage to show when we're drunk enough. We escape reality even if it would risk our health. But I tell you this, the most honest individuals are those who drink to drown because they lose their social mask. NO pretensions, NO limits, NO lies. That's not weakness, that's being fearless. And I guess what they can never fathom is that because of intoxication, we become pure. - Galing sa text ng kaibigan kong lasing

5. GUWAAAAAARRRRRKKKK.... *ubo ubo*.... BWAAAAARRRKKKK.... HUWAAARRRRKKKK.... waaaaarrrkkk... *ubo ubo* ewaaaaaarrrhkkk... - tunog ng nagsusuka dahil sa alak

= = = = = = = = = =

Ahahaaaaay.

Ang alak, para sa akin ay mayroong titulo na "The Best English Language Tutor". Magaling pa siya sa kahit na sinong may Ph.D. na title sa BS o BA na kurso.

Kung titignan mo ng mahusay, kung may panahon ka, magobserba ka ng mga lasing sa kanto or kahit sinong kakilala mo na nalalasing. Tapos kausapin mo ng ingles. Magugulat ka sa mga resulta. Kung kanto boy ang nakausap mo ng lasing eh mababa na ang limang saksak sayo. Pero kapag kainuman mo ang kinausap mo ng English, panigurado eh kalahati ng panahon na magkakausap kayo, ingles na ang gagamitin niyong lenggwahe. Kahit ako, nagkakaron pa ng accent kapag nalalasing, base sa obserbasyon ko. Hindi ko pa naman natatamo ang ISH na accent.

Minsan eh may pagka-conyo pa ang pagsasalita mo. It's like you live in the western country or something pareh. Bakit kasi nakakapagpabaluktot ata ng dila ang alkohol. Must be the denaturizing enzymes in it pareh. Although you speak good ingles, that doesn't make you intellectual, or at least look like one pareh. Wasted ka pa din bro. Nakakatuwa lang tignan kapag yung mga kainuman mo eh nagiinglisan na pareh, it's like they're like you know, so from an elite family kahit medyo mukhang mananabas lang ng pagkain ng baka pareeeeh.

Kaya nga ba't minsan eh magmimistulang Manny Pacquiao ang pagsasalita naming mga lasenggo. Noodle pa nga! Noodle pa!

= = = = = = = = = =

Ah, oo nga pala, isa pang titulo ng alak eh yung magaling siyang "Amnesthetic". Oo, AMNESTHETIC, hindi ANAESTHETIC (pero kabilang na din dito ang aspeto ng pagiging Anaesthetic).

May kapabilidad ang alak na makapagpalimot ng mga bagay na ginawa mo habang meron ka nito sa katawan mo.

AMNESIA.

Kumbaga, sabi nga ng kaibigan kong madalas makaranas ng ganitong bagay eh may kakahayan itong gawin kang werewolf. Gaya sa mga pelikula ng mga werewolf, walang maalala sa umaga yung taong lasing kung ano ang nangyare sa kanya sa panahong nalasing siya ng husto. Blackout ika nga ng mga eksperto.

Minsan ganun din ako, pero hindi naman sa punto na nakakakuha ako ng lamang-loob sa bulsa ko at mga mata ng kung sinong kainuman ko sa loob ng bag. Grabehan naman yun, di ko alam eh nakapatay na pala ako. Scary shit yun, baka nga werewolf ako at hindi lasing. Simple pa lang naman ang nangyayare sa akin na dulot ng amnesthetic effect ng alak. Parang sleepwalking lang. Di ko alam kung papaano ako nakalipat mula sa silya papunta sa kama sa itaas ng bahay.

Ang isa sa mga kaibigan kong tatawagin nating Jon C ay mayroong mas malalang kaso ng pagkakamit ng amnesthetic effect. Nasa resort sila noon nang malasing siya nang husto. Pagkagising niya ay napalitan na lahat ng kanyang damit pati na ang kanyang UNDERWEAR (brief). Hindi din siya makapaniwala sa kwento ng kanyang mga kaklase na tila ba isa siyang katutubong pagulong-gulong sa dalampasigan ng dagat at muntik na din daw siyang maiwanan ng bus papauwi. Wala ni isa man sa mga pangyayaring iyon ang natatandaan ni Jon C.

Minsan naman akala mo eh imahinasyon mo lang ang mga naganap. Yun naman pala eh nangyare na talaga sa true-to-life. Kaya pala na-imagine ko noon eh marunong akong magbreak dance. Pagkagising ko eh puro gasgas na ang mga braso ko at talagang nag-break ang mga ilan sa buto ko. Pero okay na ako pagkatapos nun, feeling wow pa din.

Marami pa akong gustong i-kwento tungkol sa paksa ng pagiging amnesthetic kapag nalalasing pero sa kalungkutan, wala akong maalala sa karamihan sa kanila.

= = = = = = = = = =

Minsan mas gugustuhin mo na lang din tamaan ng amnesthetic effect ng alak. Lalo na kung ubod ng jologs ang itsura nung babaeng kinalantari mo nung panahong lasing ka. O kaya naman eh magandang excuse ito sa mga di inaasahang mga panganay.

"HINDI KO ALAM ANG MGA NANGYARE! LASING AKO NUN! NILASING NIYA AKO!"

Mainam na excuse pero kung di natin alam kung tatanggapin sa hukuman yan at lalo na ng mga magulang na nagmamay-ari ng matataas na kalibre ng baril.

Siyempre, hindi din magandang pagsamahin ang manibela at alak. Duh, di kaya naiinom ang manibela! Sus! Kahit pulutanin mo ang manibela eh para ka lang ungas na nagpipilit tunawin ang leather cover at plastic na materyal nito.

Pero seryoso, madaming kaso na ng namatay sa pagmamaneho ng lasing.

Pero kami ng utol ko? Di namin alam kung papaano kame nakakauwi at kung papaano siya nakakapagmaneho kahit sabog na sabog na sa alak at isang malawak na lupain na ang tingin mo sa isang makipot na eskinita. Nasa pag-iisip din naman yun ng tao. Lasing ka lang at hindi ka naka-droga. Magkaibang bagay ang tama nung dalawa. Kahit kaming dalawa ay nagtataka kung papaano nangyayareng nakakauwi pa kame. Amnesthetic.

= = = = = = = = = =

Gusto mo ba ng sample ng isa sa mga nagagawa ko kapag lasing?

sa pusod ng lasing

Ito ang isa sa mga panahon na nagkaroon kame ng basagan ng ulirat. Kasamahan ito nung nangyare sa litrato na may titulong "2 Gin Bilog + 1 Emperador Long Neck = very painful jaw". Hindi tinta ng pulang bolpen ang ginamit ko diyan.

May sasakyan ang kaibigan namin at dahil sa lasing na kame, ayaw na niya kaming isabay dahil mukhang magsusuka lang kame sa kotse niya (na nangyare na din naman, pero sa labas lang). Mukhang seryoso siyang hindi niya kame isasabay kaya naman nagpumilit akong pahangain siya sa kakayanan kong magsulat ng mga mensaheng hindi mo maintindihan.

Nakita ko ang cutter sa lamesa at daglian naman akong sumulat ng mensahe.

PA3Z.

Ano ba ang pa3z? Dahil nga sa nanginginig na ang aking kamay sa kalasingan ay hindi na din nila ipinatuloy ang mensahe.

PASABAY.

Ganun pala dapat ang isusulat ko. Balak ko pa sanang i-cross out ang salitang pa3z pero pinigilan na nila ako. Baka daw makapag-dinuguang lamanloob sila ng wala sa oras.

Sa ngayon, wala na ang peklat kaya't ipinapangako kong aayusin ko na ang pagsusulat sa susunod na pagkakataon para naman magkaintindihan kame.

Elongate...

January 24, 2008

Refresh

When I tried so hard and got so far
But in the end, it doesnt even matter
I had to fall, to lose it all
But in the end, it doesn't even matter

In The End - Linkin Park

Wala lang, gusto ko lang yung title, eh alangan namang yun lang ang ilagay ko. Sama ko na din yung chorus.

Hay nako, nagwakas na. Dumating na ang wakas. The end is here. This is my office life number one, now signing off. Chorva na, olats and eklavu na ako dito sa opisina.

Wala na akong trabaho.

Ano bang trabaho ang sinasabi ko? Ang pagba-blog? Di na nga naman ako magtataka kung sinasabihan ako ng mga kaibigan ko na binabayaran daw ako para makipagchat sa YM at magblog. Paano ba naman eh halos buong araw na akong nakikipagdaldalan at walang paltos ang pagsusulat ko ng entry.

Masaya talaga ang walang social life. Papasok ka lang para magchat at mag-blog, babayaran ka pa.

Pero ngayon, wakas na ito. Magba-blog na ako ng hindi binabayaran, gaya ng ibang tao. Tapos na ang maliligayang pagpapanggap ko dito sa opisina.

Naghihintay na lamang ako ng senyales mula sa mga bossing kung kailan ako sisipain...este bibigyan ng exit interview. Malamang sa katapusan ng buwan. Ayos kung ganun, may sweldo pa ako. May pera pa para panchicks...maghanap ng susunod na trabaho.

Bakit? Ano ba ang nangyare at natanggal ka?

Ah? Eh kasi eh... ano eh. Uhm... ahaha. Wag na lang ba? Dagdag loser reason nanaman to sa katauhan ko. Pero sabagay, self-proclaimed loser naman ako eh.

Kasi ganito yun. May exam. Qualifying exam para matanggap dito sa trabaho. Di lang siya basta exam. Pati nga beteranong instructor at mga kompyutero eh bumabagsak din dito. Animnapu't-limang porsiyento ang kinakailangan upang masabing TANGGAP KA NA MR. JUANCHO!

25% lamang ang nakuha ko. Dalawampu't-limang porsiyento mula sa isandaang porsiyento. Labingwalong tamang sagot mula sa pitumpu't-pitong puting tupa...este, sa pitumpu't-dalawang tanong. Yun ang resulta ng aking pagsusulit.

PATHETIC. Ako ang pinakamababa.

Haaay. Pero ano pa ba ang dahilan pa para magbanggit ng mga katarantaduhan dito? Wala. Kagaguhang magpaliwanag. Miski ang mga may malambot na puso ay matututong pumatay kapag narinig nila ang paliwanag ko. Taas-noo ko na lamang haharapin ang bukas. Baka masermunan pa ako dahil sa paliwanag kong kokey na kokey. Wala na din namang saysay ang dahilan ko sa mga pangyayare. Baka mag-init lang ang ulo ng mga nagdasal para sa pumasa ako.

= = = = = = = = =

Ano pa nga ba ang natitirang paraan para magtagal ako dito? Maganda naman dito sa opisina. Andito pa si Jerome! Pasado kasi siya at siya pa ang highest. Puta, ang galing-galing talaga at ang sipag.

Kung gugustuhin ko mang magtagal dito eh kakailanganin ko ng matinding kaplastikan at ubod ng nag-uumapaw na pagpapanggap. Tipong tatabunan ko ang sarili ko ng mga trabaho at mga dapat aralin tapos di ako manananghalian para lang makita ng mga tao na masipag ako. OO! TAMA! GANUN NA LANG!

O kaya naman eh sosyotain ko na lang si Ma'am Bossing. Mas mainam. Kapag namana ko na ang kumpanya, idedeborsyo ko siya. At babaguhin ko ang bawat patakaran. Bikini uniform para kay Jerome.

= = = = = = = = =

Mga bagay na maganda at di-maganda ngayong nasa bagong yugto na ako ng aking buhay -- ANG BUHAY BUM PERO UBER HOT AND GWAPAPI.

Maganda
1. Kakaririn ko na ang pagiging bloggista: Magsusulat ako ng mga makabuluhang bagay at makikilala ako, lalo na ng mga kakilala ko (ano daw?).
2. Marami na akong panahon para magpapayat dahil malamang eh di na ako pakainin dito sa bahay.
3. Mag-aaral akong magmaneho.
4. Bago ako mag-aral magmaneho, mag-aaral muna akong mang-carnap.
5. Marami akong panahon para manood ng "educational videos".
6. Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino, sa isip, sa salita, at sa gawa.

Di-Maganda
1. Wala akong pera.
2. Hahanapan ako ng sangkaterbang kamalian at magiging masunuring anak nanaman ako.
3. Wala nang silay kay Jerome.
4. Matitigil pansamantala ang opis kronikels kong serye (na ubod ng putanginang haba).
5. Wala na ang mga ulap, malambot na upuan, makisig na computer, at mga asarang walang humpay kasama ang mga ka-opisina.
6. At Marami pang iba.

= = = = = = = = =

Di naman ako magtatagal sa pagka-bum. Alam kong marami namang pwedeng pasukan diyan. Lalo pa ngayon na madali na lang magbenta ng katawan sa internet.

Pwede siguro akong makibakas muna sa mga bigating call boy. Kahit siguro buy one take one, at ako yung take one.

Mag-aaral ako ng mga bagay na makapagbibigay-ligaya sa mga babae, gayon din sa mga mas marami pang babae upang tumaas ang presyo ko.

Mag-aaral ako ng ninjutsu para mas madali na lang magnakaw.

Mag-aaral din ako ng hipnotismo para makalibre ako sa Jollibee.

Magtatrabaho ako bilang alalay ni Inday.

Mamamasukan ako bilang isang professional na tagapag-alala. Alam kong maraming tao ang may kanya-kanyang mabibigat na problema pero wala silang panahon para dito, kaya ako na lang ang gagawa nun para sa kanila.

At syempre, babaguhin ko na ang kapalaran ko. Di na ako magiging loser. Sa susunod na pagdalaw niyo dito, iba na ang tema nito.

Ulirat Ni Mariano: The Losest Realm.

Lose.
Loser.
Losest.

Mas malala pala.

Elongate...

January 22, 2008

Ritrato

Dahil sa katamarang magsulat ng may-ari ng blog na ito ay naisipan na lamang niyang maglagay ng mga samu't-saring mga litrato na nakunan(parang bata lang) nung mga panahong nasa kanya ang camera ng kanyang kapatid.

Halina't tuklasin ang ilan sa mga litratong nakuhanan ni pseudo-magaling na photographer na si Mariano.



payong: never leave home without it..it..it...it

macroshot 01 - ang sikreto ng puwit ni baby

macroshot 02 - anong oras na ba?

macroshot 03 - time of arrival is 1:22pm

macroshot 04
Langgam 01 : Pare, smile naman diyan!

Langgam 02: Oo nga pare, smile tayo oh! Camera daw!

Ako: Tangina nyo, yung otap ko!!! FUCKING ANTS!

2 Gin Bilog + 1 Emperador Long Neck = very painful jaw

hiyas ng ahas - malutong at malansa
Ahas ni Mariano, para lamang kay Eba
san ba napadpad ang mga kukong ito?



Ayan po, napagtripan ang camera. Sana may bago man lang, kahit babae, hehe.

Maraming salamat po!

Elongate...

January 21, 2008

Tag 05 from Fer Bert

Bilang panlibang sa ka-loser-an ng blog na ito ay isa munang tag mula sa kaibigang alien na si Fer Bert! Maraming salamat sa pagpapaunlak ng pagkakataon kaibigang Fer Bert


· Pag nasa CR ba kayo, hindi kayo naiilang sa katabi nyo?
+Depende kung nakatitig sayo ang katabi mo ng namumungay ang mata, kumikindat at kagat-labi pang itatanong ang pangalan mo.

· Ano ang sekreto nyong mga gwapo? (ano meron sa kikay bag?)
+ Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutan ito dahil hindi din naman ako gwapo. Pero kung sakali man eh sasabihin kong ang sikreto ay ang hindi pagsusuklay at ang hindi paghihilamos. Magkutkot ng muta pero mag-toothbrush. Saka magpahid ng kaunting pabango kapag medyo mabaho ang t-shirt. Syempre, smile lang palagi.

· Nakapasok na ba kayo sa girl’s CR?
+Isang beses pa lang, sa CR sa school, nung tumae ako dun. Exciting kaya napabilis lalo ang pagjebs ko.

· Bakit pag nakakita kayo ng magandang legs tumutulo laway nyo?
+Sino bang babae ang nagtanong nito? Tanga ba ang salivary glands ko at tutulo sa bagay na hindi naman pwedeng kainin? Sus. Hindi tumutulo ang laway ko sa legs pero kaya kong gawing naglalaway ang kung ano mang nasa pagitan ng legs ng girls.

· Bat ang hilig nyo mag-inuman? Masarap ba malasing?
+Depende kung anong klase ng okasyon. Kapag lamay, di naman dapat masarap malasing nun dahil baka makitagay pa ang pinaglalamayan. Kapag lasing ka, umiikot ang ulo mo at madaming ideya ang naiisip mo. Minsan nga lang nasasagasaan lang at nasasaksak ang lasing. Walang masarap sa paglalasing, ang masarap eh yung kasiyahan na natatamo mo kasama ang mga kaibigan mong lasenggero din.

· Ano feeling ng tinititigan kayo?
+Depende pa din. Kapag lalake ang tumititig, medyo asar kasi baka nangungursunada. Kapag magulang ng nililigawan mo ang tumitig, medyo nakakailang, baka kasi gusto ka na kaagad nilang ipapatay eh. Pero pag chicks, syempre proud, kahit ba ano pang katarantaduhan ang dahilan at tumititig sila sa akin.

· Eh paano kung bading yung tumititig?
+Kapag bakla, mas lalong asar at gugustuhin mong mandukot ng pupils at cornea para lang tumigil na sila, minsan nanghedtuput pang titig eh. Pero wala naman akong karapatan kung gusto nilang mang-appreciate ng nagugustuhan nila. Karapatan nilang titigan ang mga katakam-takam na nilalang kahit pa mas mainam na nagtrabaho na lang sila bilang construction workers pagdating sa itsura.

· Do you really keep “secrets”?
+Ah, oo naman. Lahat tayo ay may kagustuhang magtago ng lihim. Ang mismong blog na ito ay bunga ng lihim at pagkukubli.

· Nagwa-gwapuhan din ba kayo sa ibang lalaki?
+Kapag medyo maganda ang porma, masasabi kong gwapo yun at tila ba parang napatapat lang ako sa salamin kapag nakakita ako at nasabi kong gwapo yung lalake.

· Ano feeling? Nakakabading ba?
+Walang kabadingan dun sa ganung ideya. Tama lamang na malaman mo ang kalidad ng kauri mong mga gwapo din.

· Gwapo ba si Richard Gutierrez
+Gwapo si Richard. Minsan ko na ding pinangarap na maging kagaya niya at maging isang Gutierrez pero lagi akong pinalalayas ng gwardya nila sa village nila kapag dumadalaw ako para magpaampon. Mas lalake pa ang dating ko sa kambal niya. Pero OO, gwapo siya.

· Baket ang hilig nyo sa wrestling? Scripted lang yun di ba.
+Noong kasagsagan nila The Rock at ng D'X, hilig na hilig ako diyan. Ngayon hindi na ako nakakasubaybay dahil nawala na ang channel na may wrestling. Bakit, yung mga babae eh nahihilig sa mga kakilig-kilig na telenobela at pelikula, may karapatan din kameng mahilig sa wrestling. Soap Opera for Men ang wrestling.

· Umiyak ka ba nung namatay si Ultimate Warrior, si Bret Hart o si Eddie Guerrero?
+Si Ultimate Warrior eh bata pa ako nung namatay siya at matanda na ako nung nalaman kong patay na siya kaya wala nang puntong umiyak. Tanga kasi eh, binuhat si Andre the Giant. Si Bret Hart buhay pa, si Owen Hart ang patay na. Di ako umiyak sa kamatayan nilang lahat, lalo na sa kamatayan ni Chris Benoit the family killer.

· Bakit ang dami nyo pick-up lines? San nyo ba napupulot yan?
+Natural na lang sa mga lalake ang maging magiliw. Kung babae ang nagtanong nito, kaylangan mong magpakatibo para malaman mo ang tunay na dahilan.

· Bakit ang hilig nyo sa hentai or porn?
+Isang natural na bagay na lang para sa mga tao ang mahilig sa isang work of art. Kung titignan mo ang mga palabas na ito in an artistic manner, makikita mong ang kalaliman ng palabas at mapapapalakpak ka pa sa ganda ng pagkakagawa. Isa pa eh it's nature's way of educating the minds of men.

· Ano meron sa “boys talk”?
+Isang lihim na usapan na punung-puno ng aral at malalalim na kaisipan na mapapakinabangan ng lipunan. Parang itong question and answer portion na ito.

· Natotorpe ka ba? Baket?
+Kung medyo intimidating ang babae, katorpe-torpe siya. At lalo na kung seryoso ang katauhan at mahirap patawanin, malabong magkaroon ako ng lakas ng loob.

· Bakit kayo nagpupuyat?
+Mas madaming mga bagay na matatagpuan sa gabi kaysa sa umaga. Mas tahimik at payapa ang lugar, at mas masarap ang kape kapag sa gabi iniinom. Para din makatikim ng Extra Joss at Red Bull, pati kadalasan ng mga nagsho-show sa webcam eh gabi ginaganap.

· Ano gusto nyo gawin ng girl pag hindi talaga kayo gusto maging bf?
+ Sabihin na lang ng harapan at honestly. Di naman ako magagalit. Mapayapa akong tao at maiintindihan ko kung tumatanggi na sa grasya ang mga kababaihan.

· Bakit kayo mahilig sa blue?
+Originally, ayon sa history, ang blue ay kulay ng mga babae at pink ang sa lalake. Ngayon, kung pagbabasehan ko ang historical fact na yan eh masasabi kong mahilig ako sa babae kaya mahilig ako sa blue.

· Di ba pink is a masculine color? bakit ayaw nyo mag-pink?
+Hindi ko naman ayaw sa pink. May damit akong pink at medyo paborito ko yun. Ang ayaw ko eh yung magiging paboritong kulay ko na ang pink pati na din sa sapatos, make-up at lipstick. Ayokong umabot sa puntong pink na ang dugo ko.

· Natatakot ba kayo sa dilim?
+Kung sa lansangan na madaming nababalitang nasasaksak, nakakatakot yun. Pero kapag maganda ang setting, may kama at makinis na bedsheets pati na din kung may katabi kang makinis ang balat at ubod ng libog eh gugustuhin ko nang mamatay dahil sa kawalan ng sunlight basta dun lang kame sa dilim na yun forever.

· Pag nag-aaway kayo, bakit gusto nyo suntukan?
+Katangahan lang ang makipagsuntukan. Masasaktan ka lang pero wala kang mapapatunayan. Mas mainam kung daanin na lang sa usapan.

· Eh pano kung babae? di naman pwede suntukan.
+Kung babae? Malamang sigawan yun o kaya eh asarang matindi. Masarap masampal ng babae lalo na't galit na galit na sila. Pero bahala na ang babae sa kung anong gusto niyang paraan ng away. Mas maganda kung psy-war.

· Ano ang definition niyo ng “makulit”?
+Parang buni. Makati sa balat at paulit-ulit na bumabalik.

· Bakit ang hilig nyo magregalo ng stuff toys? Last resort ba yun pag wala ng maisip?
+Depende. Hindi naman last resort. Pero sa panahon ngayon, hindi ko alam kung okay pa ba ang stuff toy. Minsan napapabayaan lang sa sulok nung pinagbigyan mo. Medyo nag-iisip na din ako ngayon kung stuff toy ba ang dapat ibigay. Pero kasi may symbolism naman ang stuff toy, ibig sabihin nito gusto mong magbigay ng comfort sa taong pinahahahalagahan mo kaya ka nagbigay ng stuff toy.

· Gusto nyo ba regaluhan din kayo ng stuff toy?
+Baka matuwa pa ako kung F-Doll na lang.

· Do you really keep secrets? ganun?
+Secret.

· Baket defensive kayo madalas?
+Mainam na ang may initiative kaysa sa pabagal-bagal ka. Hindi defensiveness ang tawag dun, ang tawag dun eh explanatory initiativeness.

Sa mga magbabasa, kuhanin niyo lang ito.

Elongate...

January 15, 2008

Office Chronicles : Launch

Ikalawa sa pinakagusto kong oras sa buong araw ng trabaho (una ang uwian) ay ang...


TANGHALIAN/LUNCH BREAK

Di naman halatang matakaw ako, sa totoo lang nagpapapayat ako ngayon at kaunti na lang ang kanin na pinalalagay ko sa nanay ko sa baon ko. Mga kalahating kaldero na lang.

Masaya sa tanghalian, di diyahe ang magbaon. Minsan parang picnic na din dahil sharing-sharing ng ulam kahit pare-pareho namang pritong baboy ang dala nila. Iba-ibang hiwa lang at preparasyon. Minsan nga yung sa akin eh mukhang manok, pero baboy naman pala talaga. Ang galing talaga ng gourmet skills ni nanay.

Masaya nung nakaraang holiday. Tila nag-pyesta ata kaming lahat dahil sa mga tira-tirang ulam nung nagdaang mga pagdiriwang. Walang hingian. Lahat ay puno ang baunan at mabibigat ang bag. May dessert pa nga yung iba. Nung panahon ding yun ay naguumapaw sa ubod ng sustansyang taba at kolesterol ang ulam namin.

Gusto ko nga sanang mag-angas at dadalhin ko ang ulo ng baboy ng lechon sa amin pero baka harangin ako sa gate. Bawal ang deadly weapons.

Masigla sa pantry tuwing tanghalian. Dito kame talaga nagkakasama-sama ng mga kabatch ko ditong mga trainees. Dito kame nagpapalitan ng opinyon sa mga bagay-bagay at mga kuro-kuro sa mga nangyayare sa paligid namin, sa mga issue sa opisina at mga activities.

In short, dito kame nagchichismisan.



Pero dahil bago pa lang kame, hindi namin alam ang nangyayare sa kumpanya. Hindi namin alam kung sino na ba ang naanakan ni Boss Chief Security man o kung sino ang dine-date ni Manong Handyman. Kami-kame din lamang ang napapag-usapan namin. Nakakaumay na na parang ulam ang kwentuhan kapag ganun.

= = = = = = = = = = =

Mga tatlo...hmmm... mga apat ata kameng araw-araw na nagbabaon dito sa opisina. Malaking bagay nga naman sa pagtitipid kung tutuusin. Sa araw-araw, makakatipid ka ng mga halagang 50 pesos pataas.

Di mo naman kailangan ang McDo, Jollibee, o kaya ang Starbucks at kung anong kalokohang sosyal na kainan at magastos na pagkain para makaraos sa araw-araw. Panigurado naman akong itatakwil mo ito pagdating ng panahon.

Di na rin ako bagito sa pagkain ko sa labas. Di naman ako takot sa changes. Kaya ko ang challenge na bumaba tuwing tanghalian at bumili ng pagkain mula sa sikat na Jolli-jeep ng Makati.

*Ang Jolli-jeep ay ang mga karinderya sa likod-likod ng mga building sa mga eskinita ng Makati na parang jeep ang itsura.

Ito ang lokasyon ng Jolli-jeep na malapit sa opisina.

treasure map

Yung Centro Escolar University, sa tapat lang ng dalawa pang JJs. Masarap bumili ng tanghalian kung busog ka na sa makikita mong dalaginding, dalagita, at dalagang nakauniporme.*

Noong nagsisimula pa lamang kame dito ay sa 6th floor ko sinasamahang bumili si Jerome. Malapit nga ang bilihan dahil sa building din namin at bababa ka lang saglit pero lintek naman kamahal ang ulam. Parang sa mall ka din kumain. Wala akong balak bumili dun dahil ang pinakamahal kong nabili sa tanghalian ko eh halagang 20 pesos lang. Oo, TUWENTI PISOWS lang.

Laging ganun ang putahe -- Ginataang langka + isang kanin o kaya eh kahit anong kinse pesos na ulam at isang kanin sa halagang 20 pesos lamang.

Solb na ako dun. Kung ganun lang ang gagawin ko sa buong buhay ng pagtatrabaho ko, malamang ang sexy ko na at slim na slim dahil sino bang hindi papayat sa halagang 20 pesos na pagkain.

Maraming choices sa Jolli-jeep, mga regular na ulam tulad ng adobo, sinigang, pritong liempo, manok, chicken curry, gulay at mga lutong bahay pa. Meron ding special na putahe tulad ng special adobo, special sinigang, special chicken curry na lahat eh binudburan ng pagmamahal ni ate cook at malamang ihahain niya lang ito sayo kapag sobrang kupal mong kostomer.

Medyo kailangan mo lang ng kaunting charm para mabigyan ka kagad nila ateng madalas eh parang mga dragon na nagbubuga ng apoy sa sungit. Tipong tatanungin ka na lang kung anong sayo eh mawawalan ka na ng gana. Talk about quality service! Pero kaunting pasensya lamang naman ay makakatikim ka din ng masarap na liempo at chicken legs nila ate.

Nitong 2008, nagbago ng patakaran sa pagtitinda ang Jolli-jeep. Bawal na daw ang tigkalahating ulam. Wala nang 1 gulay + 1 ulam + kanin na combo. Mga bitches, di nila naiintindihan ang kagalayan ng mga manggagawa. Mga imperyalistang jolli-jeepers! Hrumpft!

Minsan nga ay gagantihan ko sila. Guguluhin ko ng lubusan ang kanilang selling ceremonies tuwing rushtime sa tanghali.

"Ikaw, ano ang sa iyo?"
Adobo ate. Dalawang kalahati.
"Dalawang kalahati?"
Oo 'te, dalawa't kalahati.
"Ano ba talaga?"
Dalawang kalahati 'te.

"Ate, dalawang half rice nga."
Dalawa sir?
"Oo 'te, tapos pakipagsama sa isang plastik"

Mahirap kalabanin ang galit na tindera. Marami silang armas. Mainit na sabaw, tinidor, kutsilyo, lighter, at ang kanilang pamatay na titig at matinis na boses na ikamamatay mo sa lutong ng pagmumura.

Nitong mga nakaraang linggo ay nahihiligan nila ang lumpia na tinda ng isa sa mga Jolli-jeeps. Masarap nga naman ang lumpia, walang duda.

Medyo napansin ko lang na hindi masarap sa lunes at martes ang lumpia pero malinamnam na pagdating ng byernes.

ISPEKULASYON:

Biyernes = madaming tirang ulam mula lunes-huwebes

Masarap na lumpia = Biyernes

I Therefore Conclude that mas masarap ang ginataang langka kaysa sa ginisang string beans.

Minsan na ding naging issue dito ang di pantay na pagtrato ng mga tindera sa mga bumibili. May pagkakataon na mas marami ang ulam ng isa kong kaopisina kaysa sa isa pa.

Officemate 01: Bakit mas marami ang ulam na binigay sayo ni ate?
Officemate 02: Ganun talaga boy, paminsan-minsan eh kikindatan mo din si ate!

Basehan yata ang kagwapuhan sa dami ng ulam. Kaya pala halos ibigay na ni ate ang buong kaldero kapag ako ang bumibili [Oh come on...]. Pero maaaring gwapo nga ba talaga ako o kaya eh malapit nang mapanis ang ulam kaya ganun na lang sila kagalante.

= = = = = = = = = = =

Nasabi naman ng kasama ko ritong hindi na daw siya ipagbabaon ng kanyang ina dahil napapagod lamang daw siyang magprepare sa umaga. Yung sweldo daw niya ay napupunta din lang sa baon kaya't mas mainam pang mag-lunch out na lamang din siya. Tama nga naman kung iisipin.

Pero dahil sa mapagmahal ang aking butihing ina ay hindi na din niya iniisip ang bagay na yon. Maaga pa din siyang gumigising para ipaghanda ako ng babaunin ko sa tanghalian.

Noong panahon ng simbang gabi, ilang araw ding kumain sa labas ang kasamahan kong nagbabaon. Hindi kasi siya maipaghanda dahil nasa simbahan ang kanyang ina. Kaya lagi silang nagsasabi na may simbang gabi nanaman daw kapag sa labas kame bumibili ng pagkain.

Mga usapan sa tanghalian:

*Ang mga ito ay aktwal na napag-usapan nung panahong kumakain sa pantry*

Ako: Ang galing nung mga gulay no? Lalo na yung kangkong. Kasi kagabi nung jumebs ako, buong buo pa siya at parang hindi ko naman kinain. Pwede na nga ulit i-serve eh.

Officemate 01: Haha, dapat pala hinila mo yun boy. O kaya parang yung ginagawa ng mga aso kapag nakakain sila ng plastic, yung nagkakaskas ng puwitan sa sahig.

Officemate: Anong baon mo? Parang ang bango naman!
Ako: Ah, ganun pa din. Ulam lang din, pareho ng sa inyo. May rekado, may karne, may kaunting vetsin...
Officemate: ...(gago tong tarantadong to ah)

Officemate 01: Ano bang usual na ginagamit sa Generics? Kapag ba Integer ang ginamit di ba conflict yun sa super class na dapat eh nag-override sa kanya?

Ako: Putanginang yan. Nakakawalang-gana.

= = = = = = = = = = =

Hangga't kaya ko, magbabaon ako. Sayang ang sarap ng lutong bahay. Kahit pa sabihin mong mahal ako ng tindera at niyang ibigay ang kanyang katawan para lang ulamin ko, gugustuhin ko pang matikman ang luto ni inay sa tanghalian.

Elongate...

January 10, 2008

HU U

LOSER REASON UPDATE:
+ Mali-mali magbasa ng mga usapan sa YM
+ Mas matindi pang magpakipot kaysa sa babae



Ayoko na ng mga masyadong review ng year 2007. Sa ibang araw ko na lamang yun ilalagay dito dahil maarte akong tao at isang taon pa ang selebrasyon ko ng new year kaya wala kang pakialam, tseh.

Dun tayo magkikita sa dating tagpuan.
Alas tres ng hapon, sa tabi ng Jollibee
Dalhin mo na yung epektos
Wag ka masyadong pahalata
Mainit tayo sa parak ngayon!

-Wrong send


HU U ang kadalasang reply sa mga messages na di mo alam kung sino ang nagpadala. Kahit sino pa yan, kahit isang taong humihingi ng tulong, si Ehra Madrigal, o hari ng Abu Dhabi, HU U ang kadalasang reply dyan.

Pero di ito tungkol dyan. Tungkol ito sa...


KUNG SINO NGA BA SI MARIANO



Oo, ganun na nga. Sino ba itong si Mariano at tila ba isang utot na basta na lang sumibol galing sa puwitan ng kung sino, parang si Toadstool na di naman cute at mistulang serial killer na basta na lang dumating sa neighborhood at nagsimula nang magkaroon ng misteryosong kalagiman.

Ano nga ba ang motibo ko sa pagba-blog?

Pagpapasikat? Malabo. Naunahan na ninyo ako.
Therapeutic purposes? Maaari. Soothing ang tunog ng lagitik ng keyboard at nakakakalma
Pakikipagkaibigan? Yes yes yo to the max. Dami ko nang kakilala gaya ni ano...basta kayo na yun.
Pagkakakitaan? Semi-oo. Kaso napakatagal naman ng usad, lugi pa sa puhunan.
Pag-ibig? Hihihi, uhm..ahaha..hihihi.
Sex? May blogger bang nagtatrabaho sa Pegasus(o)?



Bloggista Name: Mariano Juancho
*San ito galing? -- Hindi ko alam, naisip ko na lang bigla kahit di naman ako mahilig sa mga Espanyoles Y Telenovela*

Location: Makati, Manila, at Rizal
*Alam mo yung Antipolo, Rizal? Hindi kame tagadun*

Collegiate Education: Somewhere Intramuros Manila pare, like you know. it's a school pare.

Age: 22 going 23 this 2008.
Birthday: November





= = = = = = = = = = = = = = = = = =

Masakit mang tanggapin na madami akong napalampas sa buhay-bloggista ko sa loob marahil ng mga anim hanggang tatlong taon. Ako naman ay lubos na nagagalak sa mainit na pagtanggap sa akin ng Blogosphere, lalong lalo na ng dyosa nito. Iba't-iba ang character, iba't-iba ang ideyolohiya at pananaw sa mga bagay, pero lahat sila'y biniyayaan ng angking talento sa panggagago ng mambabasa. Ang kadalasan kong makasalamuha, maliban sa dyosa ay isang alien, isang bum na babaeng nurse, isang prinsesa ng Saudi, isang lalaking may kinalaman kay Tina Moran, isang babaeng may pierced na dila, isang babaeng parang bacteria ang pangalan, ang idlip-era, isang lalaking may first name na parang last name, at isang duktor-to-be. Gustuhin ko mang lagyan ng link ang bawat isa sa pangalan nyo eh naisip kong kayo-kayo lang ang magpupunta dito at magkakaugnay naman kayong mga baliw.

Sa araw-araw na pakikisalamuha ako sa mga ito, wala akong natututunan. Nasasayang lang ang buhay ko at panahon. Sana nagjakol na lang ako o kaya eh nagpakamatay, mas exicitng. Pero gago ka pag naniwala ka dun. Sa puntong ito ng buhay ko, masasabi kong mahalaga na ang mga kung sino mang linsyak na mga tao ito sa aking online life.

*insert dramatic music here*

Noon pa din kasi ako naglalagi sa internet. First year college pa lang nakakatambay na ako sa mga chatroom. Nakikipag-cyber... games sa mga kausap, pati na din ang di matapos-tapos na bangayan sa mga putanginang caucasian racists na yan. May ilang beses na din akong kinilig sa mga iniisip kong babaeng kausap ko at nakipagpalitan ng litrato na naging dahilan ng ilang chatters sa mundo na tumungo sa Pilipinas upang makatagpo ako.

Nauna kong bigyan ng pansin ang pagsusulat ko sa Multiply pero silang mga kaibigan ko lang ang nakakapagbasa at nakapagkokomento dahil bawal ang estrangherong commentator sa Multiply.

Ayos lang naman yun, gaya ng sikat na kataga sa Blogosphere na "I write to express, not to impress", dapat magsulat lamang para sa pagpapahayag. Bonus na lang ang may mga mambabasang natutuwa. Pero gusto ko talagang may comment ang mga entries ko dahil naglululundag ang puso ko sa tuwa kada may nagkokomento.

At ngayon naman eh narito na ang Blogspot para sa kagalingan ng mga madadaldal na kagaya ko. Lahat maaaring magsulat, lahat nakakapagpahayag ng gusto nila. Lahat ay manunulat.

= = = = = = = = = = = = = = = = = =

Bukod sa deklarasyon ng dyosa ng Blogosphere na isa akong loser, hayaan ninyong bigyan ko kayo ng ilan...sige, MARAMING dahilan kung bakit nga ba ako naging loser.

Pumili sa mga ito kung ano ang paniniwalaan:

+ Nagdidiwang ng kaarawan sa sementeryo
+ Napapapila ng dalawang oras sa pila ng NBI CLEARANCE para lamang malaman na FOR CLAIMING ang napilahan at hindi FOR REGISTRATION
+ Napapapila sa mahabang pila ng grocery para lang bumili ng isang bote ng green tea dahil nagsara na ang "2 items or less" na pila
+ Nagsusuot ng pantalon na dalawang linggo nang hindi nalalabhan
+ Sumasakay sa sasakyan na lagi na lang 90% chance ang pagdaan sa gasolinahan
+ Nakakakain sa pinggan na di mahusay na nabanlawan at may sabon pa
+ Walang tiyak na desisyon sa buhay sa kung ano ang dapat niyang tahakin
+ Lumalampas sa dapat babaan dahil natutulog pa kahit wala nang 100 meters ang layo sa dapat pagbabaan
+ Bumibili ng fruit shake sa halagang 90 pesos sa halip na 48 pesos lang dapat
+ Bulol sumagot sa job interviews
+ Paboritong motto ang "ewan ko", "bahala na", at "sana pala "
+ Naglakad ng limang kilometro dahil na-stranded sa estasyon ng LRT noong minsang umulan ng malakas
+ Palagi na lang natatalisod sa mga nakausling bato at semento sa daan kahit ang lawak na ng daan
+ Natatalisod sa pag-akyat ng hagdan
+ Laging last na uupo sa jeep at makakaupo lamang ang 1/4 na bahagi ng puwitan
+ Nasusuklian ng kulang sa pamasahe sa tuwing nagmamadali
+ Hindi alam kung kakaliwa o kakanan sa paghakbang sa tuwing nakakasalubong ng bisikleta
+ Nawalan ng school ID ng apat na beses(ID = P400.00)
+ Nagugulat sa sariling repleksyon sa salamin
+ Nahuhuli ng pinsan na nagjajackol sa salas
+ Nalalaglagan ng selpon kapag ilalagay ito sa bulsa
+ Nagbabanggit ng mga kagaguhan sa harap ng magandang chicks
+ Nagba-blog imbes na nag-aaral
+ Nag-engineering pero ang baba naman ng logic at math skills
+ Napapagkamalang nangmamanyak dahil lang sa napaabante sa pila at napatutok ang armas sa babae sa harapan dahil sa pagbabasa ng menu sa McDonald's
+ Laging nauunahang jumerbaks sa office toilet at nagtitiis sa paghinga sa bibig. Putangina, mas malala pa pala yung lintiang-yawa na yan. Taena, sa bibig ang punta ng amoy
+ Ubod ng emo kahit hindi naman dapat at wala na sa lugar
+ Nalalaglagan ng huling piraso ng ulam na isusubo na lang
+ Nakakatanggap ng walang kwentang exchange gifts tulad ng alkansyang walang takip, baby cologne-powder-sabon-shampoo-cotton buds combo na Johnson's & Johnson ang tatak, at picture na walang stand na di naman pwedeng isabit
+ Napapagalitan sa kasalanan ng iba
+ Sintunado ang kanta
+ Nagmo-mall ng baligtad ang damit
+ Nagjo-joke ng corny at mahabang joke
+ Palpak ang mga blog entries

= = = = = = = = = = = = = = = = = =

HU ME? DIS ME. I KRAS U. PAKDATSYIIIIT.

Nawa'y makilala ko din kayo ng lubusan sa pagsasama natin dito sa Blogosphere. Happy New Year!

Elongate...

January 8, 2008

Smokin'

Dalawampu't dalawang taon na din akong namumuhay sa mundo.Halos isang taon na akong tumitikim ng usok. Mahiwagang usok na hindi nanggagaling sa tambusto ng sasakyan. Maputing usok na nanggagaling sa isang maputing stick na may foam sa dulo.

Ito na nga ba ang ikinatatakot ko sa aking sarili. Ang magkaroon ng bisyong hindi maiiwasan. Ang magumon sa isang bagay na alam kong mahihirapan akong tanggalin. Isang bagay na babagabag sa akin sa oras na hindi ko ito magawa.

At hindi ito sex. At hindi din ito self-popoy.

Bisyong sigarilyo lang naman ang nabanggit ko.

Alam kong madami nang namamatay dito, at backstabber ito dahil di mo naman malalaman agad-agad ang resulta sa katawan mo. Kung meron man akong diyes sentimos sa bawat isang tao na namatay dahil sa sigarilyo, bajillionaire na siguro ako. Andami kong napapanood sa telebisyon at mga litratong nakikita sa mga kung saan-saan na nagpapaalam na dapat hindi ka nagugumon sa ganitong klase ng adiksyon. Sino ba naman kasi ang titigil sa pagsisigarilyo kung ang nakalagay sa pakete ng sigarilyo natin eh:

Government Warning: Cigarette Smoking is Dangerous to Your Health

Susmariasantisima, sino ba naman ang maniniwala sa gobyerno? Siguro eh marami-rami nang namatay na aktibista dahil na lang sa warning na nakasulat. Kalokohan ang makinig sa gobyerno.

Mainam pa sa ibang bansa tulad ng Singapore at... iba pang bansa, ang naka-drawing sa harap ng pakete ng sigarilyo eh yung nabubulok na bagang, gilagid, sabog at sunog na baga, pati na din ang madidilaw na pearly whites.

Ayan tuloy, sa kahiligan ko dito sa bisyong ito eh maging sa mga litrato kong ubod ng laki ang mga ngiti ay halatang-halata na ang epekto ng Nikotina.

Pistingyawa naman, bakit kasi ako nagpabaya. Dapat hindi na ako nagsubok. Dapat hindi ako tumikim. Ubod ako ng weak na weak na weak at hinding-hindi ko kayang labanan ang ganitong klase ng bisyo. Dito na marahil ako mamatay ng dilat at puro hangin ang utak.

Kung ang pagjajakol nga na agad-agaran ang resulta sa katawan, hindi ko maitigil eh, ito pa kayang saka na lamang lilitaw ang resulta sa dulo ng aking buhay? Ah, ewan ko. Ipakita mo sa akin ang hinaharap.


Isang malaking BAHALA NA sa pagtigil ko dito.


Nagsimula ako noong mga bandang second year college. Nagsusubok na ako nuong bata pa lang ako, pero di ko naman pinaabot sa lungs. Hanggang mouth lang. Ano ako, bading? Papaabutin ko pa sa lungs? Papaabutin ko pa sa throat at esophagus? Bakit pa eh pwede namang sa mouth lang. Duh? So icky.

Pero ngayong tumanda na ako, abot pa hanggang kaluluwa ang paghithit ko ng usok. Parang smoked ham ang baga ko na kailangan talagang babad na babad na sa tobacco essence. Di pa man din ako relax tuwing nagyoyosi ako kaya para akong nakarespirator na nasa number 3 ang settings. Samahan mo pa ng matinding usok na sumagupa sa baga ko nung nakaraang bagong taon. Para nang pinausukang damuhan ang lungs ko sa panahon ng Dengue. Mas maitim pa sa budhi ni Lolit Solis ang mga gilagid ko at bagang. Pati ang labi ko, sunog na sunog na din dahil dito.

Si Jerome kasi, madalas din siyang magsigarilyo. Siya lang ang nag-iisang dahilan ko ngayon dito kaya ako napapa-yosi. Inaalala ko lang naman din kasi siya para pag sabay kaming maoospital, may kausap siya sa kwarto. Yun lang pareho kameng di makahinga ng maayos. Yung isa kong kasamahan sa trabaho ay nagulat nung magsigarilyo ako ng magkasunod. Chain smoking. Akala niya raw ay nagbago na ako. Akala ko din nga kasi ay nagbago na ako. Pero di naman kasi nagbabago ang epekto as akin ng yosi.

Naalala ko pa nung bisperas ng bagong taon na sinabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa isang stick ng yosi "Ito na ang huling sigarilyo ko".

Pero ang nangyare eh yun pala ang huli kong sigarilyo para sa 2007. Meron pa pala akong unang sigarilyo sa 2008. Tapos nasundan pa ng ikalawa, tapos ikatlo, tapos ikaapat, tapos hindi ko na masundan pa ang bilang.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Nakaaliw kasi ang usok. Parang isang busilak na diwatang humahawi sa harapan ng iyong diwa.
Usok na pupuno sa iyong baga sa oras na dumampi ang iyong labi sa malambot nitong likuran.

Mayroong manamis-namis. Mayroong mapait at makati sa lalamunan. Mayroong mabango at amoy strawberry, melon, lemon, at orange.

Merong lights at menthol.

Kapag ako'y naglalakad, si Marlboro ang tangan ko.
Kapag ako'y nakatambay, ang Lights nito ang nasa kamay ko.
Kapag ako'y nag-iinom, Winston Lights ang hinihithit.




Kapag ako'y nauuyam, kahit ano'y pinipilit

Inalok ako ng ka-tropa ko. Isang mahabang stick ang kanyang hinugot. Menthol ang trademark nito. Kadalasan eh mga tatay pa ang nag-yoyosi nito. Nasabi ko na lang: "San ba ang byahe natin? Ako ba ay drayber?"

Madaming brand na akong natikman. Kasalukuyan kong nilalasap ang tamis ni Gudang Garam. Mabango, swabeng-swabe ang amoy. Parang fruit cake ang halimuyak. Throat-buster nga lang ang dating. Parang magaspang na buhangin.

Si DJ Mix, maraming flavor. May melon, lemon, orange, lime, at strawberry. Parang isang kaharian ng prutas ng walang-hanggang kaligayahan. Isang kahon ng mabangong substance na nagbibigay-sigla. Giniling na balat ng strawberry, lemon, melon, at kung ano pang prutas na maisipan nila. Mahusay kung may Durian.

Black Bat naman yung isa. Parang sigarilyo ni Dracula. Parang nakausli ito sa kanyang nguso sa tuwing lumilipad siya sa gabi. Parang ang usok ng Black Bat ang nagmimistulang mist form ni Dracula sa kadiliman. Parang isa itong parte ng utility belt ni Batman na kapag nagpapatakbo siya ng Batmobile ay nakasipit sa kanyang daliri habang sinasagip niya ang gabi. Black Bat ang matamis na stick na kulay itim na maaaring kahantungan ng bawat crevice ng iyong baga. Korteng itim na paniki na ang iyong lungs.

Si Capri, pambabae. Manipis at patpatin. Parang palito ang dating. Pero ganoon din katagal bago ito maubos.

Si West Ice, parang mild menthol lang.

Kung mayaman ka, andyan si Dunhill, si Camel, o si Blue Seal. Di naman ako nakakatikim ng mga yan dahil sa halagang P2.00, solb na ang araw mo.

Lahat sila, iisa ang tema, iisa ang itsura. Isang maliit na stick na may foam sa dulo. Isang stick na nageemit ng smoke. Isang stick na nakakapagdulot ng Lung Cancer, Emphysema, at Laryngitis, Shortness of Breath, and Halitosis.

Nakakadilaw ng ngipin at nakakaadik.

May tamang antas lamang ng nikotina sa utak mo kapag ikaw ay nagsisimula pa lamang. Kapag bigla mong itinigil ang iyong kahibangan sa usok, maghahanap ang utak mo ng paraan para matugunan nito ang pangagailangan sa nikotina.

Nakakamatay.

Ang usok na ito, ang isang panandaliang paraiso para sa pag-activate ng mga ideya at pampagising sa mga nawawalan ng oxygen sa katawan.

Isang masarap na panaginip.

Isang malasang usok.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Kung kailan man ako mapapatigil, ako lang ang may alam. Tama nga naman si FerBert na tumatanda na ang mga tao, kagaya ko. Kung ano man ang tunay na regalo na maiibigay sa akin ng kung sino man ngayong bagong taon, ang gusto ko ay ay yung pampahinto ng kalokohan. Hindi ako si Superman. Namamatay ako unti-unti at hindi ko ito nalalaman. Salamat na lang kung tumigil ito kaagad.

Bigyan nyo ako ng bagong lungs. May donor ba nun?

Elongate...

January 7, 2008

Tag 04 from FerBert

Muli nanaman nating pakikialaman ang blog na ito at susugpuin ang katamaran

1. Name one thing you do everyday.
- tumunganga maghapon

2. Name two things you wish you could learn.
- teleportation
- magbreakdance

3. Name three things that remind you of your childhood.
- sugat
- laruan
- pagtulog sa hapon

4. Name four things you love to eat but rarely do.
- blueberry cheesecake
- mamon
- caviar
- pakwan

5. Name five things that make you feel good.
- drugs(?)
- pornograpiya
- tsokolate
- pagtulog
- makapanood ng feel-good movie tulad ng Hostel

Elongate...

January 3, 2008

Espesyal

Bago pa man ako magsulat ng mga 2008-related posts eh gusto ko lang basagin ang katamaran ng blog na ito sa pamamagitan ng pagbubunyag ng isang malaking bagay na bubulaga sa buong Blogosperyo.

Alam kong marami ang naghahangad nito kaya naman nagpaka-stalker mode ako at nangalap ng impormasyon tungkol sa babaeng itatago natin sa pangalang




Kaya nga ba't hindi naman ako binigo ni Mr. Google at talagang nakita ko ang nais kong makita.

Syempre, ano pa nga ba ang hinahanap ko kundi ang...

(+(PICTURE NI XIENAHGIRL)+)
    

Sa sobrang kabaitan talaga sa akin ng tadhana ay mas pinalad pa akong makakita ng mas malaking kayamanan. Talagang tinalo pa nito ang Yamashita at El Dorado dahil sa tindi ng halaga nito para sa kagaya kong "mapaghanap".

Ito naman ay ang...

)*~SCANDAL NI XIENAHGIRL~*(


Madami naman akong natagpuan. Talagang ako ay sobrang biniyayaan dahil lang sa aking kabutihang-loob. Kita mo naman, pati larawan ng dyosa binibigay na sa akin. Putangina talaga, mapapajakol ako ng husto nito. Pero hinay-hinay lang. Baka kasi kung sang demanda mahantong ang kabulastugang ito.

Pakitignan na lamang sa aking BlogRoll ang link upang mapuntahan ang website.

Nakakapaglaway talaga. Ahaaay.

*DISCLAIMER*
Ang nasabing scandal ay walang kasiguraduhan at maaaring virus lamang. I-click sa sarili ninyong kagustuhan. Walang kinalaman ang site na ito sa panahon na i-download ninyo ang video at sumabog ang hard dicks... *ehem* hard discs nyo.

Wala akong kinalaman dun, intiendes? Bahala na kayo dyan everrrr. Manood na lang kayo ng pictures ni Xienah na walang kasing-HOTTT with at triple T.

ang post na ito ay pawang kabulaanan at katuwaan lamang. ungas na lang ang maniwala.

Elongate...

December 31, 2007

2007

Bagong taon na ngayon. Wala akong maisip ilagay na entry dito sa aking blog na makapagbabago ng kinabukasan ng bansang Pilipinas. Hangal na kung hangal pero nais ko yun para sa bansa natin.

Ang magkaisa.
Ang malipol ang pagkagahaman ng mga namumuno.
Ang masugpo ang kahirapan.
Ang mapalaganap ang edukasyon.
Ang maitaguyod ang kaunlaran ng bansa para sa ikalulutas ng lahat ng problema ng lipunan.

Wala nang magugutom. Wala nang mamamatay na mahirap at walang kabuhayan. Wala nang magpuputa sa kalye. Wala nang kaguluhan at giyera.

Ganun ang gusto kong klase ng blog entry. Ang malipol at mawakasan ang lahat ng pambasang krisis at problema.

Eh kaso lang kahit kailan hindi magiging ganoon ang blog ko. Magpakilig siguro ng mga chicks at magpatawa ng mga may sakit sa utak pwede pa.

Pero ang lumutas ng problema? Malabo. No way hose-hey. Iilan lang kayong mga nagbabasa nito. Salamat nang marami sa inyo *sniff sniff*.

Ano nga ba ang maaari kong maiwan sa nakalipas na taon?

Isang memorabilia post na magtatatak sa isip ng mambabasa at masasabi niyang "aaah, oo nga no?". Tumpak. Magandang ideya. Brilliant. Incredible.

Paano ko gagawin yun? I have no fucking idea. Mukhang sinabaw na talaga ng tuluyan ang isipan ko sa sobrang kakakain ng ma-bestin na pagkain.

Pero syempre, sinisisi ko lang ang betsin. Sa simula't-simula naman talaga, wala akong balak gumawa ng isang makulay na blog entry. Tama na ang pagpapanggap.

Magbibigay ba ako ng review para sa nagdaang taon? Hindi na siguro. Lahat sila ginagawa na yata yun. Sapat na ang isang libong flashback para sa mga tao. Hindi na nila kailangan ang sa akin.

Ano ba naman ang maikukwento ko?

Ang bawat isang gabi ko na ginugugol ko sa panonood ng pornograpiya at bawat umagang ginugugol ko naman sa paglilinis ng produkto ng aking malikot na kaisipan?

Ang bawat beses na sumablay ako sa opisina at nahuli ng mga bisor sa paglalaro ng computer games tuwing oras ng trabaho?

Ang bawat pagkakataon na halos madurog ang ngipin ko kakakiskis nila sa isa't-isa dahil sa galit at halos maubos ang lakas ng tuhod ko dahil naman sa panlulumo, nang malaman kong babagsak nanaman ako sa subject ko?

Ang mga kabiguan ko sa pag-ibig na mala-One More Chance ang dating?

Ang mga adventure ko bilang estudyante at bilang isang jobseeker?

Ang pagkakaroon ko ng sakit na Dengue?

Ang alamat ng aking buhay bilang isang virgin?

Ang pagiging isang blogger at pagkakaroon ng maraming kausap sa Internet?

Ang simula ng katauhan ni Mariano?

Ano nga ba ang ikukwento ko at gagawan ko ng flashback?

Wag na. Meron pa akong isang buong taon para diyan. Di ako magpipilit para isiksik ang pag-iisip at pagaalala sa mga naganap na bagay. Saka na ang nakaraan.

KINABUKASAN MUNA ANG IISIPIN KO.



= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Okay, okay, tapos na ang drama. Sapat na ang bullshit na nabanggit ko sa itaas para madescribe nang BAHAGYA ang year 2007. Saka ko na ikukwento yang mga ganyang bagay.

Mukhang masigasig ang nagbabadyang bagong taon para sa akin. Maaga akong nagising para tumambay sa internet at maghintay ng agahan.

Dumating si agahan at ako'y sumalok ng noodles pero ako'y nagulat ng bahagya nang matikman ko ang lubos na kalinisan ng aking pagkain. Anak ng katuray, lasang sabon. Hindi dishwashing liquid, kundi lasang sabon.

Palaisipan tuloy sa akin kung sino ang naghugas ng mangkok na ginamit ko. Alam kong malabo na ako ang nakapaghugas ng mangkok na yun kasi halos mabura na ang design at mabutas na ang ilalim ng mangkok sa sobrang kuskos ko.

Ah, hayaan na lang. Sayang ang noodles. Malinis naman ang sabon. Sige lang sa kain.

Matapos ko namang uminom ng iced tea ay tyempong dumaan si Mang Tiago the Magtataho sa labas. Saktong-sakto ang pagdaan ng paborito kong tindero. Well, kasi wala naman talagang ibang tindero ng taho dito sa amin. Walang choice. Monopolized niya ang lugar.

Tahimik naman ngayon sa lugar namin di tulad ng mga nagdaang taon na nagpuputukan na sa alas diyes ng umaga. Maliban sa triple torotot team ng mga pamangkin ko na bumasag ng bahagya sa aking pinakaiingatang ear drums ay wala nang ibang ingay na maririnig. Kahit pa ang talakera kong kunsensya ay di ko man lang naulinigan sa ngayon.

May kakaibang lungkot ang bagong taon ngayon para sa akin. Sa anong dahilan ay hindi ko na matukoy pa. Marahil ay dahil ito ng pagbabawal ng Piccolo sa mga tindahan o kaya eh ng kawalang-lasa ng mga dating masasarap na puto bumbong. Wala akong sapat na dahilan.

Matapos mautusan ng kaunti, maggupit ng bigote ng hipon, magmall at magbihis-tao, tumambay ako sa bahay ng kaibigan ko.

Ang kaibigan kong matagal ko nang hindi nakasama dahil sa pagbabago ng aming layunin sa buhay.

Ang kaibigan kong anim na taon kong nakasalo sa matatamis na alaala ng buhay. Ang kaibigan kong karamay ko sa kalahati ng buhay ko noong highschool. Ang kaibigan kong ninanais kong makasamang muli sa buhay kong ito. Ang kaibigan kong matagal ko nang hindi nayayakap at nasasabihan ng mga katagang "mahal kita". Ang kaibigan kong kapiling sa hamon ng buhay, tawanan, at maging ang mga pinakaiiwasang iyakan.

Dinalaw ko ang kaibigan kong naging dahilan ng pagkakaroon ko ng status na

"In A Relationship"

sa Friendster.

Kaibigan, palagi kitang inii-stalk. Palagi akong nagmamasid ng mga litrato ninyo ng iyong "close friend". Palagi akong napapangiti sa mga kuha mong nagpapa-cute. Sa mga magaganda mong anggulo, at sa mga posing mo na masarap pagmasdan. At maging ang status mong "married", madalas kong inaabangan na maging "single".

Kaibigan, dinalaw kita para mangamusta.
Gusto kong malaman kung ano na ba ang meron sa mga sari-sarili nating buhay.
Nais kong matanto kung magsasalubong pa ba ang landas natin.
Gusto kong gumawa ng paraan, para lang maibalik ang pagkakaibigang nawala.

Kaibigan, happy new year. Namimiss na kita.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Masakit sa ulo ang magsulat ng mga EMO na bagay-bagay kaya dapat eh kumain na lang tayo ng tira-tira sa media noche.

Ngayon lang ang taon na di ako nakapagpaputok. Naubusan ako ng paborito kong plapla.

Dibale, next year eh di ako magpapalampas.



Elongate...

December 28, 2007

Tag 03 from Noime

Ako ay muli nanamang napaunlakan ni Noime ng kanyang makapangyarihang tag kaya naman dagli-dagli ko itong ginawa at inilagay dito.

FAVORITES:

Colors : puti, itim, green, red, dilaw.
Food: Anong food? Ah, hmmm, yung bulanglang na gulay saka beef/fish/pork steak, menudo, barbeque
Song: Ah, yung mga top hits tulad ng kila Ne-Yo, Rihanna, Fall Out Boy, mga at ganun. Basta uso kagaya ng Cinderella, Boyfriends, Hagibis, at APO Hiking Society
Movie: Karaniwan mga Sci-Fi, gorey na horror, mga sex-comedy, saka mga teen flicks, saka yung mga may naghuhubad na babae, tapos yung may naghuhubad na babae tapos biglang kakarnehin ng killer.
Sports: yung hindi nakakapagod. ah, siguro eh, takbuhan? Oo, yun na nga siguro.
Day of the week: Weekends. Para sa beauty sleep at walang kwentang pagtambay.
Season: Tag-lamig para magamit ko naman ang pamorma kong jacket na hindi nalalabhan at mabigat na dahil sa libag.
Ice cream: Vanilla, Chocolate Marble, saka Strawberry.

CURRENTS:

Mood:
Tinatamad
Taste: Matamis mula sa asukal ng Ensaymada
Shirt: Kulay puti na Bohol t-shirt
Desktop: Anong desktop? Ano bang mga tanong to. Wala, kulay pink na background
Toenail: Unclipped since last month.
Time: 8:21AM
Surroundings: Peaceful and malamig at puro nga taong nag-aaral, pwera ako.
Thoughts: Robust

FIRSTS:

Bestfriend: Kapitbahay kong si Pj
Movie: Alladin, hmmm. Tama ba? Alladin nga ba or Cinderella? Alladin nga ata.
Lie: Ah, matagal na eh. Saka patong-patong na din kasi kaya di ko na maalala.
Songs: Yung kinakanta ng nanay ko pag naghehele saken. Parang ang tono eh hmmmm ah-hmmmnnn, hummmnnn.. ganun ang tono.

LASTS:

Cigar: Kahapon
Drink: Hot Choco-Cream-Sugar-Coffee mix
Car ride: FX ride to office. Walang trapik, ambilis.
Phone call: Nung pasko, sa tatay ko.
CD: Nung second week ng December, MP3 na CD ng mga Alternative na kanta

HAVE YOU EVER:

Dated your best friend: Maghahanap muna ako ng chicks na bebesprenin.
Broke the law: Ah, oo madami nang klaseng batas. Pati batas ng kalikasan nilabag ko na eh.
Been arrested: Nung nang-shoplift ang katropa namen. Nasakote kame sa labas ng mall.
Kissed someone you don’t know: Ah, wala pa. Mahirap yun, baka may sakit kasi.

5 THINGS YOU’RE WEARING:

pares ng sapatos
tshirt
shorts
pantalon
pares ng medyas

4 THINGS YOU’VE DONE TODAY:

Magtamad
Maligo
Magbasa
Kumain

3 THINGS YOU CAN HEAR NOW:

Ugong ng aircon
Nguya ng pagkain
Lagitik ng tiklada ng computer

Elongate...

December 26, 2007

Fuel Your Drive

"Fuel Your Drive"

Sikat na tagline ng isang tatak ng gasolina. Ito din yata ang paboritong motto ng mga driver ng pampublikong sasakyan na sinasakyan ko.

Nung nag-aaral pa ako at araw-araw akong sumasakay sa mga pampublikong jeepney(ngayon kasi medyo upgraded na at FX na ang moda ng transportasyon ko), mahigit sa 80% ng nasasakyan kong jeepney, dumadaan sa gasolinahan para magkarga ng diesel.

Alam kong loser na ako, sapat na itong dahilan. Sumpa yata itong nakatatak na sa katauhan ko.

"Halos lahat ng masasakyan mong PUV, dadaan sa gasolinahan"

Ito yata ang parusa sa akin sa sobra kong pangungupit nung kabataan ko. Lahat ng kasamaan ko, nai-sum total na sa parusang ito.

Hindi ko din maipaliwanag kung bakit ganoon ang mga pangyayari sa buhay-byahero ko.

Hindi ako mukhang star.
Hindi ako mukhang shell ng halaan.
Hindi ako mukhang isang malaking naglalakad na letter P.

At kung ano pa mang insignia meron ang mga iba pang gasolinahan, kahit kailan, hindi ko sila naging kamukha para magpaalala ako sa drayber ng pagdaan sa gasolinahan. At kung mauupo man ako sa tabi ng drayber, sinisigurado kong hindi ako nagpabango o uminom man lang ng gasolina para maipaalala sa kanilang dumaan sa gas stations.

Pero hindi eh, sadyang ganun ang aking kapalaran sa kalsada.

Hindi ko pa ito napapansin nung una. Binabale-wala ko lang. Akala ko naman, normal na. Pero naulit siya. At naulit pa uli. At dumalas. At di ko na matanggap kung bakit ganun. At nagtaka na ako. Pero di ko na hinanapan pa ng dahilan.

Sa lahat na yata ng sasakyan naganap yun. Sa jeepney ang pinakamadalas. Nung estudyante ako eh malaking sagabal sa pagiging early bird ko "sumpa" ng paggagasolina. May higit sa 20 hanggang 30 minutos ang nawawala sa byahe ko kapag ganun ang sitwasyon. Computed ko pa man din ang oras ng byahe ko. Kapag dumadaan sila ng gasolinahan, kailangan ko nang tumakbo para lang maging 10 minutes lang ang late ko at hindi 30 minutes.

Hindi lang naman sa pagpasok. Maging sa pag-uwi din.

Unang pagkakataon: Pumara ako ng jeepney at sumakay. Naggasolina ito.

Ikalawang pagkakataon: Nagpalampas ako ng madaming jeep dahil alam kong mataas ang tyansa na ang unang mapapara ko eh ang siyang dadaan sa gasolinahan. Mga tatlo o lima ang pinalampas ko. Pagpara ko, yun pa ang dumaan sa gasolinahan. Swerte.

Ikatlong pagkakataon: Sa paglampas ako ng gasolinahan nag-abang. Nakasakay naman ako ng ayos. Pero sa pangalawang gas station naman nagdaan ang jeep. Malayo na ang lalakarin kung dun pa ako mag-aabang sa ikalawang gas station. Mas lalong swerte.

Napansin din ito ng mga kasabay ko. Namangha na lang siya sa pangyayare. Akala niya joke lang. PERO TOTOO PALA.

Ngayon namang sa FX na ako, di din ako nakakaligtas. Akala ko iba ang diskarte ng mga FX drivers at full tank sila palagi bawat byahe. Pero hindi din. Mga 20 meters mula sa bababaan ko, may mauunang gas station. Talagang kailangan pang tumigil doon ng FX. Na-pipilitan na lang tuloy akong lakarin mula sa gasolinahan patungong babaan. Nakakasawa na. Malapit ka na lang sa babaan, lalakarin mo pa.

Sa bus naman ay ganun din. Palibhasa tatlo na lang kameng pasahero. Pinalipat na lang kame ng bus dahil mag-gagasolina na daw sila. Nadadaanan kasi ang istasyon ng bus na kung saan may sarili silang gasolinahan. Tangina, ang laki-laki ng bus, nauubos pa ang gasolina. Andami-daming lalagyan ng gasolina nun eh.

Masaklap at nakakabuwisit, pero kaylangang tanggapin. Di ko naman pwedeng itanong sa bawat drayber ng sasakyan na paparahin ko kung dadaan ba sila ng gasolinahan. Hindi ito ang tipikal na tanong ng isang pasahero.

"Manong, dadaan po ba ito ng palengke?"
"Manong, magkano po hanggang istasyon?"

"Manong, magkakarga ba kayo ng gasolina?"

Hindi ito tradisyunal na tanong. Baka mawindang ang drayber at mag-amok. Di ito sanay sa mga ganoong tanong.

At syempre, malamang di naman nila sasabihin ang totoo. Nakakahinayang ang pasaherong ayaw sumakay dahil dadaan lang sila sa gasolinahan.

Alam kong nakabubuti ito sa akin bilang pasahero. Garantisadong di titirik sa lansangan ang sinasakyan ko dahil may gasolina ito. Sa isang banda, nagpapasalamat na din ako sa tadhana at ipinakikita niya sa akin ang mga ganitong bagay. May positibong mensahe ang kamalasang ito.

Pero siguro sapat nang sumpa yun. Nakakabuwisit pero tatanggapin ko na lang. Sana lang sa mga susunod na pagkakataon, magkarga ang mga drayber bago ako sumakay, at hindi sa mismong lugar bago kung saan ako bababa.

Ikaw, gusto mo bang sumabay sa akin?

Elongate...

December 23, 2007

Pamaskong Panulat

Ano ba ang tunay na simbolo ng Pasko? Regalo? Kris Kringle? Party? Girls Gone Wild, Christmas Edition?

Ah, hindi ko din alam. Wala naman akong heart-warming na experience ngayong pasko. Marami pa nga akong nababalitaang mga kalungkot-lungkot na bagay ngayong pasko kesa sa mga kwento ng kaligayahan. Yung pamilya ng kaibigan ko, nasunugan. Yung mga kamag-anak ng iba ko pang kaibigan, nasa ospital at naka-ICU.

Masaya man na malaman na marami ang tumutulong manalangin sa mga kaibigan ko, nakakalungkot pa ding isipin ang mga ganoong klase ng mga pagsubok sa buhay.

Pero siguro sadyang ganun ang buhay. Pinapanatili niya tayong makatotohanan sa lahat ng oras, sa anumang pagkakataon. Hindi sa lahat ng pagkakataon maligaya ang pasko. Merong mga bagay na magaganap na hindi natin inaakala.

Ito na marahil ang pagsasabi ng pasko sa atin na maging matibay tayo sa hamon(challenge at hindi ang ulam) ng buhay. Sa panahon ng pasko, dapat magtalaga tayo ng kahit kaunting tapang at katatagan ng kalooban. Samahan na din natin ng init ng damdamin at buong-pusong pasasalamat sa Maykapal sa lahat ng bagay sa ating buhay.

Pagmamahal, pagpapatawad, pakikisama ang ilan sa tunay na diwa ng pasko. Hindi ang kung ano man sa karamihan ng materyal na bagay. Mas makabubuti sa katauhan mo ang mga bagay na ito. Ilan ito sa makapagpapatibok ng puso mong nagdamdam buong taon.

Kaya nga ba't mas mainam ang mga bagay na hindi materyal. Hindi yung mga bagay na gaya ng bag, medyas, make-up kit, damit, at mga lingerie.

Mas mainam ang tunay na regalo ngayong pasko. Ang pagmamahal, pagpapatawad at pag-unawa, at maging ang mga mumunting bagay na hindi engrande ay nakapagdudulot ng paskong kaligayahan sa puso ng bawat isa.

Ang ilan sa mga halimbawa nito ay:

Regla - bukod sa nababagay ang kulay nito ngayong pasko, wala nang tatalo pa sa pagkatanggap ng balita na 'meron' ang gelpren mo. Tunay ngang lubos ang pagdiriwang mo ngayong pasko at makakapagparty ka pa ng lubos at walang iniisip na paghahanda sa kinabukasan ng anak mo.

Yakap at halik - tunay ngang masaya ang makatanggap ng yakap at halik ng minamahal mo sa buhay. Nakakapagbigay ng init ang yakap sa malamig na gabi at nakapagsisimula ng init sa ilalim ng kumot ang mga halik, lalo na't may kasama itong laway na lasang hamon at keso de bola. Mas mainam kung makakapagbigay ng yakap, halik, at kaunting kurot ang mga sikat na artista tulad ni Angel Locsin, Katrina Halili, at Cytherea. Wag lang sana akong yayakapin ni Santa Claus lalo na't buong araw na siyang nakasuot ng kanyang balot na balot na damit at hahalikan ng kanyang mala-talahiban na balbas. Baka ma-allergy ang sensitibo kong skin.

Simpleng disguise kit - ito ang tiyak na makapagpapaligaya sa mga ninong at ninang na ubod ng dami ang inaanak. Maiiwasan ang mga ambush pamamasko ng mga inaanak nila kung makakapagsuot sila ng simpleng disguise tulad ng uniporme ng katulong, mumurahing wig, pekeng peklat, at ang salamin-bigote-malaking ilong na nabibili sa kalsada

Organ - hindi ito ang organ na tinutugtog ng mga piyanista. Ito ang organ na nakakalikha ng isa pang nilalang kapag nagsama ang isa pang organ ng salungat na kasarian. Ito ay makapagbibigay ligaya sa mga misis na iniwan ng kanilang mga mister sa kalamigan ng pasko.

Awiting pamasko - kahit naman alam natin na nakakairita ang mga carolers tuwing pasko, gaya ng nabanggit ni Aleli, eh hindi din naman natin maiaalis sa puso natin na minsan gusto din nating makarinig nga mga cute na boses galing sa mga cute na cute na mga bata na nagiging mga cute na halimaw sa oras na maging kuripot ka sa kanila. Mas masaya siguro kung bibigyan ako nila Avy Scott at Keeley Hazell ng pamaskong awitin gamit ang aking microphone.

Christmas greeting - isa itong magandang regalo lalo na sa mga kamag-anak mong malayo sa piling mo, gaya nung anak nyo ng diniborsyo mong asawa, yung magulang mong sampung taon nang hindi mo binabati dahil nagkagalit kayo, o kaya naman eh yung mga kaaway mong gusto mo nang mamatay. Hindi basta-basta ang ganitong klase ng pabati dahil kaylangan mo ng sapat na tibay ng loob at determinasyon para ito maisagawa. Okay lang yan, pasko naman.

Tagay mula sa kung kahit na sino - ito na marahil ang naenjoy ko sa panahon ng kapaskuhan at gugustuhin ko ng maganap sa buhay ko hangga't may pasko. Lalo na sa probisya namin na talagang malalasing ka na bago ka pa makarating sa talagang lugar ng inuman. Dahil nga halos lahat ng tao magkakakilala, ayos na ayos lang na makitagay ka lang sa kung kahit kanino at kahit saan. Wag ka lang sana yakapin at halikan ng mga lasing.



Yan lamang ang ilan sa mga simple at hindi materyal na bagay na naisip kong makapagpapasaya ng mga tao ngayong pasko. Tandaan natin na hindi pera, materyal na bagay, at pornograpiya lamang ang nakapagpapasaya sa mga tao sa pasko.

Marapatin nating isapuso ang bawat isa sa ating mga mahal sa buhay, iwaksi ang ating mga pagkakasala, at punuuin ng kabutihan at pagmamahal ang bawat anek-anek ng ating heart ngayong panahon ng pasko.

Maraming salamat sa mga kaibigan ko dito sa Blogosphere. Pinasaya nyo ang pasko ko.

Lalo na sa mga madadalas kong kadaldalan na sila

Xienah
Aleli
Noime
Fer Bert
Ignoramus

Maligayang Pasko sa inyong lahat mga friendly friends.

Elongate...

December 21, 2007

Ala-Ala ng Ale

Noong unang panahon, merong isang matandang ale.

Pero hindi naman talaga siya matanda noon. Pero nakapagtataka kasi unang panahon pa yun pero matanda na siya.

So ibig sabihin mas una pa sa unang panahon ang panahon na kung saan bata pa siya.

Eh di ayun nga, nung una pa sa unang panahon na kung saan bata pa siya, mahilig ang matandang babae (na bata pa talaga kasi nasa una pa sa unang panahon ang setting) na magwalis sa bakuran niya. Araw-araw, tuwing umaga, kinukuha niya ang kanyang walis ting-ting na nagmula pa sa Europa, upang ipangwalis ng kung ano man ang nasa bakuran niya. Mga tansan ng beer, mga dahong natuyo na, mga sanga at ipot ng manok, mga langgam, mga prutas na bulok, at mga alikabok. Meron din siyang dust pan na gawa sa lata ng Rebisco Mixed Biscuit na nahingi niya sa kamag-anak ng namatay niyang kapitbahay. Malaki ito at kayang dumakot ng isang punso ng langgam, o kaya eh isa't-kalahating balat ng buko, o kaya naman eh mahigit sa dalawandaang piraso ng tuyong dahon ng puno ng Caimito.

Sa bawat umagang pagwawalis ng ale, mapapansin mo ang kanyang taglay na kagandahan. Mayumi ang kanyang damit. Balingkinitan ang kanyang kilay. Mapusyaw ang kanyang buhok. Maitim ang kanyang pusa. Mahaba ang kanyang saya, matambok ang kanyang pulso, at makipot ang kanyang mga titig.

Paiba-iba ang paraan niya ng pagwawalis. May patalikod, merong patagilid, at meron ding 360 degrees, behind the back, under the leg, tomahawk jam na pagwawalis.

Ganito ang sitwasyon sa bawat umaga sa bakuran ng ale. Kukuhanin ang walis at dust pan, magwawalis, at pagkatapos magwalis, papasok sa loob ng bahay para magpatugtog ng mga bagong album ng alternatives at RnB at Hiphop.

Mahusay ang pagwawalis ng ale. Makikita mong walang bahid ng anumang kalat sa bakuran niya matapos niyang magwalis. Mahihiya kang pumasok sa bakuran ng ale sa tuwing matatapos siya sa pagwawalis. Iispin mong isang mortal na pagkakasala ang katumbas ng pagtapak mo sa bakuran niya pagkatapos ng ritwal sa umaga.

Ngunit isang araw, ako'y naglakas-loob upang lapitan at bahagyang makahuntahan ang aleng walisera. Sa proseso ng kanyang pagwawalis, tila ba siya, ang lupa, ang walis, ang mga kalat, at ang dust pan lamang ang mahalaga. Alam kong malaking kahibangan ang lapitan siya sa mga sandaling yun subalit alam kong mas malaking kawalan sa katauhan ko kapag hindi ko siya nakausap.

Nilapitan ko ang ale ng dahan-dahan habang winawalis niya ang tumpok ng dahon. Napuna naman niya ang paglapit ko at itinigil niya ang kanyang ginagawa. Tinignan niya ako at ngumiti siya.

Kumapit ako sa bakod ng kanyang bahay at ngumiti din. Binati niya ako.

"Wassup dawg?" Bati ng ale.


Ako ay nagulat at nasorpresa sa ginawa niyang pagbati. Mula sa pagbati niya at napag-alaman ko ang parte ng katauhan ng ale na pala-kaibigan.

"Everything's cool y'all. What you be trippin'?"

"Heto, maayos naman. Madaming kaylangang walisin. Makalat nanaman ang bakuran. Ano ba ang pwede kong maitulong sa iyo hijo?"

Napatingin ako ng bahagya sa lupa na winawalis niya at sa walis niyang may kakaibang yari. Ibubuka ko pa lang ang kissable lips ko para magtanong pero naunahan na ako ng sagot.

"Nasa akin na ang walis na ito mula pa nung limang taong gulang na ako. Regalo ito sa akin ng namayapa kong lolo. Kung mapapansin mo ang tatak, nakalagay na gawa ito ni Louis Vuitton sa Italya. Isa ito sa unang klase ng ganitong produkto."

Namangha ako sa kanyang kagamitan. At mas lalo pang pinatindi ng sagot niya ang pagkamangha ko. Ganun pala talaga ang itsura ng walis. Sa labing-walong taon ng pananatili ko sa mundong ito at pagmamasid sa mga bagay na di kaylangang masdan, ngayon ko lang nakita ng malapitan ang walis ng ale.

Naririnig ko lang kasi ang tungkol dito sa iba pang kapit-bahay. Napagmasdan ko ito ng husto. Gusto ko itong mahawakan pero nung aktong hahawakan ko na, inilayo ito ng ale. Napakunot ang kanyang noo at kulang na lang eh fuck you-hin niya ako.

"Pagpasensyahan mo na hijo, alam kong tanga ang dahilan pero hindi mo ito pwedeng hawakan dahil mayroon itong sentimental value sa akin. Walang iba pang tao ang nakakahawak nito maliban sa aking lolo. Wag ka nang dumagdag please, you mother fucker."

Hindi ko na inusisa pa ang dahilan dahil alam kong di ko din naman maiintindihan. Baka sa french niya pa ipaliwanag ang dahilan, mabugnot lang ako. Sapat na ang murahin ako ng ale para malaman kong hindi ito dapat hawakan ng ibang tao.

Nagpatuloy sa pagwawalis ang ale. Pinanood ko siya. Pinanood ko ang kanyang pagwawalis. Pinagmasdan ko ang tikwas ng kanyang mga palad, ang pilantik ng kanyang mga daliri, ang pagpatak ng pawis mula sa kanyang mga noo. Alam ko, sa mga panahong iyon, masaya siya kahit misteryoso ang kanyang buhay.

Lumakad ako papalayo dala ang pag-asa na isang araw, magkakaron ng anak ang aleng yun at maliligawan ko. Grabe kasi yung ale, ang hot as in putanginang ang ganda at ang sexy. Sobrang nakakatakam. Parang sa unang tingin pa lang, mapapa-oh lala ka na sa sobrang kasabikan mo at gugustuhin mo nang manggahasa ng camel na may dalawang humps.

Natapos na ang pagwawalis. Pumasok na ang ale sa loob ng kanyang bahay.

Naiwan lamang ang malinis na bakuran. Ang tahimik na pagwagiswis ng mga dahon puno, at ang ala-ala ng aming pag-uusap na dadalhin ko sa aking pagtanda.

Elongate...

December 19, 2007

Pulis Pangkalawakan

Nakaka-engganyo.


Ako'y namangha sa misteryo na bumabalot sa telebisyon na tinatawag na Zaido. Ako'y nagmanman sa Internet upang maghanap ng mga impormasyon sa kanila subalit kagaya ng laging nangyayare ay inatake nanaman ako ng paborito kong sakit na katamaran.

Pero meron naman akong nakuhang impormasyon sa mga nilalang na tinatawag na Zaido bago ako abutan ng procrastinating monster.

Sino nga ba ang mga Zaido? San sila nagmula? Ganun ba talaga ang itsura nila?

Ito ang ilan sa natagpuan kong impormasyon:

-Sila ang mga pulis pangkalawakan galing sa angkan ni Shaider
-Sila ang nagmana ng posisyon ni Shaider bilang mga Space Rangers
-Tatlo silang lalake(?)
-Binubuo sila ng basic colors na RGB.
-Maaaring sila ang anak nina Annie at Shaider
-Mayroon silang mga litrato ng pakikipaglaban ni Annie (na posibleng nanay nila) na gaya nito:


-Sila ay nagti-threesome sa loob ng banyo ng spaceship nila
-Umiinom sila ng grasa
-Nagpapapak sila ng baterya
-Ilaw lang ng flashlight ang lumalabas sa baril nila
-Emo talaga sila at hindi tulad ng pagkakaalam natin na Metal na pulis hero
-Sadyang pinalalamanan nila ang mga betlog nila para dun tumitig ang mga kalaban at manalo sila

Talaga nga namang mahuhusay ang mga Zaido sa larangan ng pagliligtas ng sangkamunduhan (teka, ampangit ng tunog), SANGKALAWAKAN.

Kaya nga ba't minarapat kong kumuha ng isang pagsusulit na natagpuan ko sa Internet upang malaman ko kung anong kulay ko ba sa mga Zaidong ito. Nais kong matuklasan ang katauhan ko bilang isang Zaido.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
i-click sa larawan para makapunta sa website

Maaaring down ang server na yan dahil sa maraming nagpupunta sa site nila para kumuha ng pagsusulit. Clogged na ang system.

Napakaswerte ko at nakapasok ako sa website na iyan. Kaya naman minarapat ko nang kuhanin ang mga tanong na nakita ko sa site para naman kung gustuhin nyong sumagot eh makakapagsagot kayo.

Narito ang mga tanong:

1. Ilan ang paa at kamay ni Fuuma/Kuuma Le-ar?

a. Isa
b. Isa't kalahati
c. Tatlo
d. Sampu

2. Babae ba talaga si (Babaylan) Ida?

a. Oo
b. Hindi
c. Pwede siyang magpalit ng kasarian base sa mood ni Drigo

3. Ano ang tatak ng lipstick ni Drigo?

a. Maybelline
b. Avon
c. Chin Wang Dong
d. Atsuete
f. Katas ng pusit

4. Sino sa mga amazona ang virgin pa?

a. Amazonang Rosas
b. Amazonang Itim
c. Amazonang Kahel
d. Amazonang Lila
e. Amazonang Puti
f. Wala. Lahat sila tinira na ni Fuuma Le-ar at ng kanyang ga-Vavilos na sandata

5. Nagpapalit ba ng kulay ng panty si Annie?

a. Oo
b. Hindi
c. Hindi panty ang suot niya. Piraso lang ito ng tela na naka-masking tape sa bewang para easy-access si Alexis

6. Saan gawa ang Vavilos?

a. Sa Bakal
b. Sa Karton
c. Sa China
d. Sa Recto/Divisoria

7. Malakas bang tumama ang Shaider Punch?

a. Oo
b. Hindi
c. Mas malakas pa ding tumama ang Ginebra San Miguel na may Red Horse Beer

8. Kapag nagbato-bato pick si Zaido Blue, Zaido Red, at Zaido Green, sino ang mananalo?

a. Red Zaido
b. Blue Zaido
c. Green Zaido
d. Wala. Ibang bato ang titirahin nilang tatlo

9. Sino ang pinakamagaling magmaneho ng sasakyan?

a. Shaider
b. Zaido Red
c. Zaido Blue
d. Zaido Green
e. Mask Rider Black

10. Lupa lang ba ang kayang i-penetrate ng Battle Tank?

a. Oo
b. Hindi
c. Kaya din nitong i-penetrate ang puri ni Annie, ni Ida, at ng mga Amazona

11. Saan nagmula ang mga Zaido?

a. Sa angkan ni Shaider
b. Sa kalawakan
c. Sa Talent Center ng GMA
d. Sa Starstruck
e. Sa Panty(tela) ni Annie

12. Kamukha ba ni M. Bison(o Vega sa Japanese) ng Street Fighter si Commander Zion?

a. Oo
b. Hindi
c. Kamukha niya si Christopher De Leon. Minsan si Nora Aunor

13. Ano ba ang kayang putulin ng Shaider Cutter?

a. Mga Kalaban
b. Si Fuuma/Kuuma Le-ar
c. Etits ni Ida
d. Pagmamahalan

14. Ano ang isinisigaw ni Zaido Blue kapag magpapalit na siya ng anyo bilang Zaido Blue?

a. Codename: Zaido Blue: Alagad ng Kapayapaan
b. Codename: Zaido Blue: Sugo ng Kabutihan
c. Codename: Zaido Blue: Bantay ng Kalayaan
d. Codename: Zaido Blue: Bakat ng Sangkamunduhan

15. San ka dadalhin ng mga katagang "Time Space Warp, Ngayon Din!!!"?

a. Sa Mundo nila Le-ar
b. Sa Locker ni Davy Jones
c. Sa Boracay
d. Sa Kwarto ni Ida.Nakatali ka na. May latigo si Ida at maraming-maraming kandila. Tapos meron din yung nanginginig na batuta

16. Ano ang suot ni Drigo sa ulo niya?

a. Helmet
b. Teflon na kaldero
c. Illustration board na binilog
d. Basurahan na may shell ng alimasag

17. Ano ang nagagawa ng tungkod ni Ida?

a. Wala. Props lang
b. Nagpapalabas ng "Time Space Warp, Ngayon Din"
c. Panungkit ng mangga
d. Pampaligaya sa malalamig na gabi at kapag nasa misyon si Drigo

18. Bakit malalaki ang mga mata ng Miraclers (mga foot soldiers na laging tumatalsik sa bawat labanan at taga-kidnap ng kahit na sino sa istorya)?

a. Hindi
b. Oo
c. Dahil sa pagko-costume change ng mga Amazona sa harapan nila

19. Totoo bang ang mga Amazona na ang bagong Sex Bomb Dancers?

a. Oo
b. Hindi
c. Sila ang bagong cast ng Daisy Siete

20. Sa paanong paraan matatapos ang palabas na Zaido?

a. Mauubusan ng budget ang GMA
b. Tataba ang mga Amazona
c. Mawawalan na ng appeal ang bakat ni Zaido Blue
d. Tatalunin sila ni Lastikman
e. Aksidente silang magagamitan ng "Time Space Warp, Ngayon Din" at di na sila makakabalik sa Pilipinas


At narito na nga ang mga katanungan para sa pagsusulit.

Natapos ko ang exam at ito ang resulta niya.

Aba! Talagang mahusay! Hindi na ako ganoon ka-loser nito! Nakakatuwa naman at ang ganda ng resulta ng pagsusulit ko.

Ako daw pala ay si BLUE ZAIDO!!! Hindi ko naman pwedeng ipagkait yan dahil yan ang resulta ng pagsusulit. Wala naman akong dinadaya dyan.

Pwede mo ding sagutan ang exam na yan kapag aktibo na ang server nila. Sa ngayon, pwede mo munang sagutan ang mga tanong mula sa blog entry na ito.

*Tip lang, maaaring ang tamang sagot para makuha ang Blue Zaido na resulta eh yung pinakahuling sagot.*

Sa tingin mo, sinong Zaido ka?

Elongate...

December 17, 2007

Marunong Ka Ba?

Haaay, mahirap talaga kapag tamad ang tao. Walang prodaktibidad sa isang araw. Maghapong nakatanga, nag-aabsorb ng lamig ang balat, nagdadagdag ng dead skins sa paligid, at nagkakalat ng buhok sa katabi. Bakit ba naman kasi yung pag-aaral pa ang iniatas sa akin. Hindi naman sa ayaw ko nun, pero hindi ako pala-aral na tao, at lalong hindi ako mahilig magbasa.



Mabuti na lamang at walang mababangis na asong nanlalapa ng tamad at mga berdugong nanlalatigo dito sa kumpanya kapag nakikita kang gumagawa ng kabulastugan. Alam na natin siguro na baka nalumpo na ako at nagkaroon nang maraming teethmarks sa aking katawan kung ganoon nga ang kondisyon.


Pero hindi naman ganoon ang kundisyon. Maluwag ang kumpanya at galante. Binabayaran ako sa pagba-blog ko. Dito lang ako kadalasang nakakapagsulat ng entries. Ang swerte ko sa kumpanyang ito. Pero mas swerte sila sa akin. Sa anong dahilan? Nasa kanila si Mariano, ang hari ng mga loser.

Pero sana lang hindi sila nagkabit ng mga hidden camera dito sa paligid ko. Mahirap na ang madiskober, baka hindi ko kayanin ang kasikatan. Takot ako dun eh, ayoko nang napapansin kapag nagtatambling ako sa harapan nila at kapag nagjo-joke ako na talagang kita ang kaluluwa nila pag tumatawa. Ayoko ng atensyon.

Nakatulala nanaman ako dito sa upuan ko, nakabukas ang PDF format ng librong dapat aralin. Hindi ko siya inaaral. O sige, ipagpalagay na natin na inaral ko siya, pero within one or two minutes lang ang maximum na itinatagal ko. Nagmimistula lamang dekorasyon ang PDF file na ito sa monitor ko. Hindi nga lang dekorasyon kundi pati na din DECOY para sa mga dumadaang bisor at manager.



Baka naman kasi sawa na silang makakita ng games at mga windows ng makukulay na blog sa monitor ko, kaya ito, nagpalit muna ako ng environment sa PC. Naka-zoom pa ang page para naman makita agad ng mga nagdadaang bisor na nag-aaral talaga ako at hindi ako nagtatayp lang ng kung anu-ano.

Wala talaga eh, wala akong magawa para sa sarili ko. Nagbibilang lang ako ng mga bintana sa buildings. Nag-aabang ng mga trabahador na pwedeng malaglag mula sa 20th floor ng katapat na gusali. Nag-iisip ng masarap na meryenda. Nagkakamot ng ulo. Nagteteks. Gumagawa ng walang kwentang bagay.

Natural, kung walang kwenta ang ginagawa ko, walang kwenta din ang lalabas sa isipan ko.

Kagaya na lang ng mga salitang ito, basta na lang sila lumitaw. Eh kesa sa masayang, isusulat ko na lang.

Marunong Ka Ba?
by Mariano

Marunong ka bang manahi?
Marunong ka bang maglaba?
Marunong ka bang mamalantsa,
Pagkatapos mong maglaba

Marunong ka ba ng science?
Marunong ka ba ng math?
Marunong ka bang tumikim
Ng putaheng maaalat?

Marunong ka bang maglakad
Kapag trapik sa lansangan?
Marunong ka bang mag-ipon
Ng budget mo kada buwan?

Marunong ka bang mag-gitara?
Marunong ka bang magtambol?
Ang haba ng buhok mo
Member ka ba ng banda?

Marunong ka bang makipaglandian
Sa babae sa lansangan?
Marunong ka bang makipagpresyuhan
Kapag tapos ka nang makipaglandian?

Marunong ka bang magsuot
Ng proteksyon sa labanan?
Dahil kung di ka marunong
Malulusaw ang iyong talong

Marunong ka bang magmahal
Ng lubos sa inaasahan?
Konting hinay lang kaibigan
Mahirap kapag nasasaktan

Marunong ka bang magpatawad
Sa gumawa sayo ng kasalanan?
Kumalma ka lang kaibigan
Baka umabot pa sa saksakan

Marunong ka bang magbalanse
Ng prayoridad sa yong buhay?
O di kaya naman ay
Kumain ng sinabawang gulay

Marunong ka man sa buhay
At sa lahat ng labanan
Subalit kapag libog ang kumatok
Ay wag mo itong iiwasan

Matuto kang magbukas
Ng pinto ng kalibugan
Dahil wag ka nang matuto sa lahat
Basta't marunong ka sa kantutan

Elongate...